Chereads / Nilimot Na Alaala / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

"Romeo, what are you doing?" You're not allowed to come up here or enter my room. "Go down before Mama sees you," I grumbled.

"Just let me be, Mahal," he said, caressing my cheek. "I just want to fix things between us," he whispered before pressing his lips to mine.

"Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo... madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama.

Nakangiti siyang nagtungo doon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod na.

"Where are you going?" tanong niya at akmang hahawakan ako.

"Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot.

He returned to his seat with a nod and a smile. Parang bata.

Kinuha ko ang medical kit from my dresser. Then I returned to Romeo, who was still beaming from ear to ear.

I sat quietly next to him, treating his wounds gently. He didn't seem to feel any pain when I pressed cotton buds on his wound. He just keeps on smiling. He slowly moved his face to mine, lips pouting. Parang tanga rin.

"Umayos ka nga! Hindi ko magamot ng maayos ang sugat mo!"

Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniin ko pa ang paglagay ng cream sa pasa niya, para umayos naman siya ng kaunti dahil kanina pa ako parang matutunaw sa mga titig niya.

Inis pa rin kaya ako sa kaniya. Ang swerte naman niya, if I forgive him right away. I was hurt and cried a lot because of him. Hindi pwede na patawarin ko na lang siya agad.

I peered out the window as a strong wind blew. The rain hasn't stopped yet. The draperies by the window were swirling, parang puso ko na hindi rin matigil sa pag-indak.

I turned my gaze to Romeo. Loko din e, agad ba namang sinalubong ng mabilis na halik ang labi ko.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at idiniin ang cotton buds sa labi niyang may sugat.

"Para-paraan ka talaga, no?!" Umismid ako, saka tinuloy na ang paggamot sa labi niya.

"Tigilan mo na nga 'yang kakangiti mo. Para ka nang baliw!" saway ko sa kan'ya.

"Tapos na, bumaba kana at magbibihis na ako," seryoso kong sabi saka binalik ko na rin ang mga gamot sa lagayan nito.

"Ano pa ang ginagawa mo r'yan? Bumababa ka na!" inis na utos ko. Hindi pa rin kasi siya kumikilos.

"Bahala ka nga diyan!" nasabi ko na lang at padabog na pumasok sa banyo.

Sinadya kong magtagal, para mainip siya at umalis na lang.

Napabumontong-hininga na lamang ako nang makita siyang nakasandal sa headboard at nakapikit. Ang guwapo pa rin talaga niya kahit pa basag ang mukha.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"Romeo," pabulong kong tawag. "Hoy! Huwag ka ngang magkunwaring tulog! Alam kong gising na gising ka pa!"

Niyugyog ko ang braso niya, magdilat lang siya. Pero wala talaga. Talagang nagmamatigas siya.

"Ewan ko sa'yo," nasabi ko na lang. Ayaw pa rin kasi niya magdilat. Tumalikod na lamang ako.

"Ayaw mo na ba talaga akong tawagin na mahal?"

Bigla akong napalingon nang marinig ang malungkot nitong boses. Parang kinuyumos ang puso ko pagkarinig no'n.

Idagdag pa ang tanong niya na parang kinurot din ang puso ko. Pero hindi ko naman magawang sumagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil iniisip ko pa rin ang Mommy niya.

Inuukupa ng Mommy niya ang buong diwa ko. Hindi mawala-wala ang mga alinlangan ko.

"Mahal... suko ka na ba agad? Ayaw mo na sa akin dahil sa Mommy ko?"

Yumuko ako. Tama nga kasi siya. Sumuko na ako kagabi pa. Kahit masakit.

Narinig ko na lang ang paghinga niya nang malalim. "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya pa sa garalgal na boses.

Sa inaasta niya ngayon hindi ko na alam kong hanggang kailan ko siya matitiis. Hindi ko alam kung tuluyan ko bang mapanindigan ang pagsuko.

Kanina ko pa siya gustong yakapin ng mahigpit at halikan. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng alinlangan, dahil sa Mommy niya.

"Mahal, magsalita ka naman oh!" Ayoko sanang lingunin siya, pero ewan ko ba? Hindi ko maawat ang sarili ko at kusang napapalingon na lang ako. Agad naman akong nagbawi ng tingin. Lumambot kasi ang puso ko habang tinititigan ang napakalungkot niyang mukha.

"Mahal," tawag niya ulit sa akin kasabay ang pagkapit ng braso niya sa baywang ko.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko, mahalin mo lang ulit ako?" Siniksik na naman nito ang mukha niya sa leeg ko.

"Mahal,"tawag niya ulit sa akin. May kasama nang pinong halik sa leeg ko. "Mahal..." nang-aakit na ang boses na tawag niya sa akin.

Pero sinikap ko pa rin na 'wag tumugon! 'Wag magpadala sa mga lambing niya.

Bumitiw siya pagkapit sa baywang ko, saka hinaplos ang braso ko kasabay pa rin ang pinong halik sa leeg ko, pababa balikat ko.

Sa totoo lang, kunti na lang bibigay na ako. Hindi ko alam kong sino ang mas nahihirapan sa sitwa'syon naming ngayon. Siya ba na walang tigil sa panunuyo at paghalik sa akin o ako na kanina pa nagpipigil na 'wag madala sa panunuyo at mga halik niya.

"Aray!" reklamo ko. Hindi sadyang mahawakan niya ang pasa ko. Mainit na tingin ang pinukol ko sa kan'ya.

"Sorry mahal," sabi niya at kaagad nilapat ang labi niya sa braso ko. Nagulat lang ako nang pumapadaosdos siya at umupo sa tabi ko. Ilang sandali siyang hindi kumilos at hindi tumingin sa akin. Napakunot noo tuloy ako.

Nagulat naman ako nang bigla niyang halikan ang tuktok ng balikat ko saka tumayo. Nagpunta siya sa dresser at binuksan ang drawer doon kung saan ko nilagay ang mga gamot kanina.

Nakangiti na siya, bitbit iyon at umupo sa paanan ko.

Kinuha niya ang bruise cream na ginamit ko sa kan'ya kanina. Naglagay siya ng k'unti sa daliri niya saka banayad na pinahid sa mga tuhod ko. Habang 'di maalis ang tingin sa akin.

Tumayo siya at tumabi sa akin. Naglagay ulit siya ng kaunting cream sa daliri niya at banayad na pinahid sa braso ko, kasabay ang pagdantay ng labi niya sa tuktok ng balikat ko habang ang mga mata ay nakatitig sa akin.

Nang-aakit ang mga titig niya na unti-unting lumulusaw sa pinatigas kong puso. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at hinabol ng halik ang labi kong iiwas na sana sa paglapit ng mukha niya.

Agad siyang kumapit sa batok ko, tinagilid ang ulo at mas pinalalim ang mga halik sa akin. Mga halik niyang parang uhaw na uhaw sa labi ko.

Nasa pagitan naming dalawa ang lagayan ng gamot kaya may agwat pa rin ang mga katawan namin.

Namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang mga halik niya at sa tuwing pagtugon ko ay napapangiti siya.

"Mahal," malambing na tawag niya sa akin habang magkalapat pa rin ang aming mga labi. Siya namang paggalaw ng doorknob.

Tinulak ko si Romeo at umayos sa pagkakaupo, habang siya balisang naghanap kunwari ng gamot sa box.

Naglagay na siya ng cream sa daliri nang magbukas ang pinto at pumasok si Mama. Makahulugan ang mga tingin ni Mama at seryoso ang mga tingin niyang nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Romeo.

"Nagamot mo na ba ang mga pasa sa mukha ng boyfriend mo?" walang emosyon sa mukha na tanong ni Mama.

Naka-cross pa ang dalawa nitong kamay sa dibdib. Tumango lang ako. Hindi pa kasi kumalma ang puso ko na parang lumundag kanina.

"Akala ko ba mukha ni Romeo ang may pasa. Bakit siya ang naglagay ng cream sa daliri niya?"

Nakagat ko ang labi ko. Hinuhuli niya talaga kami. "E, Ma.... may pasa po kasi si mahal sa braso, at tuhod niya, may gasgas," sagot naman ni Romeo, kasabay ang pagpahid ng gamot sa braso ko at napadaiin niya pa ang pagpahid noon.

"Aray! dahan-dahan naman," reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Sorry mahal," sabi niya pero na kay Mama ang tingin.

"Tapusin niyo na iyan," nasabi na lang ni Mama saka humakbang palabas ng k'warto. "Isara n'yo iyang bintana at baka may makita sa inyo na ginagamot pa ang ibang sugat niyo!" May diin na sabi ni mama, saka tuluyang nang bumababa.

Sinilip ko pa siya kung talagang bumababa na nga. Nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa baba.

Napaisip pa ako sa sinabi niya na ibang sugat. Wala na naman kaming ibang sugat sa katawan. Si Mama talaga, kakalito rin minsan.

Pumasok ulit ako sa k'warto at pinandilatan ang nakangising si Romeo. "Ikaw kasi! Muntik na tuloy tayong mahuli!" Inis kong sabi at dinuro pa siya.

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo at isinara ang bintana. Inayos niya pa ang mga kurtinang nakasabit doon at nakingiting lumapit sa akin. Pero nilagpasan niya ako at dumeritso pinto. Ni-lock din iyon.

Humarap siya sa akin pagkatapos ma-lock ang pinto. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Si Mama ang may sabi na isara ang bintana at baka may makakita sa atin," pilyo ang ngiti niya na tumitig sa akin.

"Narinig ko nga, bintana lang ang sinabi niya 'di ba? E, bakit pati pinto ni lock mo?" sarkastikong tanong ko.

"Hindi pa kasi kita tapos gamutin, baka bumalik si Mama at mahuli tayo," nakangiti niyang sabi saka hinila na ako papunta sa kama. Niligpit niya ang lagayan ng mga gamot at pinatong sa bedside table.

"Teka lang, bakit niligpit mo iyan? 'Di ba sabi mo gagamutin mo pa ako?" Kumunot ako ng noo.

"Ibang gamutan kasi ang gagawin natin," Kumindat pa ang loko kasabay ang pagkagat ng pang-ibabang labi. Humiga siya at nagsenyas na humiga na rin ako.

Umiling ako.

Magsasalita pa sana ako, pero bigla niya akong hinila at agad kinulong sa mga bisig niya. "Romeo, ano ba!" Inis kong sabi. Hinampas ko siya sa braso.

"Wala ka bang balak umuwi?" tanong ko na lang. Para kasing wala na siyang plano na pakawalan ako. Ang higpit kasi ng pagkakayakap niya.

"Hangga't hindi mo ako tawaging mahal hindi ako uuwi," maagap niyang sagot. "Hangga't nararamdaman kong galit ka pa sa akin, dito na ako titira."

"Akala mo naman papayag si Mama na dito ka tumira." Siniksik na naman niya ang mukha sa leeg ko. "Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan?!" may diin kong tanong at inipit ang mukha niya doon.

"Ang sarap mo kasi...," pabitin ang salitang sinabi nito.

Napakagat labi tuloy ako habang hinihintay ang karugtong no'n. Pero ilang minuto na akong naghihintay hindi na siya nagsalita.

"Hoy!" Siniko ko siya. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Narinig ko na lang ang mahina nitong tawa.

"Tawa ka diyan! Bitiwan mo na nga ako!" Pinilit kong inaalis ang nakapulupot niyang braso. Pero lalo lang niya iyong humigpit.

"Mahal...," ayan na naman ang napakalambing niyang boses na nagbibigay ng libo-libong boltahe sa aking katawan.

"Mahal..." ulit niya pa.

Hindi ko na yata siya matiis, para kasing hinahaplos ang puso ko sa bawat pagtawag niya. Napapapikit at napapakagat labi na lamang ako para pigilan ang sarili ko.

"Mahal..." tawag niya pa ulit, kasabay na ang pagdampi ng malambot niyang labi sa batok ko.

"Ano ba?! Sabihin mo na kasi kung anong gusto mo!" kunwari naiinis kong tanong, sabay ang pagpupumiglas nang matanggal na ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin.

Pinihit niya ako paharap. "Galit ka pa rin ba talaga sa akin mahal?" nakalabi niyang tanong.

"Ano sa tingin mo?!" tanong din, ang sagot.

"Sa tingin ko... hindi ka na galit mahal. Nagpapalambing ka na lang..." nakangiti niyang sabi. Pinindot pa ang ilong ko.

"Ewan ko sa sa'yo!" Tumalikod na lamang ako para 'di niya makita ang namumula kongmukha. Agad naman niyang nilingkis ang isa niyang kamay sa baywang ko at idiniin ang sarili sa akin. Narinig ko na naman ang mahina niyang tawa.

Nakapikit na ako nang maramdam ko na naman ang malambot niyang labi sa batok ko. Alam kong nilagyan na naman niya iyon ng marka. Saka siniksik na naman niya ang mukha sa leeg ko.

Hindi ako umikmik, nagkunwari akong tulog. Pero pigil ang hininga at nakakuyom ang mga palad ko. Hanggang sa na naglakbay na ang mga halik niya sa leeg ko, pababa sa balikat ko.

"Ano ba mahal! Pwede ba, matulog na tayo!" may diin kong sabi habang nakapikit lang ang mga mata.

Tumigil siya at pinaharap na naman ako, nakangiti na siya sa pagkakataong.

"Tinawag mo na ulit akong mahal!" sabi niya. Ang lapad ng ngiti.

Napatiim-bibig ako. Hindi ko kasi napansin na natawag ko na pala siyang mahal.

"Mahal mo pa rin talaga ako kaya hindi mo magawang tanggihan ang mga halik ko," tuwang-tuwa na sabi niya.

"Ewan ko sa'yo," idiniin ko sa mukha niya sa palad ko. Hinawakan niya iyon at dinala sa labi niya.

"Tigilan mo na iyang kakatitig sa akin, umidlip ka na sandali at nang makauwi ka na."

Nakangiti siyang tumango, saka pinikit kaagad ang mga mata. Para siyang bata na nakuha ang reward na gusto niya.

Pumikit na rin ako. Hawak niya pa rin ang kamay ko at nakadikit pa rin iyon sa labi niya. Hanggang sa 'di ko na namalayan na naka-idlip na nga ako.

Nagising na lang ako na wala na sa tabi si Romeo. Tumingin pa ako sandali sa orasan na nakapatong sa bedside table. Alas-dos pasado na nang madaling araw.

Sigurado akong umalis na lamang siya at 'di na lang ako ginising.

Pikit-mata akong umupo, hinubad ang suot kong oversize t-shirt at binalibag iyon kong saan. Talagang antok pa kasi ako. Nakatagilid akong nakahiga, kaharap ang bintana. Nasa likuran ko na naman ang banyo.

"Ahem!" I stood up right away as soon as I heard the coughing sound.

"Mahal, I thought you'd left," I exclaimed. My brow furrowed in shock when I saw him holding my shirt, which I had taken off earlier.

"I was about to leave, but... hindi ko na alam kung tutuloy pa ba ako."