Andito kami ngayon sa court habang nanunuod ng training nila Kuya at Zack. Sabi kasi nila Estelle na hindi pa daw tapos ang training nila Zack, kaya naman nanonood muna kami ngayon. Ang sakit na ng tenga ko kakahiyaw nila Xiana at Khione. Si Estelle naman ay tahimik lang habang tutok na tutok sa phone nya at nagtatype, napansin ko din na nakangiti sya. Nagulat sya nang mapatingin sa'kin at mabilis na itinago ang phone nya sa bulsa nya. Awkward nya naman akong nginitian, ngumiti nalang din ako sa kanya.
Napatingin naman ako sa may gilid namin at nakita ko si Asterine kasama ang mga kaibigan nya na naghihiyawan din. Naalala ko pa nung pinahiya nya ako sa harap ng mga kaklase ko dati nung junior high kami, sinabi nya na inaagaw ko daw ang bf kuno nya, Duh! Ano namang pake ko sa bf nya? Eh yun nga ang lapit ng lapit sa'kin! Pinagsabihan na ni Kuya dati yun pero hindi pa'rin tumigil. Nung nalaman nila Xiana na pinahiya ako ni Asterine ay sinugod nila ito tska sinabunutan. Pinagtulungan nila ito ni Khione, wala namang tumulong kay Asterine dahil takot ang mga kaklase at kaibigan ni Asterine kila Khione. Napatingin sya sa'kin at ngumiti. Alam kong peke yon. Tsk.
"Plastic talaga." Sabi ni Khione sabay upo sa tabi ko. Napansin ko na tinignan nya si Asterine na ngayon ay nakatingin na kila Zack.
"Hayaan mo na" sabi ko sa kanya.
Kasi kapag ginatungan ko pa ang sinabi nya ay baka sa huli ay kung ano lang ang gawin nya. Baka sapian na naman sya ng pagiging War freak nya at idamay na din si Xiana. Pareho silang dalawa na hindi nagpapatalo. Kapag may umaaway sa'min ni Estelle ay lagi nila kaming pinagtatanggol.
Si Estelle lagi ang lapitin ng mga bully, maraming naiinggit at umaaway sa kanya dahil sa bukod sa maganda at mayaman ay matalino pa ito at laging top sa klase. Nang matapos ang training ay agad na lumapit sa'kin si Kuya ng nakangisi.
"Hey lil sis!" Nakangising tawag nya, yayakap sana sya sa'kin pero itinulak ko sya.
Kadiri. Pawis na pawis pa naman sya! Buti sana kung si Zack ang yayakap sa'kin, kahit pawis okay lang..
"Ang arte mo ha! Hindi mo ba ako namiss?" Sabi nya at humawak sa dibdib nya at umarteng nasasaktan.
"Kaylangan mo?" Tinaasan ko naman sya ng kilay. Ngumisi naman sya sa'kin.
"Gutom na'ko, tara kain tayo." Ani niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Sigurado akong ako na naman ang pagbabayarin niya sa pagkain! Umiling nalang ako sa kanya.
"No thanks." Pinal na sabi ko at akmang tatalikod ng mag salita sya ulit.
"Teka libre ko!" Sabi niya na nakapag bago agad ng isip ko kaya't hinila ko agad sya.
"Ang bilis pag libre ha" Natatawang saad niya.
Inantay ko nalang muna sya dahil ang sabi niya ay magpapalit muna sya ng damit bago kami umalis. Umupo muna ulit ako sa inupuan namin kanina, nagpaalam na sa'kin sila Khione na may pupuntahan pa daw sila. Gusto ko sana sumama kaso masamang tumanggi sa libre ni Kuya, sayang naman yun pag tumanggi ako dahil bihira lang 'to.
Nahagip ng mata ko na papunta sa direksyon ko si Zack. Tapos na siguro silang mag usap ng coach nya, hindi ko sya nakausap kanina dahil doon. Ngumiti sya sa'kin, nakita kong may dala syang tubig at may bimpo na nakasabit sa batok nya, pawis na pawis na din sya.
"Hey," He greeted.
"Hi."
"Sino inaantay mo?"
"Si Kuya, tagal nga magpalit eh" Napatayo naman ako at lumapit sa kanya.
"I thought your waiting for me" He pouted. Ang cute nya putek!
"Inaantay naman kita kanina, kaso mukhang busy ka eh." I chuckled.
"Really? Sorry, andami kasing sinabi ni Coach." Napakamot batok nalang sya.
"It's okay. Teka basang basa ka'na ng pawis oh." Sabi ko at kinuha ang bimpo nya sa batok at pinunasan ang noo nya.
Kita ko ang gulat sa mukha nya pero agad napalitan ito ng malambot na ekspresyon. Nakatitig lang sya sa'kin habang pinupunasan ko ang mukha nya, maya maya ay naramdaman kong pumulupot ang kamay nya sa bewang ko.
"It's really tempting.." He huskily said. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Ha?" Takhang tanong ko, nakita kong nakatingin pala sya sa labi ko.
"Your lips... it's tempting me to kiss you.." He huskily said. Napatawa pa sya ng mahina.
Nanlaki naman ang mata ko at mahinang itinulak sya, medyo napalayo naman ako sa kanya. Napatawa naman sya sa'kin at hinapit ulit ako sa kanya. Ngiting ngiti ang loko. Magsasalita na sana ako nang biglang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko. Agad akong napalayo kay Zack dahil sa gulat at kaba.
"Hoy, Perrier! Anong ginagawa mo sa kapatid ko ha?!" Bungad nya sa'min. Hindi naman sya pinansin ni Zack at sumipol sipol pa ito.
"Caila, may ginawa na naman ba sayo 'tong loko na 'to ha?!"
"Ano? Kuya, can you please calm down? Nakakahiya ka! Andami nang nakatingin!" Napatingin naman sya sa paligid at nakitang may mga estudyante na nakatingin sa'min, ang iba pa ay nagbubulungan.
"Tss. I don't care."
"Caila, i have to go.. I'll see you later, okay?" Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Nagulat nalang ako nang bigla nyang hinalikan ang noo ko at ngumiti din sa'kin. I heard Kuya gasp.
"H-hoy! Perrier! Sinasagad mo na talaga ang pasenya ko! Harap harapan pa ha?! Humanda ka sa'kin!" Sigaw ni Kuya. Ngumisi lang sa kanya si Zack at tumakbo na. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.
"Let's go." Napatingin naman sa'kin si Kuya nang masama. Napangusong nakatingin naman ako sa kanya, naglakad lang sya at sinundan ko naman sya habang papunta kami sa parking lot.
Agad na kaming sumakay sa kotse nya. Tahimik lang ako buong byahe pero ang bibig nya ay hindi tumitigil ng panenermon sa'kin tungkol kay Zack.
Nang makarating kami sa Starbucks. Dito pala kami kakain, Mukhang maraming pera 'to ngayon ah? Pumasok na kami sa loob at kumunot ang noo ko nang bigla syang may kinawayan. Napatingin naman ako sa kinawayan nya at sa di kalayuan ay nakita ko si Dristan na nakangisi sa'min.
Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako ngayon. Lumapit kami sa inuupuan nya at nakita ko na may bakante pa doong tatlong upuan. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko kaya't katapat namin si Dristan na ngayon ay nakangiti sa'kin.
"Antagal nyo, kanina pa'ko dito." He chuckled.
"Sorry bro, si Aisha kasi antagal kumilos. Pinag intay pa'ko kanina." Sabi ng kapatid ko at napakamot batok. My lips parted. Tumingin ako sa kanya pero hindi nya ako pinansin.
Wow! Ako pa ang matagal huh? Sya nga itong napakatagal kumilos!
Napatingin naman ako kay Dristan na tinawanan lang ang sinabi ng kapatid ko at parang balewala lang sa kanya ang sinabi ng kuya ko.
"No it's okay. Umorder na tayo?" Dristan said. Malawak naman ang ngiti ng kapatid ko nang tumingin ako sa kanya.
"Oo sige!" My brother happily said.
Nang maka order ay agad akong nagulat dahil ang daming inorder ng kapatid ko. Oh goodness! Alam ko namang may pera sya pero napakadami nito! Siniko ko naman sya at agad kumunot ang noo nya ng mapatingin sa'kin.
"Alam ko naman na may pera ka, pero hindi ba't masyadong marami itong inorder mo?" Bulong ko sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ko kaya't kumunot ang noo ko.
"What? Ang sabi ko hindi ba mauubos ang pera mo? Andami nito!" Inis na bulong ko sa kanya.
"Sino nag sabi na pera ko ang mauubos dito?" He laughed. Kumunot muli ang noo ko dahil sa sinabi nya.
What? What does he mean?
Tumawa naman ulit sya sa reaksyon ko at nginuso si Dristan.
Goodness! Don't tell me? Si Dristan ang nagbayad nito?!
"You mean hindi ikaw ang magbabayad kundi... Siya?" Bulong ko sa kanya. Tumango naman sya habang malapad ang ngisi.
Kaya pala ang kapal ng mukha! At kung ano ano ang inorder nya! Hindi pala sya ang magbabayad!
Nang matapos kumain ay napatingin ako sa kapatid ko na nakahawak sa tyan nya ngayon. Halatang busog na busog sya dahil inubos nya lahat ng napakaraming inorder nya. Nahihiya naman akong tumingin kay Dristan dahil sa ginawa ng kapatid ko. I gulped. Mag papasalamat sana ako sa kanya nang maunang magsalita ang kapatid ko.
"Bro, una na'ko. May nag iintay pa sa'kin eh." Ani nya kay Dristan at kumindat pa. Nang lumingon naman sya sa'kin ay kinindatan nya din ako.
What the heck? Sino naman ang nag iintay sa kanya?? Ganun nalang yon? Pagtapos nya akong isama dito ay iiwan na nya ako? Handa na sana akong sigawan sya para isama na ako pauwi pero inunahan na nya ako.
"Lil sis, si Dristan na ang mahahatid sayo pauwi ha! May date pa kami ni Jill eh" Ani nya at tumakbo na palabas. My lips parted. Iiwan nya ko dito?!
Tumingin naman ako kay Dristan. Nakita kong nakangiti sya ng tipid sa'kin bago sya mag salita.
"Uhm.. Let's go? We can go to the mall if you want? Do you want to buy something?" Sunod sunod na tanong nya. Nahihiya naman ako at tumango nalang.
Lumabas na kami ng Starbucks at pumunta na sa kanyang kotse. Pinag buksan nya ako ng pinto. Nang makapasok ako ay sumunod naman sya. Walang umiimik saming dalawa nang nag simula syang mag drive. Pinutol ko ang katahimikan dahil naalala ko ang ginawa ng kapatid ko kanina.
"I uh..I'm sorry" nahihiya kong ani sa kanya. He looked shocked on what i said.
"Huh? For what?" He's forehead crease.
"Uhm.. My brother earlier.. Nakakahiya andami nyang inorder, ikaw pala ang nagbayad lahat nun.. akala ko kasi-" He cut me off
"No, it's okay Aisha.. Sanay na'ko sa kanya. Lagi namang ganun yun, matakaw talaga." He chuckled. Natawa naman ako sa sinabi nya. Really?? Kinabahan ako dun. Akala ko ngayon lang nya nakita si Kuya ng ganun. Nahihiya pa'rin ako.
"And.. Siguradong sinadya nya din yun para asarin ako" He chuckled. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya.
"What? Para asarin ka?"
"Yeah.. " Ani nya at natatawa pa.
Nang makarating kami sa Mall ay Pinark nya agad ang kanyang sasakyan. Inantay ko syang maipark yun bago kami pumasok sa loob. Nang makapasok ay nakita kong maraming babae ang tumitingin kay Dristan. Pano ba naman hindi sya titignan eh kahit simple lang ang suot ay napaka gwapo na.
Habang naglilibot ay naisip kong pumunta sa isang boutique. Hinila ko naman si Dristan papunta dun, alam kong hindi pa kami ganun ulit ka close pero nagiging komportable naman akong kasama sya kaya't hindi na ako gano nahihiya sa kanya. Nang makapili ng damit ay tinanong ko si Dristan kung bagay ba ang mga napili ko.
"Too revealing Aisha." He shook his head and he cleared his throat . I pouted. Nang tumingin ako sa paligid ay may iilang mga lalaki din palang nakatingin sa suot ko. Tumingin naman si Dristan sa mga lalaki at nagtaas ng kilay sa kanila. Agad naman akong tumakbo para magpalit ng damit.
Madami pa akong sinukat ngunit marami din ang hindi nagustuhan ni Dristan doon, kaya't unti lang ang nabili ko. I mean sya pala, dahil sya ang nagbayad! Ang sabi ko ay ako na ang magbabayad dahil nahihiya na'ko pero ayaw nyang mag paawat!
"No. Ako na ang magbabayad." Sabi ko sa kanya at pilit binibigay sa cashier ang card ko pero binawi ito ni Dristan. Napaawang naman ang labi ko dahil sa ginawa nya.
"No. Ako ang magbabayad dahil ako ang nag aya sayo na pumunta dito. At ayoko din na babae ang nagbabayad ng mga pinamili." He seriously said.
"But, Sa'kin naman yang mga pinamili. Ako ang gagamit kaya dapat lang na ako ang magbayad." Pagpupumilit ko. Binalewala nya ang sinabi ko at binayaran nalang ang pinamili.
Wala na akong nagawa dahil panigurado na hindi sya magpapatalo kagaya ng dati. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at sinabing babawi nalamang ako sa susunod.
Antagal din naming naglibot at kung saan saan pa pumunta sumasakit na nga ang paa ko. Nagpaalam sya sakin at tumango naman ako nang sinabi nya na puntahan daw namin ang Bookstore dahil may bibilhin sya. Habang namimili sya ng libro ay nakasunod lamang ako sa kanya. Napansin ko na puro tungkol sa Law ang pinipili nyang libro. Hindi na'ko nakatiis at tumingin tingin nalamang sa ibang libro. Hindi ko namalayan na malayo na pala ako kay Dristan habang busy sa pag tingin ko sa mga libro.
Nagulat ako ng may tumawag sa'kin na pamilyar ang boses.
"Caila?" Napalingon ako sa tumawag at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sya.
"Z-zack! A-anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may pupuntahan ka?" Gulat na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa'kin bago mag salita.
"Yeah. May pinuntahan lang kami ni Raiz sa may jewelry shop, and we decided to go here since Raiz need to buy book." Ani nya.
"Ah. Okay." Napatango nalang ako sa kanya.
"Ikaw? Bakit ka mag isa? Where's Luke?" He asked. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"H-ha? Si Kuya kasi.. ano eh.." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot ang noo nya at nag iintay ng sagot mula sa'kin.
"Aisha! Look at this! Do you think magugustuhan 'to ni Tito?" Nagulat ako ng biglang lumapit si Dristan sa'min. Napaawang ang labi nya ng makita si Zack.
"Ha? Ah! Oo! Tingin ko magugustuhan nya yan!" Sabi ko sa kanya ngunit wala sa'kin ang atensyon nya. Nasa lalaking kaharap ko ngayon sya nakatingin.
"How did you know him, Caila?" Zack coldly said. Kinakabahan ako, hindi naman sya ganto magsalita pag ako ang kausap nya..
"H-he's my friend Zack.." sabi ko. Magsasalita pa sana ako pero humarap naman si Zack kay Dristan at walang emosyong nakatingin sa kanya.
"When did you get home?" Zack coldly asked.
"Yesterday." I saw Dristan smirked. Inis na napahilot si Zack sa sentido nya, bago bumaling sa'kin.
"Where's Luke? Bakit hinayaan nya lang na sumama ka dito sa lalaking 'to?" Inis na tanong nya sa'kin.
"Luke has a date." Singit naman ni Dristan. Zack glared at him.
"I'm not talking to you." Zack hissed. Tumawa lang si Dristan sa kanya.
"Come on bro, we haven't seen each other for a few years too. then that's how you will greet me?" Tanong nya na tila iniinis si Zack dahil nakangisi pa ito.
"I don't care."
"Really? You don't care about your best friend? Ouch Bro!" Sabi ni Dristan at napahawak pa sa dibdib nya.
"Best friend? We're not friends!" Zack looked pissed. I saw his jaw clenched.
Hindi ko alam kung bakit nagkakainitan itong dalawang 'to. Gulong gulo na'ko sa kanila, mukhang gusto na din nilang magsapakan dahil sa pagpapalitan nila ng matatalim na tingin sa isa't isa.
"Zack?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Raiz. Lumapit sya sa'min at gulat na napatingin kay Dristan. Bigla nya naman itong tinapik sa balikat at nagkamustahan pa sila. Mukhang magkakaibigan ang dalawa..
Lumingon ako kay Zack at kita ko pa rin ang inis sa mukha nya. Nang humarap sya sa'kin ay lumambot naman agad ang ekspresyon nya, lumapit sya sa'kin at hinila ako palabas ng Bookstore. Narinig ko pang tinatawag ako ni Dristan pero hindi ko na sya nalingon dahil nagmamadaling hinihila ako ni Zack.
Huminto kami sa may tapat ng Bookstore, napabugtong hininga naman si Zack habang hinahaplos ang kamay ko. Gusto ko sanang magsalita kaso parang nakain ko ang dila ko. I just bit my lower lip.
"I'm sorry for being rude.. i just don't trust Xanth.. i know him well.." He sighed, i heard him mumble a curse.
"Bakit ka ba kasi hinayaan ni Luke sa kanya?" He looked pissed. Hinawakan ko naman ang kamay nya at lumambot na naman ang ekspresyon nya.
Magsasalita pa sana ako pero nakita namin na lumabas na ng Bookstore sila Raiz. Napabugtong hininga nalang si Zack bago bitawan ang kamay ko, lumapit sya kay Dristan at may sinabi dito. Seryoso ang mukha nya pero ngumisi lang sa kanya si Dristan.
Pagtapos nilang mag usap ay hinatid na ako ni Dristan pauwi. Habang nag ddrive si Dristan ay hindi sya kumikibo sa'kin kanina pa. Ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin. Kaya't sa may bintana nalang ako tumingin buong byahe. Nang makarating sa bahay ay pinatay na nya ang makina. Nagpasalamat na ako sa kanya para sa araw na ito at akmang lalabas na ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
Gulat akong napatingin sa kanya, at nakita ko syang mariing pumikit bago mag salita.
"I- I'm sorry about what happened earlier.. Zack and i are friends. I'm just happy to see him, that's why i get him pissed. it's just.. that's our love language..I'm sorry... You don't have to see that.." Nakayukong ani niya. Tumango nalang ako sa kanya. Kahit na hindi ko nagustuhan ung ginawa nya kanina. Hindi ko alam kung bakit parang nawala ang inis ko sa kanya kanina nung nag sorry sya ngayon.
"Okay.. uh, thank you nga pala ulit" Sabi ko sa kanya. Umangat naman sya ng tingin sa'kin at napaawang ang labi.
"H-Hindi ka ba galit?" He pout. Natawa naman ako sa itsura nya at Umiling sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha nya at nakangiti na ngayon.
"Really?!" Nakangiting tanong nya. Tumango naman ako.
"Oo, uh sige na. Lalabas na'ko. Goodnight?" Nakangiting ani ko.
I saw that he bit his lower lip. "Okay Goodnight."
Akmang lalabas ulit ako nang hawakan nya ulit ang kamay ko. Kunot noo ko naman syang tinignan.
"Bakit?" Tanong ko.
Ngumisi naman sya bago mag salita. " Wala bang Goodnight kiss?"
My eyes widened at Hinampas ko naman sya sa braso na ikinatawa nya.
Aba't ang galing nya humirit ha!
"Joke lang!" He continue laughing.
Bumaba na ako ng sasakyan nya at kumaway sa kanya bago niya pinaandar ang kotse palayo. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay wala akong nadatnang tao kaya naman ay umakyat nalamang ako sa kwarto ko. Agad namang tumunog ang phone ko kaya't tinignan ko ito.
Nakita kong may iilang message galing sa mga kaibigan ko at ang iba naman ay galing kay Dristan at Zack. Syempre agad kong binuksan ang kay Zack.
Zack:
Are you home?
Caila?
Nakauwi ka'na ba?
Come on, I'm worried. Please answer my messages.
Ako:
Yup, I'm home. Sorry ngayon ko lang Nakita messages mo.
Pagkatapos ko mag message sa kanya ay agad ko naman tinignan ang messages ng mga kaibigan ko. Nakita ko na ako na naman ang pinag uusapan nila at sinabi daw sa kanila ni Kuya na may date ako kaya't wag nila akong istorbohin. Ang sabi ko naman sa kanila ay hindi date yun! Ngunit ayaw nilang maniwala. Ang sabi pa nila ang akala daw nila si Zack lang ang gusto ko, pero nakikipag date daw pala ako sa iba! Tinignan ko naman ang message ni Dristan. Sya pala ung nag chat sa'kin dati na 'Xanth' ang name. Iniba ko nalang ang name nya kasi hindi ako sanay na tawagin syang 'Xanth'.
Dristan:
Thank you for today, My Angel:)
Agad namang uminit ang pisngi ko ng mabasa ang word na 'My Angel' agad naman akong nagtipa ng isasagot sa kanya.
Ako:
No problem, thank you din. And please, stop calling me an angel. Tsk.
I bit my lower lip, i don't want to sound rude.. it's just that..Tumunog bigla ang phone ko at tinignan ang message nya. Hindi nga ako nagkamali at si Dristan nga ang sumagot.
Dristan:
Lol, why? 'yan ba ang tawag ni Zack sayo?
Ako:
Oh shut up. And stop teasing me.
Nag 'haha' react naman sya sa chat ko, marami pa syang sinabi pero puro pang aasar lang kaya hindi ko na sya sinagot pa at baka mapikon lang ako, parang pareho pa naman sila ni Kuya na mahilig mangbwisit. Binaba ko na ang phone ko dahil mukhang walang balak na tumigil mang asar itong si Dristan.