ELVIRA'S POV
OUR SHORT VACATION in Cebu has ended. We are back now in Manila and preparing for our wedding 2 days to go.
May bridal shower kami mamayang gabi at may bachelor party naman sina Jax.
Ngayon ay nakain na kami ng lunch and pinapunta ko na rin si Cindy.
"Elvira, papayag ka ba if I want to get married again?" Dad suddenly said while we are eating.
"Well, if you want to, then go. Mom will be happy if someone is there to take care of you. And isa pa I am getting married na rin naman, I will be having my own family na so it's fine for me na magpakasal ka. Mom is already dead 5 years ago na rin naman. I know magiging masaya yun." Sagot ko at kumain ulit.
"Talaga? Kahit sino? Kahit anong edad?" He asked.
"Yes. Kung mahal niyo na talaga ang isa't isa and handa na magpakasal then I have nothing to worry. As long as she can take care of you." Sagot ko.
"Edi magpo-propose na ako sa kaniya. Confirmation mo na lang naman inaantay namin eh." He said kaya tumango ako.
But then bigla naman nasamid si Cindy.
"Oh yan kasi kain ng kain. Lamon pa more." Pangaasar ko nang ubo siya ng ubo.
Uminom na siya ng tubig at tumingin samin at pilit na ngumiti.
"Are you okay?" Tanong ni Dad kay Cindy kaya tumango naman siya.
Nang maka-recover na siya ay pinagpatuloy niya ulit ang pagkain niya. Ganun din kami.
"Pero Dad, sino ba yung girl?"
"WHAT?!" Gulat na tanong ko at pabalik balik ang tingin kay Dad at sa babaeng katabi niya.
"Why? Sabi mo ayos lang." Nakangusong sabi ni Dad kaya natawa ako ng mahina pero nagseryoso rin ako agad.
"But Cindy is my best friend!" Yes! Cindy is the one na sinasabi pala ni Dad!
"Oo nga. Eh kaso pasensya nagmahal lang." Pangangatwiran nanaman ni Dad.
"Yung best friend ko magiging step mother ko na." I calmly said while staring at her.
Kinindatan naman ako ng gaga kaya nginiwian ko lang siya pero natawa pa rin siya.
"Halika. Halika magusap tayo." Seryosong sabi ko at kinuha si Cindy sa tabi ni Dad.
"Wag mo siyang pagagalitan!" Pahabol pa ni Dad.
"I will not Dad! She's still my best friend!" I shouted.
Hinila ko papunta sa pool area si Cindy. Umupo ako sa gilid ng pool at nakababa naman ang paa ko sa tubig.
"Upo!" Utos ko kay Cindy kaya umupo naman siya sa tabi ko.
Ilang minuto pa ang katahimikan ng magsalita ako.
"Best friend to step mother real quick." Natatawang sabi ko kaya natawa na siya.
"Kahit ako di ko rin naisip na maging step daughter kita ano!" Sabi niya kaya lalo akong natawa.
"Grabe ka ah! Ah basta di kita tatawaging Mommy!"
"Hindi ko rin naman gustong tawagin kang anak!" Sagot din niya.
"Pero... We can still treat each other as best friends, right?" I asked, seriously.
"Syempre naman! Pwede pa rin naman natin gawin yung mga lagi nating ginagawa noon. Kapag dito na ako titira, lagi na tayong sabay na papasok at sabay na uuwi. Papayag ka naman di ba na dito pa rin kami tumira if ever nga na magpakasal kami?" She asked.
"Of course. Dad will be happy if dito ka na nakatira. Minsan ko na ngang inisip noon if sabay tayong ikakasal eh, tapos sabay tayong mabubuntis. Sabay tayong magpapa-maternity shoot eh. Kaso di ko in-expect na yung magiging anak mo kapag nabuntis ka is magiging kapatid ko." Sabi ko at natawa naman kami pareho.
"Walang magbabago ah?" She asked at pinakita ang pinky niya for pinky promise.
"Walang magbabago. Tayo pa rin ang best friends forever and ever. Pumunti man ang buhok ni Dad at magkaanak man tayo." Sabi ko at pinagyakap ang pinky namin.
"Aww my step daughter."
"Shut up!" Sigaw ko at tinulak siya sa pool kaya natawa kami pareho.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila rin papunta sa pool.
We splashed each other with the pool's water na parang mga batang naglalaro at nagsasaya habang nagtatawanan.
Dumating naman si Dad at Jax na nay dalang bathrobe.
"Come here." Sabi ni Jax. Umupo siya sa gilid at inoffer ang dalawa niyang kamay.
Lumapit naman ako at kinarga niya ako ng walang kahirap-hirap. Pagkatapos ay pinasuot niya sakin yung bathrobe.
Si Dad at Cindy naman ay nag-away pa kung paano iaangat ni Dad si Cindy.
"Dali na kaya ko yung ginawa ni Jax." Pagpupumilit ni Dad.
"Eh! Matanda ka na di mo na kaya yun!" Pangangasar naman ni Cindy.
"43 pa lang kaya ako! 20 years akong mas matanda sayo kaya sundin mo ako." Dad playfully said.
"Ayaw! Kaya ko umakyat! Di mo ako kaya buhatin." Pagpupumilit pa ni Cindy.
"Ah talaga? Lagi kitang buhat kapag–"
"OO NA! OO NA! SHUT UP DYAN!" Sigaw ni Cindy kaya natawa ako.
Binuhat rin siya ni Dad gaya ng ginawa ni Jax nang wala ring kahirap hirap.
I know something you don't. I know something you will never know~~
LUMIPAS ang oras at bridal shower na. Nagaayos na ako at ganun din si Cindy.
"Oh? Kailan ka pa nagme-makeup at nag-de-dress?" I asked.
"Kailan lang rin. Tsaka kailangan ko na masanay para kahit papano hindi nakakawalang angas ang magiging ayos ko sa kasal mo." Sagot niya.
"Wala na angas points mo. Naubos na ba ni Dad lahat?" I asked and I chuckled.
"Nadagdagan lang niya." Sabi niya kaya natawa kami.
"Sino sino pala kasama sa bridal shower ko?" I asked.
"Mga kaklase mo lang rin. And sa bachelor party ni Jax ay mga kaklase lang rin ninyo." Sagot niya kaya tumango ako.
Ang venue ng bridal shower namin ay sa bar. We rented a VIP room for us. Kaya yung ayos namin ay dapat naaayon sa pupuntahan.

(ELVIRA☝🏻) (CINDY👇🏻)

"Let's go!" Sabi ko kay Cindy pagkatapos namin mag-ayos.
Pagbaba namin ay nasa sala si Dad at nanonood ng TV.
"We're going, Dad." Paalam ko.
"Okay. Take care." Tumayo siya at lumapit samin.
Dad kissed me on my forehead same with Cindy.
"Sure ba kayo na di ko na kayo ihahatid?" Dad asked.
"Hindi na. Nasa labas na rin naman mga kasama namin." Si Cindy na ang sumagot.
Wala kasing angal si Dad kapag si Cindy na ang may sabi.
"Bye my understanding Dad!" Pangangasar ko bago kami lumabas.
Paglabas namin ng gate ay nandoon na ang tatlong van kung nasaan yung mga kasama namin sa bridal shower.
"Hello, Ms. Bride! Let's go!" Sigaw ng secretary ng room namin kaya sumakay na kami ni Cindy.
PAGDATING namin sa bar ay agad silang umorder ng mga alak at pagkain.
"Cheers, para sa ating soon-to-be bride! Hope that you will be happy!" Sigaw ni Cindy.
"Cheers!" Sabay sabay na sabi naming lahat at uminom ng alak.
Napasigaw pa ako dahil sa sakit nun sa lalamunan dahil sa tapang ng alak.
Nasa kalagitnaan na kami ng inuman nang makaramdam na ako ng hilo dahil sa tapang ng ininom ko.
"Are you okay?" Tanong ni Cindy kaya tumango ako at nag-thumbs up pa.
Nakailang inom pa ako niyan kaya ito ngayon at lasing na lasing ako.
"Hay nako! Lasing na lasing ka na! Teka tatawagan ko lang si Jax. Bantayan niyo yan!" Dinig kong sabi ng kung sino pero inaantok na ako kaya pumikit na lang muna ako.