Chereads / Nilimot Na Alaala / Chapter 8 - Kabanata 7

Chapter 8 - Kabanata 7

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pikit-matang napahawak ng mahigpit sa kamay ng mahal ko. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa kabang nararamdaman.

Nagdilat na lamang ako nang marinig ang malakas na tawa ng Daddy ni Romeo, maluha-luha ang mga mata niya habang hawak ang tiyan. Napakagat labi ako.

"Do you really think I'm cute, hija?" tanong niya. Hindi pa rin matigil ang tawa niya. "Sa palagay ko, magkakasundo tayo!"

Natigil ang pagtawa niya nang magbukas ang malaking gate. Hindi ko napansin na nasa harap pala ng malaking bahay tumigil ang sasakyan. Paano nga kasi, napapikit na lamang ako kanina. Akala ko, galit ang Daddy ni Romeo, hindi pala.

"Great job, mahal, ngayon ko lang nakita ang Daddy na tumawa ng ganiyan," bulong ni Romeo, habang ang isang kamay ay ginugulo ang buhok ni Michael.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nasa pagitan ako nina Michael at Romeo habang nasa unahan naman ang Daddy ni Romeo.

Ang laki ng bahay nila na Mediterranean ang style. Pero ang umagaw sa pansin ko ay ang malawak na garden na may iba't-ibang klase ng mga halaman at bulaklak.

Naalala ko tuloy ang Mama dahil sa mga bulaklak na nakikita ko. Nagtuloy-tuloy kami hanggang makarating sa nakabukas na pinto ng malaking bahay.

Tumambad sa akin ang nakasabit na malaking chandelier at napakakintab na wood tiles. Dahil nga sa kintab, takot akong umapak.

Nagpalit kami ng tsinelas pang loob at nilagay ang sapatos namin sa vintage shoe cabinet na nasa gilid ng double doors.

Syempre nakamasid lamang ako sa kung ano ang gagawin nila. Follow the leader kumbaga ang ginagawa ko. Bahala na kung magmukha akong katawa-tawa dahil sa ginagawa ko. Basta lang, hindi ako magkamali ng galaw dahil mas nakakahiya iyon.

Ang higpit ng hawak ni Romeo sa kamay ko hanggang sa tuluyan na kaming makapasok. Hindi ko maigala ang paningin sa paligid. Para akong tuod na nakasunod lang kay Romeo, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.

Napanganga ako nang tumambad na naman sa akin ang isa pang malaking chandilier na nasa gitna ng kanilang living room na glass ang dingding. Kitang-kita mula sa loob ang swimming pool at may mini-bar pa doon.

"Romeo, hijo come with me," sabi ng Daddy niya.

Agad namang sumunod si Romeo, ayoko sanang iwan niya ako. Pero anong magagawa ko, tawag nga siya ng Daddy niya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang tahimik na nakupo sa malaking couch at katabi ko si Michael. Buti na lang at hindi ako iniwan ni Michael, medyo panatag na rin ang loob ko. Sana lang huwag munang magpakita sa akin ang Mommy ni Romeo.

"Tita guwapa, why are you so tahimik?" tanong ni Michael na panay ang paghihikab. Ngumiti lang ako, hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kaniya na natatakot at kinakabahan ako.

Sumandal siya sa braso ko at naghikab na naman, talagang ina-antok na ang bata. "Go to your room na Michael, your so sleepy na kasi." Hinaplos ko ang buhok nito.

"No, I want to stay here with you, Tita Guwapa."

"But you looked so tired and sleepy na kasi."

Hinubad niya ang suot na tsinelas at humiga sa lap ko. "Do you mind if I use you as my human pillow for a while, Tita Guwapa?" nakangiti niyang tanong.

Ngumiti na lang ako at pinahiga na siya sa lap ko, habang banayad na hinaplos ang buhok.

"Mahal, dinner is ready! Tara na sa dining. Naghihintay na sila sa atin," agad na sabi ni Romeo na bahagya kong ikinagulat.

"Michael, lets go! " Kinarga niya si Michael. Ako, nanatiling nakaupo at mukhang natuod na naman.

"S-sila?" kabado kong tanong. Tumango siya at nilahad ang kamay sa harap ko. Nakagat ko naman ang labi ko.

"Mahal... ikalma mo nga 'yang sarili mo, kasama mo naman ako." Hinawakan niya na lang ang kamay ko at hinila ako patayo. Hindi ko kasi ma-angat ang kamay ko dahil sa sobrang kaba.

"Paano ko naman magawang ikalma ang sarili, mahal! Eh, para akong tuta na naligaw sa lungga ng mga tigre! 'Tsaka, First time ko sa ganito kalaking bahay at aware pa ako na may taong hindi ako gusto," mahina kong saad.

"Tara na... hindi naman mahilig sa tuta ang mga tigreng 'yon!"

"Ikaw! Talagang nagawa mo pa ang magbiro!" Nakurot ko na lang ang tagiliran niya. Hawak ni Romeo ang kamay ko at karga niya pa rin si Michael papuntang dining.

Para akong yelo na unti-unting natutunaw sa bawat paghakbang ko. Tatlo kaming sabay pumasok pero talagang nasa akin lahat ang tingin. Pati mga kasambahay, nakikitingin din.

Yumuko na lang ako at napahigpit na naman ang kapit ko sa kamay ni Romeo. Maingat niya na rin na binaba si Michael na patakbong umupo sa tabi ng Mommy niya.

Pinaghila ako ng upuan ni Romeo, alanganin pa akong umupo. Pero dahil kaharap ko naman si Michael, umupo na lamang ako. Wala naman talaga akong choice. Buti na lang din at hindi Mommy nila ang kaharap ko.

Pumwesto si Romeo sa upuan na nasa pagitan namin ng Mommy niya. Na ipinagpasalamat ko ng bongga. Bukod kasi sa ang cute na mukha ni Michael ang nakikita ko. Natatakpan pa ni Romeo ang Mommy niya. Kaya nabawasan ng kaunti ang kaba ko.

Nakakabinging katahimikan ang namayani habang kumakain kami. Ramdam na ramdam ko ang tension.

Mukhang masarap naman lahat na nakahaing pagkain pero wala akong nalasahan. Talagang wala! Kung hindi lang nakakahiya na humingi ng asin ay ginawa ko na. Grabe ang epekto sa akin ng Mommy ni Romeo. Ni-nerbyos na nga ako, nawala pa ang sense of taste ko.

"Bro, kailan ang balik ninyo sa Negros?" Basag ng kapatid ni Romeo sa katahimikan.

Ngayon pa talaga siya nagtanong na patapos na kaming kumain. Kung kanina lang sana siya nag-ingay sana nalasahan ko pa ang kinakain ko.

"Bukas ng gabi bro," sagot ni Romeo, kasabay ang pagpunas sa bibig.

"Ang bilis naman! Hindi ba kayo pwedeng mag-stay muna dito ng matagal?"

"May trabaho kami bro, at 'di ko pwedeng iwan ng matagal ang shop."

"Sayang naman hindi mo man lang mailibot sa magagandang lugar si...."

"Tita guwapa, Daddy!" putol ni Michael sa sasabihin ng kaniyang Daddy.

"Tita guwapa?"

"Yes po," tugon ni Michael, kasabay ang pagtango ng paulit-ulit. Natawa na lamang din ako.

"Pasensya ka na, Vianna May, masyadong makulit ang batang 'to," nakangiting sabi ng Mommy ni Michael.

"Isabelle pala ang name ko, you can call me Isai," pakilala niya.

"I'm Edmond, your future brother-in-law," nakangising pakilala ng kapatid ni Romeo.

Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Michael.

"And that beautiful lady, there!" Nakalahad pa ang kamay niya sa Mommy nila. "Our Mommy Edna!" a round of applause!" Tanging si Michael lang ang pumalakpak kasabay niya.

"Umayos ka nga Edmond! Puro ka talaga kalokohan!" naiiritang saway ng Mommy nila. Pabalibag pa nitong binitiwan ang hawak na table napkin sa lamesa.

"Ito namang mahal ko masyadong masungit! Pinapatawa ka lang ng anak mo. Masyado kasing maasim ang mukha mo. Maasim pa sa suka ni Aling Bebang!"

Patawa ng Daddy nila na hinawakan pa ang kamay ng asawa, saka dinala sa labi niya at hinalikan ng paulit-ulit. Hindi naman maitago ang kilig sa ginawa ng asawa.

Sabay napangiwi ang lahat sa nakitang lambingan ng mga magulang.

"Get a room, you guys!" sabi ni Edmond, at agad na tumayo.

Nagsitayuan na rin ang lahat at syempre tumayo na rin ako. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko, kahit may edad na ang mga magulang nila. Ang sweet pa rin nila sa isa't-isa.

Sandali kaming tumambay sa living room kasama ang mga magulang ni Michael. Mabait din naman ang mag-asawa. Ang Mommy na lang talaga ni Romeo ang problema.

Huminga ako ng malalim nang kami na lang ni Romeo ang naiwan. Hindi pa kasi kami makakuha ang tyempo na makausap ang Mommy niya. Sadya kasi itong umiiwas.

Nakita nga namin siyang pababa ng hagdan kanina pero agad bumalik sa taas nang masulyapan kami ni Romeo. Malaki rin siguro ang tampo no'n kay Romeo. Hindi ko kasi alam kung paano ako pinagtanggol at pinaglaban nitong mahal ko sa Mommy niya. Baka talagang nasaktan siya sa mga nabitiwang salita ni Romeo.

"Mahal, ano ba ang sinabi mo sa Mommy mo? Bakit parang malaki ang tampo sa'yo?"

"Nag-sorry na naman ako, mahal. Hindi ko naman sad'ya na magbitiw ng masakit na salita laban sa kaniya!" Natampal ko ang noo niya.

"Ang lakas ng loob mo na mag-ayang magpunta rito! Pati pala sa'yo galit siya. Gumastos pa tayo ng mahal, tapos walang mangyayari!" sermon ko.

"Kung hindi natin siya makausap ngayon, e 'di sa susunod na balik natin!"

"Hindi naman kasi mura ang pamasahe papunta rito, mahal!" reklamo ko.

"Sabi ko naman sa'yo, ako na ang magbayad ng ticket mo! 'Di ka sana putak ng putak d'yan!"

Natampal ko naman ang bibig niya. "Putak ng putak ka diyan!" Inirapan ko pa siya.

"Kausapin mo ang Mommy mo. Humingi ka ng sorry. Saka naman ako gagawa ng paraan na maka-usap siya!"

"Opo mahal!" sambit niya at agad akong hinila patayo.

"Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko at hinayaan siyang hilahin ako.

"Doon tayo sa pool!" Dumeritso kami sa mini bar.

"Akala ko ba punta tayo sa pool!" Lumingon ako sa mga nakahilirang lounge chair sa may pool.

"Mamaya punta tayo do'n, mahal!" Kinuha niya ang bote ng alak sa rack at nagsalin ng kaunti sa glass wine. Binigay niya iyon sa akin na agad ko namang tinanggap pero hindi inimum.

Humarap ako sa pool at sumandal sa bar counter.

"Ang tahimik mo naman mahal, inumin mo na nga 'yang wine mo para..."

"Para ano?" pinanliitan ko siya ng mata.

"Para... magkalakas ng loob ka na kausapin si Mommy." sagot niya kasabay ang pagtungga sa hawak na bote ng wine.

"Hoy, dahan-dahan lang. Baka malasing ka agad!" saway ko. Parang inisahang lagok niya lang kasi ang wine.

"Ayos lang na malasing ako, nandito lang naman tayo sa bahay," sagot niya sabay tungga na naman.

"Ayokong makita kang lasing!" Kinuha ko sa kamay niya ang bote ng wine at binalik sa wine rack. Dalawang lagok lang ang ginawa niya pero nangalahati na ang bote. Hinila ko siya papunta sa lounge chair.

"Dito na lang tayo baka maubos mo pa lahat ng wine doon. Ang lakas mo palang uminum ha!"

"Mahal... swimming tayo!" Tumayo siya at hinubad ang suot na t-shirt.

"Hindi, upo lang tayo rito!" Hinila ko siya pabalik sa pag-upo at pinasuot ulit ang t-shirt niya.

"Lasing ka na ba?" tanong ko nang mapansin na nag-iba na ang ugali niya. Parang naging batang pasaway bigla.

"Mahal... ang init!" Akmang huhubarin niya ulit ang t-shirt pero pinigil ko.

"Ewan ko sa'yo! Kung makalagok ka ng wine, parang wala ng bukas! Dito ka na nga muna, kukuha lang ako ng tubig sa loob. Huwag kang umalis dito, ha!" Ngumiti siya at tumango, saka sumandal sa lounge chair.

Naabutan ko ang mga kasambahay na nag-aayos pa sa dining. Nanghingi ako ng tubig sa kanila, ako lang sana ang magdadala no'n pero nagpupumilit ang isang kasambahay na siya na lang ang magdadala dahil trabaho niya iyon. Kaya hinayaan ko na lang.

Nakasunod ako sa kaniya. Pakinding-kinding ang lakad at sobrang hapit sa katawan ang suot nitong uniform.

Palabas na sana kami papuntang pool, nang makasalubong ko ang Mommy ni Romeo. Sandali akong napahinto, at nagbaba ng tingin saka nagpatuloy sa paghakbang. Sana ininum ko na lang din iyong wine kanina. Sana hindi ako nanliit at kinakabahan ng ganito.

"Vianna May," malumanay na tawag niya sa pangalan ko, na nagpahinto sa paghakbang ko. "Can we talk?" tanong niya pa.

Para akong robot na dahan-dahang humarap at tumango. Nagpatiuna na itong naglakad habang nakasunod lang ako. Pumasok kami sa isang silid. Isang library ang pinasukan namin at nagsilbing office rin yata ito ng mag-asawa.

"Upo ka." Nakalahad ang kamay niya sa upuan na kaharap niya.

Mabagal pa rin ang naging kilos ko. Nagkulang na rin yata ako sa sodium, ang slow ko na kasi. Hindi lang ang paggalaw ko pati utak ko. Nawawala ang balanse sa katawan at nutrisyon ko sa sobrang takot dito sa Mommy ni Romeo.

Lumunok at pasempleng sumulyap ako sa kaniya.

"Ma'am..."

"Alam mo ba na hindi magawang bitiwan ni Romeo ang alak kapag nagsisimula na siyang uminum?"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniya ng deritso.

"Kahit ako na Mommy niya, hindi ko magawang awatin siya, 'di ko magawang kontrolin siya! Nawawala sa wes'yo ang anak ko na 'yon kapag naka-inum. Kung saan-saan na lang pumapasok at ang masama, hindi na niya matandaan ang ginawa pagkatapos!"

"Kung saan-saan pumapasok?" ulit ko sa sinabi niya.

Ngumiti at tumango siya. Bumakas naman ang pag-aalala ko sa mukha, lasing pa naman iyon baka kung saan na naman iyon pumasok.

"Iyong ginawa mo kanina na pag-agaw sa boteng hawak niya, kung ako ang gumawa no'n. Siguradong galit 'yon. Pero ikaw... hindi! Nagpaubaya pa siya na hilahin mo," napabuntong hininga siya. "Masakit... masakit makita na mas sinusunod ka niya, kay sa akin na Ina niya."

"Sorry, po! Wala po akong intention na saktan po kayo," nakayuko kong tugon.

"Wala ka namang kasalanan. Ako ang may pagkukulang. Hindi ko nasubaybayan ang paglaki niya dahil mas inuuna ko ang jewelry business namin noon. Ako kasi ang panganay, sa akin binilin ng magulang ko ang business na iyon. Pero noong masundan siya ni Edmond. Saka ko na realized, mas importante ang mga anak ko, ang pamilya ko. Kaya pinasa ko ang lahat sa kapaitid ko."

Napakamot ako sa batok, si Romeo ang pinag-uusapan namin. Ang relasyon namin ni Romeo na ayaw niya. E, bakit biglang talambuhay na niya ang kinuwento niya. Wala naman akong magawa kun'di ang makinig.

"Vianna May... hmmm... pasensya ka na sa mga nasabi ko, ha. Walang excuse 'yong ginawa ko. Alam kong nasaktan ka."

Tumiim ang bibig ko at nag-angat ng tingin. Nasalubong ko ang maluha-luha niyang mga mata. Tuloy parang maiiyak na rin ako.

"Ma'am, totoo po na nasaktan ako. Hindi ko ipagkakaila na nagalit din po ako. Pero kaya nga po kami nandito ni Romeo, para kausapin ka. Para po... suyuin ka at matanggap mo ako. Malaman mo na talagang mahal ko ang anak ninyo hindi dahil sa mga material na bagay na maibibigay niya sa akin."

Ngumiti siya... Ngiting walang halong pait at pangungutya. Ngiti ng pagtanggap. Nang makita ko 'yon nabuhayan ako ng loob. Natuwa ako, ayos na ba? Wala na ba kaming magiging problema ng mahal ko?

Tumayo siya at umupo sa tabi ko, saka hinawakan ang kamay ko. "Sorry ulit Vianna May. Sana mapatawad din ako ng Mama mo."

Ngumiti na lang ako. Ayos na sa akin ang malaman na tanggap na niya ako, at tanggap na niya ang relasyon namin ni Romeo.

"Maraming salamat po," nakangiti kong saad. "Babalikan ko na po si Mahal, baka kung saan na 'yon pumasok."

Natawa siya sa sinabi ko. Kasabay ng pagpahid ng mga luha niya at gano'n din ang ginawa ko. Muli akong nagpaalam at humakbang papunta sa pinto.

"Vianna May, wait!" Agad akong huminto at humarap sa kanya. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Ibabalik ko lang itong binigay sa iyo ng anak ko."

Sinuot niya sa leeg ko ang kwentas na binalik ko sa kanya. "Mommy Edna," sabi niya na ipagtataka ko. "Simula ngayon iyan na ang itatawag mo sa akin."

Ngumiti ako. "Opo... Mommy Edna," naiilang kong tugon.

"Sige na, balikan mo na 'yong anak ko!" nakangiti niyang sabi.

"Hija!" Salubong sa akin ng Daddy ni Romeo. "Daddy na rin ang tawag mo sa akin ha," nakangiting saad niya at agad na umakbay sa asawa niyang kalalabas lang ng library.

Ngumiti ako. "Opo Daddy... puntahan ko na po ang mahal ko," sabi ko saka patakbong lumabas. Excited na akong sabihin sa kanya na wala na kaming problema.

Pero napahinto ako sa pagtakbo nang makita ang hindi kaaya-ayang tanawin. Hindi nga siya pumasok kung saan-saan ngayon. Pero Parang may gustong magpapasok.