Nang makarating kami sa building ay kaagad kami nag tungo sa main floor ng Glamorous building na ito.
Tita Avery Ferrer is a chairman of this GLAM Company. hawak nito ang mabibigat na modelo katulad ni Haze Cameron. At iba pang mga modelo na nakilalang brands.
Nauna sa akin si Abram. Kaya't sumunod lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa elevator. Tahimik namin tinahak ang paitaas.
Kita ko ang busangot na muka niya sa repleksyon ng tila glass elevator na ito.
"I love you.." pagbasag ko sa katahimikan niya.
"Trying to change my mood, Huh." Wika nito. Tumaas ang isang kilay niya at gumuhit ang ngiti sa labi.
Lumapit ito sa akin. Kita ko ang pag sulyap nito sa CCTV sa taas. Kaagad ako nitong inipit sa gilid sapat na upang hindi ako masaktan.
He kissed me gently. Halos mabura lahat ng iniisip ko sa halik na iyon. Naramdaman ko ang kamay niya sa akin likod pababa sa akin pwetan.
"A-abram..." I whispered between his kisses.
"Hmmm..?" Anito. Bumaba ang halik na iyon hanggang sa leeg.
Pero naputol ang halikan iyon ng tumunog ang elevator. Halos maitulak ko siya ng bumukas iyon. Kita ko ang pagkabigla ng ibang empleyado na nag tatrabaho sa amin dalawa.
Inayos ko ang sarili ko at sumunod sa palabas na si Abram.
Nakarating kami sa tingin ko ay office ng mother niya. Kaagad kaming iginaya ng isa sa mga secretary.
Naabutan namin na may kausap ito. Nguni't kaagad rin itinuon sa amin ang pansin ni Abram.
"Hija!" Si Tita Avery at lumapit sa amin.
Tita Avery immediately hugged Abram, kaagad naman itong lumapit sa akin at niyakap at nag beso rin sa akin.
"Hija, this Ian Moretz modeling director."
"Ian, this is Helena Clio Lopez soon to be my daughter in-law." Pag bibiro nito.
"Ohmygod...! Totoo ang sinabi ni Madam Ferer."
"Sobrang ganda mo nga sa personal." Aniya.
Kaagad tumayo si Ian Moretz ay kinamayan ako. Halos mamula ang pisngi ko dahil isa ito sa mga veterans. At kilalang successful director sa buong pilipinas.
"T-thank you.."
"I'm Helena Clio Lopez." Ani ko at kinamayan ito pabalik.
"Nice to meet you too. Hija." Aniya na galak na galak.
Iginaya kami ni Tita Avery sa sofa. Tila ba may pag me-metingan kaming importante.
"We really need a new face and a new rising star. Madam." Ani ni Mr. Moretz. Habang nakatingin sa akin.
Napatingin ako kay Abram. Tingin ko ay may alam siya sa bagay na ito. Ngumisi lang ito sa akin at itinuon ang pansin sa dalawang nag uusap.
"Hija.. tulad ng dati I want to offer to you this opportunity again." Anito.
"If you don't want an exclusive contract, that's fine with the company." Si Mr. Moretz.
Halos mabilaukan ako sa mga sunod sunod na offer nila. Tumanggi ako dati. Dahil hindi ko maisisingit iyon sa oras ko. Besides gusto ko rin mag focus sa pag aaral dahil ga-gradute na ako.
"T-tita... Baka po di ko maisingit sa oras ko.." nauutal na sabi ko.
"Well, Hija. Puwede naman natin i re-schedule iyon."
"Clio, we really need a new model" Tita Avery said desperately.
"It's just a few shoots Clio." Si Abram.
"In fact, one of the big GLAM models backed down." Si Mr. Moretz.
Kita ko ang pagkadisappointed ni Mr. Moretz sa sinabi. Ang mapaklang ngiti ni Tita Avery ay sumilay ng buksan ang issue na iyon.
"So many endorsements wasted. Commercial and agreement." Malungkot na sabi ni Tita.
"It is considered a breach of contract."
"And we can file a lawsuit." Si Abram na prenteng bakaupo sa tabi ko.
Kita ko ang tinginan ng dalawa. Nag alangan silang mag salita dahil tingin ko ay pribado ang dahilan ng modelo.
"Hermione Villa Roman. That's the model that backed down." Si Tita Avery.
Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. She's a star. Napakalaking mga pangalan ng brands ang hawak niya. Bukod kay Haze na na feature sa NYC isa rin siya sa mga modelo.
"Youngsters are getting married early these days Hindi na nakakagulat iyon." Si Mr. Moretz.
"Kanino?" Si Abram na naguluhan rin.
"Well the powerful Vicentious. He paid all of Hermione's damage contract." Si Tita Avery.
"Tss that bastard." Si Abram.
"If you agree now Clio. We will renew the new agreement." Si Mr. Moretz.
Kung papayag ako ay magiging benefits rin ito sa akin. Kung mag kakacomercial ako ay makikita iyon ng buong La Carlota.
"Well Tita.. hindi ako magiging sigurado dahil first time kong magiging model—." Pinutol kaagad ako.
"Where is the contact agreement? Ako ang magigng manager ng fiance ko." Si Abram.
Halos bumilog ang labi namin tatlo sa narinig namin kay Abram. Kita ko ang tuksong ngiti sa akin ni Tita. Pero halos wala rin akong naisagot sa mga nag tatanong na titig niya.
"Tatlong taon ang magiging usapan. Walang kasal walang ano man issue na malilink sa ibang co-model." Si Mr. Moretz.
Tumango lang ako ng pirmahan ko ang napakahabang agreement.
"After this agreement, puwede na tayong ikasal."
"Siguro naman ay handa kana sa tagal ng tatlong taon." Bulong ni Abram at ibinigay kay Tita Avery ang mga papers.
Nang matapos iyon ay may dumating pang isang tingin ko ay artist designer ito ng GLAM.
May hawak itong measurement. Kaagad nitong lumapit sa akin at nag pakilala.
"Neil Brian Cruz nice to meet you."
Inilahad nito ang kamay sa akin.
"Clio Lopez." Aniko at kinamayan.
"Gosh.. Abram, bakit di mo kaagad ipinakilala sa showbiz ang girlfriend mo!" Si Neil na nakatingin sa akin.
Napangiti lang ako. Matapos ang pag uusap ay sinukatan ako kabuoan ko nito.
"Oh good... Mas sexy kay Villa Roman." Anito.
24 inches ang beywang ko at may bigat na 48 kg. Maintain lang ang ganun bigat ko. Bukod sa halos work out ang ginagawa sa tuwing may free time.
Nang matapos ang meeting na iyon. Ay kaagad rin akong umuwi. Upang kunin ang inorder ko na watch galing pa sa german.
Gusto kong isopresahin siya ngayon gabi.