Now playing: Eenie Meenie Cover by Ray & Barron
Elena POV
Habang abala ako sa aking pagluluto napansin ko na muling lumabas sa kwarto si Kassandra hawak ang may kakapalang printed paper na script na kanina pa niya binabasa.
Hindi pa rin ba siya tapos sa pagbabasa? Tanong ko sa aking isipan habang napapasulyap sa kanya dahil pumaparoon at parito ito kanina pa.
Baka naman kasi kinakabisado niya ang lahat ng lines na dapat sabihin niya sa mga eksena.
Napansin ko kasi na kung hindi siya nagbabasa, eh parang pina-practice niya ang anumang mga sasabihin niya.
Napapangiti na lamang ako sa aking sarili nang biglang sumagi sa aking isipan ang term na "Para kaming mag-asawa".
Hahahaha! Shamed of you, Elena! Saway ko sa aking sarili.
At bakit ko naman naisipan ang bagay na iyon?
Well, siguro dahil habang ako abala rito sa paghahain ng aming hapunan. Siya naman ay abala rin sa pagkakabisado ng script niya.
'Di ba parang ang supportive kong asawa kung ganoon? Like, yes honey just do your thing at hayaan mo na lang akong pagsilbihan ka. Singit muli ng assumera kong inner self.
Tss! Hindi lamang ako nagiging assumera, nagiging makapal na rin yata ang mukha ko sa pag-aakalang magugustuhan pa rin talaga ako ni Kassandra gaya noon.
Hmp!
"Uhhhhmmm. Are you okay?" Rinig kong tanong sa akin ni Kassandra kaya mabilis ako na muling nagbaling sa kanyang direksyon habang napapatango.
"Yes!" Sagot ko habang nakangiti na parang siraulo.
Eh kasi naman baka kanina pa rin niya nahahalata na panay ang pagsulyap ko sa kanya.
Napatango ito bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa binabasa.
"Okay." Tipid na sagot niya. "Hindi pa ba tapos 'yang niluluto mo?" Tanong nito sa akin pero sa kanyang binabasa pa rin nakatutok ang kanyang mga mata.
Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi. Ba't kasi ang sweet ng boses niya kapag nakikipag-usap sa akin? Hmp!
"6 more minutes." Sagot ko naman sa kanya.
Hindi na ito muling nagsalita pa at naging abala na naman sa kanyang pagpa-practice.
Napapailing na lamang akong muli bago ipinagpatuloy at nag-focus na lang din sa aking ginagawa.
Noong matapos ko na ang aking niluluto ay agad na naghain na ako upang makakain na.
Mukhang kanina pa nagugutom ang alaga ko. Akala mo naman talaga matakaw siyang kumain ngayon, eh halos hindi nga siya makakalahati ng isang meal. Hmp! Reklamo ko sa aking isipan.
Noong matapos na ako sa pag-serve ng aming pagkain ay tinawag ko na ito.
Wala pang kalahating segundo ay agad na dumating na siya habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumalikod.
Bakit gano'n siya kung makangiti sa akin? Parang kumikinang kasi ang mga mata niya habang tinitignan ako. Nagagandahan ba siya sa akin?
"I like you." Bigla akong natigilan sa narinig kong iyon.
A-Ano daw???
She likes.....SHE LIKES ME?!!!
P-Pero bakit?! Hindi naman ako 'yung dating Piggy na nakikita niya, 'di ba?
Awtomatikong bumilis sa pagtibok ang aking puso. Halos hindi na rin ako makahinga pa at mabagal na pumihit muli paharap sa kanya bago sinalubong ang mga tingin niya.
"W-What?" Utal na tanong ko sa kanya habang namimilog ang mga mata. Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok ng mariin.
"But... you seem like the type to love 'em and leave 'em
And disappear right after this song
So give me the night to show you, hold you
Don't leave me out here dancin' alone"
Pagpapatuloy nito sa kanyang sinabi ngunit sa pamamagitan na ng lyrics at pagkapos ay bigla itong napatawa ng malutong sa dulo, na animo'y tuwang-tuwa pa sa naging reaksyon ko.
"Sorry, I uhhh hahahaha! I was just practicing my lines." Dagdag pa niya.
Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapairap sa kanya na halos kulang na lang batuhin ko siya ng sandok na aking hawak. Hmp!
Nagpa-practice lang naman pala. Tapos ikaw asang-asa ka namang tanga ka! Saway ko sa aking sarili.
"Kumain ka na nga! Ang dami mong alam!" Wika ko at padabog na naupo sa aking silya.
Bigla naman itong natahimik ngunit mapapansin sa kanyang itsura na nagpipigil lamang ito sa kanyang pagtawa.
"Kakain ka ba o ililigpit ko na lang ito?" Inis na tanong ko sa kanya.
Dahil sa paraan ng pagtanong ko ay hindi na nga nito napigilan ang mapatawa ng malutong. Iyong tawa na para bang gustong-gusto pa niyang naiinis ako.
"Grabe ka naman. Sino bang boss dito? Ako o ikaw?" Tanong niya bago naupo sa silya na nasa harapan ko.
"Alam mo ikaw, pikunin ka 'no? Hindi ka mabiro eh!" Dagdag pa niya bago napalunok noong makita ang niluto ko.
Alam kong matatakam talaga siya kasi paborito niya ang niluto ko eh.
"Cordon bleu and chicken afritada?" Tanong nito.
Like duh! Obvious naman 'di ba?
"Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya na para bang isang ina na hindi nagustuhan ng kanyang anak ang niluto niya.
"H-Hindi. I-I mean---"
"Ayaw mo ata eh! Ililigpit ko na lang." Sabay tayo kong muli mula sa aking pag-upo.
"Syempre gusto ko!" Mabilis naman na sagot nito para pigilan ako. "THESE... are my favorites." Nagniningning ang mga mata na sagot nito sa akin.
"Alam ko." Bulong ko sa aking sarili habang nangingiti ng palihim. Mabuti naman at nagustuhan pa rin pala niya.
"Anong sinabi mo?"
"Wala." Agad na sagot ko naman. "Ang sabi ko, isa kasi 'yan sa mga sa specialty ko. Atsaka alam kong nagustuhan mo ang Cordon blue na niluto ko nung nasa Palawan tayo."
Sandali naman itong napaisip habang nakakunot ang noo.
"Oh, really? Yeah. I think so." Nakangiting sabi niya habang napapatango-tango. "Thank you." Mas naging malawak pa ngayon ang kanyang pag ngiti habang nagsasandok ng pagkain.
"Ba't parang ang saya mo ata?" Hindi ko mapigilang maitanong sa kanya.
Bukod sa alam kong paborito niya talaga ang mga niluto ko. May ibang spark ang mga mata niya sa mga sandaling ito.
"I'm just happy." Tipid na sabi nito bago sumubo atsaka napapikit pa noong matikman ang niluto kong afritada.
"Hmmmm. The best!" Komento niya habang ngumunguya.
Ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapalunok at ang mapatitig sa kanyang mukha dahil ang saya-saya niya talaga sa mga sandaling ito.
"Grabe! Hindi talaga ako nagkamali sa pag-hire sa'yo as my Personal Chef." Muling pagpuri nito sa akin.
"Oh siya! Tama na 'yan. Kumain na muna tayo dahil baka lumaki na 'yung tenga ko sa sobrang pagpuri mo." Pagbiro ko sa kanya kaya naman natawa siyang muli.
Habang kumakain kami, kung anu-ano na naman ang kinukwento niya sa akin. Hindi ko naman ma-gets iyong iba dahil lahat ay tungkol sa trabaho niya.
Of course, showbiz. Eh ano bang alam ko doon? 'Di ba?
Pero alam mo 'yung feeling na kahit wala akong maintindihan sa ibang mga pinagsasabi niya, para bang ang sarap at ang gaan-gaan sa pakiramdam na nagiging madaldal siya kapag kasama niya ako.
Iyon bang tila ba napakakomportable niya sakin. Kaya kahit na hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi niya, pinakikinggan ko pa rin siya kasi parang musika iyong mga tawa at boses niya sa pandinig ko.
Hayyyy!
Para akong binabalik doon sa panahon na kilala niya ako bilang si Piggy. Ganito na ganito rin kami noon. Madaldal lamang siya kapag kasama ako, tapos ako naman itong palaging nakikinig lang sa kanya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi kiligin habang inaalala ang memories namin noon. Pwede pa rin naman pala talaga naming gawin at balikan 'yung kung paano kami noon. Iyon nga lang para sa kanya, ibang tao na ako. Hindi na ako ang piggy na kilala niya.
"Thank you, Chef ah."
Chef ang potek! Biglang pagmaktol ko sa aking isipan.
"Pwede bang Elena na lang? Ang pormal kasi masyado ng Chef eh." Wika ko.
Napatango naman ito kaagad. "Thank you, Elena." Pag-ulit nito sa kanyang pasasalamat noong maupo ako sa kabilang sofa kung saan siya nakaupo.
Katatapos ko lamang kasi sa paglinis ng kusina at heto nga, sinamahan ko siya sa sala habang abala na naman siya sa pagbasa ng kanyang script.
"Thank you, saan naman?" Tanong ko.
Napaiwas ito ng tingin mula sa akin bago ibinalik ang mga mata sa kanyang binabasa.
"Sa pagluto ng dinner for us at sa pagsabay sa akin sa pagkain." Noong matapos niyang sabihin iyon ay muling ibinalik niya ang kanyang paningin sa aking mukha bago ako binigyan ng isang mabagal na ngiti.
Iyong pamilyar na ngiti niya na nakakatunaw kung tititigan mo ng maigi.
Mabilis na ipinaypay ko ang palad sa ere.
"Sus! Wala 'yun! At isa pa, boss kita 'di ba? Natural ipagluluto kita kasi 'yun lang naman talaga ang trabaho ko kapag kasama kita. Kaya nga, Personal Chef, 'di ba?"
Napatango itong muli bago natawa ng mahina. "Oo nga naman." Wika niya na animo'y biglang nahiya bago napakamot sa kanyang noo.
"But thank you... seriously." Muling wika niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Thank you for listening to me. Alam kong napadaldal ako kanina. Hehehe. Pero ewan ko, gusto ko lang 'yung feeling na parang ang komportable mong kasama. Ang gaan mong kasama, to be honest." Pagpapatuloy niya na halos ikinatigil ng mundo ko.
Para bang naging mabagal sa loob ng ilang segundo ang pagtakbo ng oras habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Habang tinitignan lamang niya ako ng diretso sa mga mata ko. Habang nakikiusap ang mga mata nito na parang bang may sinasabi sila sa akin na hindi ko mawari kung ano.
Napalunok ako bago natawa ng mahina para tanggalin ang awkward na namamagitan sa amin.
"Hindi mo naman kailangan mag-thank you." Sabay hampas ko sa kanyang braso na medyo napalakas yata dahil sa pinipigilan kong magkahalong kilig at hiya.
"Ay sorry! Napalakas yata!" Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanang dalawa.
"Pero maitanong ko lang ulit." Muling natigilan ito sa kanyang pagtawa at seryosong itinuon muli ang kanyang atensyon sa akin.
"Bakit ang saya mo kanina habang kumakain tayo? I-I mean---"
"Dahil sa mga niluto mo?" Putol nito sa akin.
Agad naman na napatango ako bilang sagot.
"K-Kasi...I---I didn't expect na may kasing lasa pala ang mga luto niya." Wika niya.
Mas mabilis naman sa alas kwatro na napakunot ang noo ko.
"I mean, kuhang-kuha ng luto mo 'yung lasa ng afritada na luto niya at pati na rin ang Cordon blue. Kaya ganun na lang ang sayang nadama ko kanina. Naaalala ko siya sa mga luto mo." Sabay ngiti nito ng may pagkaalanganin.
"Wait, NIYA?" Bigay diin na tanong ko. Kahit na alam ko naman talaga kung sino ang tinutukoy niya.
This time siya naman ang napatango.
"Yeah. But never mind. Uhmmm, never mind." Wika nito habang napapailing.
"Ex-boyfriend mo? Or ex-girl..."
Natawa ito habang tinatakpan ang kanyang tenga.
"Can we change the topic, please?" Tanong nito habang ako naman ay natatawa na lang sa naging reaksyon niya. Halatang iniiwasan niya talagang pag-usapan si Piggy.
Which is 'AKO' 'yun noon.
"Ayaw mong pag-usapan 'yung ex's mo?" Muling panunukso ko pa.
"A.Y.O.K.O!" Bigay diin nito. "Parte na 'yun ng past so ayaw ko nang dalhin pa sa present ko ko. Period!"
Ouch! Dahil sa sinabi niyang iyon ay awtomatikong natigilan ako.
Tama nga naman siya eh. Parte na lamang iyon ng nakaraan niya. And I am just a part of her past now.
At isa pa, wala naman akong karapatang magreklamo, hindi ba? Kasi ako naman itong umalis at hindi nagpaalam.