Chapter 12 - CHAPTER 10

"So, good night?"

"Yeah. Thank you ulit." I nodded.

"No problem. I hope napasaya kita?"

"Yes, very much."

Bumaba na ako nang kotse nya bago magpaalam sa kanya na papasok na ako sa bahay.

Pagpasok ko, hindi ko nakita sila Kuya. Siguro nasa kwarto na nya, kaya naman dumiretso na ako sa kwarto at hindi ko napigilang tumili.

"OMG!!!" Tumalon talon pa ako sa kama sa sobrang kilig. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad akong umupo sa kama at tinignan kung sino ang nagchat.

Zack:

Good night again, gorgeous.

Ako:

Good night, Love!

What the heck Caila? Ang corny!

Zack:

Lol, what?

Ako:

Shocks. Typo sorry!

Nakakahiyaa!

Zack:

Lmao. Alright. Night. Love.

I bit my lower lip. Hindi ko na napigilan ang kilig ko at impit na napatili. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. My eyes widened when i saw Kuya.

"B-bakit?"

"Alam mo bang nakakaistorbo ka'na ha? Kanina pa kita naririnig na tumitili jan!" Inis na sabi nya.

"Nanonood ako ng K-drama. Kinikilig kasi ako kay Lee jong suk. Bakit ba?" I arched my eyebrow. Para matakpan ang kahihiyan ko.

"Anong nangyari sa date nyo?" Pag iiba nya sa usapan. Tumingin nalang ulit ako sa phone ko at pumunta sa fb para mag scroll.

"Okay lang. Sabi nya manliligaw na daw sya." Wala sa sariling sabi ko.

"What?!"

"Ha?" My eyes widened when i realized what i just said. Great Caila!

"Manliligaw? Seryoso ka ba? Baka naman gawa gawa mo lang yan?" Naniningkit na matang tanong nya.

"Ano?!" Inis na baling ko sa kanya. Sinasabi nya bang gumagawa ako ng kwento?!

"Wala. Matulog ka'na. Tsk." Sabi nya at sinara na ang pinto. Humilata nalang ako hanggang sa dalawin ng antok.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon kukuhanin na namin ang grade namin para sa first semester. Kinakabahan na'ko! Pagtapos kasi namin kunin ang grade namin didiretso alis na kami para pumunta sa resort nila Xiana sa Batangas.

Papasok na sana ako ng room dahil nandoon na ang prof ko para makaha ko na ang grade ko, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bag bago binuksan at basahin ang chat sa'kin.

Zack:

Goodluck on your grades!

Ako:

Thanks:)

Pagkasend ay ibinalik ko na agad ito sa bag ko. Pumasok na ako sa room at lunapit sa Prof ko. Binigay naman nya agad sa'kin ang grade ko at nagpaalam na akong aalis na. Hindi ko pa tinitignan ang grade ko! Tinupi ko agad ito para hindi ko makita. Kinakabahan ako!

Pumunta ako sa court kung saan nag iintay sila Xiana sa'kin. Maaga kasi nilang kinuha ang grades nila. Sinalubong naman nila agad ako.

"Ano kamusta grade mo?" Ani Khione.

"For sure, nasa line of nine yan." Ani Estelle.

"Patingin?" Ani Xiana.

Binigay ko naman sa kanila agad ung card ko nang hindi ko manlang tinititigan ito. Bigla akong nagulat sa tilian nilang tatlo.

" Oh my! Ang galing galing mo!" Tili ni Xiana. Kumunot ang noo ko sa kanilang tatlo bago ko kinuha ang card ko.

What the? Puro line of nine!

Nakisama na din ako sa tilian nila. Sinabi nila na lahat din daw sila nakakuha ng nine. I'm happy for them! Isang semester nalang at mag cocollege na kami!

Umalis na kami sa court at dumeretso na sa kotse nila Xiana. On the way na kami papunta sa Batangas. Nag impake na kami ng mga damit namin kagabi pa, tatlong araw kasi kami dun since Friday ngayon. Napatingin naman ako sa bintana habang sila Khione ay maingay na nag uusap. Bigla kong naalala si Dad. Ano kayang sasabihin nya pag nakita nya ang card ko? Matutuwa kaya sya? No. Walang emosyon naman sya lagi pag nakikita ang grades ko.

Binuksan ko nalang ang cellphone ko at in-on ang data. Nagulat ako nang sunod sunod itongĀ  tumunog. Wow, andami kong message ah? Nagulat ako nang makitang andaming message ni Zack sa'kin, pati narin si Kuya at Mommy. Ikinakunot ng noo ko ang isang message. Galing kay Xanth? Sino naman 'to? Nagkibit balikat nalamang ako at tinignan muna ang message ni Zack.

Zack:

Where are you?

Caila.

Asan ka?

Nag aalala na'ko. Asan ka ba?

Aisha Caila Vergara. Where are you?

Why are you not answering my chats?

Caila. Can you please just seen?

Hinahanap ka'na ng kuya mo sa'kin.

Aisha Caila Vergara - Perrier. Where are you?

Ako:

Sorry Zack! Hindi ko alam na nagchat ka pala! Nasa kotse kami now. Papunta kami sa Batangas. Sorry talaga.

I bit my lower lip at napatingin ako sa huli nyang message. Oh my! Nilagyan na nya ng apelido nya ung name ko!

Zack:

Alright. We're on the way:)

Ako:

What the hell? Bakit kayo pupunta? It's a girls outing!

Zack:

Calm down, ang kuya mo ang nagsabi. He doesn't listen to me, and besides i want to come too. Hindi kita mababantayan jan. Baka may manligaw sayo jan.

Ako:

My gosh, ano ba yang sinasabi mo? Bahala nga kayo. Pareho kayong makulit. Tsk.

Zack:

Yeah. I already know that:)

Ako:

Whatever.

Tinawanan nya lang ang chat ko! Ang kulit! Parehong pareho silang makulit ni kuya. Sunod na tinignan ko naman ang chat sa'kin ni Kuya. Napapaikot nalang ang mata ko pag nakikita ang nickname nya sa messenger ko! Sya ang naglagay nang nickname na yan. Pati narin ang emoji. Feeling hot!

Kuya kong pogišŸ„µ:

Where the hell are you, Caila?!

Caila?!

Asan ka ba?!

Isusumbong kita kay Dad!

Isa!

Dalawa!

Aba! Hindi ka talaga sasagot?!

Yari ka sa'kin pag nagkita tayo!

Ako:

My bad. Nakalimutan kong sabihin na mag oouting kami nila Khione ngayon sa Batangas. Sorry:P

Kuya kong pogi šŸ„µ:

You're Dead.

Napabugtong hininga nalang ako at sunod na tinignan ang message ni Mommy.

Mommy:

Sinabi sa'kin ng kuya mo na hindi ka daw nya macontact. Where are you Caila?

Aisha Caila.

Ako:

Sorry My. Nakalimutan ko pong sabihin sainyo na pupunta kami ng Batangas ngayon, sa resort po nila Xiana. I thought tita told you na po?

Mommy:

No. Hindi sinabi ng tita mo. Anyway, take care darling! Love you!

Ako:

I will My. Love you!

Huli kong binuksan ang message galing sa nag ngangalang Xanth.

Xanth:

Can't wait to go home and see you.

Hindi ko alam pero agad akong kinabahan sa message nya. Agad ko itong blinock. Sino ba yon?! He's Creepy. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at sumandal upang matulog. Mukhang mahaba haba pa naman ang byahe namin.