Chapter 17 - CHAPTER 15

Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Tulala ako habang nagdidiscuss ang Prof namin, Napatingin naman ako sa pupulsuhan ko. Napangiti ako dahil siya pala ang batang yun.. Natandaan ko dati nung six years old lang ako nun, walang nakikipaglaro sa'kin dahil daw iyakin ako, ayaw daw nila sa iyakin. Si Dristan lang ang nakipaglaro sa'kin noon.

"Iyakin! Iyakin na nga uhugin pa!" Saad ng batang kapitbahay namin.

Ang sabi ko ay gusto kong makipag laro sa kanila, ngunit ayaw daw nila dahil masyado akong iyakin.

"Hindi naman ako uhugin ha, ikaw nga tong iyakin pag pinalo ng mama mo" Taas kilay kong sabi sa kanya. Agad namang nag bago ang ekspresyon nito at mukhang gusto akong sugurin.

"Hindi ako pinapapalo ng mama ko!" Sigaw nya sa'kin at akmang susugudin ako ng biglang may batang lalaking humarang sa kanya. Agad naman akong napatingin sa batang humarang sa kanya. May katangkaran ito kaya hanggang baba nya lang si Justin, ang kapitbahay naming bully.

"Bakla ka ba? Bakit ka mananakit ng babae?" Tanong ng lalaki kay Justin.

"Ako bakla? Gusto mo bang mag suntukan tayo?!" Hamon ni Justin.

Agad namang natawa ang lalaki at napahawak pa sa tyan nya. Nakita kong inis na inis na si Justin sa lalaking nasa harap nya.

"What? Are you sure about that? Cause i think if i gonna do a one punch on your face, you'll get probably sleep in my punch" Cool na sabi ng lalaki. My lips parted.

Nagulat naman si Justin sa sinabi nito at agad tumakbo palayo, narinig ko namang tawang tawa ang lalaki sa kanyang sinabi. Napatulala ako ng humarap sya sa'kin.

"Hi, I'm Dristan, I'm new here palang. Nakita ko kasi na mukhang paiyak ka'na kaya pinagtanggol kita, does he always do that to you?" Saad nya sa'kin.

Ang gwapo nya! Napansin ko ang kulay kapeng mata nya at ang matangos na ilong pati ang mapupulang labi. Bumalik naman ako sa reyalidad ng mahina nyang pinitik ang aking noo. Napahawak naman ako sa noo ko at  matalim ko syang tinignan pero nginitian nya lang ako.

"Kanina ka pa tulala, is there something wrong? May dumi ba ang mukha ko?" Nakangusong tanong nya habang pinupunasan ang mukha. Umiling naman ako sa kanya.

"Salamat nga pala" Nahihiya kong ani.

"No problem, basta kapag binully ka pa nya sabihin mo lang sa'kin, jan lang ako sa may tapat nakatira" He said while smiling. Napansin ko na hindi siya medyo diretso mag salita ng Filipino pero pinilit nya pa'rin ayusin ang pagsasalita. Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.

"Don't you have any other playmates?"

Nakangusong umiling naman ako sa tanong nya. Dati ay marami akong kalaro pero nang ipagkalat ni Justin na iyakin ako at uhugin ay nagsilayuan lahat ng mga kalaro ko, ewan ko ba kay Justin at kung ano ano ang pinag sasabi sa mga kalaro ko.

"Oh! Okay.. I can be your playmate if you want? We can be friends too" He exclaimed.

Nang marinig ko ang sinabi nya ay agad nag liwanag ang mukha ko. Gusto ko ng kalaro! Gusto ko din magkaroon ng kaibigan! Masayang tumango naman ako sa sinabi nya.

"I forgot to ask your name."

"Aisha. Aisha ang pangalan ko." I happily said.

Doon nag simula ang lahat. Simula nun ay lagi na kaming magkasamang dalawa ni Dristan, hindi ko alam kung bakit pero lagi syang naka dikit sa'kin kulang nalang ay sa bahay na nila ako patirahin dahil lagi nya akong pinapapunta doon para maglaro kami kasama ang aso nyang si Paisley. Kaming tatlo ang laging mag kalaro minsan ay ginagabi na ako ng uwi dahil buong araw akong nasa bahay nila Dristan. May kapatid si Dristan na lalaki pero ayaw nyang pasamahin ito sa tuwing maglalaro kami, ewan ko ba sa kanya pero kapag kakausapin ako ng kapatid nya ay pinapalayo nya ito sakin. Sinasabi nya na wag daw akong sumama sa kapatid nya dahil puro kalokohan lang daw ang alam nito.

Mabait ang mga magulang ni Dristan, tinuturing nila akong pamilya pag nasa kanila ako. Minsan nga ay ayoko nang umuwi sa bahay dahil lagi lang akong pagagalitan ni Daddy, pag uwi nya galing hospital. Ang nakakatandang kapatid ko naman na lalaki ay lagi akong iniinis kaya hindi kami magkasundo, Isang taon lang ang pagitan ng edad nila ni Dristan kaya naman magkasundo silang dalawa ng Kuya ko.

Kahit na magkasundo silang dalawa ay hindi pa'rin laging sumasama si Dristan kay Kuya para mag basketball, ang sabi nya ay mapapagod lang daw sya doon at mas mabuti na samahan nya nalang daw ako.

"Aisha." Tawag ni Dristan habang naglalaro kami ng bahay bahayan, ang sabi nya siya ay sya daw ang tatay at ako ang nanay at ang doll ko naman ang anak namin.

Pumayag ako sa sinabi nya dahil hindi ko pa nasusubukan maglaro ng ganito, lagi kasing habol habulan ang nilalaro namin ng mga kalaro ko dati.

Lumingon ako sa kanya at nag aantay ng kung ano pa ang sasabihin nya. Bigla nalamang niyang kinuha ang palapulsuhan ko at may inilagay doon.

Isang bracelet...

"Nakita ko 'to sa Mall kahapon, tapos naalala kita." Sabi nya habang inilalagay sa'kin ang bracelet. kulay gold ito at may nakalagay na infinity symbol. Pamilyar ako sa infinity symbol dahil maraming jewelry si Mommy na infinity din ang nakalagay. It was simple yet beautiful. Nang maikabit nya ay ngumiti ako at nag pasalamat.

"My mom told me that i shouldn't bought that bracelet, because i don't know what it means. She said the it has a deep means, but for me.. I have my own meaning for this bracelet." He seriously said while holding my hands. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan sa sasabihin nya.

"I endlessly will be forever by your side"

"Cai" tawag ng kung sino sa'kin.

Humarap naman ako sa nakapanghalumbaba na si Xiana . Samantalang sila Khione at Estelle ay nakikinig sa discussion ng aming teacher. Si Zack.. Nagttraining para sa basketball nila kaya bakante ang katabi kong upuan. Nag chat sya sa'kin kanina at sinabing pinatawag daw kasi sila ng coach nila. Lagi nalang silang may training, tinanong ko naman sa kanya yun pero ang sabi nya lang ay may makakalaban na naman daw kasi silang taga ibang School.

"Bakit?" Mahina kong tanong kay Xiana. Baka marinig kami ng Prof at mapalabas pag nakita nya kaming nag uusap, masyado pa namang istrikto ang Prof naming ito sa Chemistry.

"Naboboring na'ko" Bulong nya.

"Anong gagawin ko? Ako din naman." Bulong ko ulit sa kanya.

Pambihira bibigyan pa'ko ng problema.

"Dudugo na ata utak ko dito." Bulong nya ulit, napangiwi naman ako sa kanya.

Same, sis. Dudugo na din utak ko.

Bubulong na ulit sana ako sa kanya ng biglang magsalita ang Prof namin.

"Sino ang nagdadaldalan jan?!" Napatingin kami agad sa Prof namin na galit ang mukha.

Agad naman akong nagkunwari na may sinusulat na notes sa aking notebook, si Xiana naman ay biglang umayos ng upo at kunwaring nakikinig sa Teacher. Nang matapos ang klase ay agad kaming nag kwentuhang apat.

"Cai, sabi ni kuya Luke umuwi na daw ang kaibigan nya. Ipakilala mo naman ako!" Xiana excitedly said. I just shrugged.

Pano ko ba sasabihin sa kanila na may kababata ako? Baka kulitin lang nila ako.

"Sige na, teka nga gwapo ba?" Tanong nya ulit

"Hindi naman" sagot ko para matigil sila.

"Sus, ano pa nga bang aasahan namin sayo, eh si Zack lang naman gwapo sa paningin mo." Sabat ni Khione. Inirapan ko nalamang sya. Aasahan sya jan! Sumbong ko kaya 'to kay Khael?

Hindi naman si Zack lang ang gwapo sa paningin ko! Gwapo din naman si Dristan pero hindi ko nalamang sasabihin sa kanila yun dahil mangungulit lang sila sa'kin.

"Is that an infinity bracelet?" Kunot noong tanong ni Estelle. Kaya't napatingin ako sa kanya. Agad ko namang tinago ang kamay ko.

"Eh? Talaga? Saan?" Tanong ni Khione sa kanya.

"Oh my! Patingin?!" Sabi naman ni Xiana at hinihila ang braso ko. Nagtagumpay naman sya at nakita ang bracelet. Manghang mangha ang dalawa na ani mo'y ngayon lang nakakita ng bracelet.

"Sino nagbigay?" Tanong ni Estelle sa'kin.

Hindi ko alam kung sasabihin ko bang si Dristan ang nagbigay nito o sasabihin kong binili ko lang kung saan. Pero kung sasabihin kong binili ko lang ito kung saan ay itatanong nila sa'kin panigurado kung saan ko ito nabili, at ewan ko ba feeling ko kung magsisinungaling ako hindi maniniwala itong si Estelle dahil alam nya kung nagsisinungaling lang ako o hindi. Why do i have to lie, anyway?  I sighed.

"Binigay ni Dristan." Ani ko.

"Dristan?"

"Who?"

"Teka sinong Dristan?" Bakas ang gulat sa mukha nilang tatlo.

"Teka.. Pano ko ba sisimulan? Uhm.. Ung umuwing kaibigan ni Kuya sya ung kababata ko sabi nila Mommy." Ani ko.

"Kababata? Teka diba wala ka namang ibang kababata bukod saming tatlo?" Naguguluhang tanong ni Xiana sa'kin.

"Yun nga din ang akala ko, pero kahapon ko lang nalaman na may kababata pala ako." Sabi ko sa kanila.

Tumango nalamang si Estelle. Si Khione naman ay parang hindi parin kumbinsido sa aking sinabi. Si Xiana naman ay tumango at ngumiti nalang sa'kin.

"Okay. So pwede ba naming makita 'tong si Dristan?" Excited na sabi ni Xiana. Agad namang napatingin ang dalawa sa'kin.

Kinakabahan ako sa kanila baka kung ano ano ang itanong nila at ikwento kay Dristan, though hindi pa naman kami ganon ka close ni Dristan ngayon. Yes we're friends before. pero noon iyon aaminin ko na naiilang pa ako sa kanya ngayon.

"Uhm.. I don't know? Maybe kapag di sya busy?" Sabi ko sa kanila.

Maybe they'll meet Dristan in the right time. Kapag close na kaming dalawa at nakapag adjust na sa isa't isa.