Chereads / Nilimot Na Alaala / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

Tilaok ng manok at kahol ng aso ang gumising sa akin. Ayoko pa sanang magdilat pero kailangan. Life must go on, kahit puso ay nasasaktan.

I just got out of bed, pero pakiramdam ko nabugbog na ang katawan ko. Pagod at nanghihina. Matamlay kong tinungo ang banyo. Naligo at nagbihis.

Mapait akong napangiti nang makita ang mukha sa salamin. Maga at nangingitim ang ilalim ng mga mata.

I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmukhang panda na gutom pagpasok sa trabaho.

Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Ang totoo, tinatamad naman talaga akong pumasok. Pero ayoko namang isipin ng iba na unprofessional. Oo, wasak nga ang puso ko, pero hindi pwedeng tumigil ang mundo ko. Hindi pwedeng umayaw ako sa trabaho dahil manager ko ang Ex ko.

"Magandang umaga, 'Nak!" masayang bungad ni Mama, pagbaba ko.

Bitbit niya ang platong may lamang pritong itlog at basong may gatas. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas niyang mukha, kahit paano gumaan ang pakiramdamdam ko.

"Magandang umaga, Ma," bati ko. Humalik ako sa pisngi niya bago umupo sa upuang kaharap niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong niya na tumitig pa talaga sa mga mata ko.

Mapait akong ngumiti at yumuko. "Masakit pa rin, Ma. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pero pipilitin kong maging okay," tugon ko, saka nagsimulang kumain. Kahit walang gana, pinilit ko pa rin ang kumain.

"Huwag mong madaliin ang sarili mo Anak, magiging maayos ka rin. Ang isipin mo, nagmahal ka ng totoo kaya ka nasasaktan," sabi niya na bahagyang ngumiti, saka nagsimula na ring kumain.

Buti na lamang talaga at may Mama akong mabait at mahal na mahal ako. Dahil kung wala, hindi ko talaga alam kong ano ang gagawin ko.

Alas-otso y media nang umalis ako ng bahay. Sinadya ko talaga na umalis ng ganitong oras para diretso na ako sa trabaho pagdating sa shop.

Ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano. Gusto kong mag-focus muna sa trabaho at kalimutan ang nangyari. Pipilitin kong maging okay, kahit hindi.

"Magandang umaga, Vianna May," nakangiting bati nina Mang Damian at Gino. Sila ang mga guard sa shop.

"Magandang umaga, po," bati ko sa kanila, at agad naman silang iniwan. Wala nga kasi ako sa mood na makausap sila.

"Magandang umaga, girls," bati ko sa mga kaibigan ko, at kasama sa trabaho. Sina Lenny at Myrna. Saksi sila sa nangyaring drama kahapon.

"Magandang u... maga ang mga mata mo girl," mapanuksong sabi ni Lenny.

Inirapan ko na lang siya. Sanay na naman kasi ako sa ugali niya, 'tsaka totoo namang maga talaga ang mga mata ko.

Bagsak ang balikat ko na umupo sa high chair, at mapaklang ngumiti.

"Talaga bang maganda ang umaga mo, girl?" tanong ni Lenny na bahagya pang umiling.

I let out a long sigh. "Mukha ba akong okay?" tanong din ang tugon ko.

"Nagtanong pa kasi, halata namang hindi nga siya okay..." sabi ni Myrna.

"Paano ba makalimot? Paano ko ba makalimutan ang sakit? Paano ba ako maging masaya?" desperado kong tanong at napabuntong-hininga pa.

"Sure ka, gusto mong makalimot at maging masaya?" tanong ni Myrna na ang lapad ng ngiti. Tumango ako, maraming beses. "May alam akong lugar, at sure na makakalimot ka. Sakto at walang pasok bukas!" dagdag niya pa.

Mukhang sigurado siya na talagang makakalimot at magiging masaya ako sa alam niyang lugar.

Matapos ang maikling kwentuhan. Naging abala na kami sa trabaho. Papalapit na kasi ang June. Syempre maraming gustong maging June bride. Ang saya nga nila habang pumipili ng mga wedding ring.

Gusto ko rin sanang maging June bride. Pero wala ng pag-asa. Napisil ko ang noo ko. Paano kasi biglang sumingit si Romeo sa isipan ko.

Pinipilit ko naman na huwag siyang isipin pero may pagkakataon talaga na pumapasok na lang siya basta sa isipan ko. Hindi ko nga alam kung nasa office lang ba siya o pinagbawalan na siyang pumasok ng Mommy niya.

Sabay pa rin kaming nag-lunch ng mga kaibigan ko. Hindi na rin sila nagtanong tungkol sa amin ni Romeo. Pinipilit din nila na maging masaya lamang ang usapan habang kumakain.

Pagkatapos kumain, nagpunta kami sa bookstore cafe' ni Renxo. Do'n kasi kami nagpapalipas ng oras. Nasa harap lang iyon ng shop. Naging kaibigan na rin kasi namin ang guwapong owner do'n na naging ka blind date ko noon.

Si Lenny pa ang nag-set ng blind date na 'yon. Pero ngayon si Lenny na ang gusto niya. Nahuli ko kasing nakatitig sa kaibigan ko.

Walang gana na sinipsip ko ang iced-coffee. Pero paminsan-minsan akong sumusulyap sa second floor ng shop kung saan tumutuloy si Romeo.

"Girl, hindi pumasok si Sir," biglang sabi ni Myrna. Sumulyap pa sa akin sandali. Alam kong hinuhuli niya lamang ang magiging reaksyon ko.

"Hindi naman ako nagtatanong," pabulong kong sabi.

"Sumulyap ka kasi sa taas ng shop, kaya alam kong iniisip mo siya."

Umasta akong walang pake. Akala ko naman kasi focus siya sa pagbabasa. Lihim lang pala niya akong pinagmamasdan. Wala talaga akong kawala sa mga mapagmasid kong kaibigan.

Maya maya ay tiniklop nito ang hawak na libro at bumaling ang tingin sa kinaroroonan nina Lenny at Renxo. Bahagya pa siyang natawa habang nakatingin sa dalawa.

"Ano na naman ang tinatawa-tawa mo?" tanong ko.

"Tingnan mo 'yang dalawa, halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero puro pakiramdaman lang," sabi niya at umiling pa.

"Nahihiya nga raw kasi na magtapat 'yang si Renxo."

"Kasi naman nasa harap na niya ang babaeng gusto, lumingon pa sa iba! 'Yan ang napala!" dugtong ni Myrna.

Oo nga naman. Una nga niyang nakilala si Lenny. Pero lumingon pa sa iba.

Naalala ko tuloy ang unang gabi na pagkikita namin ni Romeo. Papunta ako no'n sa blind date namin ni Renxo. Hindi sinasadya na nabunggo ko siya. Hindi pa ako nag-sorry no'n, kaya no'ng makita ko siya sa shop at malamang siya ang bagong manager. Halos malusaw ako sa hiya.

"Naalala mo na naman ba?" seryosong tanong ni Myrna.

Tumango ako at yumuko. "Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw kasama siya. Ayaw ko man... hindi ko man gustong maalala siya. hindi ko talaga maiiwasan."

Humugot na rin lang si Myrna ng malalim na hininga.

"Tara na nga! Magtrabaho na nga lang tayo at mag-enjoy mamaya," sabi ko kasabay ang pagtayo.

Hinila na lang namin si Lenny na wala na yatang balak magtrabaho at tumunganga na lamang sa harap ni Renxo.

Kasalukuyan na akong gumagawa ng inventory, habang ang mga kaibagan ko, nasa VIP room kasama ang mga VIP costumers.

"Good..." bati ko sana sa pumasok pero tumigas ang dila ko. Si Romeo kasi ang dumating. Kaagad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Naiiyak ako. Pero alam kong sandali niya pa akong tinitigan bago pumasok sa opisina.

"Girls, kayo na ang maghatid nito sa opisina ni Sir," matamlay kong inabot kay Myrna ang ginawa kong inventory na kaagad naman niyang tinanggap.

"Pumasok ba siya?" pabulong na tanong ni Lenny. Tumango lamang ako. Nauna na rin akong lumabas ng shop pagkatapos masara ang mga shelves.

"Vianna May!" untag sa akin ni Gino." Ilang talampakan na ba ang nasisid mo at hirap ka na yatang umahon," umiiling nitong tanong. Nag-abot pa ng bubble gum na hindi ko naman tinanggihan.

"Salamat, Gino... Kung hindi ka pa dumating siguradong kanina pa ako nalunod!" Tipid akong ngumiti.

Sinakyan ko na lang din ang trip niya. Totoo naman kasi na ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko nga napansin ang paglapit niya. Siguro naawa na rin siya sa hitsura ko kaya nilapitan niya ako.

Isang buwan din kaya akong hindi kinausap ng maayos nitong si Gino. Nasaktan ko kasi. Siya ang unang nanligaw pero si Romeo ang sinagot ko. Kaya ngayon na karma ako. Iyak ang lola n'yo.

Ngumiti siya, at mabilis ang panguya sa bubble gum at pinalobo iyon.

Hindi ko napigil ang matawa nang pumutok iyon at kumalat sa mukha niya.

"Ang cute mo!" nasabi ko habang nakatingin sa kaniya na nililinis ang mukha gamit din ang pumutok na bubble gum.

"Dati na akong cute, 'di mo lang pansin!" patawa, ngunit sarkastiko niyang sagot.

"Pansin ko naman, pero... "

"Pero... hindi mo type ang cute!" dugtong niya.

Napangiti ako. Akalain ko ba na ang lalaking sinaktan ko noon ay siya pala'ng magpapangiti sa akin ngayon.

"Alam ko, mas type mo ang handsome na yummy, kay sa cute na tae! Ay este... tao pala... tao!"

"Baliw!" nasabi ko. Hindi ko rin napigil ang tawa.

"Baliw... nga ako sa'yo, noon! Pero hindi na ngayon!" hirit niya pa.

"Buti naman kung gano'n!" sagot ko.

"Oi... saya n'yo ah!" biglang sulpot nina Lenny at Myrna.

"Girls, pinapatawa ko lang itong kaibigan n'yo. Gusot kasi ng mukha!" tugon naman ni Gino sa dalawa.

"Salamat Gino at nagawa mong plantsahin 'ang mukha ng kaibigan namin." Nakangiting umakbay sa akin si Lenny.

"Sige na, balikan mo na si Mang Damian at may tigreng nakatingin na gusto ka nang lapain," pabulong na sabi ni Lenny.

Sabay nanliit ang mga mata namin ni Gino at akmang lilingon na sa shop.

"Huwag n'yo nang lingunin! Kung ayaw ninyong maging dragon ang tigre na 'yon!"

Umiling at ngumiti na lamang si Gino. "Sige na nga, lumakad na kayo!" pagtaboy niya sa amin.

"Tara na girls at baka tuluyan na tayong sugurin ng tigreng galit," sabi naman ni Myrna.

Kumaway pa sa amin si Gino. Agad kaming sumakay sa humintong taxi sa aming harapan.

"Saan po kayo mga Miss?" tanong ng driver na nilingon pa kami at hinintay ang aming sagot.

"Manong, sa 'Amazing Bar, po!"

"Amazing Bar?!" sabay na bulalas namin ni Lenny, kasabay no'n ang pag-andar ng taxi.

"Teka lang, Mryn, talagang doon ang punta natin? Akala ko pa naman isa kang santa! Eh, nanonood ka pala ng mga lalaking naglalakihan ang mga..."

"Naglalakihan ang... mga muscle sa katawan ba girl?" natatawang dugtong ni Lenny.

"Huwag ka na ngang OA diyan girl, manonood lang naman tayo. Hindi ko naman sinabi na mag-take out ka!"

Hinampas pa ako ni Myrna sa hita, saka tumawa ng malakas.

"Take out ka diyan," umikot ang mga mata ko. "Parang pagkain lang, p'wedeng e-take out?" Tawa na lamang ang sagot ng dalawa.

"Talaga namang p'wedeng mag-take out do'n, kung gugustuhin n'yo!" natatawang sabat ni Manong driver.

"Ay... 'di po kami mahilig sa take-out manong! Mas masarap pa rin 'yong lutong-bahay!" sagot ni Lenny.

"Enjoy, mga miss..." pahabol na sabi ng driver bago pinaandar ang sasakyan.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bar. Agad tumambad sa amin ang ibat-ibang kulay na mga ilaw at malakas na tugtug, kasabay ang malakas na hiyawan ng mga tao.

Sobrang aliw sila sa napapanood. Pum'westo kami malapit sa may pole.

Hindi kami nakapagsalita nang magsimulang gumiling ang lalaking nakasuot lamang ng manipis at maluwag thong.

Sabay kaming nagtakip ng mga mata nang sinadya nitong humarap sa amin at gumiling sa aming harapan.

Gusto kong sigawan si Myrna. Bakit niya ba naisipan na dito magpunta? Sa nakikita ko kasi, first time niya rin na magpunta sa lugar na 'to. Umawang pa talaga ang bibig at halos hindi na kumurap habang nasa pisngi ang mga palad.

Si Lenny naman, nakatakip nga ang mga palad sa mukha, bahagya namang nakasilip.

Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ko na talaga kayang tingnan pa ang lalaking gumigiling sa aming harapan. Hinila ko ang dalawa na animo naging tuod at hindi na gumagalaw. Tinungo namin ang bar counter at pabagsak na umupo. Napabuntong-hininga pa pagkatapos.

"Uminum na lang tayo kay sa panoorin 'yon!" Turo ko ang lalaki na nasa pole. Nakalabing tumingin sa akin si Myna.

"Girl, sabi kasi ng mga pinsan ko, masaya raw kasi ang lugar na 'to, bagay sa mga wasak ang puso na gaya mo. Sabi rin kasi nila, lalaki ang dahilan ng sakit mo sa puso, kaya lalaki rin daw ang gamot," mahabang litanya niya.

"Ikaw ba, gusto mong maging gamot ang lalaking 'yon?" tanong ko.

Umiling siya ng paulit-ulit at tumiim ang bibig. Sumulyap kami kay Lenny na tulala pa rin hanggang ngayon. Syempre first time niya rin siguro makakita ng gumiwang-giwang na malaking bulate na may ulo.

Talagang see thru pa ang thong na suot nito at med'yo maluwang, ha! Kaya sumasabay din sa indak ang bulateng may ulo. Pastilan!

"Lenny, okay ka lang ba?" tanong ko. Paulit-ulit siyang umiling at tumango. Nalito na kung ano ang dapat isagot.

Tinapik siya ni Myrna sa balikat. Gumanti naman siya ng hampas.

"Girls, gusto kong magmura!" Seryoso ang mukha niya, hindi namin alam kong galit ba siya o ano. Hindi namin makuha ang emosyon niya.

"Shit girls! Ang laking bulate, nakakawasak-kabibe!" Pigil ang sigaw niya kasabay ang pagyugyog kay Myrna.

Sabay na lamang kaming natawa. Masaya pa rin kami kahit pare-pareho kaming nagulantang sa nakita.

Nakailang inum na rin kami ng martini hanggang sa mag-decide kaming umuwi. May mga tama na kasi.

Pasuray-suray kaming naglakad palabas ng bar. Nasa pagitan namin si Lenny na siyang pinakalasing sa amin.

Lumingon pa ako nang may mapansing nakasunod sa amin. Pero mukha namang walang balak na masama. Nakayuko lamang siya at nakatingin sa cellphone.

Tuluyan na kaming nakalabas ng bar, hinihintay na lang namin ang 'book a ride' para safe naman kaming makauwi.

Hindi kami maperme sa pagtayo, talagang umiikot na ang paligid. Si Lenny at Myrna, hindi na talaga nakatiis, talagang umupo na sa gilid ng kalsada. Habang ako pinipilit pa ang tumayo ng maayos.

Pero umikot na rin ang paligid ko. Hanggang sa muntik na akong matumba, mabuti na lamang at may nakasalo sa akin.

Napasandal ako sa matigas na dibdib ng lalaki at napahawak naman ito sa mga kong braso ko.

Nilingon ko siya at mapaklang ngumiti. Nakakahiya kasi. "S-salamat," utal kong sabi.

Ngiti lamang ang tugon niya. Kaya ngumiti na rin ako.

"Aray, a-ano ba?!" da¡ng ko. May biglang humablot kasi sa braso ko.