Kinabukasan ay wala na naman kaming masyadong ginawa, Nag swimming nalang ulit kami sa may dagat at nag ikot ikot. Sobrang ganda talaga sa lugar na'to, kaya andaming mga foreigner's ang pumupunta dito eh, pero dahil nga sa pinasara muna nila Tita ang resort ay walang mga turista ang pumupunta. Nakakalungkot din palang isipin na uuwi na kami bukas.
Nandito kami ngayon sa sala dahil tapos na kaming lahat mag swimming, sobrang ingay namin dahil na rin sa tawanan at asaran namin. Napatingin ako kila Kuya, naka akbay na si Kuya kay Ate Jill. Mukhang okay na sila ah? Nung una ay akala ko talaga ay may relasyon sila Ate Jill at Raiz, pero nasabi nila na nagpanggap lang daw sila para pagselosin si Kuya. Ang dami nilang alam!
Sila Khione at Xiana naman ang magkatabi, wala si Estelle dahil mag iikot ikot lang daw muna sila ni Ethan. Si Zack, Raiz, at Khael naman ay nasa may veranda. Nag aasaran pa sila tungkol sa relasyon nila Kuya, pero tumayo na ako para makatakas.
"Hoy, Caila! San ka pupunta? Iiwan mo ako dito sa mga kaibigan mong chismosa?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya at umaarte pang nasasaktan dahil may pahawak dibdib effect pa sya.
Nginisian ko nalang sya at pumunta na ng veranda para kausapin si Zack sana kasi mag pipicture pa kami. Pero palabas palang ako naririnig ko na silang nag uusap ng masinsinan, bubuksan ko na sana ang pinto nang hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila.
"You should stop this, Zack." Ani Raiz.
"Why bro? Kinakalimutan nya lang naman si Kylie ah?" Ani Khael.
"Yes, pero sinasaktan nya lang si Caila! Sa tingin mo ba hindi sya masasaktan sa mga ginagawa mo?! "Gigil nyang sabi kay Zack. Tumingin lang si Zack sa kanya ng malamig.
"I told you from the start na itigil mo na ang kalokohan mo, kahit ano pang gawin mong pagpapanggap jan hindi ka'na babalikan ni Kylie!" Sabi nya pa at agad syang natumba ng bigyan sya ng isang malakas na suntok ni Zack.
"And i already told you na h'wag kang mangingielam sa mga plano ko!" Madiin na sabi ni Zack. Hindi ko na mapigilan ang luha ko, kahit gulong gulo na ako sa mga pangyayari.
Tatakbo na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang gulat na mukha ni Zack.
"Did you.. " Hindi ko na sya pinatapos at tumakbo na agad ako palabas, narinig ko pang tinatawag nya ako pero hindi ko sya pinansin, tumakbo pa ako hanggang sa aksidensteng mabangga ko si Estelle.
"W-why are you crying? May nangyari ba?" Alalang tanong nya pero umiling nalang ako at nilakpasan sya.
Akmang malapit na akong makalayo sa kanila pero may kamay na humila sa braso ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nagsusumamo ang mukha nya.
"Kuya, anong ginawa mo kay Caila?" Tanong ni Estelle sa di kalayuan.
"Stop right there, Telle. H'wag kang makielam sa'min. Please? "Tumango naman ang kapatid at naglakad na papalayo na animo'y pinag sakluban ng langit at lupa.
Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko at nagpupumiglas dahil nakahawak ang kamay nya sa braso ko.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Zack! "
"No! Just listen to me, please?" Umiling sya at hindi pa rin binibitawan ang braso ko. Hindi naman ganun kahigpit ang hawak nya pero gusto ko lang makawala.
"Hindi na'ko makikinig sa mga kasinungalingan mo! Leave me alone! "
"Caila! Let me explain! " Frustrated na sabi nya.
"Bitaw." I ordered pero hindi sya nakinig at hinigpitan nya lang ang kapit nya.
"No, listen to me first hmm?" Nagmamakaawa nyang sabi pero umiling lang ako ng umiling sa kanya.
"Ano ba, Zack?! Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko para sa paliwanag mo?! Diba hindi ka pa nakakamove on sa Ex mo?! Kaya nagpanggap ka na gusto mo'ko?! Para ano ha?! Para paglaruan lang ako?! " Sigaw ko.
"No. That's not true, I-I love you.. "Naluluhang sabi nya.
"Stop fooling me around!" I hissed.
"I-I love you, Caila.. nung una oo nagpapanggap lang ako dahil hindi ko makalimutan si Kylie, but nagbago na iyon at minahal na kita.. "
"Hindi na'ko makikinig sayo. Hindi ba sabi mo h'wag mangielam si Raiz sa plano mo?! Itigil mo na ang kalokohan mo. Hindi mo'ko gusto.. at hindi mo'ko mahal.. " unti unting lumuwag ang kapit nya sa braso ko, pagkakataon ko na iyon upang makawala sa kanya kaya naman binawi ko na ito.
"Don't say that please? I-I love you.. " Nanghihinang sabi nya, nakita ko din na tumutulo na ang luha nya pero agad nya itong pinunasan.
"P-pero mas mahal mo sya, H-hindi ba? " My voice broke. Napaawang naman ang labi nya at hindi makapag salita. So i guess, may sagot na sya sa tanong ko.. Napangiti nalang ako ng mapait at naglakad palayo sa kanya.
Pumunta ako sa may walang tao at naupo sa buhangin. Dun nalang ako napaiyak, napasandal ako sa puno at napapikit ang mata, nakatulog na pala ako. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi. Agad akong tumayo at nagpagpag ng damit, naglakad na pabalik sa guesthouse. Nang makabalik ay naabutan ko si Zack na nasa sahig nakadapa at may pasa ang gilid ng labi, inalalayan syang makatayo ni Khael. Napatingin naman ako kay Kuya na salubong na salubong ang kilay at galit na galit kay Zack, nakaamba pa ng suntok sa kanya, inaawat sya ni Raiz at Ate Jill. Napatingin silang lahat sa'kin at agad silang naglapitan.
"Caila! Pinag alala mo kami! San ka ba galing?!" Bungad ni Khione.
"Gusto ko nang magpahinga.." sabi ko nalang. Alanganing napatango nalang si Khione at pumunta na ako sa kwarto.
Napaiyak na naman ako pagpasok, pero agad ko ding pinunasan ang luha ko nang pumasok si Estelle. Alalang alala ang mukha nya, lumapit sya sa'kin at umupo sa tabi ko, pinunasan din nya ang luha ko.
"I already know what Kuya did to you.. I'm sorry about that, Cai.."Malungkot na sabi nya.
"Ano ka ba! Okay lang ako.." peke naman akong tumawa sa kanya.
"No you don't, kahit Kuya ko pa sya hindi ko sya ipagtatanggol. He's a jerk. " She rolled her eyes.
"Telle.. Niloko nya ko.. ang akala ko gusto nya din ako.. " Hindi ko na napigilan at yumakap na ako sa kanya. Niyakap nya naman ako pabalik at hinigpitan ang yakap sa'kin.
"Hush now.. hmm? Tahan na.. " Sabi nya at inaalo alo ako, hinihimas himas nya din ang buhok ko.
"I-I thought totoo lahat ng pinakita nya.. but it's all just an act.. " I mumble.
Pinatahan nya pa ako hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay naghanda na agad kami paalis, inayos na namin ang mga gamit at inilagay na sa van na gamit namin. Hindi pa'rin ako tinitigilan ni Zack at pinipilit pa rin akong kausapin pero hindi ko sya kinikibo.
Nang bumyahe kami ay tahimik lang ako, nakikinig lang ako sa tawanan at kwentuhan nila Xiana. Hindi nila ako tinanong sa nangyari kahapon, Wala din ako sa mood magsalita dahil sa nangyari. Tumigil kami saglit sa isang restaurant at kumain, pagtapos nun ay bumyahe na kami ulit. Nang makauwi ay tinangka pa akong kausapin ni Zack pero hindi ko sya pinansin. Pagpasok ng bahay ay naabutan ko sila Mommy at Daddy na kumakain sa may lamesa.
"Oh, darling.. i miss you.." Salubong sa'kin ni Mommy at niyakap ako ng mahigpit.
"Miss you too, My. Akyat na po ako sa taas para makapag pahinga, My. Dy.." Paalam ko sa kanila, pero kumunot lang ang noo ni Daddy bago magsalita.
"Why don't you join us, Caila? Nandito na din naman ang Kuya mo." Sabi nya at tumingin sa likod namin ni Mommy.
Napatingin kami sa pinto na kakabukas lang, kunot noong napatingin sa'kin si Kuya na parang nagtataka kung ba't namin sya tinitignang tatlo. Humalik sya sa pisngi ni Mommy at Sandaling yumakap kay Daddy. Umupo na kaming pareho ni Kuya para kumain na.
Nag uusap sila about sa Hospital at Business, My Mom and Dad runs a Horizon Hospital Center. They both a surgeon, Daddy is a general surgeon while Mommy is a Orthopedic surgeon. Kahit na busy sa Hospital ay nagagawa pa'rin nilang magpatakbo ng business, They runs a Agricultural Farm Business. Gusto nilang kami ni Kuya ang mamahala ng Hospital at Business pag nakapag tapos na kaming dalawa.
"Bago ko makalimutan may magaganap na event sa linggo, I want you all, to prepare for that event." Saad ni Dad. Tumango nalang ako, Si Mommy naman ay ngumiti nalang tila alam nya ata ang sinabi ni Daddy. Si Kuya naman ay nakakunot ang noong nag tanong kay Daddy.
"What event Dad?" Curious na tanong nito.
Ako din gusto kong malaman kung anong event ba yun.
"Birthday ni Dr. Mallanes, Iniinvite nya tayo." Saad ni Dad, tumango nalang kaming dalawa ni Kuya at tinapos an ang pagkain.
Dr. Mallanes? Parang natatandaan ko ung apelyido nya..
Nang matapos ang pagkain ay pumunta na ako sa kwarto para makapag pahinga na, humiga na'ko at pipikit na sana nang biglang tumunog ang phone ko. Kunot noong binuksan ko kung sino ang nag message. It's from Zack..
Zack:
Caila, can we talk please?
Let's talk please?
Ayusin natin 'to.. let me explain, hindi mo pa ako pinag eexplain.. just hear me first, please?
Ako:
Stop it, Zack. Hindi na'ko makikinig sayo.
Pinatay ko na ang phone ko at huminga ng malalim bago matulog na. It's a tiring day..