Chapter 15 - CHAPTER 13

Now playing: Umaasa - CALEIN

Kassandra/Zoe's POV

Pagdating ko sa Penthouse, noong matapos na ako sa paglinis ng aking katawan at makapagpalit ng pantulog ay pabagsak na nahiga na ako sa aking higaan.

At katulad ng nakasanayan, muli na naman akong nalunod sa aking malalim na pag-iisip.

Napahinga ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata.

Para sa akin kasi wala nang mas lulungkot pa sa pakiramdam na may gusto kang tao na makita at makasama muli, pero wala kang magawa dahil hindi mo rin naman alam kung nasaan na s'ya o kung katulad mo'y gusto ka pa rin ba niyang makasama.

Wala ka na ring balita sa kanya kung kumusta na ba siya?

'Yung bang bigla na lang talaga siyang naglaho na parang bula.

Ni hindi man lang siya nagsabi o nagpaalam man lamang.

At ang mas masakit pa, hindi mo man lang nasabi sa kanya ang tunay mong nararamdaman.

Araw-araw hinihintay ko pa rin siya. Araw-araw, walang mintis na hindi ko siya namimiss.

Walang araw at sandali na hindi ko hiniling na sana muli kaming pagtagpuin.

Kahit saan ako lumingon, siya pa rin ang nakikita ko. 'Yung mga ngiti at tawa niya. 'Yung malambing niyang boses. 'Yung nagniningning niyang mga mata at buong siya mismo.

I met a lot of people but nobody feels like her. Siya lang 'yung bukod tanging gusto at hinahanap ko. I dated a lot of guys and girls pero iba pa rin si Piggy. And I can't be in a relationship unless it's with her.

Hanggang date lang ako. Pero hindi ko kayang papasukin sila ng tuluyan sa buhay ko.

I always set that boundaries na siya lang ang tanging makakagiba. Oh, gosh! Kahit hindi niya na gibain, ako na mismo ang kusang magbubukas ng gate ng buhay ko para sa kanya bumalik lamang siya. Dahil sa limang taong nagdaan, siya pa rin ang hinahanap ko.

Kapag nakakakita ako ng mga chubby na babae, si piggy ang palaging naaalala ko. At minsan, hindi ko sila maiwasang titigan kasi baka nga si piggy na iyon, pero alam ko namang namamalikmata lang ako.

Kapag nakakakita ako ng mga pig stuffs, bags o kahit na ano, hindi ko maiwasang bilhin kahit 'di ko naman talaga kailangan, kasi si Piggy ang naaalala ko. Those things always reminds me of her. Para bang kahit saan ako magpunta, hinahabol ako ng mga alaala kasama siya.

Ayaw ko na may nakikitang binu-bully. At 'yun ang bagay na ayaw na ayaw ko dahil naranasan ni Piggy ng maraming taon iyon.

Ayaw kong tinatawag ako sa 2nd name ko dahil si Piggy lang ang gusto kong tumatawag sa akin noon.

Nagsisinungaling ako sa mga interview ko tungkol sa mga bagay na gusto at paborito ko, dahil gusto ko iisang tao lang ang nakakaalam ng mga iyon, maliban sa mga kaibigan at pamilya ko.

Sinubukan kong mas maging mabait pa sa lahat ng tao o hindi gumawa ng mga kaaway, dahil si Piggy, napakabuti niya sa lahat ng tao.

Gano'n ko siya ka-miss. At walang araw at sandali na umaasa akong sana... sana kahit sandali lang mayakap ko siyang huli.

Pero bawat araw na iyon ay madalas ding nabibigo ako.

I wish kaya kong masabi sa kanya sa pamamagitan ng hangin na miss na miss ko na siya. O kung pwede ko lang ibulong sa hangin na mahal ko siya, ginawa ko na.

God! I miss her so much!

Halos mabaliw ako nung araw na malaman kong hindi ko na siya makikita pa. Nung araw-araw na binabalikan ko ang eatery at bahay nila pero hindi ko na talaga siya nakita. Nung araw na paulit-ulit akong nakikiusap sa best friend niya na sabihin kung nasaan siya pero mas mabuti na raw na hindi ko alam. Na kahit magmakaawa pa ako, wala akong napapala.

Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Noong araw na nagplano akong sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko, iyon din pala ang magiging pinakamasakit na araw na mangyayari sa buhay ko.

And now, I forever lost her. Hindi ko alam kung ano nang balita sa kanya. Kahit isang balita, tungkol sa kanya wala na akong narinig pa.

She is also the only reason why I entered showbiz. Kasi alam kong gusto niya akong maging artista noon. Isa pa, naisip ko kasi na baka kapag ginawa ko ang bagay na 'yun doon ko siya muling makita.

Or kahit hindi ko na siya makita. Makita lamang niya ako sa TV masaya na ako. Kasi alam kong napapanood niya ako palagi. Kung ano mang buhay niya ngayon o kung nasaan man siya, I just hope she's happy and living the life she deserve.

That's all I need for her.

* Flashback *

Pagising ko pa lang napakalawak na agad ng mga ngiti ko. Hindi ko kasi mapigilang hindi kiligin sa tuwing naaalala ko ang first kiss namin ni Piggy kagabi.

Shit! I didn't know na magkakaroon ako ng lakas ng loob na gawin 'yun sa kanya.

At ang sarap sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagawa ko rin 'yung isang bagay na gusto kong gawin sa taong mahal ko.

At ngayong araw nga, ang plano kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ayaw ko nang patagalin pa ito at ayaw ko nang magsayang pa ng panahon.

Susunggaban ko na agad ang pagkakataon na ibinibigay sa akin.

Maaga akong nag-prepare sa pagpasok dahil plano ko na dumaan muna sa isang flower shop bago dumiretso sa St. Claire.

I just hope na meron nang bukas na flower shop kahit ganito kaaga pa lamang.

At walang humpay ang saya na nararamdaman ko noong sandaling may nahanap ako.

Pagdating ko sa University ay agad na pumwesto ako sa paborito kong spot, sa may labas ng gate kung saan matatanaw ko kaagad kapag paparating na si Piggy.

I don't care if many students look at me and laugh at me while carrying a flower for Piggy. They're just jealous of us because they don't have a love story like us and that's one of the things I'm proud of.

Like, who cares? Right?

Kung tumawa sila, edi tumawa sila. Hindi naman nila alam kung ano ang totoong nararamdaman namin para sa isa't isa.

Ngunit habang papalapit ng papalapit ang oras, pabigat ng pabigat din ang aking dibdib. At hindi ko maintindihan kung bakit.

Hanggang sa pa konti ng pa konti na ang mga estudyanteng pumapasok sa gate. Malapit na ang time para sa first class namin pero hindi pa rin siya dumadating.

Nagsisimula na akong mag-alala kaya napapalunok na idina-dial ko ang number niya. Para malaman kung ayos lang ba siya or what. May pakiramdam kasi akong hindi dapat o may mali.

Bigla akong kinabahan at kinutuban sa hindi malamang dahilan.

Lalo na at cannot be reach ang number nito na animo'y naka-off ang cellphone.

Ihahakbang ko na sana ang dalawang mga paa ko nang makita ko ang paparating na si Mae.

Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko siya.

"Mae!" Ngunit papalapit pa lamang ako nang bigla niya akong iwasan.

"Mae! Sandali!" Pero tila ba hindi ako nito naririnig.

"Mae!" Hanggang sa maabutan ko siya, agad na hinawakan sa kanyang braso para pigilan at iniharap sa akin.

"What happened to your face?!" May sugat kasi ito sa gilid ng kanyang labi at halatang fresh pa.

Mabilis na tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at napailing.

"W-Wala 'to." Tatalikod na sana siya nang muling pigilan ko.

"Mae, alam mo ba kung nasaan si Piggy?" Hindi siya sumagot at nakayuko lamang.

"Please, hindi ko siya makontak. Hindi rin siya nagrereply sa mga texts ko. I don't know what's happening to her. I'm worried about her---"

"Kalimutan mo na 'yung best friend ko, Kassandra." May diin sa tono ng boses niya.

Pagkatapos ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. Mas lalo pang lumakas ang kabog sa dibdib ko at agad na napuno ng katanungan ang aking isipan.

"Hindi mo na siya makikita ulit. At hindi na rin siya babalik pa." Pagpapatuloy nito.

"N-No! That's... that's not true." Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

Dahil kagabi lang magkasama kami ni Piggy. Ni wala man lang siyang nabanggit sa akin na kahit na ano. At wala akong nakitang sign na kahit na ano para mangyari 'to ngayon.

"Believe it or not. 'Wag mo na rin siyang hahanapin pa sakin. Kasi wala ka ring makukuhang sagot pa." Pagkatapos ay tuluyan na niya akong tinalikuran.

"P-Pero...." Napapakagat na lamang ako sa aking labi habang dahan dahan na nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Dahil sa ayaw ko pa ring maniwala. Nagdesisyon ako na lumiban na muna sa aking mga klase. Pinuntahan ko ang eatery nina Piggy, ngunit sarado na ito. Wala na rin ang signage ng kanilang store.

Sinubukan ko ring puntahan ang kanilang bahay, pero naka-lock na ang gate nito. Naghintay pa ako ng ilang oras doon pero walang lumalabas o pumapasok man lamang. Hanggang sa nilapitan ako ng kanilang kapitbahay at sinabing wala nang nakatira ngayon doon.

Para akong batang inagawan ng candy na umiiyak habang naglalakad mula sa bahay nila patungo sa kung saan. I tried to call her number multiple times, pero hindi ko na talaga ito makontak pa.

Wala na si Piggy. Hindi ko man lang nasabi 'yung nararamdaman ko sa kanya.

Kaya wala akong choice kundi i-text siya araw-araw ng 'I love you'.

Mabasa man niya o hindi ayos lang. Pero deep inside umaasa ako na sana, nababasa niya. Kahit man lang doon malaman niya na mahal ko siya higit pa sa kaibigan.

Pagkatapos ng ilang araw, tuluyang iniiwasan na nga ako ni Mae. Hindi na siya nakikipag-usap o lumalapit sa akin. Kaya na-stuck na akong muli kasama ang mga kaibigan ko.

Biglang naglaho ang ngiti na bigay sa akin ni Piggy araw-araw.

Para bang bawat pagising ko sa umaga ay isang parusa. Mas gusto na lang ang matulog palagi.

Ngunit alam ko sa sarili ko na kinailangan kong bumangon at ayusin muli ang aking sarili. Iniisip ko na lamang na may dahilan kung bakit nangyari 'yun. Alam kong may dahilan si Piggy o ang mga magulang niya kaya sila umalis. At kung ano man 'yun, sigurado akong maiintindihan ko.

Hindi ako nagtanim ng sama ng loob o galit. Kasi sobrang mahal ko siya para kamuhian.

Araw-araw pinagdarasal ko na sana, ayos lang siya, na sana palagi siyang nag-iingat at masaya.

* End of flashback *

"I really miss you, Piggy." Bulong ko sa pillow pig ko na yakap ko tuwing gabi sa tuwing matutulog ako.

"I miss you so much." Dagdag ko pa bago isiniksik ang aking mukha rito hanggang sa tuluyang makatulog.

Pero ang hindi ko lang maintindihan, eh kung bakit noong ipinikit ko na ang aking mga mata, mukha ni Chef Elena ang nakikita ko.