"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang paghawak niya sa braso ko.
Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit mga mata niya.
"R-Romeo..." pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya.
"Ano ba dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ang pabalik sa kanya.
Nagtagis ang bagang ni Romeo, at hinila ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to!
"B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko.
Buong lakas na hinablot ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementong daan.
Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaki na akmang tutulungan sana ako.
Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya.
"Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pagsugod ng suntok.
Tumama ang malakas nitong suntok sa mata ni Romeo. Ilang beses pa silang nagpalitan ng suntok na animo'y mga boksengero. Hanggang sa tumilapon ang lalaki.
"Tumayo ka d'yan! Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko!" bulyaw niya. Duro niya ang lalaki at akmang susugurin na naman.
Kahit hirap at masakit ang mga tuhod ko, pinilit na lang ang tumayo at hinarang siya.
"Romeo... tama na, please!" sigaw ko habang yakap-yakap siya.
Bahagya siyang kumalma nang makitang umiiyak ako. Nilingon ko pa ang lalaki na tinulungan na rin ng mga kasama at nilayo sa amin.
Maya maya ay dumating na rin ang taxi na hinihintay namin. Walang kibo na pinasakay nito, sina Lenny at Myrna na walang kamalay-malay sa nangyari. Habang ako tahimik na umiiyak sa gilid ng daan.
Tinulungan niya akong tumayo at walang imik na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sa sobrang bilis at laki ng mga hakbang niya, hindi na ako makahabol at muntik na namang matumba.
Binuhat niya akong bigla. Pero bago iyon mainit na tingin muna ang pinukol nito sa akin na lalong nagpatikom ng bibig ko.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at maingat akong pinaupo, kinabit ang safety belt ko, pero pabagsak na sinara ang pinto na ikinagulat ko ng husto.
Hindi ako makatingin sa kan'ya, nahihiya ako. Napaaway siya nang dahil sa akin. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa manubela at sinuntok iyon ng paulit-ulit. Napasinghap ako, napalakas ang paghikbi ko.
Lalabas na sana ako ng kotse, pero bigla niyang pinaharorot ang sasakyan. Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa safety belt na nakapulupot sa katawan ko.
"S-sir!" sigaw ko nang makita ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada. Naangat ko ang mga paa sa takot, pigil ang hininga at pikit matang humagulgol.
Buti na lamang at naapakan niya pa ang brake. Hindi kami sumalpok sa likod ng truck. Sa sobrang diin ng pag-apak niya, para akong tumilapon at pabagsak na napasandal pabalik sa upuan.
Nayugyog ang buong katawan ko. Sumakit ang leeg ko. Pikit mata akong humagulgol, habang mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay sa safety belt.
"Shit!" rinig kong mura ni Romeo. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto mula sa driver's seat. Pero hindi ako naglakas loob na magdilat.
Nanghihina ang buong katawan ko, sa kaba, sa kakaiyak, at sa sama ng loob. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto sa tabi ko.
"Mahal... sorry... sorry!" paulit-ulit nitong sabi. Tinatanggal ang safety belt ko. Pinahid ang pawis sa noo ko, at ang mga luhang nag-uunahang naglandas mula sa mga mata ko.
Hindi ko pa rin magawang dumilat. Hindi ko rin maawat ang pangangatal ng mga kamay ko. Inalalayan niya akong lumabas ng kotse, walang lakas ang mga paa kong tumayo.
Isinandal niya ako sa kotse saka niyakap ng mahigpit. Nakalaylay ang mga kamay ko. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko maiangat ang mga braso ko.
Sinuktok niya pa ang salamin ng kotse habang yakap ako. "Mahal..." Hawak na niya ang magkabila kong pisngi, hinalikan ako sa noo, sa mata sa ilong at sa labi.
"Tahan na, mahal. Parang sinasakal ako kapag nakikita kang ganyan!" Dinikit niya ang noo sa akin. Na amoy ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga niya.
"Sorry mahal," ulit niya at niyakap na naman ako.
Matapos ang mahabang iyak. Nagawa kong igala ang paningin sa paligid. Nasa tahimik at madalim kaming kalsada. Walang signage ang likod ng truck na nakaparada, tanging ang malaking gulong lamang ang nakaharang sa likod no'n.
"Mahal, I'm sorry." He cupped my face at banayad na hinaplos Iyon. My eyes met his, and a sad smile flashed.
"I love you so much, Vianna May. I cannot imagine a life without you. Kaya sorry kung nagalit man ako. Ayoko kasi na makita ka na may kasamang iba. It feels like my heart has crashed into pieces." Hinalikan niya ako sa labi, at muling niyakap ng mahigpit. "You are only mine, Vianna May," bulong niya.
"Paano ang Mommy mo?" mahinahon kong tanong na may kasamang paghikbi. "Ayaw ng Mommy mo sa akin, Romeo..." sabi ko pa at nag-uunahan na namang pumatak ang mga luha ko.
"Mahal, pasens'ya ka na sa ginawa ng Mommy. Gano'n talaga siya sa lahat ng naging girlfriend ko."
Hindi ako sumagot. Paano ko naman magawa ang magpasens'ya, hinamak niya ang pagkatao ko. Ang sakit ng mga sinabi niya.
"Pasensya na kung hindi man kita napansin noong pumasok ka sa opisina, malalim lang ang iniisip ko no'n kaya hindi kita napansin. Tinawagan kita ng paulit-ulit pero pinatay mo ang cellphone mo."
Umikot ang mga mata ko at napa-ismid pa. Para namang hindi niya alam kung saan ako nakatira. Hinayaan niya lang akong mag-isip na tapos na kami buong gabi! Wala siyang ginawa, hindi siya nag-abalang puntahan ako sa bahay.
"Sorry, kung hindi man kita napuntahan sa bahay n'yo, nalasing ako. Nagpakalasing ako dahil umuwi ka nang hindi ako kina-usap. Pagkatapos kitang ipagtanggol kay Mommy. Pagkatapos kitang ipaglaban kay Mommy. Umalis ka na lang basta at hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Pinatay mo pa ang cellphone," seryoso niyang sabi at may mga luha na sa mga mata.
"Ako pa ngayon ang may kasalanan!" Inis kong sabi at tumalikod.
"Hindi mahal.... hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo. Sinasabi ko lang kung ano ang dahilan kung bakit hindi kita napuntahan."
Napahalukipkip ako at humakbang palayo. Pero hinila niya ako at niyakap mula sa likod, saka siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Huwag... huwag mo akong iwan mahal, hindi ko kaya, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Maiisip ko palang na mawawala ka, para na akong mawawalan ng hininga, para na akong mababaliw!" sabi niya at mas siniksik pa ang mukha sa leeg ko at mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa baywang ko.
Pinihit niya ako paharap, nakasimangot akong tumingin sa kan'ya. "Huwag ka nang sumama ulit sa ibang lalaki, ha. Dahil baka sa susunod makakapatay na ako!"
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan na niya ako. Bahagya niya pang kinagat ang pang-ibaba kong labi nang hindi ko tinugon ang mga halik niya, dahilan kung bakit naibuka ko ang bibig ko at na siil niya iyon ng halik.
Napapikit na lamang ako para na kasi akong naduduling sa kakatingin sa mga mata niya na mariing nakapikit.
"God! Alam mo ba kung gaano kita namiss? Ang mga halik mo? Ang mga yakap mo?" usal niya, habang magkalapat pa rin ang mga labi namin.
Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalugad ang dila niya sa loob ng ng bibig ko.
Napapikit ako at napaungol nang sipsipin niya ang dila ko. Ano ba 'tong pinag-gagawa niya sa akin?
Parehong habol ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata niya na tumitig sa akin at bahagya nang may ngiti.
Pero mas naging lutang ako sa ginawa niyang halik. Bakit kasi pati dila gumalaw? May pahabol pang sipsip.
Wala sa isip na hinawakan ko, ang dila ko. Check ko lang kung hindi ba naut-ot, baka kasi nalunok niya. Narinig ko na lamang ang mahina niyang tawa.
Napatiim-bibig na lamang ako at nagbaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. Ngayon ko lang napansin ang pasa at sugat sa mukha niya. May pasa siya sa gilid ng mata, pisngi at labi.
Tumingkayad ako para halikan ang mga pasa niya. Mas lalo pa siyang napapangiti.
"Sorry, nang dahil sa akin napa-away ka," humihikbi kong sabi.
"Bakit kasi nagpunta kayo sa lugar na 'yon? Paano kung hindi ako dumating? Baka kung saan ka na dinala ng lalaking 'yon!"
Tumiim na naman ang bagang niya nang maalala ang lalaki kanina. "Talagang hinayaan mo pa siya na hawakan ka!" galit niyang sabi.
"Hindi ko siya hinayaan! Natumba nga ako at nasalo niya!" Inis kong tugon, saka tinulak siyang bahagya. Pero hindi siya natinag. Nanliit ang mga mata nitong tumitig sa akin.
"Bakit hinila ka niya pabalik?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin.
"Nasaktan nga ako! Hinablot mo na lang ako bigla." Saka ko lang naalala at naramdaman ang pananakit ng braso at tuhod ko.
Nagmarka nga ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Inangat ko naman ng bahagya ang hem ng uniform ko at nakitang may mga gasgas at sugat din ang mga tuhod ko.
Mainit ang mga tingin na pinukol sa kan'ya. "Imbes na tulungan mo ako kanina! Inuna mo pa ang manuntok!" inis at nagtatampo kong sabi.
Banayad na hinaplos nito ang braso ko. "Sorry na mahal, hindi ko naman sinasadya na masaktan ka," sabi niya saka hinalikan ang pasa ko ng paulit-ulit.
Umismid ako. "Paano 'yong mga gasgas at sugat ko sa tuhod?" nakasimangot kong tanong.
"Gusto mo ba na halikan ko rin ang mga tuhod mo?" tanong niya. Nilibot pa ang paningin sa paligid, saka diniin ako sa kotse at kasabay no'n ang paghimas sa mga hita ko.
"Tumigil ka nga!" sabi ko at tinulak siya. "Hindi pa tayo bati! 'Tsaka, tuhod ko ang may gasgas hindi ang mga hita ko!" maktol ko.
"Hindi pa tayo bati?!" kunot noo niyang tanong. "Ikaw nga 'yong naglakas-loob na manood ng bulate show! Ikaw pa ang galit! Sa susunod, sabihin mo kaagad kapag gusto mong makakita ng gano'n! Dahil hindi ako magdadalawang isip na igiling sa harapan mo ang higante kong bulate!" natatawa niyang sabi.
Hinampas ko siya sa braso at bahagya na ring natawa. Pero 'di pa rin kami bati!
"Tara na nga ihatid mo na ako, baka nag-aalala si Mama." Ngumiti siya. Kaagad niyang binuksan ang pinto. Nang makaupo ako ng maayos ay patakbo naman siyang nagpunta sa driver's seat.
Hindi na nawala ang ngiti niya habang binubuhay ang makina ng kotse at dahan-dahang umatras palayo sa likod ng truck.
Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan pauwi. Panay lamang ang tiningan namin sa isa't-isa, habang hawak niya ang isang kamay ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na ka idlip na pala ako.
"Mahal, gising na," mahinang tawag sa akin ni Romeo. Kahit antok na antok pa ako wala akong nagawa kun'di ang magdilat. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa kan'ya.
"Nandito na tayo mahal," mahina niyang sabi. Ngumiti ako, saka lumabas na ng kotse.
Naglahad ako ng kamay nang maramdaman ang mahinang patak ng ulan. Mabuti na lang at handa si Mama. Sinalubong kami at may dalang dalawang payong pa. Bahagya namang nag-iwas ng mukha si Romeo nang makalapit si mama. Paano kasi basagulero.
"Magandang gabi po, Ma," bati niya.
Mama na talaga ang tawag niya sa Mama ko kahit noong nanliligaw pa lamang siya sa akin.
"Pasok na kayo sa loob, at mukhang lalakas pa ang ulan," sabi ni Mama at nauna nang pumasok.
Nag-aalangan pa talaga si Romeo dahil kapag pumasok siya, siguro hindi na niya maitatago ang basag niyang mukha.
Hinila ko na lamang siya. Sakto naman na pagpasok namin siyang pagbagsak ng malakas na ulan.
"Oh, anong nangyari d'yan sa mukha mo?" nagtatakang tanong ni Mama.
Napahawak naman sa mukha niya si Romeo at parang nahihiya pa talaga.
"Iyan ang napala sa mga basagolerong gaya niya Ma," Napakamot na lamang sa ulo si Romeo.
"Buti at 'yan lang ang napala mo," seryosong sabi ni Mama. "Ano pa ang tinatayo-tayo d'yan anak? Kumuha ka na ng gamot at gamutin mo na iyang basagolero mong boyfriend."
Bahagya akong natawa sa tinuran ni Mama. Kahit hindi niya sabihin, alam kong med'yo naiinis din siya kay Romeo. Pina-iyak niya rin kasi ako. Dumagdag pa siya sa sakit na ginawa ng Mommy niya sa akin.
"Bahala na kayo d'yan at inaantok na ako." sabi niya pa, saka pumasok na sa k'warto.
"Dito ka muna, kukuha lamang ako ng gamot." Iniwan ko na siya at kaagad pumanhik sa taas. Pero hindi pa naman ako tuluyang naka-akyat, sumunod si Romeo.
"Anong ginagawa mo? Bumalik ka sa baba!" mahina ngunit may diin na utos ko. Pero umiling siya at nagpatuloy sa pagakyat. Agad siyang kumapit sa baywang ko at hinalikan ako sa labi.
"Ano ba, baka lumabas ang Mama at makita tayo," saway ko. Umiling at ngumiti lang siya at hinila ako papasok sa k'warto.