Chapter 20 - CHAPTER 18

Now playing: Just Say Hello - Acoustic version

Kassandra/Zoe's POV

Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Masyadong payapa at masaya ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Kanina pa hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko ngayon na lamang ako ulit nakadama ng ganitong saya sa loob ng mahabang panahon. Like, genuine happiness na matagal ko rin inasam na muling maramdaman.

At hindi ko akalain na mararamdaman ko lamang ulit ito dahil kay... napailing ako sa aking sarili bago tuluyang napabangon muli sa aking higaan.

Hays!

Why do Elena and Piggy have so many similarities?

Pati 'yung lasa ng niluluto nila parehong-pareho.

The way Elena cares and talks to me is the same as Piggy.

Para bang nabuhay si Elena gamit ang pagkatao ni Piggy. Ilang araw na iyang gumugulo sa isipan ko. At hindi pwedeng magulo ang isipan ko ngayon dahil malapit na namang magsimula ang shoot ko, kailangan kong mag-focus at mag-concentrate dahil mahihirapan akong gawin ang trabaho ko.

Napabuntong hininga ako bago tumayo at tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Magpapahangin na lamang muna siguro ako at baka sakaling dalawin ako ng antok.

Agad na nagtungo ako sa may balcony ng apartment at doon naupo at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

Habang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan, hindi ko namalayan na muli na namang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi.

Mukhang tinamaan na naman yata ako ng lintik. Wika ko sa aking sarili nang mapansin na nakangiti na naman ako.

"What the hell is wrong with you, self?" Tanong ko sa aking sarili at parang tangang kinakausap ito habang naiiling.

"Fuck! Stop it. You look crazy." Dagdag ko pa habang nangingiti. Siguro kung may lihim na nanonood sa akin ngayon mapagkakamalan akong nababaliw na.

Naramdaman ko na para bang mayroong mga yabag na papalapit sa direksyon ko kaya napalingon ako sa bandang kanan. At nakita si Elena na naglalakad papalapit sa akin.

Humihikab pa ito habang kinukusot ang magkabilaang mga mata n'ya.

I couldn't help but swallow hard when I looked at her from head to toe. Her beauty is effortless even though she only wears simple pajamas and a t-shirt. And even her hair is messy, she is still beautiful.

I can't stop admiring her beauty. She is truly a Binibinig Filipina. Napapangiti na lamang ako sa aking sarili bago muling binawi ang aking mga mata mula sa kanya bago pa man n'ya ako mahuling pinagmamasdan ko siya.

"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong nito sa akin nang tuluyan siyang makalapit bago naupo sa tabi ko.

Napalunok akong muli noong malanghap ang amoy ng fabric conditioner na gamit nito mula sa suot niyang damit.

Hindi ako kumibo ngunit napatango-tango bilang sagot.

"Ako rin eh! Kanina pa ako inaantok pero hindi ako makatulog." Panimula niya. "Inaantok na 'yung mga mata ko pero gising na gising pa ang diwa ko. Siguro may nakakamiss sa akin." Dagdag pa niya.

Kaya naman dahil doon sa sinabi niya ay hindi ko napigilan ang mapatawa.

"Anong nakakatawa? Hmp!" Sabay nguso nito na parang bata na nagtatampo.

"Nothing. Ang feeling mo rin eh, ano?" Panunukso ko sa kanya. "At sino namang nakakamiss sa'yo, eh as far as I know wala ka namang jowa." Dagdag ko pa.

Agad namang nameywang ito paharap sa akin.

"Hoy! Hindi porke't madaming naghahabol at nagkakadarapa sa'yong mga fans eh may karapatan ka nang maliitin ang beauty ko. Atsaka hindi ba pwedeng namimiss ako ng mga magulang ko?" Sabay cross arms nito.

"Hahahaha!" Hindi ko na mapigilan ang mas lalong matawa sa naging reaksyon niya.

"Sayang-saya teh?" Sabay irap nito sa akin.

"You're so funny. Mas lalo lang yata akong hindi dadalawin ng antok nito." Komento ko bago aksidenteng ginulo ang buhok niya. Pagkatapos ay sabay kaming nakaramdam ng awkward noong bawiin ko ang kamay ko at kapwa kami lumayo ng konti mula sa isa't isa bago muling nagtawanan na naman.

With Elena nakakalimutan ko ang reality ng buhay, para bang nagkakaroon ako ng sariling mundo when I am with her. It felt so weird and good at the same time and I really don't know why.

Napapansin ko rin na mas napapadalas ang pag ngiti at pagtawa ko sa tuwing kasama ko siya. 'Yung genuine na pagtawa at pag ngiti na walang halong kahit ano man. Nagagawa kong tumawa at ngumiti na hindi iniisip kung ano ang magiging kapalit na kalungkutan pagkatapos.

Partida ilang araw pa lamang kaming nagkakasama magmula noong dumating kami galing ng Palawan. Pero bang...ang tagal na naming magkasama? Sobrang komportable na akong kasama siya.

Hindi ba weird iyon para sa dalawang taong bago lamang nagkakilala?

Or maybe there are just moments when you feel comfortable with someone even if you've only recently met them. Right?

Dahil iyon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Elena.

Napakagaan niyang kasama.

Ang sarap niyang kasama.

Ang sarap niyang kausap. Our conversation naturally flows, and no matter what she says, I am not offended. Para ngang kahit na anong lumabas na word sa mga labi niya, ayos lang sa akin.

I shifted my gaze back to her and secretly smiled as I looked at her beautiful face. I feel safe when I'm with her. I feel at peace.

It's like I just want to hug her with my eyes closed and feel the warmth of her body pressed against mine while inhaling the scent of her shampoo in her hair.

Pero...unang-una bakit ko naman gagawin iyon sa isang taong hindi ko naman girlfriend o kaano-ano?

Kaya sa pagkakataong iyon ay muli na namang sumagi sa aking isipan ang imahe ni Piggy dahilan para mabilis na nagbawi akong muli ng aking mga mata mula kay Elena.

I am so confused about what I am feeling right now.

At kung bakit palagi ko silang pinagkukumparang dalawa.

Kung bakit nakikita ko kay Elena ang mga katangian na meron si Piggy.

Perhaps I just really miss Piggy, right? That's why everything I see in Elena now reminds me of her.

Napabuntong hininga ako ng disoras kaya agad na napalingon sa akin si Elena.

"A-Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin in a concern tone.

Hindi ko ako kumibo o sumagot at nanatili lamang na tahimik.

Hindi ko kasi mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa tuwing naaalala ko si Piggy. I really miss her. Iyong miss na nakakaiyak pero wala akong magawa kundi mamiss na lang siya.

Hanggang miss na lang.

"Sorry. Naistorbo ba kita? G-Gusto mo ba bumalik na ako sa loob?" Muling pagtanong sa akin ni Elena.

But again, hindi ako muling kumibo.

Mabilis na tumayo ito at handa na sana sa pag-alis mula sa tabi ko nang mabilis kong hablutin ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis.

"Please, stay." Mahinang pakiusap ko sa kanya.

Dahan-dahan naman na nagbaling itong muli ng kanyang mga mata sa akin. Naguguluhan sa ibig kong sabihin or maybe hindi niya nadinig.

"H-Ha?"

"I want you to stay." Sagot ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Hindi ka nakaistorbo sa akin at hindi ka istorbo." Dagdag ko pa bago tuluyang binitiwan ang kanyang braso.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito ng mariin bago muling naupo sa tabi ko.

"M-May problema ka ba?" Muling tanong nito sa akin.

Napapikit ako ng mariin.

"You can tell me anything, just in case. Makikinig lang ako." Dagdag pa niya.

Napahinga ako ng malalim.

"I won't judge you? And hindi ako magsasalita kung hindi kailangan. Promise!" Pagpapatuloy niya bago itinaas ang kanang kamay tanda ng pangako.

"Can you please stop being concerned about me?" Tanong ko sa kanya.

Halatang nagulat ko ito dahil awtomatikong natigilan siya. Napayuko siya.

"S-Sorry. Baka lang kasi makatulong." Mahinang tugon niya sa akin.

Napakagat ako sa aking labi. "I'm sorry. I-I didn't mean to surprise you. I just keep seeing her in you, and every time you show concern for me or do things for me, I miss her even more." Paliwanag ko sa kanya.

"Her?" Tanong nito habang naguguluhan ang mga matang nakatingin sa akin.

Napatango ako.

Sandali siyang natigilan na tila ba pinag-iisipan ang sunod na sasabihin o itatanong n'ya sa akin. Bumuka sandali ang kanyang labi ngunit walang salita ang kumawala rito.

It's like she's arguing with herself.

"Pwede ko bang...pwede bang malaman kung sino ang tinutukoy mo?" Tuluyang pagtanong nito.

Napangiti ako ng may pagkaalanganin bago napaiwas ng tingin mula sa kanya.

See? Sa sobrang komportable ko kay Elena may nasasabi akong mga bagay na hindi ko na dapat sinasabi pa sa ibang tao.

Binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti bago napailing. "Nevermind. Just...just forget what I've said." Pagkatapos ay walang sabi na tumayo na ako at nagsimula na agad sa paghakbang.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo mula sa kanya nang marinig ko itong nagsalita.

"What if...what if namimiss ka rin niya katulad ng kung paano mo siya namimiss ngayon? O baka nga mas miss ka pa niya." Natigilan ako sandali dahil sa sinabi niyang iyon. Natigilan ako dahil para bang nararamdaman niya ang nararamdaman kong pagkamiss sa taong hindi naman niya kilala kung sino.

Muling humarap ako sa kanya. This time, nakatayo na rin siya at diretsong nakatingin lamang sa mga mata ko.

"What if..." Napalunok siya ng mariin bago nagpatuloy. "What if naiisip ka rin niya, naaalala ka rin niya katulad ng kung paano mo siya palaging maalala at naiisip?" Dagdag pa niya habang parang nangungusap ang mga matang nakatingin pa rin sa akin.

Sinubukan kong ibuka ang mga bibig ko ngunit walang salita ang gustong kumawala mula rito. Ang lakas-lakas ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano bang dapat na maramdaman ko sa mga sandaling ito.

Humakbang siya patungo sa akin at agad din namang huminto noong halos isang dipa na lamang ang lapit niya mula sa akin.

"What if...one day, bigla na lang siyang sumulpot muli sa harap mo? Tatanggapin mo pa rin ba siya?" Napakurap ako ng maraming beses at sasagutin na sana ang katanungan niya nang bigla siyang natawa ng malakas.

"Ang seryoso mo naman!" Sabay pabirong hinampas ako nito sa aking braso. "Sinusubukan ko lang naman na patawanin ka eh. Ini-expect ko pagtatawanan mo'ko sa mga pinagsasabi ko rito, pero ang ending yata eh mukhang dalang-dala ka pa sa mga sinasabi ko." Dagdag pa niya.

Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga at tuluyang tinalikuran na siya.

Pinaglalaruan ba niya ako?

Pinagtitripan?

Pero mas naiinis ako doon sa puntong muntik na niya akong mauto dahil sa akalang naiintindihan nga niya ang nararamdaman ko. Akala ko lang gets niya ako.

"Galit ka ba?" Tanong nito na hindi ko alam ay agad naman pala niya akong sinundan. Pagkatapos ay sinundot ako nito sa aking tagiliran.

"Ayokong sungitan ka, Elena. So, please." Pakiusap ko sa kanya. "Stop it!" Dagdag ko pa bago siya tinignan ng masama at papasok na sana ako sa aking kwarto noong mabilis niya akong hinarang upang hindi makapasok agad.

Muling tinignan ko siya ng may 'what are you doing look?'

Sa halip na sagutin ako ay bigla na lamang niya akong binigyan ng isang matamis na ngiti at pagkatapos ay walang alinlangan na niyakap.

Hindi iyon nagtagal dahil agad din naman siyang kumalas atsaka ginulo ang buhok ko.

"Just in case you need a hug." Wika niya bago ako tuluyang tinalikuran.

"Good night, Zoe!" Pahabol na sabi pa niya.

Napapikit ako ng mariin at mabilis na napaharap sa kanya.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yong Kassandra lang ang itawag mo sa akin at 'wag--- fuck!" Ngunit agad din akong natigilan dahil nakapasok na pala ito sa kanyang kwarto.

Dismayadong napahawak ako sa aking sintido habang napapailing ngunit may sumisilip naman na ngiti sa gilid ng aking labi.

Hindi ko talaga maintindihan. 'Di ba dapat naiinis ako? Pero bakit nakangiti ako? Hays!

Nababaliw na nga yata talaga ako.