A/N: hello everyone! Actually sinusulat ko na po ito kanina kaso nagkaroon ng problema at biglang nawala ang mga sinulat ko huhu. Pero sinubukan ko namang ayusin. And I'll try na makasulat po ulit ako ng mga chapters tuwing gabi haha! Anyways, Enjoy reading! :)
Kanina pa ako naiingayan sa mga ingay nilang dalawa, hiyang hiya na din ako sa ibang mga tao dito sa loob ng coffee shop.
"Nakita mo ba yon, Xanth?" Nguso ni Kuya sa mga nakatingin sa kanyang mga babae.
"Oo, kanina ko pa nga napapansin na tingin ng tingin sa'kin yang tatlo eh" Parang wala lang na sabi ni Xanth. Ang kayabangan talaga ng lalaking 'to ibang level!
"Kelan pa lumabo mata mo, tol?" Inis na tanong sa kanya ni Kuya.
"Ano?"
"Can you two just shut up?!" Inis na sabi ni Zack. Hindi lang pala ako ang naiirita sa kanila.
Ang sabi ng kapatid ko ililibre nya daw ako at totoo na daw yon, kaya sumama ako sa kanya dito sa coffee shop malapit sa school namin. Inilibre naman ako ni Kuya, pero anak ng tokwa naman, dapat pala hindi nalang ako sumama dahil naririndi na'ko sa dalawa na'to. Si Zack ang taga awat sa kanila pero sa t'wing aawatin nya ang dalawa ay sya lang ang aasarin nito kaya mas nagiging malala lang.
"Pretty Aisha, may isususot ka'na ba para bukas?" Nakangiting tanong ni Dristan. Sasagot na sana ako pero biglang sumagot si Zack.
"Stop calling her that!" He hissed.
"Ang alin?" Takhang tanong ni Dristan. Pati ako at si Kuya nagtataka na din.
"That word!" Sabi nya at kitang kita ang pamumula ng pisngi nya.
"You mean pretty?" Tila nangaasar na tanong ni Dristan.
"So ayaw mo akong tinatawag na pretty ganun ba?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Agad na may pumasok na idea sa isip ko at parang mas gusto ko pang asarin din si Zack.
"W-what? That's not what i meant!" He gulped.
"Eh ano? Kakasabi mo pa nga lang eh!" Kunwaring inis na sabi ko. Gusto ko nang matawa sa itsura nya ngayon. Sila Kuya at Dristan ay nagpipigil ng tawa.
"Yes. I mean, no." Naguguluhang sabi nya.
"See? Ayaw nya talagang sinasabihan kang maganda, Aisha." Gatong pa ni Dristan at napangisi.
"Shut up idiot." He glared at Dristan. Dristan just laughed at him.
"That's not what i meant, i just want that i am the only person allowed to call you that, Love." He softly said to me. Parang natutunaw ang puso ko dahil sa sinabi nya.
"Anong love love ka jan?" Inis na baling sa kanya ni Kuya.
"Whipped, bro!" Natatawang sabi ni Dristan. Minsan hindi ko na maintindihan ang lalaking 'to eh.
"Why? I'm just saying the truth, brother in law." Zack just shrugged.
"Ano?! Tigilan mo ako ha!" Inis na sabi sa kanya ni Kuya.
"Sorry bro, mukhang sa'kin lang talaga boto si brother in law." Cool na sabi ni Dristan. Kayabangan talaga.
"What?!" Zack is really looked pissed. Gustong gusto ko na talaga humalagapak ng tawa sa ginagawang pagtutulungan sa kanya ng dalawa.
"Can you two stop?!" Kunwaring inis na sabi ko para pigilan ang pagtawa.
"So, My pretty Aisha? May isususot ka'na ba para bukas?" Tanung muli ni Dristan. Diniinan nya pa ang tawag sa'kin na 'My'
"Damn! I said stop calling her that way! And drop the 'My'! She's not yours!" Zack hissed.
"And she's not also yours!" Dristan said, ineenjoy nya talaga 'to!
"She will! And I'm making sure of that!" Gigil na sabi ni Zack. Napaawang nalang ang labi ko sa sinabi nya. Natigilan din ang dalawa.
"Narinig mo yon? Ha Luke? Naririnig mo sinasabi nya!" Sabi ni Dristan at humawak pa sa braso ni Kuya na parang nagsusumbong na tuta.
"Stop it, Perrier! Hindi magiging sayo ang kapatid ko!" Dahil dakilang uto uto ang kapatid ko syempre maniniwala sya sa kaibigan nyang loko loko.
"Sabi na sa'kin boto si brother in law eh!" Mayabang na sabi ni Dristan at nginisian pa si Zack.
"Boto nga, hindi naman ikaw ang mahal." Bulong ni Zack.
"Ano naman? Ako naman ang pinangakuan." Mayabang na sabi ni Dristan. Parang gusto ko nalang syang salpakan ng cake sa bibig para tumahimik na sya.
"Anong sabi mo?" Curious na tanong ni Kuya.
"What did you just say?"
"Hindi mo pa alam brother in law?" Baling ni Dristan kay Kuya at hindi pinansin ang tanong Zack.
"Speak. Mallanes." Madiin na sabi ni Zack. Agad naman akong kinabahan sa sinabi nya.
"Well, sa'kin lang naman nangako si Aisha, dati na magpapaka-" And i did. Sinalpakan ko na ang bibig nya ng Cake.
"Ano?! Hindi ko maintintindihan! Ituloy mo!" Inis na sabi ni Zack. He even glared at me dahil sa ginawa ko.
"What the heck, Aisha?" Natatawang sabi ni Dristan.
"Stop teasing me!" I said at pinalo ang braso nya na sana hindi ko nalang pala ginawa dahil ako lang ang nasaktan sa matigas na braso nya.
"I'm not! It's true! Sa'kin sya nangako na magpapakasal!" Mayabang na sabi nya at nag cross arm pa.
"Really huh?" Malamig na sabi ni Zack. Godness! Naiinis na talaga ako dito kay Dristan!
"Ha? We're only just kids back then! Hindi ko na nga tanda ang mga pinagsasabi nito!" I defend myself.
"Talaga ba sis? Eh natandaan mo pa ung naglaro tayo ng bahay bahayan tapos ako ung tatay at ikaw-" Pang aasar pa ni Dristan. Si Kuya naman ay tawa lang ng tawa, nakahawak pa sya sa tyan nya.
"And you're the Mom?" Zack coldly said. He's really looked pissed.
"Exactly! Tapos meron pa! Ung ano.. naglalaro tayo tapos aksidente tayong nagki-" Zack cut him. Naiinis na'ko sa kanya! Sasalpakan ko talaga 'to ng maraming cake para lang tumahimik!
"I'm out." Sabi ni Zack at lumabas na ng coffee shop. Tumayo naman ako sa kanya at tinignan ng masama ang dalawang loko. Tawanan pa'rin sila ng tawanan nag apir pa nga!
"T-teka lang Zack!"
Pagkalabas ko ay nakita ko ang kotse ni Zack pero hindi pa sya umaalis. Pumasok nalang ako sa loob nito. Hindi sya tumingin sa'kin at pinaandar na ang kotse.
"Galit ka ba?" Tanong ko,hindi manlang nya ako pinapansin at tinatapunan ng tingin kanina pa! Sa daan lang ang tingin nya, napansin ko ang magulo nyang buhok. Why do i find it hot? Damn.
"San ba tayo pupunta?" Nakangusong sabi ko. Nakita ko kasi na wala na kami sa Cavite. Medyo matagal tagal na din kasi ang byahe namin. Maya maya pa ay tumunog ang phone ko pero hindi ko ito pinansin ng makitang si Dristan ang tumatawag. Napatingin din si Zack sa phone ko, nakita kong mukhang naiinis na naman sya at nakita ko din umigting ang panga nya.
"Why don't you answer that phone?" Inis na tanong nya. I bit my lower lip dahil sa saya na kinibo na nya ako. Inis kong sinagot ang phone ko.
"Anong kailangan mo?!" Bungad ko kay Dristan. Tinawanan nya naman ako sa kabilang linya.
[Woah! Galit agad?! Itatanong ko lang kung nasan ka? Ung kapatid mo sinasapian na.]
"Ano? Bahala nga kayong dalawa!" Ibababa ko na sana ang phone ng marinig ang boses ni Kuya na mukhang may kausap.
[Yes! Oo! Nakakaintindi ka ba?! Tinanan nga ni Perrier ang kapatid ko! Hindi pa nga sila eh!] Sabi pa ni Kuya. Damn..
[I told yah! Sinasapian na ang kapatid mo.] Napahalagapak na naman sya ng tawa. These two are indeed crazy. Si Zack lang talaga ang matino sa kanila eh.
"Bahala kayong dalawa jan." Sabi ko at binaba na ang tawag. Napatingin naman ako kay Zack at as usual sa daan pa rin ang tingin nya.
Nakita ko sa signage na nasa tagaytay kami. Alas kwatro na din ng hapon. Ano naman ang gagawin namin dito sa tagaytay? Maya maya ay hininto nya ang sasakyan sa isang restau. Bumaba na sya ng kotse at iniwan ako. Tsk galit nga! Kasalanan 'to lahat ni Dristan eh!
Umupo na sya sa may tabi ng glass wall at nakita kong kitang kita ang taal dito. Kinuha na ng waiter ang order namin at napansin ko din na tingin ng tingin sa'kin ang waiter. Wait ako ba talaga or assumera lang ako? Napatingin naman ako kay Zack and i saw how he glared at the waiter, napansin ito ng waiter kaya naman pagtapos makuha ang order namin ay tumakbo na agad ito.
"Galit ka pa ba?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa'kin bago umiwas ng tingin.
"I'm just pissed." He said. I saw that he bit his lower lip.
"Edi galit ka nga." I pouted.
"Kay Xanth ako naiinis, hindi sayo." Sabi nya pa.
Dumating na ang order namin at iba na ang waiter. Nagsimula na kaming kumain, nagkwentuhan pa kami saglit bago magbayad si Zack at pumunta na kami sa kotse nya. Ang sabi nya hahanap daw kaming hotel, agad naman akong kinabahan sa sinabi nya.
"Good evening, Ma'am and Sir" bati ng babae sa'min. Agad ko anmang nahagip ang babaeng kasama nya na tingin ng tingin kay Zack at todo ngiti pa ito. Tsk.
"Evening. Room for two." Lumapit ako kay Zack at kumapit sa braso nya, agad naman nyang tinanggal yon ang akala ko inis sya pero naramdaman ko nalang ang mainit na kamay nya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Agad akong tumingin sa babae at tinaasan sya ng kilay.
Ano ka ngayon sis?
"We're sorry, Sir. pero ung isang room nalang po ang available and isa nalang po ang bed. King size naman po ang bed kaya kasya po kayo ng asawa nyo." Sabi ng babae, mahinang napatawa naman si Zack at mahinang bumulong sa'kin.
Luh. Desisyon ka, sis?
"You heard that, Love? Mag asawa daw tayo?" He softly chuckled. Naramdaman ko pa na mahinang pinipisil nya ang bewang ko at hinalikan ako sa ulo.
Wala na kaming nagawa at umoo nalang sa babae dahil sabi ni Zack pagod na daw syang maghanap pa ng hotel.
"Are you going to take a bath?" Tanong nya ng makapasok kami sa kwarto. Agad naman siyang umupo sa sofa katabi ko at hinilot ang sintido nya.
"Ha? Wala nga akong damit eh." I shyly said.
"You think I'm not ready for that?" Taas kilay na tanong nya. Kinuha nya ang dala nyang bag.
"Ha? What do you.." binuksan nya ang bag nya at tumambad ang mga damit nya. Merong t-shirt, shorts, jersey at... underwear?!
"Teka bakit ka may.. underwear ng babae?!" Napatakip pa ako sa bibig ko sa gulat. Goodness!
"It's not what you think! Kay Estelle yan, naiwan nya jan nung nag outing tayo." Natatarantang sabi nya. Pinaningkitan ko muna sya ng mata bago tumayo.
"Fine." Sabi ko at kinuha na ang shorts, underwear at akmang kukuhanin ko na ang white t-shirt nya ng biglang hinawakan nya ang kamay ko at pinalita iyon ng itim na t-shirt.
"Wait, try that one. I think it's good on you." Nag iwas naman sya ng tingin sa'kin. Tumango nalang ako at pumasok na sa cr. Sandali lang akong naligo dahil baka sabihin ni Zack na matagal akong maligo eh. Pagka labas ko nakita ko syang nakaupo sa kama at nakayuko.
"It's really good on you." Sabi nya ng magtaas ng tingin sa'kin at tumingin sa damit ko. Kinuha na nya ang twalya sa gilid ng kama at pumasok na sa cr.
Kinuha ko naman ang sukoay ko sa bag at nagsuklay na, habang nagsusuklay ay aksidente akong napatingin sa may likod ng damit ko. May nakasulat dito pero hindi ko makita kaya humarap ako sa salamin at timignan ito. My lips parted ng makita ang nakalagay dito.
"Kaya ba ito ang pinasuot mo ha? Seriously? 'Mrs. Perrier '?" Asik ko pagkalabas nya ng banyo, nakita kong pareho kami ng suot. Pumunta ako sa likod nya para tignan ang likod ng damit at tama nga ang hinala ko..
"Why? Are you mad?" Tanong nya ng maupo ako sa kama. Umupo din sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"No. It's just.. hindi pa nga tayo eh.." I shyly said.
"I understand.. you can change if you want to.." he genuinely smiled at me.
"It's okay. Bukas nalang ako magpapalit." I smiled.
"Alright.. let's go to sleep." Sabi nya at inayos na ang kama. Bago pumunta sa sofa at nilagay na ang unan nya.
"Hindi ka ba mahuhulog jan? Masyadong maliit ang sofa eh.." sabi ko ng makahiga sa kama. Nag-aalala lang naman ako kasi baka malikot pala sya matulog? Tapos mahulog sya? Pano kung malakas ang pagka hulog nya at unang tumama ang ulo? Tapos mabagok ito at isugod ko sa hospital? Tapos sasabihin sa'kin ng doctor na may amnesia sya? I gasp at my imagination.
"It's fine. Why? Do you want me to sleep beside you?" Sabi nya na nagpabalik sa reyalidad ko.
"W-what?" Gulat akong napatingin sa kanya, napaawang pa ang bibig ko.
"Don't worry, i have no plans to sleep beside you, Caila.. i mean i respect you.. a lot. That's why i don't want to.. I know my boundaries, Caila.." He softly said and genuinely smiled.
"Okay. Goodnight." Napatango nalang ako at inayos ang unan bago mahiga.
"Goodnight, Caila." Sabi nya at ipinikit ko na ang mata ko.