Chapter 32 - CHAPTER 30

Now Playing: Paraluman - Adie

Elena's POV

Kahit puyat na puyat mula sa pagsalubong ng birthday ni Kassandra ay maaga pa rin akong bumangon at bumiyahe pauwi ng apartment ko.

Lahat kami ay hindi na nakauwi kagabi at sa condo na lamang ni Cybele kami natulog lahat. Kaya habang tulog pa sila ay inunahan ko na silang gumising at maagang umalis.

Balak ko kasi na ipag-bake si Kassandra ng cake para ngayong kaarawan niya. Hindi na kasi ako nagkaroon pa ng pagkakataon para makahanap ng pang regalo sa kanya. Hays!

Pero hindi na bale, pwede pa naman sigurong maihabol iyon sa susunod na mga araw, hindi ba?

Ang mahalaga eh meron akong maibibigay na something sweet sa kanya ngayong araw na ito.

Para sa akin special ang cake na gagawin ko dahil ibibigay ko ito para sa taong special sa buhay ko, kay Kassandra. Alam ko sa sarili kong hindi ito ang pinakamahal na bagay o pagkain na matatanggap niya ngayong kaarawan niya, pero knowing Kassandra, alam ko rin na maa-appreciate niya ito.

Kagabi pa lamang ay inalam ko na kaagad mula kay Roxxane ang schedules ni Kassandra para ngayong araw. Kaya isinakto ko na pagkatapos ng ilang mall show niya at pag-guest sa ilang TV network ay uuwi siya sa gabi para doon na magpahinga kasama ang kanyang mga kaibigan at kapamilya.

Hindi rin ako ang Chef na magluluto ngayong araw dahil mas gusto niyang maging bisita ako at hindi taong kusina. Kaya wala na akong nagawa. Mas maigi na rin iyon dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na gumawa ng cake para sa kanya.

Habang nasa elevator ako patungo sa floor ng unit ni Kassandra ay nakatanggap ako ng text mula kay Mae na malapit na rin sila ni Cybele. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil excited ako na muling makita at makasama ang kaibigan ko.

Ngunit paglabas na paglabas ko pa lamang sa elevator, habang naglalakad papalapit sa mismong unit ni Kassandra ay awtomatikong napanganga ako sa bumungad sa akin. Ang dami kasing nakatambak na regalo mula pa lamang sa may labas ng pintuan ng unit n'ya.

At natitiyak ko na ang mga iyon ay nanggaling sa mga fans niya.

Mahigpit na napahawak tuloy ako sa cake na dala-dala ko para sa kanya. Ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang ang namumuong insecurity at hiya sa katawan ko at nagpatuloy sa pagpasok sa kanyang unit.

Pagpasok ko sa loob ay nagsisimula na ang munting celebration para kay Kassandra. Nasa loob na ng unit niya ngayon ang iilang importanteng tao na kasama niya sa industriya. Andito rin ang family niya, ang mga co-star nito sa patapos pa lamang na teleserye nila, 'yung Director at ilan pang mahahalagang tao. And syempre, hindi mawawala ang mga matatalik niyang kaibigan.

Walang kahit sino ang nakapansin sa pagpasok ko dahil lahat ay abala sa pagbibigay ng minsahe sa kanya habang iyong iba ay nakikinig.

Nakahain na rin ang mga masasarap na putahe na handa na para pagsaluhan ng mga bisita. Muling naagaw ang atensyon ko ng napakaraming regalo na natanggap ni Kassandra, mahahalata mong ang mamahal ng mga ito, pati na rin 'yung cakes na naka-arrange sa kabilang lamesa.

Grabe! Ang dami na niyang natanggap na cake.

Kaya naman hindi ko mapigilan ang mapayuko sa hawak ko.

Oo nga naman? Bakit ba kasi hindi sumagi sa isipan ko na possibleng maraming magbibigay ng cake kay Kassandra ngayong kaarawan niya? At sa dami ng mga iyon, imposible naman na matitikman at makakain pa niya lahat. Tapos dumagdag pa ako?

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pangliliit sa sarili ko. Wala man lang akong dala na kahit na ano kundi itong cake na gawa ko. O kung bibili man ako ng regalo para sa kanya, sigurado akong mumurahin lamang ang mabibili ko kumpara sa iba pang magbibigay sa kanya.

Napahinga ako ng malalim. At hindi na nagdalang isip na pumuhit pabalik sa pintuan ng unit niya. Bahala na!

Naluluha na tuluyang lumabas muli ako dahil hindi ko na kaya pang labanan ang insecurity na nararamdaman ko. Bukas na lamang ako magpapakita sa kanya kapag na-deal ko na itong sarili ko.

Alam kong kaarawan niya ngayon, but I don't think my presence there would be appreciated. Lalo't may mas mahahalagang tao ang nandoon sa loob ng apat na sulok ng kwarto na iyon.

"Elena? Where are you going?" Rinig kong tanong ni Cybele noong makasalubong ko sila ni Mae paglabas ko ng elevator.

Mabilis na tumalikod ako mula sa kanilang dalawa at pasimpleng pinunasan ang luha mula sa pisngi ko.

"O-Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ni Mae.

"O-Oo naman, ayos lang ako. Pasensya na kayo ah, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kaya mauna na akong umuwi." Pagdadahilan ko sa kanila.

"Huh? Gusto mo ba ihatid na kita---"

"Hindi kaya ko na 'to." Putol ko kay Mae. "Paki sabi na lang kay Kassandra, babawi ako. Atsaka..." Lumapit ako sa kaibigan ko at iniabot sa kamay niya ang cake na hawak ko. Nung ayaw niyang tanggapin iyon eh ako na mismo ang kumuha sa kamay niya.

"Paki bigay na lang din ito kay Kassandra." Wika ko.

"Bakit hindi na lang ikaw mismo ang magbigay at mag-abot sa kanya---" Hindi na nito naituloy pa ang gusto niyang sabihin nang mabilis ko na silang tinalukuran at hindi na rin lumingon pa.

"Elena!" Narinig ko pang tinawag ako muli ni Mae pero nagkuwari na lamang ako na 'di ko siya narinig.

Paglabas ng gusali ay kaagad na nagpara ako ng taxi pauwi ng apartment ko at doon balak magkulong sa magdamag.

Mabuti na lamang din at naging mabilis lang ang biyahe ko. Walang traffic at hindi rin nagkaroon ng anumang aberya sa daanan. Nakarating at nakauwi ako kaagad sa apartment ko.

Mabilis na nagtungo ako sa unit ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha.

I really hate this feeling. Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama ngayong kaarawan niya, pero sino ba naman ako para ipagdamot siya sa iba. Isa pa, hindi naman ako ganon kahalaga para magpaka importante, 'di ba?

Hindi ko alam kung bakit nanliliit ako ng sobra ngayon sa sarili ko. O masyado lang ba talaga akong na-i-insecure dahil sinampal ako ngayon ng katotohanan kung gaano kalawak ang mundo na ginagalawan ni Kassandra at kung gaano kadaming tao ang nagmamahal sa kanya para mapansin niya ako, kahit pa sabihin na nating siya na mismo ang nasabing gusto niya rin ako.

Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng apartment ko ay agad na bumungad na sa akin ang nakabukas nang ilaw ng unit ko.

Nagtataka at nagmamadali akong dumiretso sa kusina noong marinig ko na may kaluskos at ingay akong naririnig mula doon na animo'y may kumakain pa.

Awtomatiko akong natigilan noong makita ko si Kassandra na prenting nakaupo sa may center island habang nilalantakan ang cake na gawa ko. Na kani-kanina lamang ay ipinapaabot ko kay Mae para sa kanya.

Parang hindi na siya nagulat noong makita niya akong nakatayo habang gulat na gulat ang itsurang nakatingin sa kanya. Cool lamang na humarap siya sa direksyon ko at binigyan ako ng ngiti.

"Hmmm. This is soooo good. You should try this." Parang wala lamang sa kanya na wika niya habang ako naman ay isa-isa na namang naglalaglagan ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

"This is the best cake ever na nakain at natanggap ko sa tanang buhay ko." Dagdag pa niya bago tuluyang binitiwan ang hawak niya at maingat na inilapag iyon sa center island.

"P-Paanong..." Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin dahil kusa na lamang nawala 'yung sama ng loob at insecurity na nararamdaman ko habang pauwi kanina.

Mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi. "P-Paanong n-nandito ka eh kanina lang---"

Mabilis na nilapitan niya ako at niyakap.

"Shhh! I don't wanna see you cry." Mahinahon ang boses na wika niya. 'Yung boses na nakakakalma ng damdamin at nakakatanggal ng sama ng loob.

"I drove as faster as I can makarating lamang agad dito noong sinabi ni Mae at Cybele na umalis ka." Paliwanag niya bago kumalas sa pagyakap sa akin. Marahan na hinawakan niya ako sa magkabilaan kong pisngi.

"T-Tumakas ka na naman." 

"And don't mind doing that kung hindi naman kita makakasama sa mismong araw ng birthday ko." Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. "All I want is to be with you on my special day, El." Dagdag pa niya.

"P-Pero iniwan mo ang parents mo dun, ang mga kaibigan mo, ang mga co-star at---"

"Who cares? I'm the celebrant so that means I have a choice kung sino ang gusto kong makasama ngayon. And that is, you." Muling paliwanag niya.

"Dati naman nakakapag-celebrate ka naman nang wala ako." Mahinang pabulong ko pero narinig pa rin pala niya.

"Noon 'yun at dati 'yun. Nung wala ka pa sa buhay ko." Sagot nito sa akin habang nakatingin pa rin sa aking mga mata. "But now is different. You're here now, so I'm going to be with you tonight no matter what." Dagdag pa niya.

Magsasalita pa sana ako nang magpatuloy siya.

"Thank you, El. I really appreciate na pinag-bake mo pa talaga ako ng cake kahit hindi naman kailangan. And I just want you to know na sa lahat ng gifts itong gawa mo ang paborito ko." Sabay marahan na binigyan ako nito ng halik sa aking noon.

Sino ba naman ang hindi lalambot at titiklop sa isang katulad ni Kassandra?

Sino ba naman ang sasama pa ang loob matapos pakitaan ng ganitong side niya?

Sino ba naman ako para mag-inarte pa at makaramdam ng insecurities kung siya na itong inalisan ko sa mismong kaarawan niya, ang nag-effort pa para puntahan ako at makasama lang?

"Thank you again, El." Rinig ko na muling pasasalamat niya habang nakatingin sa mga mata ko. Pagkatapos ay dahan-dahan na bumaba ang mga tingin niya sa nakaawang kong labi.

Hindi ko alam o pakiramdam ko lamang ba iyon? Pero parang ang sexy kasi ng pagkakasabi niya. Lalo na at nakikita ko sa mga mata niya na biglang parang nag-iba ang awra niya.

It's like she wants something from me na nagti-trigger din sa akin. Bigla tuloy ako nakaramdam ng init.

Ang init! Gosh.

Hanggang sa muling nagtama ang aming mga mata. And there, I don't know. Tila nawala ako sa aking sarili dahil basta ko na lamang siyang hinawakan sa kanyang pisngi at bigla na lamang pinagdikit ang aming mga labi.

The moment na naglapat na ang aming mga labi ay tila ba bigla rin akong nahimasmasan at nakaramdam ng hiya sa ginawa ko. Kaya ipaghihiwalay ko na sanang muli ang aming mga labi nang gumanti si Kassandra sa paghalik ko at hinawakan ako sa aking magkabilaang beywang upang hindi na makawala pa.

The kiss was slow at first then started to deepen until we were sucking each other tongue and tasting each other mouth.

Noong una ay hindi ko rin alam kung paano ko siya nagagawang sabayan. I just go with the flow at agad na itinatak ko sa aking isipan na, 'bahala na bukas'.

I mean it's Kassandra, right? The love of my life.

The next thing I know ay nasa loob na kami ng kanyang kwarto. Yes, sa loob ng kwarto niya dito sa apartment ko. Habang nasa ibabaw ko siya at ipinagpapatuloy namin ang aming sinimulan sa may kusina. Wala na rin akong saplot na naiwan kundi ang bra at panty ko na lamang ganoon din si Kassandra.

Nakapa-sexy niya kaya hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng lalong pang iinit sa katawan. She's so hot!

Too hot to handle.

Nakayakap na rin ang aking magkabilaang braso sa kanyang leeg habang patuloy pa rin kami sa pagbibigayan ng halik sa isa't isa. I flinched when Kassandra started caressing my waist up underneath my boobs. Hindi ko tuloy napigilan ang mapa-moan ng mahina dahil sa sensasyon na nararamdaman sa pamamagitan naming dalawa.

Hanggang sa natigilan si Kassandra sa kanyang ginagawa.

"El, are you sure you want to do this?" Tanong nito sa akin bago ako tinignan sa aking mga mata. Asking for my permission.

Gosh! Hindi ko mapigilan ang hindi mapakagat labi dahil sa tanong niya pa lang at sa tingin niya pa lang na nanghihingi ng permission ko ay nanghihina na ako.

Tumango ako ng dahan-dahan habang nakatitig din sa mga mata niya.

"I want you... only you, Kassandra." Mahina at nanghihikayat kong sabi rito. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at ipinatong ko iyon mismong ibabaw ng pagkababae ko.

"I want you to own me tonight." Dagdag ko pa bago napalunok.

Wala naman akong gustong pag-alayan ng pagkababae ko kundi siya lang.

Lalong nakita ko sa mga mata ni Kassandra ang kagustuhan din noong sabihin ko iyon. She leaned in again and kiss me. Mas nakakapanghina lalo ang halik na ibinibigay niya sa akin ngayon, mabagal, mapusok ngunit mararamdaman mo ang pag-iingat sa bawat galaw ng kanyang labi na merong konting panggigigil.

Nagtagal iyon ng minuto, her lips made way into my jaw and neck. She gave me her wet kisses until she reached my two mountains and expertly unhooked my bra.

"Fuck, El." Nanggigigil na wika niya noong tumambad sa kanya ang hinaharap ko. Sandaling pinagmasdan muna niya ang mga ito nang merong paghanga sa kanyang mga mata.

Napalunok ako the way she looked at them.

"They're all yours, Kas." Sabi ko.

She grinned and continued what we were doing again.