Chereads / Death By Destiny / Chapter 11 - Kabanata 11

Chapter 11 - Kabanata 11

"Hihintay ka namin sa bangrangay Clio ha?" Si Nanay Melda.

Nakatingin sa akin ang dalawang mag kapatid. Nag hihintay sa akin isasagot.

"Susunod po ako ruon. I will take a shower first." Aniko.

Kita ko ang pag sangayon ni Marry, habang si Nanay Melda ay inaayos ang mga dala nitong dustpan at walis. Nakasuot ito ng dilaw na may tatak ng pangalan ng barangay.

"Oh paano hintayin na lang namin kayo ruon?" Si Nanay Melda.

Napakunot ang nuo ko sa sinabing iyon ni Nanay. Kita ko ang pag senyas nito kay Kairan.

"Opo Inay susunod na lang kami ni Mam Clio ruon." Si Kairan at sumulyap lang sa akin.

"Mauna na kami sainyo Clio!" Si Marry.

"Ingatan mo si Clio, hijo. Hihintay namin kayo ruon ng makilala ng ibang kabarangay natin ang bagong maninirahan sa maganda natin lugar." Aniya.

Nang makaalis sina Nanay Melda, halos huni lang ng ibon ang maririnig sa paligid. Dahil sa katahimikan pinamamalas naming dalawa.

"M-maligo kana.. hihintayin na lang kita rito sa veranda." Aniya at napakamot ng batok.

"Would you like something to drink?" I asked.

Kita ko ang pag iling nito. Napangiti lang ako sa kainosentihan niya. He's tall yun ang una mong mapapansin sa kanya at ang mga mata nitong tila inaantok.

"A-ayos lang. Hihintayin na lang kita rito." Halos mautal na sabi niya.

Tumango ako at pumasok sa loob. Pero dala na rin ng malikot kong pag iisip sa huli ay nag tungo ako sa reff upang kumuha ng maiinom.

I took orange juice and poured it into a glass. Nang makarating muli ako sa labas ay natanaw ko itong may inilabas sa dala niyang bag.

Kita ko ruon ang mga papel na tila ba may drawing ng mga bata. Busy niya itong inuusisa at tsinetsekan ang mga papel na iyon.

"Are you a teacher?" Tanong ko habang nilalapag ko ang baso ng juice sa harap niya. Kita ko ang pagbilog ng mata nito sa bigla kong pag dating.

"BS criminology ako. Nag tuturo lang ako sa mga street children sa lugar na ito." Aniya.

Street children are one of the world's most invisible populations. Eto dapat ang tinututukan ng gobyerno lalo pa ang mga batang hindi makapag aral at ang mga naninirahan sa lansangan.

"Mataga mo nang ginagawa ang bagay na iyan?" Tanong ko. Habang pinag mamasdan ang isang drawing na kulay itim lang. Tila umiiyak na obra.

"Almost a years." Aniya at napatingin sa akin.

"You should take a bath. Para maabutan natin ang pag pupulong." He said.

"Okay..."

Kaagad akong nag tungo sa bathroom. Isa isackong hinubad ang aking damit. Habang ang lagaslas na di kainitang tubig ay dumadampi sa akin balat.

I looked in the big mirror. Kitang kita ko ang hupak na collarbone ko. Kaonti pasa sa aking dibdib na hindi ko alam kung saan ko nakukuha.

Dumapo ang tingin ko sa aking pabalikat. Kita ko ang peklat tila hugis itong puso. Parang sinadya ng aksidente para paulit-ulit kong maalala.

Nalaglag ang bandage gawa ng pag kabasa ng tubig. Kita ko ang sugat na gawa ko sa mag kabilang kamay.

Halos magulat ako ng makita ko ang tubig na pumapaktak ay nag kulay dugo.

"Ah... Ahhhhhhh!!!!!!"

Malakas na pag basag ng salamin ang bumuo ng ingay sa banyo.

Halos masira ko ang salamin dahil sa takot. Kitang kita ko ang dugo sa akin mga kamay.

"Mam Clio!?" Halos masira ang pinto sa malakas nitong katok sa pinto.

Halos humagulgol ako. Hindi ko alam gagawin, rinig ko ang pag tawag ni Kairan nguni't hindi ko iyon sinagot.

Humagulgol ako ng malakas na malakas hanggang sa mamanhid ang buong muka, ko sa pag iyak ng walang sapat na dahilan.

Unti-unti kong pinulot ang sarili ko at nag bihis. Isinuot ko ang floral dress at flat shoes ko.

Inayos ko ang mahabang buhok ko at ipinusod ito ng isahan lang. Hindi na ako nag lagay ng anu mang makeup.

Kita ko ang mapanuring titig sa akin ni Kairan.

"Tara na." Aniya ko at nilagpasan siya.

"Maraming bagay ang puwedeng pag libangan rito."

"Puwede kang mag tungo sa baryo. Tumulong sa pag hahabi ng mga bulakblak at pag gawa ng balangot." Aniya. Habang inilalagay ang ibang mga papel sa bag nito.

"Hindi ako marunong ng mga bagay na iyan." Maikling sagot ko.

"You can learn that slowly. Hindi naman minamadali ang mga bagay." Si Kairan.

"Hindi ako interesado." Maikling sagot ko. At nag patuloy sa pag lakad.

Nang makarating kami sa barangay hall ay naabutan namin ang pag pupulong ruon. Halos napatingin sa amin ang lahat ng mga tao ruon ng makita kami.

"Girlfriend mo ba ito Kai?" Tanong ng isang matandang lumapit sa akin at hinaplos ang balikat ko.

"B-bago lang po rito." Ako.

"Lola Mae, hindi ko po girlfriend si Mam Clio."

"Siya po ang bagong naninirahan sa purok uno." Si Kairan.

Kita ko ang pag ngiti ng matanda sa akin. Kagaad niya ako inanyayahan sa upuan. Nakita ko rin ruon si Inay Melda, busy ito at may kinakausap. Nguni't bunigyan niya ako ng ngiti.

"Siguro'y pamilyar ka sa mga Lopez Hija?" Tanong ng matandang katabi ko.

Kaagad akong hinagkan ng takot. Paano kung malaman nila na isa akong makasalanang tao?

"H-hindi po." Pag sisinungaling ko.

"Grabe ang ginawa ng mga Lopez sa baryo namin. Sinira nila ang ibang puno rito para ibenta." Ani ng matanda.

"H-hindi.. po sila kilala. Wala po akong alam tungkol sa kanila." Halos nauutal na sabi ko.

"Mabuti nga iyon. Masasama ang ugali ng mga yun."

"Mabuti nga ako binawi niya ang takbo niya bilang congressman ng lungsod na ito. Kundi at gagamitin lang niya ang kapayarihan niya upang mamirwisyo sa lugar na ito." Wika ng matanda.

"Ang balita ay pumatay daw ng tao ang anak ni Harvey Lopez. Kaya't mabilis binawi nito ang pag takbo. Dahil masisira ang imahe nito sa mga tao." Marry na kakarating lang.

Napayuko lang ako sa mga naririnig ko. Pero napawi ang usap-usapan ng may dumating na mga kotse sa paradahan malapit sa barangay.