Chereads / Nilimot Na Alaala / Chapter 6 - Kabanata 5

Chapter 6 - Kabanata 5

I feel the tension between Mama and Romeo. Kabado ako habang nakatingin sa dalawa.

A tinge of dismay is seen on Romeo's face as he lifts his head from Mama's shoulder.

"Ina ako, Romeo. Mahal ko ang anak ko. Ayokong makita siya na nahihirapan at nasasaktan."

"Ma... naintindihan ko po..." malungkot na tugon ni Romeo kasabay ang pagsulyap sa akin.

"Kung ganoon naman pala ay wala tayong magiging problema." Lumingon si Mama kay Romeo at bahagyang ginulo ang buhok.

"O siya, maiwan ko muna kayo at ako'y magbibihis lang."

"Mahal," tawag ko kay Romeo na napatulala na lang. I sat close to him. I cling to his arm and rest my chin on his shoulder. I simply mimicked what he did to Mama earlier.

Aba, at talagang effective pala ang lambing na 'to. Agad din kasi siyang ngumiti.

"Ayos ka lang ba, mahal?" tanong ko, panay taas-baba ang mga kilay ko.

He smiled even more as he took hold of my hand, which was still clinging to his arm.

"Paano ako hindi maging ayos! Lambingin mo ba naman ako ng ganito!"

Ngumiti ako. "Gagana kaya sa Mommy mo ang lambing na 'to?!"

Gulat siyang tumingin sa akin. Lumabi ako. Reaction pa lang niya, alam ko nang hindi talaga gagana ang tiknik na naisip ko.

"Anong tiknik ba ang gagana sa Mommy mo, mahal?" pahikbi kong tanong.

Ngumiti siya. "Be yourself tiknik. 'Yon ang gagana kay Mommy, mahal... magaling siyang makiramdam. Kaya wala ka dapat gawin kun'di ang kumilos ng normal. Hindi pilit at hindi mapagpanggap."

"Anak, sumunod na lamang kayo sa kay Chona, ha," sabat ni Mama sa aming usapan.

"Sige, po Ma." Kaagad nang umalis si Mama matapos magpaalam.

"Anong mayro'n sa kay Aling Chona, Mahal," tanong ni Romeo.

"Kaarawan ni Cathy... " Tumayo ako matapos sagutin ang tanong niya.

"O, saan ka naman pupunta?" He drew me back, and I landed on his lap.

"Mahal, ano ba? Baka biglang bumalik si Mama at magulantang na naman tayo!" Binaklas ko ang kamay niya na kaagad lumingkis sa baywang ko at tumayo.

Ang bilis talaga nitong mala-tigre kong boyfriend.

"Hintayin mo na lang ako d'yan, bihis lang ako sandali."

I dashed upstairs and locked the door, fearful that the ravenous, tiger-like boyfriend of mine would attack at any moment. I'm dressed simply in jeans and a V-neck blouse. We're going to a simple party, so there's no need to show off.

Pamatay na ngiti ang bumungad sa akin pagbaba ko. Agad siyang tumayo at pinatay ang telebisyon.

"Tara mahal," I grabbed his waist as he wrapped his arm around my shoulder. Masaya kaming naglakad papunta sa gate.

"Ang malas naman," pabulong kong sambit.

"Bakit mahal?" nagtatakang tanong niya.

"Nandiyan na naman ang human CCTV sa labas. Palubog na nga ang araw, siya wala pa rin talagang kalubog-lubog!"

Ngumiti na lamang si Romeo. " 'Wag mo na lang pansinin, mahal." 'Yon na nga lang ang ginawa ko. Ni ang sumulyap nga sa kanya 'di ko na rin ginawa.

Bumili muna kami ng cake bago nagpunta sa bahay nila Aling Chona. Hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa bakuran nila. Masayang ngiti na ang sumalubong sa amin.

"Happy Birthday, Cathy!" Mahigpit na yakap ang naging tugon ni Cathy sa bati ko.

Inabot naman ni Romeo ang cake kay Cathy, kasabay ang pagbati sa kan'ya. Hindi ko pa napigil ang pag-angat ng mga kilay nang yakap din ang tugon ni Cathy sa bati ni Romeo.

Feeling close? Agad- agad? Hinawakan naman ni Romeo ang mga braso nito at naiilang na inilayo ang katawan niya sa kaibigan kong may pagkahitad.

"Vianna May, pasok na kayo! Cathy, papasukin mo na 'yang mga bisita mo!" sigaw ni Aling Chona.

"Halina kayo, Viann, Rom..." aya ni Cathy sa amin sa pinatining na boses.

"Rom?" ulit ko sa sinabi nito. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Romeo na biglang napatingin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Pero ngisi lang ang tugon niya.

Ito ang parusa sa mga babaeng may boyfriend na handsome na, yummy pa! Pati kaibigan ko, 'di mapigil ang kaharutan.

Masayang nagtapos ang munting salo-salo. Napainum nga ng kaunti si Romeo, dahil sa pamimilit ni Mang Berne, Ama ni Cathy.

Hindi rin kasi matanggihan ni Romeo ang alok nito. Kalahating bote ng beer ang nainum niya at inigaw ko na ang bote at agad nilagok iyon. Walang reklamong umiling na lamang ang dalawa. 'Di kasi pwedeng uminum ng marami itong Mahal ko dahil nagmamaneho siya.

Naging abala kami ni Mama sa pagtulong Kay Aling Chona. Nalasing kasi ng husto si Mang Berne, kaya dinala niya muna sa silid nang makapagpahinga na.

Kami na muna ni Mama ang humalili sa kaniya sa paghugas ng mga pinagkainan.

"Vianna May, Violy, ako na d'yan! 'Ano ba kayo, mga bisita kayo tapos kayo pa ang gumagawa niyan!" saway sa amin ni Aling Chona.

"Puntahan mo na 'yong boyfriend mo do'n at baka mainip," sabi niya pa.

"Sige po, puntahan ko muna sila." Napahinto ako at napakapit sa hamba ng pinto.

Huli ko sa akto ang kaibigan kong banayad na humaplos ang kamay sa balikat ni Romeo. Kahit pa panay urong na si Romeo, pilit pa rin siyang dumidikit.

Sarap batuhin ng tsenelas! Dahan-dahan akong lumapit at pa-simpleng hinampas ang braso niya kasabay ang pagbati ng happy birthday.

Hindi naman makatingin sa akin si Romeo. Urong-urong lang kasi ang ginawa. Hinayaan niya lang na himasin ang likod niya. Pambihira din itong kaibigan ko. Hindi pa nakuntento sa matamis na cake na natikman niya. Pati boyfriend kong matamis gusto niya rin yatang tikman.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa maka-uwi kami. Si Mama dumeritso na rin sa kwarto niya. Alam niya kasi na wala kaming ibang gagawin dahil siguradong malalaman niya.

"Mahal, kanina ka pa tahimik ah." Nasa sala kami at hindi ko nga siya kinausap. Nakahalukipkip lamang ako sa gilid ng sofa.

"Mahal, ano na naman ba ang kasalanan ko? Kababati lang natin pero galit ka na naman," He drew in closer, trying to catch my furious gaze.

"Dahil ba sa kaibigan mo?" Umirap ako. Ngumiti naman siya at pinindot ang ilong.

"Nagseselos ang mahal ko," nakangiti niyang sabi kasabay ang mahigpit na yakap sa akin.

"Umayos ka nga!" Bahagya ko siyang siniko pero napangiti naman.

Humiga siya at ginawang unan ang mga hita ko. Nakatitig lang siya sa akin at gano'n din ako sa kan'ya.

"Mahal, anong gagawin natin para makuha ang loob ng Mommy mo?" seryoso kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa dibdib niya, saka huminga ng malalim. Kaagad nanghina ang loob ko. Para kasing wala nang pag-asa na magustuhan ako ng Mommy niya.

There was a brief moment of silence between us. We were both thinking ways to persuade his mother to accept our relationship. Nakailang buntong-hininga na ako nang magsalita siya.

"Punta tayong Cebu sa next day off natin mahal, at hindi tayo titigil hangga't hindi makuha ang loob ni Mommy."

"Malabo yata 'yang naisip mo mahal, paano ang Mama? Baka hindi siya pumayag."

"Ako na ang bahala, sigurado akong papayag siya," nakangiti niyang sabi.

Talagang sure siya na papayag si Mama. Ang lakas talaga ng loob niya. Sana ako rin malakas ang loob na harapin ang Mommy niya.

" 'Wag ka na masyadong mag-alala. Matatanggap ka rin ni Mommy." Inangat niya ang kamay ko at hinalikan iyon kasabay ang malagkit na titig na pinukol sa akin.

"Mahal, ayaw mo pa bang umakyat at magbihis?" tanong niya na may pilyong ngiti.

Umiling ako ng paulit-ulit at hinampas siya sa braso.

"Ikaw talaga mahal, kabisado ko na iyang mga linyahan mong ganyan?"

Pinisil ko ang magkabila pisngi niya nang matigil ang kapilyohang iniisip niya. "Bumangon ka na nga diyan at..."

"Punta na tayo sa kwarto mo?" dugtong niya sa sinabi. Napakagat labi pa at namilog ang mga mata. Pinitik ko ang noo niya 'tsaka umiling ako.

"Mahal, ang landi mo! Bangon ka na diyan at nang maka-uwi ka na! Baka kasi makita ka na naman ng kapitbahay naming tsismosa at ano na naman ang ipagkalat no'n!" naiiling kong sabi.

"Pakialam ko ba sa kapitbahay ninyong tsismosa, gusto pa kitang makasama," reklamo niya.

"May bukas pa man mahal, 'tsaka dapat pagplanohan natin maigi ang pagpunta sa Cebu, kaya tigilin mo muna 'yang kalandiang naiisip mo."

"Ayoko pa ngang umuwi, gusto pa kitang kasama," Nagpapaawa ang mukha na tumingin sa akin.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas-diyes y media na nang gabi, 'tsaka tumingin ulit ako sa mukha ni Romeo na nagpapa-awa pa rin talaga.

"Sige pwede ka pang dumito hanggang alas-onse." Lumapad ang ngiti niya at nilingkis ang braso sa baywang ko.

"Tara na do'n?" pabulong niyang sabi, sabay turo sa taas. Natawa na lamang ako sa inaakto niya.

Para kaming mga tangang nagbubulungan. "Mahal, 'di tayo p'wede do'n may CCTV sa kwarto ko, makikita ni Mama ang ginagawa natin." Bigla siyang napabangon at nagusot ang noo na tumingin sa akin.

Sobrang pagpigil naman ang ginawa ko upang hindi matawa.

" 'Wag mo nga akong pinagloloko, mahal," seryoso niyang sabi.

"Mukha ba akong nanloloko?!" tanong ko.

Tumititig siya ng maigi sa mga mata ko. "Totoo ba talaga 'yang sinasabi mo? Kaya ba siya biglang umakyat sa taas kagabi?" Bahagya lang akong tumango. Dahil kanina ko pa pinipigilan ang mapahalakhak.

"Dito na lang tayo!" Hindi na ako nakapagsalita. Dahil bigla na lang niyang sinakmal ang labi ko, 'tsaka hinila ang balakang ko, padaosdos palapit sa kan'ya.

Nakahiga na ako ng maayos sa sofa habang siya naka-upo sa gilid ko at nakayoko. Sinisiil ng mapupusok na halik ang labi ko, umabot pa iyon hanggang sa leeg ko.

"Ang sarap talaga ng labi mo mahal!" malandi at namamaos niyang bulong.

Sinamantala ko namang bumangon nang putulin niya ang mainit na halikang iyon, at tumingin ulit sa orasan.

"Mahal, alas-onse na!" Tumingin din siya sa orasan at malungkot na tumingin sa akin.

"Oras na para umuwi ka." Umiling siya. "Kita na lang tayo bukas sa work, mahal," seryosong sabi ko.

Wala siyang ganang tumayo. Hinawakan ko siya sa pisngi at dinampian ng mabilis na halik sa labi.

"I love u mahal, ingat ka sa pag-uwi ha," malambing kong sabi. Ngumiti siya at inilingkis ang mga kamay sa baywang ko.

"I love you more, mahal," sagot niya sabay ang mariin na halik sa aking labi. "Paano alis na ako, e-lock mo maigi ang pinto ha," bilin niya.

Kumaway na lang ako pagkalabas niya ng gate. Pag-alis nang kotse niya, saka ako pumanhik sa taas para matulog na rin dahil may trabaho na bukas.

******

Isa na namang bagong umaga, tinaas ko ang mga kamay at bahagyang nag-unat. Tulad kahapon magaan pa rin ang pakiramdam ko. Sana ganito palagi ang bawat gising ko.

Nakangiti akong pumasok sa banyo at pakanta-kanta habang masayang sinasabon ang sarili. Pa ihip-ihip ng bubbles sa kamay, ang sayang pag-masdan ng mga ibat-ibang kulay na bubbles na nagliparan, gaya ng feelings ko na para akong lumilipad sa ere dahil sa napakulay kong buhay pag-ibig. Sana lang hindi tulad ng bubbles ang sayang nararamdam ko na bigla na lang pumuputok at maglalaho.

"Magandang umaga Ma!"

"Ay, Piskot!" bulalas ni Mama at napawisik pa ang tubig sa hose kung saan.

"Ano ba, 'Nak, ang aga-aga nang-gugulat ka ng gan'yan!" nanlaki ang mga matang sabi ni Mama.

"Kasi naman po Ma, kanina pa kita hinahanap, hindi po kita mahagilap, nandito ka lang pala sa mga halaman mo," naka-ngiti kong sabi.

"Kain na po muna tayo Ma, mamaya niyo na po iyan tapusin," pamimilit ko. Tinuloy niya pa rin kasi ang pagdidilig.

Papasok na sana kami nang marinig ko pagparada ng kotse ng mahal ko. Nakangiti ako at patakbong sinalubong siya sa gate.

"Mahal, bakit nagpunta ka pa rito?" tanong ko habang binubuksan ang gate.

Isang malutong na halik at napaka-tamis na ngiti ang tugon niya. Napatingin ako sa paligid, sigurado kasi na hindi iyon nakalampas sa mga human CCTV sa aming paligid.

"Mahal, 'di mo naman sinasagot ang tanong ko," nakanguso kong sabi. Papasok na kami ng bahay.

"Hindi ba sabi mo kagabi, pagplanohan natin ang pagpunta sa Cebu? Kaya ako nandito para magpaalam kay Mama. "

"Magandang umaga, Ma, " bati niya at nagmano rin.

"Magandang umaga, Anak, ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Mama. Nilapag niya ang extra na pinggan sa lamesa.

"Kasi po Ma, may sasabihin po kasi ako," bumakas ang alinlangan sa mukha niya.

"Ano ba iyon, at kailangan pa talaga na ganitong oras mo pa sasabihin?" Bakas din ang pagtataka sa mukha ni Mama.

"Sige na umupo na kayo at pag-usapan natin habang kumakain." Agad kaming nagsi-upo.

Hawak na ni Romeo ang kutsara at tinidor pero hindi naman magawang magsalita. Panay titig lang siya kay Mama. Talagang tinatantya niya kung kailan sasabihin ang plano namin.

Abala na si Mama sa pagkain at gano'n din ako. Pero si Romeo talagang hindi pa nagagalaw ang pagkain niya. Sigurado ako na nag-iisip pa siya kung paano simulan ang sasabihin niya, na hindi tatangi si mama.

"Anak, Romeo, gusto mo ba akong malusaw dito sa kina-uupuan ko? Kanina mo pa ako tinititigan ah, 'tsaka nilalangaw na 'yang pagkain mo, oh!" naiiling na sabi nito. "Ano ba kasi iyang sasabihin mo at mukhang hirap na hirap kang bigkasin?" seryoso nitong tanong.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at lihim na nagdadasal na sana pumayag nga siya.

"Kasi po Ma, balak po naming magpunta sa Cebu."

Mama dropped the spoon and fork she was holding in an instant. Sobrang nagulat kami. Romeo and I exchanged glum looks.

"At anong gagawin ninyo sa Cebu? Para paiyakin na naman ng Mommy mo ang anak ko?" galit na tanong ni mama.

"Ma, kaya nga kami pupunta doon para suyuin ang Mommy ni mahal. Hindi ko po kasi magagawa iyon kung nandito lang kami. Kailangan naming mag-effort para makuha ang loob niya," singit ko sa usapan nila.

Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Romeo, habang seryoso ang mukha.

"Ma, 'wag po kayong mag-alala 'di ko na po hahayaang masaktan at umiyak pa si Vianna May, pangako po. Kaya sana pumayag na po kayo," pangungumbinsi ni Romeo.

Huminga ng malalim si Mama, saka deritso ang tingin niya sa mga mata ni Romeo. "Kailan ang balak ninyong magpunta roon?"

Umupo ng tuwid si Romeo, bakas ang tuwa sa mukha. Nagkaroon agad siya ng pag-asa na papayag na nga ang mama.

"Ngayong darating na sabado po, Ma. Aalis kami pagkatapos ng trabaho at babalik din po agad lunes ng umaga."

"Hanggang kailan niyo naman balak gawin iyan?"

"Hanggang sa matanggap niya po si mahal," Hinawakan ni Romeo ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. Habang seryoso pa rin ang mukha ni Mama.

"Paano kung sa paulit-ulit na pagpunta ninyo, paulit-ulit din na masaktan ang anak ko?"

"Ma, handa na po akong masaktan ng paulit-ulit, makuha ko lang ang loob niya," maluha-luha ang mata na sabi ko kay Mama."

"Pasensya na Anak, kung nag-dadalawang isip man ako na payagan ka. Nakita ko kasi kung paano ka nasaktan at umiyak. Alam mong masakit din iyon sa akin 'di ba?" Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kaya nga po Ma, hangga't maaga gusto na naming maayos lahat, para hindi na ulit humantong sa ganoon. Please Ma, payagan niyo na po ako."

Bumuntong-hininga si Mama. "Sige papayag ako," agad rumehistro ang tuwa sa aming mukha.

"Basta ipangako at siguraduhin ninyo na sa pagpunta n'yo doon, walang mabubuo!"