Ilang minuto bago nagproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Walang mabubuo. Napangiwi ako nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. napakamot ako sa lalamunan kong bigla na lang nangati. Nanatiling nakayuko si Romeo. Nahiyaya yatang sagutin si Mama. Paano kasi ang landi niya.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Isa rin 'yan sa dahilan kaya nagdadalawang-isip ako na payagan kayo!" Umiling si Mama habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.
"Kung nakikita niyo lang ang mga mukha ninyo ngayon sa salamin. Malalaman ninyo kung gaano ka di-gusto iyang mga mukha ninyo sa sinabi ko! Siguro na-isip niyo na ang OA ko, kasi nasa tamang mga edad na naman kayo, pero ang akin lang mga anak, unahin n'yo muna ang problema sa Mommy mo, Romeo. Papa-saan ba at doon din talaga ang punta ninyo. Naintindihan niyo ba?" mahabang lintanya ni Mama.
"Hindi naman po sa di-gusto Ma, nagulat lang po kami sa sinabi niyo," mahina kong tugon pero nasa baba lang ang tingin.
"Pangako po Ma... Pipilitin ko po na walang mabuo!" Biglang singit ni Romeo, nahampas ko tuloy siya sa braso.
"Pinagsasabi mo d'yan na pipilitin? Talagang walang mabubuo dahil wala naman tayong gagawin!" Pinanliitan ko siya ng mata. Naka-ngiti naman niyang hinaplos ang brasong hinampas ko.
"O siya, kumain na kayo at kanina pa lumamig ang sabaw," putol ni Mama sa aming usapan.
Masayang natapos ang aming almusal at agad na rin kaming nagpaalam kay Mama, dahil malapit na mag alas-nuebe.
Kapwa kami may ngiti sa labi habang sakay ng kotse papunta sa shop. Hindi pa mapaghiwalay ang mga kamay na namamawis na.
Nanlaki ang mga mata nina Lenny at Myrna nang makita kaming magkasama. Nagkibit-balikat lamang ako, ngunit hindi ko maiwasan na mapangiti. Matamis na ngiti naman ang iniwan sa akin ni Romeo bago siya pumasok sa opisina.
Kahit walang salitang lumabas sa mga bibig ng kaibigan ko, alam ko naman sa mga tingin nila na gusto nilang alamin kung ano ang nangyari at bakit magkasama na kami ni Romeo na pumasok sa trabaho.
"Tigilan niyo nga iyang mga tingin ninyo! Mamaya ko na e-kwento ang nangyari," nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis.
Hindi na kami nagkaroon pa ng time na magkwentuhan habang nasa trabaho. Ang dami kasing costumer.
Paminsan-minsan namang lumalabas ng opisina si Romeo para e-check kami at kung may mga costumers na gustong makausap siya.
During our lunch break, na e-kwento ko na sa mga kaibigan ko kung paanong nagkabati kami ni Romeo. Natuwa naman sila sa naging kalalabasan ng pagpunta namin sa 'Amazing Bar', kahit na iyon ang dahilan kong bakit nabasag ang guwapong mukha ng mahal ko.
Kasalukuyan kong sinasabi sa kanila ang planong pagpunta namin ni Romeo sa Cebu, ngayong darating sabado.
"Goodluck girl, sana makuha mo ang loob ng mata-probreng Mommy ng mahal mo!" madiing saad ni Lenny, saka sĀ”nipsip ang straw ng iced-coffee.
"Lenny, talaga oh, kapag narinig ka ni Sir Romeo! Ewan ko na lang kung hindi ba uurong 'yang dila mo!" saway ni Myrna sa kaibigan naming madaldal.
"Nagsasabi lang naman po ako ng totoo," nakairap na tugon nito.
"Tama na nga iyang diskusyon n'yo," awat ko sa dalawa. Saka nagpakawala ng malakas na buntong-hininga.
Kinakabahan talaga ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang madadatnan ko doon. Hindi lang Mommy ni Romeo ang makikita ko, kun'di buong pamilya niya.
Paano kung lahat sila ayaw sa akin? Paano kung lahat sila husgahan at maliitin ang pagkatao ko? Nakakatakot. Kakayanin ko pa kaya? Maging buo pa rin ba kaya ang loob ko na hindi titigil hangga't matanggap nila ako? Umuurong na yata ang buntot ko. Bahala na nga si batman!
Gabi ng aming pag-alis. "Ma, mag-iingat po kayo rito hah, 'wag po kayo masyadong magpapagod 'tsaka bitbitin niyo po lagi ang cellphone mo, dahil tatawag po ako kaagad pagdating namin doon." Niyakap ko nang mahigpit si Mama kasabay ng mga bilin ko.
" 'Wag mo akong alalahanin Anak, kayo ang dapat mag-ingat. Gabayan sana kayo ng panginoon at magbunga sana ng maganda ang pag-alis ninyo," tugon naman ni Mama, kasabay ang paghalik sa pisngi ko.
"Romeo, Anak, 'wag mong pabayaan ang anak ko hah? At iyong bilin ko, 'wag ninyong kalimutan!" madiin pang sabi ni Mama. Napakamot sa ulo si Romeo, kanina pa kasi paulit-ulit si Mama.
"Opo Ma, 'wag po kayong mag-aalala. Walang mabubuo!" nakangiting sagot nito. Malakas na tapik sa balikat ang naging tugon ni Mama.
"Siya lumakad na kayo at baka mahuli kayo sa flight ninyo."
We hugged Mama again before finally getting into the taxi that had been waiting for us. Our flight from Negros to Cebu takes only thirty minutes by plane.
I let out a deep breath as the plane landed. Romeo lightly caressed my back. I turned to him; the nervousness had broken out in my entire appearance.
"You looked so tense, Mahal, just relax!" I stayed silent; no matter how comforting he said to me, I couldn't help but be tensed.
"Daddy will be here soon," he said as he continued to caress my arm.
"D-Daddy mo ang susundo sa atin?" tanong ko sa garalgal na boses.
Tumango siya at iginala ang paningin sa paligid. Mas lalo tuloy akong na-tense, bakit kasi Daddy pa niya ang susundo sa amin? Wala man lang ba silang driver?
Romeo let go of my arm to take a phone call. I moved my gaze around, glancing at Romeo, who was seriously talking on his phone, until my gaze was drawn to the boy, who was running hurriedly in our direction. Hindi niya pansin ang mga taong humaharang sa daanan sa bawat pagtakbo niya, maagap niyang naiiwasan ang mga taong iyon. Hanggang sa sumabit siya sa bagahe ng isang babae at natumba siya. Hindi man lang nag-abala ang babae na lingunin siya.
Agad kong nilapitan ang batang nagsisimula na sanang umiyak. Inalalayan ko siyang tumayo at nakangiting pinahid ang mga luha na namumuo sa mga mata.
"May masakit ba sa'yo, nasugatan ka ba?" nag-aalala kong tanong habang tinitingnan ang tuhod at siko niya.
"May gasgas ka sa siko, masakit ba?"
"It stings a bit, but I'm fine, Tita?" nakangiting sabi ng bata.
Naku! Maka Tita naman ang batang ito, parang kilala ako, bulong ko sa sarili ko. "Are you sure?" tanong ko.
"Yes, I'm sure!" masiglang sagot niya. Natawa na lang ako. Pero kanina kung hindi ko pa siya nilapitan siguradong aatungal na siya ng iyak.
"Who's..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na naman siyang tumakbo patungo sa likuran ko.
"Tito guwapo!" masayang sigaw ng bata kasabay ng paglingon ko.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang sinasabi niyang Tito guwapo, walang iba kung hindi ang guwapong mahal ko.
"Hi, buddy! How are you?" tanong ni Romeo habang karga na ang bata at lumapit sa akin.
"I'm fine, but I bumped into someone's luggage earlier and caused myself this!" Turo niya sa gasgas niya sa siko.
"Tita guwapa, helped me!" Nilingon niya pa ako at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ang cute na bata. Sarap tirisin!
"Tita guwapa?" takang tanong ni Romeo.
"Yeah, Tita guwapa!" Hinawakan niya ang mukha ni Romeo at tinutok sa akin." Is'nt she guwapa, Tito guwapo?" pabulong pa nitong tanong sa Tito guwapo niya.
Napangiti na lang din si Romeo at ginulo ang buhok nito.
"Ahmm... Tito guwapo, Lolo told me that you're here with your girlfriend. I hope she's nice and guwapa too, like her." Kiniliti ni Romeo ang pamangkin at sumulyap sa akin.
Napaka-bibong bata, buti na lang at may isa na sa pamilya ni Romeo na gusto ako. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko, nabawasan ang kaba ko.
"Where's your girlfriend, Tito guwapo? I wanna meet her!"
"Well, about that! You've met her already!" Humakbang palapit sa akin si Romeo at nilingkis ang kamay niya sa baywang ko. "Tita guwapa, is my girlfriend!"
"Daebak!" tanging nasambit ng bata nang malaman na ako ang girlfriend ng Tito guwapo niya.
Kay bata pa pero mukhang mahilig na sa korean drama. Kung maka-daebak kasi wagas! Kumapit na rin ako sa baywang ni Romeo at nakangiting nakatingin sa bata. Pinisil ko pa ang namumula nitong pisngi.
"There you are!" Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon. Isang pawisang lalaking nasa late 50's ang edad sa tantiya ko ang nakita namin. Seryoso at gigil na gigil na nakatingin sa batang karga ni Romeo.
"Been looking for you all over the place! My God, you've scared me to death!" bulalas ng matanda at ginulo ang buhok nito. Kasunod naman no'n ang pagpunas niya sa namumuong pawis sa noo.
Nakangiting napailing naman si Romeo. "You, haven't changed a bit, Dad! Napaka-hysterical mo pa rin."
"Hysterical na kung hysterical! Eh, kung nawala iyang nag-iisa kong apo! 'Di ko mapapatawad ang sarili ko!"
"I'm sorry, Lolo! You're too slow, kasi."
"It's okay... but, don't ever do this again, apo ha?" malambing namang tugon ng matanda.
Kung mag-usap sila parang hindi nila ako nakikita. Para tuloy akong nanliit sa kinatatayuan ko. Bahagya ko na lang hinila ang manggas ni Romeo nang maalala naman niya ako.
"Put me down, Tito guwapo, please," magalang na sabi ng bata.
Pagkababa sa kan'ya ni Romeo, agad nitong hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Kung saan kami pupunta, iyon ang hindi ko alam.
"Hey, buddy, where are you taking, Tita guwapa?"
"To the car," sagot niya.
Lumingon pa ako sa kanila ni Romeo at Daddy niya at nagpaubaya na lang na hilahin ako ng bata. Naiwan namang nakatayo lang ang dalawa at hindi man lang nag-abalang sundan kami.
"What's you're name, Tita guwapa? I'm Michael, by the way, I am six years old. My father and Tito guwapo are brothers." Nakatingala ito sa akin at nangingislap ang maamo nitong mga mata.
"I'm Tita Vianna May," nakangiti kong sagot.
"Nice name, but Tita guwapa, suits you."
Hindi ako makapaniwala na six years old lang ang batang ito, sa pananalita palang niya mukhang ang talino na. Nakakatuwa. At least kung aawayin man ako ng ibang kapamilya nila, dalawa na ang mag co-comfort sa akin. Tumigil kami sa tabi ng isang puting SUV.
"Let's wait for them here, Lolo Ramon is too slow. He's not that old but he moves like a snail." Sinapo niya pa ang kan'yang noo pagkasabi noon.
"Well, at least, snails are cute," pabiro kong sabi.
"Are you saying that Lolo Ramon is cute?" curious niyang tanong at napakamot pa sa ulo.
Nalintikan na! Paano ko na naman sasagutin ang tanong ng batang 'to? Pinisil ko ang mukha nito at ngumiti ng pilit.
"They are here at last!" Patakbong sinalubong niya ang kan'yang Lolo at Tito.
Nakahinga na naman ako ng maluwag, hindi ko na kasi kailangang sagutin pa ang tanong ni Michael. Pero agad naman iyong napalitan ng kaba nang sumulyap sa akin ang Daddy ni Romeo.
Tipid akong ngumiti at bahagyang yumuko habang papalapit sila sa kinatatayuan ko.
"Hi, Vianna May, pasens'ya na ha kung hindi kita nabati kaagad kanina. Ito kasing apo ko! Pinag-alala ako!" Gigil niyang ginulo ulit ang buhok ni Michael.
"Okay lang po," tipid kong sagot.
Hinawakan ni Romeo ang kamay ko at matamis na ngumiti.
"Pasensya ka na mahal ha, talagang ang kulit ng pamangkin kong iyan, first apo kasi kaya nasa kan'ya lahat ang attention ng pamilya."
"Sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan at gumagabi na, I'm sure gutom na kayo."
Tahimik kaming lahat habang sakay ng kotse. Nasa pagitan namin ni Romeo, si Michael na mukhang ina-antok na dahil kanina pa naghihikab.
"Lolo, do you think, snails are cute?" Basag ni Michael sa katahimikan. Matiim namang napapikit ang mga mata ko sa tanong niya sa kan'yang Lolo. Napansin iyon ni Romeo.
"Hmmm...yes, I think they are cute."
Ngumiti si Michael, saka bumaling ang tingin sa Tito niya.
"Yes buddy, snails are cute!" agad na sabi ni Romeo.
"Well, it's confirmed! Lolo Ramon is indeed cute!" Nag-thumbs up pa siya sa akin.
Napahilig na lang ako ng tudo sa upuan, gusto ko na ngang sumuksok sa ilalim at magtago na lang doon. Akala ko nawala na ang usapang snail sa utak niya. Hindi pala! Pambihirang bata ito, mukhang mahihirapan na akong kunin ang loob ng Daddy ni Romeo dahil sa kaniya.
"Me, cute?" hindi makapaniwalang tanong ng Daddy ni Romeo.
"I told Tita guwapa, that you move too slow like a snail! Then she said at least snails are cute." Kasabay ng sinabi ni Michael ang biglang pagtigil ng sasakyan.