Chapter 15 - CHAPTER 13

"Kuya." Pagtawag ko dito.

"Hmm?" Hindi naman sya nag angat ng tingin sa'kin at nagbabasa pa rin sa dyaryo nya.

"Kuya." Inis na tawag ko pero hindi nya na naman ako nilingon. Aba!

"Ano?" Tamad na tanong nya pero sa dyaryo pa rin ang tingin.

"Pwede bang sagutin mo yang phone mo?! Kanina pa kaya ring ng ring! Masyado kang busy jan sa dyaryo mo." Inis na sabi ko. Tumingin naman sya sa phone nya at nagkibit balikat nalang. Sino ba ung tumatawag kanina pa?! Ang ingay kaya! Hindi nya manlang isilent!

"Sinabi ko na sayo na kilalanin mo munang maigi si Zack bago ka magpaligaw. Pero hindi ka nakinig sa'kin. Tsk." Ismid nya.

"Kinilala ko naman sya ah..?" Alanganing sagot ko.

"Pero saglit lang! Ni hindi mo nga inalam kung may mga tinatago ba sya, o seryoso talaga sayo. Masyado ka kasing padalos dalos."

"What? Inalam ko naman ah!" Defensive kong sabi. Tinignan nya naman ako ng masama at inirapan ako. Aba.

"Talaga? Ang alin? Ung mga favorites nya? Mga likes and dislikes nya? Size ng sapatos nya?" He sarcastically said.

"Ano?!" Inis na sabi ko. Bakit ko gagawin yun? Tsk.

"Ano inalam mo ba lahat ng yon? Ano ka elementary? Baka gumagawa ka din ng diary tungkol sa mga araw na magkasama kayong dalawa?"

"B-bakit ko gagawin yon?!" Hindi ko naman isinusulat! Tiantandaan ko lang!

"Dahil obviously patay na patay ka sa kanya!"

"I'm not!"

"Yes you are! Kung sana ay hindi ka nagpadalos dalos ay hindi ka masasaktan ngayon. Kung sana nakinig-"

"Fine! Oo na! Pero may kasalanan ka din!" Putol ko sa kanya at tinignan sya ng masama.

"What?! Ako pa?! Ikaw na nga ang pinag sabihan ko!" Nagsalubong naman ang kilay nya sa sinabi ko.

"Hindi mo sinabi sa'kin na may Ex pala sya." I calmly said.

"Ano? Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit ex ko ba yun at kailangan ako pa ang mag sabi?" He sarcastically said. Napairap nalang ako sa kanya.

"Kahit na! Hindi mo pa'rin ako sinabihan!"

"Kayong dalawa ang nag uusap tas ako sisisihin mo. Malay ko ba kung nakwento nya na yun sayo o hindi pa. Tska privacy nya yun, kung ikaw ba biglang tatanungin sa ex mo paguusapan nyo ba yun ha?"

"Of course! Dapat lang na masabi ko sa kanya yun."

"Oh eh bakit sa'kin ka nagagalit? Kayo ngang dalawa ang mag usap! Paulit ulit ka na daw nyang sinasabihan na kausapin mo sya pero hindi ka nakikinig. Tss. Mga babae talaga!" Inis na sabi nya. Ako pa?!

"Ano?! Akala ko ba ako kinakampihan mo?! Bakit parang sa'kin ka pa nagagalit imbis na sa kanya?!"

"Caila. Nasaktan din ako. Naloko din ako. Pero mas masakit pala ung hindi ako nakinig kay Jill at itinatak nalang sa isip ko na iniwan nya ako nang walang sabi. Itinatak ko sa isip ko na galit ako at hindi ko sya mapapatawad sa biglaang pag iwan nya, pero nung marinig ko ang dahilan nya? Parang mas gusto ko nalang basagin ung mukha ko sa katangahan ko. Try to listen to him." Sabi nya bago umakyat sa kwarto nya. Naiwan naman akong naka awang ang bibig dito.

Dapat ba na makinig ako sa paliwanag nya? Parang hindi ko kaya.. he's the first guy who broke my heart.. what if mag sinungaling lang sya ulit?

I sighed bago umakyat sa kwarto ko para maligo at mag ayos na sa pag pasok. Nang umupo ako saglit sa kama ay tumunog na naman ang phone ko. Nakita kong nag chat sila Xiana sa gc namin.

Kulto ng mga magagandang nilalang💜

Khione:

Cai? Okay ka'na ba?

Xiana:

Bakit kailangan mo pang itanong yan? @Khione? Alam naman natin ang sagot jan.

Khione:

God, Xiana! I'm just worried!

Estelle:

Guys. Stop.

Xiana:

Sabihan mo nga yang kapatid mo, @Estelle sabihin mo na wag nang lalapitan si @Caila.

Khione:

Oh stop being paranoid Xiana!

Xiana:

I'm not paranoid!

Ako:

I'm okayy guys! Don't worry.

Estelle:

You sure?

Ako:

Yeah. See you nalang mamaya!

Pinatay ko na ang phone at dumiretso na sa Cr para maligo, saglit lang akong naligo at nag ayos na din ng sarili. Pagkababa ko ay sinabihan na ako ni manang na nasa kotse na daw si Kuya nagiintay sa'kin. Dumiretso naman ako sa garage at sasakay na sana sa passenger seat pero hinarangan ni Kuya ang mukha ko kaya tumama ako sa kamay nya.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko at akmang papasok ulit ng hinarangan nya ulit ang mukha ko! Tumama na naman ang mukha ko sa palad nya! Masisira ang make up ko!

Napatingin naman sya sa kamay nya nang makitang bumakat sa kanya ang kaunting make up ko. Nakangiwing ipinagpag nya sa damit ko iyo na parang nandidiri.

"Ano ba?! Lumayo ka nga!" Pero hindi sya lumalayo at pinapahid pa din sa'kin ang make up na nasa kamay nya.

"Kadiri! Ano ba 'to?!"

"Make up duh! Taga bundok ka ba?" Inirapan ko naman sya. Nginiwian nya lang ako.

"Hindi naman kasi nag gaganyan si Jill. Tsk." Nugagawen ko?

Hindi ko nalang sya pinansin at akmang papasok ulit sa passenger seat pero hinarangan nya ulit ako!

"Sa likod ka. Susunduin natin si Jill." Sabi nya at pumunta na sa driver's seat.

"Kainis." Bulong ko bago pumasok sa back seat.

"May sinasabi ka? Baka gusto mong mag lakad papasok?" Ngisi nya.

"Ha? May sinasabi ba ko? Wala naman ah?" Maang maangan ko.

"Akala ko may binubulong ka eh."

"Kala mo naman kinagwapo nya yan. Tsk." Bulong ko ulit.

"Ano?"

"Wala. Mag drive ka'na, baka nag aantay na si Ate."

Pinuntahan namin ang bahay ni Ate Jill, bumaba sya para pagbuksan ito ng pinto at nang makapasok si Ate ay sya naman ang umikot papunta sa upuan nya. Napatingin ako sa bahay nila Ate, hindi ito ganun kalaki kagaya sa'min. Hindi din sila nakatira sa subdivision, pero okay naman dito sa lugar nila, marami nga lang batang nakakalat at wala pang pang itaas na damit.

Napangiwi nalang ako ng halikan ni Ate si Kuya sa labi. Wow ha, harap harapan! Napangisi nalang ang kapatid ko at tumingin na sa daan, gulat namang napatingin sa'kin si Ate.

"C-cai, anjan ka pala.." She's blushing. Grabe naman ginawa nyo akong hangin dito kanina at ngayon nyo lang ako nakita.

Ngumiti naman ako sa kanya ng nakakaloko. Lalong pumula ang pisngi nya at tinakpan ang mukha, napatawa nalang kami ni Kuya sa kanya. Pag dating sa school ay pinark na ni Kuya ang kotse, bumaba na agad ako at nagpaalam na sa kanila. Tumango nalang si Kuya habang yakap yakap si Ate.

Nagpunta muna ako sa locker ko bago pumunta sa klase, inaayos ko ang mga gamit sa locker ko nang biglang may anino akong nakita sa likod ko kung kaya't agad akong humarap, halos pigilan ko na ang hininga ko ng makita kung sino ang nasa harap ko. Halos mag dikit na ang mukha namin sa sobrang lapit nya.

"I miss you.." He softly said. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang hininga nya. He's drunk!

"I really miss you.." I gasp when he planted a kiss on my cheek. My lips parted, hindi ako makapag salita!

"L-lumayo k-ka n-nga!" I stutter. My god! Bakit ba ako nauutal?

"Is this my effect to you? You're stuttering, Love.." He softly chuckled. I can feel my cheeks are burning!

Hindi pwede 'to! Wag kang rurupok, sis!

Pinilit ko syang itinulak pero nahuli nya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Gulantang ako nang bigla nya nalang akong halikan! He softly kissed me na para bang takot sya na laliman ang halik nya sa'kin. I can taste the alcohol in his lips. Damn.

Humiwalay sya at tinignan ako gamit ang mga mapupungay nyang mga mata. Bakit saglit lang? Nakakabitin naman! Charot!

"Can we talk now, Love?" Napatango nalang ako sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.

Agad akong nagsisi ng hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya kung saan.

Mali. Bakit ba ako tumango?!

Naglakad kami papunta sa sa roof top. Nang makarating kami sa taas ay hinawakan nya ang kamay ko at marahang hinalikan ito. Pambihira, lasing na nga 'to.

"Anong pag uusapan natin? Tska bakit ka ba uminom ha?! Alam mong papasok ka tapos iinom ka?!"

"Shh.." inilagay nya ang isang daliri nya sa may bibig ko na para bang pinapatahimik nya ako.

"I just want to talk to you, let me explain okay?" He asked softly. Ako yata ang malalasing dahil sa kanya.

"Fine." I sighed.

"I just want to say na ung mga narinig mo ay totoo, but may mga hindi ka pa alam," Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya, gusto ko sanang mag salita pero pinigilan ko lang. Tama. Dapat syang mag explain.

"Kylie is my ex, yes. I couldn't move on from her before, but that was before baby.. I distanced myself from you immediately, when I knew I was falling.. I don't want to hurt you, because I'm really confused and scared about my feelings.. I don't know if I just said I like you so I can forget about Kylie or maybe I really like you  because I'm really falling into you.. That's why the day there was an event here and I sang for you, that was the day I knew.. I was really in love with you.. That I didn't realize that I loved you. ." He seriously said, wala akong naramdamang nagsisinungaling lang sya dahil habang nagsasalita sya ay nakatingin lang ako sa mga mata nya.

And he's drunk kaya obviously hindi magsisinungaling 'to. Naalala ko kasi sabi ni Kuya pag lasing daw ang lalaki at may mga sinabi sayo, hindi daw magsisinungaling ito.

"Z-zack." My voice broke. Hindi ko na alam ang sasabihin ko pagtapos ng lahat ng marinig ko. Lumapit sya sa'kin para yakapin ako at hindi naman ako pumalag pa doon.

"I'm in love with you, Caila.. I love you.." He softly planted a kisses on my forehead.

"Teka, eh ano ung sinabi mo na wag makielam si Raiz sa plano mo?!" Mahina ko syang tinulak. Bigla kong naalala ung sinabi nya ah?!

"Well, i just said that to pissed him of Baby.." He chuckled. Uminit naman ang ulo ko dahil kung ano ano na naman ang tawag nya sa'kin.

"Ano? Teka nga bakit ba kung ano ano tinatawag mo sa'kin?! Malay ko ba kung ayan ung tawag mo kay Kylie dati." Ismid ko sa kanya.

"Babu ang tawag ko sa kanya." He innocently said. How insensitive! Sinabi nya pa talaga!

"What?! Sinabi mo pa talaga ha?!" Inis kong sabi at itinulak na sya, hindi naman ganon kalakas ang tulak ko sapat lang para mapabitaw sya sa yakap nya sa'kin.

"Why? I thought gusto mong malaman kasi sabi mo kung ano ano ang itinata-" He's eyebrows are furrowed

"Stop. Hindi ko naman gustong malaman yung tawagan nyo." Ismid ko sa kanya at tinakpan ang tenga ko.

"Are you jealous?" He softly chuckled.

"Ano?! Bakit ako magseselos? Eh baka nga mas maganda pa ako sa kanya e!" Tinanggal ko naman ang mga kamay sa tenga at magkasalubong ang kilay akong humarap sa kanya.

"You're acting like a jealous girlfriend.. And I like it.." Ngiti ng loko.

"I'm not!" I can feel my cheeks are burning right now!

"Don't worry, darling.. I like the way you jealous." Sabi nya at sinunggaban ako ng yakap, hindi na'ko pumalag dahil gusto ko din naman.

"S-Stop calling me that!"

"Why? What do you want?" He whispered against my ears.

"W-wala."

"Caila.. Tell me what do you want me to call you.. hmm?" He whispered softly against my ears. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko!

"Wala nga! Layo ka nga!" Sabi ko at mahina ulit syang itinulak pero hinigpitan nya lang ang yakap sa'kin na para bang ayaw akong pakawalan.

"Caila."

"Fine, Love." I pouted.

"Okay, Love" He chuckled and kiss my forehead.