Walang label. Yan ang naririnig ko sa bibig nila Xiana at Khione kanina pa.
"Ano ba?!" Inis na sabi ko sa kanila. Kanina pa nila akong binubwisit simula ng nasa school pa kami hanggang dito sa bahay nila Khione.
Napagdesisyunan kasi naming mag overnight dito. Tapos kaya nila ako inaasar kasi nakita nila kaming dalawa ni Zack, nakakapit sa bewang ko at tinawag pa akong love sa harap nilang tatlo!
"Tss. Totoo naman! Wala naman talaga kayong label! Tapos kung makatawag kayo sa isa't isa, kung maka kilos kayong dalawa parang mag jowa na!" Inirapan ko nalang si Xiana. Ang bunganga talaga!
"Xianelle Taylor Vergara, sabihin mo nalang kung naiinggit ka sa dalawa. Tska parang ikaw din hindi ganyan kay Raiz ah?! Nakita ko nga kanina na tinatawag ka nyang-" Agad na tinakpan ni Xiana ang bibig ni Khione.
"Alam mo, sis minsan pasmado bibig mo."
"Totoo naman ha?!"
"Tigilan mo nga ako Khione Avila Rodriguez, hinding hindi ko magugustuhan ang lalaking yon. Sa personal nga sobrang nakakainis na, pati pa sa chat! Kaloka! Lagi akong inaupdate sa ganap nya sa buhay! Ano namang gagawin ko sa kanya?!" Natawa nalang kami sa kwento nya.
"Edi mahalin mo." Bulong ni Khione na rinig naman naming lahat.
"Khione!" Inis na sabi ni Xiana. Apaka arte ha! Sasabunutan ko na 'to stop me!
"Ano?" Maang maangan na tanong ni Khione
"Guys, stop na. I'm happy for the both of you Caila." Ngiti ni Estelle sa'kin.
"Happy din kami sainyo ni Ethan, Telle." Ngisi ni Khione sa kanya.
"W-what?" She's blushing. Cute.
"Sus, kunwari pa. Alam naman naming you two are secretly dating!" Sya lang ang may alam! Itong si Khione wala ka talagang matatago sa babaeng 'to
"N-no! Lagi lang syang sumasabay sa'kin kapag nagrereview ako! It's not a date!" Defensive nyang sagot at umiiling iling pa.
"Sige, kwento mo yan eh." Xiana just shrugged. Gumatong pa 'to!
"Xiana!" Nakahawak na sa pisngi si Estelle para hindi makita ang namumulang mukha nya.
Natawa nalang kaming tatlo kay Estelle, kahit hindi nya sabihin halatang gusto nya naman si Ethan. Nakita kong umilaw ang phone ko at nagchat si Mommy. Agad ko itong binuksan.
Mommy:
Darling, magkita tayo bukas sa Metagrand Mall. Let's buy a dress for you for the upcoming event na pupuntahan natin, okay? Love you!
Ako:
Alright, My. Love you too!
Sabi ko at pinatay na ang phone. Nagkwentuhan pa sila at natulog na din kami. Kinabukasan ay sinundo ako ni Kuya at pumunta na kami sa Mall, dumiretso kami sa boutique ng friend ni Mommy at naabutan namin sya doon ni Kuya. Hinila naman ako agad ni Mommy sa fitting room at binigyan ng mga damit. Narinig kong aalis si Kuya at sa restau nalang mag iintay dahil may kikitain sya. Tsk. Baka babae lang yan! Isusumbong ko sya kay Ate Jill!
"Wow, you look gorgeous" Papuri ni Mommy nung makita ang suot ko.
I was wearing a red backless with a plunging neckline. Agad namang sumimangot ang mukha ko, pano hindi ako sanay mag suot ng mga gantong damit.
"Mommy, pwede bang iba nalang ang isuot ko?" Nahihiyang tanong ko kay Mommy
"Why? Hindi mo ba gusto?" Tanong nya habang namimili ng damit na isusuot nya.
I sighed. " Hindi lang po ako sanay."
Humarap naman sya sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko "Darling, ngayon lang naman. Sige na.." Nag puppy eyes pa sya. Alam nya kasing ayokong nagsusuot ng mga ganung damit. Kahit anong gawin ko pipilitin nya parin ako. Hays..
I sighed "Fine."
Agad namang nagliwanag ang mukha nya,Bumalik na ulit sya sa kanyang ginagawa.Bigla namang nag vibrate ang phone ko, tinignan ko kung sino ang nag message, si Kuya pala.
Kuya kong pogiš„µ:
Are you done? Kanina pa'ko nag aantay dito sa restaurant. Hindi magandang pinag iintay ang kagwapuhan ko.
Nag reply ako agad, dahil halatang naiinip na sya. May sapi na naman kasi.
Ako:
Malapit na:P
Pagtapos kong mag relpy ay agad kong pinatay ang phone ko. Tinignan ko naman si Mommy na may nakuha nang mga damit.
"Mommy okay na po ba?" Tanong ko.
"Yes, tara na at magpalit ka'na, para makabayad na tayo" Nakangiting sagot nya.
Agad naman akong pumunta sa fitting room at nagpalit ng damit, Pagka labas ko ay naka bayad na si Mommy. Nang maka alis sa boutique ay agad kaming nag tungo kung nasaan si Kuya.
Nakaupo sya at may kausap na lalaki, Nag tatawanan silang dalawa. Sa tingin ko kasing edad ko lang ang kasama ni kuya. Matangkad ito at gwapo din, Medyo maputi at sa tingin ko at may lahi ito. Agad kaming pumasok ni Mommy sa restaurant, nang makarating sa table nila Kuya ay agad syang bumeso kay Mommy. Ngumiti naman si Mommy sa lalaking kasama ni Kuya.
"Xanth! Kailan ka'pa nakauwi?" Saad ni Mommy at bumeso sa lalaki. Ngumiti naman ung lalaking Xanth ang pangalan.
Napatingin ako sa lalaki at napansin ko ang kanyang kulay kapeng mga mata, matangos ang ilong nya at mapula ang labi. Nakasuot sya ng black polo shirt and beige pants. Hindi maikakaila na malakas ang dating nya.
"Kahapon lang po tita, I was about to surprise you and Tito kaso makulit itong si Luke, sinira po ung plano ko" Saad ni Xanth at napakamot sa batok.
"Grabe, na miss ka namin ng Tito mo!" Mommy chuckled. Nagtawanan naman silang tatlo habang ako ay tulala at naguguluhan pa rin kung sino ba itong si Xanth.
"Caila, hindi mo ba kakamustahin ang childhood best friend mo?" Naka kunot noong tanong ni Mommy.
Ha? Childhood best friend? Sila Khione lang naman ang mga kaibigan ko pagka bata ah?
Xanth chuckled. " Hayaan nyo na po tita, baka hindi na nya tanda, and besides maliliit pa po kami nun." He said while he glanced at me.
Umupo na kami at umorder na rin ng pagkain, habang kumakain ay hindi nila mapigilan pag usapan ang nangyari nung mga bata pa kami ni Xanth, kahit naguguluhan ay tahimik lang ako at nakikinig sa kanila.
"Naalala mo ba ung sinabi mo sa'min dati ng tito mo? Sabi mo pag laki nyo ay papakasalan mo si Caila." Natatawang saad ni Mommy, habang nakatingin kay Xanth.
Bigla naman akong nasamid. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Xanth dahil magkatabi lang kami, si Mommy at Kuya ang nasa tapat namin.
What?! Sinabi nya yun?! Ba't hindi ko matandaan?! Tska hindi ko nga din matandaan na magkababata kami!
He chuckled " Yes po tita, hindi ko po malilimutan yun" he grinned at me.
Seriously?!
Napatingin naman ako kay Kuya na parang nanghihingi ng tulong sa kanya. God! Tulungan mo naman akong isingit si Zack dito! Nag uusap na sila about sa kasal na hindi ko alam! Pero ang loko, inirapan lang ako!
Marami pa silang pinag kwentuhan hindi ko na talaga matandaan ang iba, naalala ko lang na may nag turo sa'kin mag bike dati, at si Xanth pala yun. Pagtapos kumain ay pumunta na kami sa parking lot sumabay na sa'min si Xanth dahil hinatid lang daw sya ng driver nya, Nasa backseat kaming dalawa. Si Mommy ang nasa passenger seat at si Kuya ang nasa driver's seat. habang nasa byahe ay tulala lang akong nakatingin sa bintana hanggang sa kalabitin ako ni Xanth.
"What?" Kunot noong tanong ko nang tumingin sa kanya.
"Sungit" He chuckled.
Hindi ko nalang pinansin at aakmang titingin ulit sa bintana ng biglang kinuha nya ang kamay ko.
"What are you doing?" Gulat kong tanong, hindi sya nag salita at may nilagay sa kamay ko. He gently put a bracelet on me.
"Yan, Sana maalala mo na'ko.." He said in a low voice. Kahit mahina ang pagkasabi nya ay hindi nakatakas sa pandinig ko iyon. Agad ko namang tinignan ang bracelet at nagulat ako sa nakita ko.
Ito yung bracelet na akala ko nawala ko na!
Umiiyak pa'ko nun kasi hindi ko mahanap ang bracelet na ito. It was a infinity bracelet. sabi ng batang nagbigay nito sa'kin ay wag na daw akong iiyak kaya naman pinagawa nya ang bracelet na ito.. Ibig sabihin sya si..
"Dristan.." I mumbled. He smiled at me.
"Yes it's me, Aisha.." He low chuckled
Kaya pala..