Chereads / Nilimot Na Alaala / Chapter 1 - Simula

Nilimot Na Alaala

🇵🇭SWEET_JELLY
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

"Ano ang binigay mong kapalit, katawan mo?!"

Katagang binigkas ng Mommy ni Romeo—ang lalaking mahal ko.

I fell in love with a man whose social standing was vastly different from mine. Ito ang kapalit, masakit na salita at pang-lalait. Ni ang ipagtanggol ang sarili hindi ko magawa.

Isang hamak na jeweler lang naman kasi ako sa branch ng diamond jewelry shop, na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang Jouel Corp. at si Romeo ang manager ko.

Sa loob ng isang buwan na naging kami, ngayon ko lamang nakita at nakilala ang Mommy niya. Ngayon pa mismo sa araw ng aming monthsary.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana tinanggap ang regalong bigay ni Romeo. A lovely and expensive necklace, kapalit naman paghamak sa aking pagkatao.

"Sir Romeo... pwede ba tayong mag-usap, kahit sandali lang?"

I tried to talked to him, ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ni ang lingunin ako hindi niya ginawa.

Ang kaninang maganda at masaya na simula ng aming araw, nauwi sa iyak at mugtong mga mata. Hindi ko na tinangkang kausapin siya. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam pa. Basta na lang ako umuwi pagkatapos ng trabaho at hindi na rin sinagot ang tawag niya.

"Anak, anong problema?" tanong ni Mama. Hindi ko na pansin na sinundan niya pala ako sa kwarto.

Nag-alangan pa ako, kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari o hindi. Pero sinabi ko rin sa kaniya sa huli. She paused for a moment, then let out a sigh.

Alam kong nasasaktan din siya, alam kong nakaramdam din siya ng galit gaya ko. Kahit hindi niya pa sabihin. Wala naman kasing magulang na gustuhing masaktan, tapakan at maliitin ang anak ng kahit sino.

She gently stroked my hair. "Tahan na anak, sa simula pa lang alam mong darating talaga ang araw na 'to." mahinahon niyang sabi. "Alam mo rin sa sarili mo na hindi totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo."

Mama was right; hindi nga totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo, but I still couldn't help but be hurt and resentful. Tagos hanggang buto ang mga binitiwang masasakit na salita niya.

Oo, mahirap lamang kami, hindi ko naranasan ang magkaroon ng mamahaling gamit. Pero ni minsan hindi ako naghangad na magkaroon, hindi ako nanghingi. Kusang binigay sa akin ang kwentas na iyon ni Romeo, ngunit binalik ko sa kaniya na walang ano mang salita.

I love Romeo for who he is, not for his wealth or what he can give me.

Ang sakit marinig ng mga salitang iyon, galing pa mismo sa bibig ng Mommy niya. Nagawa niya akong husgahan hindi man lang ako kinilala ng lubusan. Why do such people exist? Bakit may mga taong ang dali lamang sa kanila na magbitiw ng masakit na salita. Hindi man lang ba niya naiisip na katulad din nila ako. May puso at nasasaktan.

Dahil ba mahirap ako, wala na akong karapatan na gustuhin ang lalaking angat ang pamumuhay kay sa akin? Wala namang pinipili ang pagmamahal, kusa na lang itong nararamdaman.

What hurts more is that the man I thought could defend and fight for me because he loved me did nothing. He didn't even talk to me or console me. Hinayaan niya lang akong masaktan at umiyak mag-isa.

Ito ang unang beses na hindi niya ako sinuyo, kaya masyado akong nasaktan. Pero kahit na masakit, kahit durog at wasak ang puso ko ngayon. Tanggap ko na, wala na kami. Tapos na ang isang buwan na mala fairytale love story naming dalawa. Ano ba ang laban ko sa Mommy niya.

"Tanggap ko na po, Ma, wala na kami!" humikbi kong sabi.

Mama chuckled. "Bakit nag-usap na ba kayo?" tanong niya.

I simply shook my head. Hindi na namin kailangan mag-usap. The fact that he didn't pay much attention to me earlier was enough, para masabi ko na tapos na ang aming relasyon.

"Huwag mo munang pangunahan si Romeo, anak. Malay mo nag-iisip lang 'yon. Tumahan ka na anak," alo niya, kasabay ang paghalik sa noo ko.

Yakap na lamang ang tugon ko, kasabay ang pag-alog ng balikat at paghikbi.

"Sige na anak, maligo ka na at pilitin mong matulog," pinahid nito ang mga luha ko, kasabay ang paghalik sa aking pisngi.

Sinunod ko ang sabi ni Mama. Naligo ako at nagbihis agad pagkatapos, ngunit ayaw naman akong dalawin ng antok. Walang humpay ang pag-agos ng mga luha ko. Marahas ko iyong pinahid.

Hindi na lang sana ako nagmahal. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Hindi sana hinamak ang pagkatao ko.

Balot ang puso ko ngayon ng galit at hinanakit kay Romeo. Pero bakit mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko? Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makita at mayakap. Miss ko ang paglalambing niya.

Binabaliw ako ng pagmamahal kong ito.

Umiiyak ako, nasasaktan ako, ngunit nakuha ko pa rin ang ngumiti. Ganito ba talaga ang magmahal?

Totoo nga ang sinasabi nila, na ang pag-ibig pasasayahin ka at pakikiligin, paiiyakin ka naman at wawasakin.

Iyon kasi ang nararamdam ko ngayon. Nakakabaliw, ayoko nang umiyak. Pagod na akong umiyak.

Pinahid ko ang mga luha. Tumayo at bumaba. Tinungo ko ang ref at kumuha ng tubig doon. Nilagok ko iyon at walang tinira, baka sakaling maanud itong nakabara sa dibdib ko na nagpapahirap sa paghinga ko.

Pero wala. Walang silbi ang pag-inum ko ng tubig. Hindi pa rin na ibsan ang sakit na nararamdam ko. Hindi pa rin nawala ang hinanakit ko.

Hindi ko pa alam kung may trabaho pa ba akong babalikan. Baka kasi pinatanggal na ako ng Mommy ni Romeo, para tuluyang malayo sa mahal niyang anak. Bahala na kung anong mangyari bukas.

Alam ko naman na hindi pa ito ang katapusan ng buhay. Oo nga at nasaktan ako pero alam kong hindi pa ito ang katapusan.

Nabuhay kami ni Mama na kami lamang ang magkaramay, walang ibang tumutulong at dumamay. Hindi ito ang magiging dahilan na malugmok ako.

Alam ko rin naman na kaakibat ng pagmamahal, ang masaktan. Sugal ang magmahal dahil hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan.