Chapter 26 - CHAPTER: 24

Now playing: Ikaw - Ame 

Elena POV

Medyo umaambon na noong makarating kami ni Luna sa lugar kung saan ang shooting nina Kassandra.

Isa itong scene kung saan nasa park siya kasama iyong bidang lalaki na katambal niya.

Nakakainis na minsan. Hindi ko mapigilan ang magselos sa poging katambal niya na iyon. Eh mukhang type na type niya si Kassandra ko even in real life eh! Hmp.

Kailan ba kasi matatapos iyong teleserye na ginagawa nila nang hindi na sila nagkikita palagi. Tss!

Mukhang nag-break na muna ang mga ito habang pinapatila ang may kalakasang pagbagsak ng ambon.

Agad na napansin ko rin iyong mga nagkalat na fans ni Kassandra sa paligid na naghihintay lamang ng tyempo para sa autograph at makapagpa-picture sa kanya.

Iyong iba ay mayroon pang hawak na tarpaulin na mayroong mukha niya, habang iyong iba naman ay may malaking placard kung saan may pangalan niya at kung anu-ano pa.

"Here! You can use this. Mahirap magkasakit." Ani ni Luna bago inabot sa akin ang isang itim na cap na mayroong tatak ng nike.

"Salamat."

Kinuha ko iyon sa kanya, isinuot bago tuluyang lumabas mula sa loob ng kanyang sasakyan.

Kailangan pa kasi naming tumawid sa kalsada dahil nasa kabilang bahagi nito ang park kung saan ang tent ni Kassandra kasama ang iba pang cast na kasama niya sa scene na sino-shoot nila.

"Luna." Pagbanggit ko sa pangalan nito habang naghihintay kami na maging kulay green ang light sa pedestrian lane.

Agad naman na lumingon ito sa akin.

"Alam ba ni Kassandra na pupunta tayo rito?" Tanong ko sa kanya. Parang bigla kasi akong nakaramdam ng hiya lalo na at hindi naman ako kilala tapos lalapitan ko siya.

Mabuti itong si Luna eh kilalang tao at alam ng buong Pilipinas na mag-bestfriend sila.

Bukod kasi sa kilala rin ang kompanya nila Luna eh kilala rin siya bilang isang commercial model.

"Nope. But don't worry, I got you." Cool lamang na sabi nito bago marahan na hinila na ang aking braso nang mag GO na ang light at agad na tumawid kami.

Noong makatawid na kami ay agad na iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Sinusubukang hanapin ang mukha ng babaeng gustong-gusto ko nang makita sa mga sandaling ito.

"Uhh, Elena. Do you want coffee?" Tanong ni Luna sa akin. "Bibili lang ako ah." Atsaka ito mabilis na umalis sa tabi ko at agad na nagtungo sa pinakamalapit na coffee cart kung saan merong mga mukha at standee rin ni Kassandra.

Grabe! Ang dami namang nag-i-sponsor sa kanya. Bukod kasi sa coffee cart na nakikita ko ngayon, meron pang iba't ibang cart sa paligid na merong mukha niya katulad ng energy drink, drinking water na nasa bottle, snacks at iba pa.

Siya na talaga!

Sobrang taas niya at hindi ko ma-reach. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng panliliit sa sarili ko.

Paano naman kasi iyong babaeng lihim na minamahal ko na first love ko eh isang sikat na superstar at mahal na mahal ng buong bansa.

Tapos ako, heto lang, isang chef na hindi pa alam kung anong plano ang gusto sa buhay. Hayyyy.

Nawala ang pag-iisip ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Agad na kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pants ko. Awtomatikong gumuhit ang malawak at matamis na ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ni Kassandra sa screen atsaka ito agad na sinagot.

Halos tumalon sa tuwa 'yung puso ko nang marinig ko na ang boses niya.

"Where are you?" Agad na tanong niya sa akin.

Napaisip pa ako sandali kung sasabihin ko ba sa kanya kung nasaan ako or what, nang magpatuloy siya sa kanyang pagsasalita.

"Dahil hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ikaw talaga itong magandang babae na nakikita ko ngayon." Banat niya bago narinig ko itong natawa ng mahina.

Ako naman itong literal na kinikilig sa kanya ay mas lalong lumawak pa ang pag ngiti na animo'y mapupunit na ang labi.

Ay talandi. Tuyo ng aking isipan.

Mabilis na iginala kong muli ang aking paningin sa paligid. And there, I saw Kassandra standing outside her van looking straight in my direction.

Kumaway ito sa akin at agad na inihakbang ang kanyang mga paa.

"Stay there. I'm coming for you." Utos niya.

"H-Ha? Eh kung ako na lang kaya ang pumunta riyan sa'yo dahil baka pag piyestahan ka ng mga fans mo."

"Basta. 'Wag ka nang makulit." Saad niya at ibinaba na ang tawag.

Ako talaga ang makulit ah. Napapangiti na lang ako sa aking sarili. Siguro mas mabuti kung sasalubungin ko na lang siya.

Tama!

Palapit na kami sa isa't isa nang bigla na lamang siyang harangin ng kanyang mga fans at agad na napagitnaan siya.

Sinasabi ko na nga ba eh! Tsk.

Sandaling napatingin pa siya sa akin ngunit agad ding ibinalik nito ang kanyang atensyon sa mga fans niyang kinukuhaan siya ng litrato at nagpapa-picture sa kanya.

Habang ako naman ay kusang natigilan at napako ang mga paa sa aking kinatatayuan habang pinanonood sila.

Gustuhin ko man siyang lapitan, hilain ang kamay niya para itakas siya katulad ng mga napapanood ko sa mga Kdrama, pero hindi pwede.

Hindi ko pwedeng gawin iyon dahil tiyak na mag-iiwan lamang ng maraming katanungan at haka-haka sa mga tao lalo na sa mga fans niya.

So, instead na humakbang ako patungo kay Kassandra ay inihakbang ko na lang ang mga paa ko paatras, tumalikod at hindi na siya muling nilingon pa.

Ba't ko ba kasi naisipang sumama rito kay Luna eh hindi naman ako basta-bastang makakalapit kay Kassandra.

Agad na naghanap ako ng pwedeng masilungan dahil medyo mas lumakas pa ngayon ang ambon kaysa kanina.

Mabuti na lang at meron akong nahanap agad na shed at saktong may pwedeng maupuan pa.

Habang nakatulala ako sa may kawalan ay biglang may humarang sa view na tinitignan ko.

Si Luna.

Mayroon itong hawak na hot coffee sa magkabilaang kamay niya. Agad na ibinigay niya iyong isa sa akin atsaka ito tumabi sa akin sa pag-upo.

"Thank you." Pagpapasalamat ko kay Luna.

"It's a decaf coffee." Wika niya.

Tinignan ko lamang siya sa kanyang mukha. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi bago ito nahihiyang napakamot sa kanyang batok.

Medyo namula rin ang pisngi niya kaya hindi ko napigilan ang matawa ng mahina.

Is she blushing? First time ko yatang nakita na namula siya sa harap ko.

"I-I forgot to ask you kung anong coffee ba 'yung gusto mo---"

"Ayos lang, ano ka ba!" Natatawa pa rin na sagot ko sa kanya. "Thank you." Muling pasasalamat ko at tuluyang uminom sa kapeng ibinigay niya.

Ang sarap lang sa feeling humigop ng kape kasi perfect sa weather.

"Hot or Ice coffee." Biglang saad ko.

"H-Ha?"

"Okay lang sa akin kahit alin doon. As long as nalalasahan kong may kape. Hindi ako mahilig sa sugar and syrup pero gustong-gusto ko kapag mas maraming milk." Paliwanag ko sa kanya bago muling ibinalik ang aking mga mata sa kanyang mukha.

Hindi ko alam na nakatitig lamang pala siya sa akin the whole time kaya agad na nagbawi ako ng aking paningin at yumuko.

Ayan na naman kasi 'yung mga tingin niyang nakaka-intimidate.

Kung si Kassandra nakakatulala 'yung mga ngiti niya, si Luna naman nakaka-intimidate kung tumingin. Hayst!

Pero ba't ko nga ba sila palaging pinagkukumpara lately? Eh di hamak naman na panalo na si Kassandra mula pa man noon.

"J-Just in case na ilibre mo ako ulit ng kape." Agad na dagdag ko pa bago muling humigop sa kape ko.

Wala lang. Na-realize ko lang na hindi naman masamang mag-share kay Luna ng ilan sa mga bagay na gusto ko. Katulad na lang ng timplang gusto ko sa kape.

Napatango ito at natawa ng may pagkaalanganin. Parang gago lang.

"O-Okay. Isasapuso ko." Sabay kindat nito sa akin.

Habang ako naman ay napairap na lamang sa kanya habang umiiling.

Pagkaraan ng ilang sandali ay muling napasulyap ako kung saan naka-park ang van na sinasakyan ni Kassandra, na visible mula rito sa kinauupuan namin ni Luna.

Wala na iyong mga fans niya kanina. May bagong kausap na siya ngayon na sa tingin ko ay iyong Assistant director nila, kasama nito ang isang actress na babae na sikat ding katulad ni Kassandra.

Muling nagbawi ako ng aking paningin nang muling mag-vibrate ang phone mo.

Agad na chineck ko ang sender ng message. My heart almost jumped when I saw Kassandra's name on my screen.

"Sorry. Talk to you later, El." Ang sabi sa text message.

El??

She called me, El.

At walang kahit na sino pa ang tumawag sa akin niyan dahil kahit mismong pamilya ko, Elena ang tawag sa akin.

Pakiramdam ko kusang umakyat lahat ng dugo sa katawan ko patungo sa mukha ko dahil sa nickname na ibinigay niya.

Dati piggy. Ngayon naman, El.

Juskooo! Pigilan niyo ako mga mare at baka bigla akong magwala rito sa kilig.

Dahil alam kong busy siya at mukhang magsisimula na muli ang trabaho niya dahil tumila na ang ambon ay pinili ko na lang na huwag na siyang i-reply pa.

Abala rin kasi ako eh. Abalang kiligin kahit na araw-araw pinapa-realize na langit at lupa ang pagitan namin.

Saklap!

---

Kassandra/Zoe's POV

Sa sobrang pagod ko ngayong araw, pagpasok ko pa lamang sa sasakyan ay nakatulog na ako kaagad. Ginising na lang ako ni Roxanne noong nasa parking lot na kami ng Penthouse.

Panay ang paghikab ko hanggang sa loob ng elevator. Hindi ko na rin namalayan ang pagtakbo ng oras. Pati na rin 'yung--- natigilan ako sandali.

Right! I forgot to update her.

Agad na kinapa ko sa loob ng hand bag ko yung cellphone ko. Ang kaso kung minamalas ka nga naman, deadbat na ito.

Kaya pagpasok na pagpasok pa lamang namin sa unit ay nagmamadaling isinaknak ko ang charger ng cellphone ko sa outlet para mag-charge.

Habang naghihintay na magkaroon ito kahit 10% ay sandaling nahiga na muna ako sa sofa. Hindi na rin kasi ako nakaramdam pa ng gutom dahil panay ang kain ko ngayong araw.

Paano ba naman ako hindi mabubusog eh naka ilang take kami kanina habang kumakain. Kulang na nga lang eh pumutok na iyong flat tummy ko sa sobrang kabusugan.

At noong tinignan ko muli ang battery ng phone ko ay kusang napangiti ako nang makitang may 8% na ito.

Pwede naman na siguro ito 'di ba? Gusto ko lang naman i-check kung nag-reply ba si Elena sa text message ko kanina. Pero agad na napabusangot ako noong makitang wala siyang kahit isang text man lamang.

Hindi man lamang siya nag-abalang mag-reply kahit emoji. Hays!

Nanghihina, napapanguso ako at muling nahiga sa sofa. Habang si Roxanne ay abala na naman sa kanyang laptop. Nagchi-check siguro ng mga emails niya.

Umiling ako at muling ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Naalala ko kung gaano kalawak ang ngiti ni Elena kanina habang naglalakad ako patungo sa kanya. Pero iyon nga lang sayang dahil naharang ako ng mga fans ko.

Napalunok rin ako noong maramdaman ko ang pamilyar na namumuong inggit dito sa dibdib ko para kay Luna.

I mean, alam ko kasi na ang mga katulad ni Elena ang tipo ni Luna. Plus, minsan na kaming nagkagusto noon sa iisang babae, kay Piggy.

Yes, alam kong mayroong siyang pagtingin noon kay Piggy. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagagawa niyang i-bully noon si Piggy na dapat siya ang nagtatanggol mula kay Annia. Tss!

At ngayon, heto na naman, sa iisang babae na naman yata kami magkakagusto. Pero hindi katulad noon, ako ang nagtatanggol kay Piggy at nandiyan palagi para sa kanya.

Dahil hindi ko na iyon magagawa ngayon, dahil sa career na meron ako. See what happened earlier? Wala akong magawa kahit na gustong-gusto kong makasama at lapitan si Elena.

Hindi katulad ni Luna, meron siyang freedom to do whatever she wants. Hawak niya ang oras niya at schedules niya. Hindi kagaya ko na kulang ang isang araw para maisingit ko ang personal na buhay ko.

Kaya kanina halos hindi ako makapag-concentrate sa taping dahil ang imahe ni Elena at Luna ang nakikita ko habang masaya silang nag-uusap at nagkukwnetuhan.

May pa coffee pa silang dalawa.

Tss! Ayaw kong isipin na coffee date iyon dahil sumasama lang ang loob ko.

Ewan ko rin ba kung bakit bigla na lang akong nawala sa mood kanina noong makita na ngumingiti at tumatawa si Elena habang kasama si Luna. Maybe I just don't want the feeling of someone else making her smile and happy besides me.

Argh! Napapapadyak na lamang ako ng paa ko sa ere habang nakahiga.

Hanggang sa may biglang nag-doorbell. Tatayo na sana ako para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang nagdodoorbell na iyon nang maunahan ako ni Roxanne.

Pagbukas pa lamang ay narinig ko na agad ang boses ni Luna. Kaya muli akong nahiga at nagkunwaring tulog. Alam ko kasi na kasama nito si Elena dahil sino pa ba ang maghahatid sa kanya rito kundi si Luna. Right?

Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa sala kung saan ako nakahiga. Tinanong pa ni Elena si Roxanne kung kumain na daw ba ako na agad namang sinagot ng isa.

"I think she's still full. Naka-ilang take sila kanina habang kumakain eh. Iyon kasi yung huling scene na kinuha sa kanila." Rinig kong pliwanag ni Roxanne.

Tss!

Sana sinabi niyang hindi pa para gisingin ako ni Elena at ipagluto. Tiyak kasi na magagalit na naman iyon kapag nalamang hindi pa ako kumakain.

Pagkatapos noon ay naiba na ang topic nila dahil may biglang isiningit na ibang topic si Luna. Kaya naman naging pagkakataon ko iyon para pasimpleng imulat ang kabila kong mata.

Sisilipin ko lang sana kung ano nang ginagawa ni Elena.

Ang kaso shit! Nakatitig pala sa akin si Elena. At kitang-kita niya kung papaano ko dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata hanggang sa magtama ang aming paningin.

Kaya naman mabilis itong napaiwas ng tingin mula sa akin habang nagpipigil ng kanyang pagtawa. Nagbaling din ito ng kanyang mukha sa ibang direksyon dahil tawang-tawa na siya sa akin.

Panay naman ang pagmura ko sa aking isipan at napapikit ng mariin dahil sa kahihiyang nahuli ako ni Elena.

Maya-maya lamang nakatanggap ako ng text massage na pasimpleng isinend niya.

"Are you sure you are sleeping? Because as far as I know, no one sleeps with the other eye open." With matching laugh emoji pa na tatlo.

Arrghhhhh! This is so embarrassing.

Kaya naman wala akong choice kundi ang tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga at kunwaring nakasimangot na naglakad hanggang sa makapasok sa aking kwarto.

Hindi ako kumibo at kunwaring hindi pinansin silang lahat. Kahit na merong pagtataka sa mukha ni Roxanne at Luna.

Pagdating sa loob ng aking kwarto ay padabog na nahiga ako sa aking higaan at agad na nagsisigaw sa unan habang pinapalo-palo iyon.

Nakakahiyaaaa! Shit!