Chereads / Death By Destiny / Chapter 10 - Kabanata 10

Chapter 10 - Kabanata 10

I woke up lying on the sofa. Hindi ko maalala ang huling nangyari matapos akong umiyak ng umiyak. Ang alam ko ay nanghina ako ng oras na iyon.

Nguni't ako kabuoan ay hindi ko na maalala.

I can feel the pain in my wrist.

I'm still breathing.

Am I still alive?

Ininataas ko ang mag kabilang kamay ko. Napatingin ako sa bandage na nakalagay sa mag kabilang pulso ko.

"Hija.. gising kana pala." Ani ng isang matandang may dalang first aid kit.

Napatingin lang ako sa kanya. Tuyong tuyo sng lalamunan ko. Tila ba kahit anong pilit kong mag salita ay walang lumalabas sa akin bibig.

Kaagad nito ibinaba ang first aid kit sa sofa table at inabot sa akin ang isang baso ng tubig na kanina pa nakapalag ruon.

"Marahil ay nag tataka kung bakit ako na rito." Aniya.

Wala akong mapisil na kahit anong rason kung bakit siya na narito. Hindi ako interesadong malaman sng mga bagay. Pakiramdam ko kahit anong dumating na di magandang mangyari sa akin ay wala na akong pakealam.

"Mag hahatid lang dapat ako ng mga kamote sa iyo."

"Dahil bago ka sa lugar namin nakasanayan namin i gunita ang mga taong bago lang na naninirahan rito." Aniya.

"Hindi na ako magtatagal sa mundo. Kaya't sana po ay hindi na kayo nag abala." Ako.

Kita ko ang pagtawa niya sa sinabi ko.

"Hija, kung ganun ay piliin mo ang maging masaya." Anito.

"Kahit pa maikli lang ang buhay."

Kung maikli ang buhay. Pasaan pa't narito ko sa mundong ito. I always wondering ano bang layunin ko sa mundong ito?

"I have been rejected by God, and he will never save me." Ako.

Kinuha nito muli ang first aid kit at nag tungo sa akin. Marahan niyang kinuha ang pulso ko at tinggal ang bandage na puno na ng dugo.

"Mahal tayo ng Diyos dahil pinili niya tayong mahalin sa kabila ng ating mga pagkakamali." Wika niya.

"If the God loves me, why do I have to suffer like this?" Unti-unting nadudurog ang boses ko.

"People suffer because it is the path that we chose." Aniya.

"Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaang pumili." Segunda niya.

Nang matapos siyang linisan ang sugat na ginawa ko. Kaagad rin itong nag paalam. Pero ang mga tingin sa akin ay puno ng pag aalala.

"May community service sa bawat purok sa bayan natin. Gusto ko sana sumama ka bukas." Aniya.

Tumayo ako upang ihatid siya sa labasan. At mag pasalamat na rin sa kanya.

"I will try."

"Thank you." Aniko at itinaas ang kanang kamay.

"Huwag mo ng uulitin ang bagay na iyon." Anito.

Napangiti lang ako ng mag lakad muli ito. Ni hindi ko naitanong ang pangalan niya kasabay ng paglisan ng bulto nito.

Nang isarado ko ang main door aylt bumungad sa akin ang katahimikan ng gabi. Unti unti akong napasandal sa pinto ay dahan-dahang dumausdos tila pagod na pagod.

Why do I feel so sad at night and in the day I feel fine? Sa gabi pakiramdam ko ay manhid na ako. Nguni't ang puso ay tila tinatarak ng libong mga punyal. Pero sa umaga pakiramdam ko ay ayos lang nguni't may bigat na hindi ko malaman.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dibdib ko. My tears burst quickly I feel sad every single day and night thinking about my past.

Every time I think of a certain memory, all I ever really feel is unpleasantness.

I really hate worrying.

Ayokong isipin ang mga bagay nadadating at mangyayari. Now I know this might sound impossible, pero ayoko talaga ng pakiramdam na ito.

All I ever really feel like right now is crying or screaming. Gusto kong saktan ang sarili ko ng maraming beses. Hit something to make myself feel better.

Pakiramdam ko ay walang makakaunawa sa sakit na dinadala ko ngayon. I feel like I'm fighting the world alone.

I'm always fighting my battles alone and it hurts. lunod na lunod na ako sa kalungkutan.

I want to scream for help.

Ang maliit na hikbi ay unti-unting lumakas. Gusto ko manghingi ng tulong. Ngayon ay inaamin ko na sa sarili kong mahina ako at kaylangan ko ng isang taong mag aahon sa akin sa pagkalunod na ito.

Hindi ko alam kung nakatulog ako ng gabing iyon. Ang alam ko ngayon ay nakatanaw ako sa bintana. Tinatanaw ang pag sikat ng bagong araw.

Narito parin kung saan ako na upo. Walang lakas ang paa ko. Ni hindi ko alam kung may lakas pa ako sa buong mag hapong ito.

Naramdaman ko sa veranda ang yapak ng tao. Tingin ko ay papalapit iyon sa pinto. Nguni't sinawalang bahala ko iyon at hinampas ang na mamahid na paa ko, upang maibsan ang sakit.

"Hija!" Pag tawag sa akin ng familiar na boses ng matanda.

Hindi ako umimik. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung kaya kong tumayo. Ngunit ilan minutong pag tawag at pag kundisyon sa sarili ko ay sumuko ako at di na pinilit pang tumayo.

Pilit kong inabot ang busol ng pinto dahil palakas ng palakas ang katok. Pero di ko pa man naitutulok ay bumukas na iyon ng tuluyan ang iniluwa sa akin ang dalawa babae at isang binata na tingin ko ay ka edad ko lang.

"Susmaryosep!" Ani ng matanda na tumulong sa akin kagabi.

Halos mahiya ako sa disposisyon ko. Nakasalampak ako sa malamig na marmol. Tila ba hindi naliligo ang itsura dahil sa gulo gulo rin ang buhok ko.

"Buhatin mo Kairan!" Ani ng matanda na halos himatayin sa pag aalala.

Gusto ko sanang mag protesta nguni't naramdaman ko na ang braso ni Kairan sa akin beywang. Hindi na rin ako nag salita dala ng masakit ang paa ko.

"Salamat..." Ani ko ng ilapag niya ako sa sofa.

"Hija.. hindi bat sabi ko na may community service tayo ngayon araw." Ani to.

"Pasensya po kayo." Paghingi ko ng paumanhin.

"Huwag na po muna natin pilitin. Baka po hindi pa niya kaya." Si Kairan na nakatingin sa akin.

"Oo nga Lola Melda."

"Mukang masakit ang paa ni Miss." Ani ng isang babae na katabi lang ni Kairan.

Napangiti ako sa kanya. At itinuon ang pansin kay Lola Melda na alalang alala.

"Gusto kong malibang si..." Naputol ang sasabihin nito ay napatingin sa akin.

"Ano nga pala hija ang pangalan mo?" Aniya.

"Ako po si Clio Lopez." Ani ko.

"Ako si Emelda. Kagawad ako ng maliit na bayan na ito." Aniya

"Eto si Marry at Kairan anak anakan ko. Pero mga totoong anak ang turing ko dalawa na iyan." Masayang sabi nito.

kaagad akong kinamayan ni Marry na kilagulat ko. Pero sinuklian ko ito ng matamis na ngiti.

Tumango lang sa akin si Kairan. Nguni't ang tingin ay nasa mga pulso ko.