Now playing: Ligaw tingin - Ziljian Parma
Elena's POV
Bago ako sumunod kay Kassandra sa kanyang kuwarto ay tinapos ko na muna ang paglilinis ng kusina. Wala naman kasing ibang gagawa nito kung hindi ako.
Dahil hindi naman pupwedeng si Kassandra pa ang maglilinis dahil unang-una, ako naman ang gumamit dito.
Patungo na ako sa kanyang kwarto nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis na kinuha ko iyon mula sa bulsa ng aking suot na jeans at agad na sinagot ang tawag noong makita ang pangalan ni Roxanne sa screen nito.
"H-Hello?" Sabay lunok na sagot ko sa tawag.
"Pasensya na. Itatanong ko lang sana kung gising na ba 'yung alaga ko?" Tanong nito.
"Oo eh. Nakapag-agahan na rin siya." Sagot ko naman.
"Good. Good. Medyo traffic kasi eh. Atsaka ang dami kong meeting today. Pwede bang maiwan ka na muna riyan sa kanya? I mean, samahan mo lang siya. Rest day niya kasi ngayon kaya---"
"Oo naman." I cut her off kasi sa totoo lang medyo kinakabahan talaga ako. "Wala naman akong ibang pupuntahan." Dagdag ko pa. "Hindi naman ako taga rito at hindi ko alam ang pasikot-sikot sa Manila." Pagsisinungaling ko ngunit mahahalata sa boses ko na nenenerbyos ako.
"Are you okay?" Agad na tanong naman ni Roxanne mula sa kabilang linya.
"Yes." Mabilis na sagot ko. "O-Okay lang ako." Dagdag ko pa.
"Alright then. I'll see you later." Paalam nito at ibababa ko na sana ang tawag nang muli itong magsalita.
"Oo nga pala. Bago ko makalimutan, Chef?"
"Y-Yes?"
"Pasensya ka na. Pero kung may napapansin kang isang kwarto riyan sa katabing kwarto ni Kassandra. Please, don't go in there. Okay?" Pagbibigay babala nito sa akin.
Awtomatiko namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito at mabilis na napalingon sa pintuan na tinutukoy niyang kwarto.
May nakalagay na sign rito na, 'DO NOT ENTER'.
"Mahigpit kasing ipinagbabawal ni Kassandra na may pumasok riyan. Eh kahit nga ako, bawal rin d'yan eh. Si Kassandra lang din ang bukod tanging nakakabukas at napapasok riyan." Dagdag na paliwanag pa niya.
Agad naman na napatango ako kahit na hindi naman nito nakikita.
"S-Sige. Mabuti at sinabi mo agad. Thank you ha!" Buong pusong pagpapasalamat ko naman sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay kapwa ibinaba na nga namin ang tawag.
Ngunit hindi na yata mawawala pa sa aking isipan ang pagtataka kung ano bang meron sa kwartong iyon at bakit walang ibang pwedeng makapasok?
Napapailing na lamang ako sa aking isipan. Kung ano man iyon, tiyak kong wala na ako roon. At kaysa isipin pa ito ng isipin ay pilit na iwinaksi ko na lamang ito sa aking isipan bago tuluyang nagtungo sa harapan ng kwarto ni Kassandra.
Of course, kumatok na muna ako. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.
Hindi ko napigilan ang mapalunok noong bumungad sa akin ang kanyang malawak na ngiti.
Awtomatikong napapikit rin ako nang maamoy ang shampoo at mabango nitong sabon dahil kagagaling lamang niya sa pagligo. Tumutulo pa kasi 'yung tubig sa kanyang leeg at makasuot lamang ito ng bath robe.
"Come on, get in. I won't bite." Nakangising wika nito habang tinitignan ako ng nakakaloko.
Lihim na sinasaway ko rin ang sarili dahil sandaling napatulala ako sa kanya.
"Ah o-okay. S-Sorry." Hindi ko mapigilan ang mautal talaga kapag nasa harapan niya.
Noong tuluyang makapasok na ako sa kanyang kwarto ay agad na iginala ko ang aking paningin sa buong silid.
Napaka-plain lamang ng kulay ng kanyang kwarto. Ang cozy tignan at napakasarap sa mata. Naka-arrange ng maayos ang mga gamit nito, pati na rin ang mga libro na nakalagay sa bookshelves.
Wala akong makitang kahit na anong nakakalat sa sahig o paligid. Meron ding indoor plants ang nakalagay sa loob hanggang sa may terrace ng kanyang kwarto.
"Do like it?" Tanong nito. Agad na napalingon ako sa kanya.
"My room. Do you like it?"
"Yes! Ang linis niyang tignan at ang sarap sa mata." Mabilis na sagot ko sa kanya.
Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi na umaabot hanggang sa magagandang mga mata niya.
"Thank you." Nakangiting pasasalamat niya. Habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagsipat sa kanyang silid.
Agad na napakunot ang noo ko nang mapansin ang ang isang stuffed toy na nakalagay sa ibabaw ng kanyang higaan. Hindi lamang kasi iyon normal na stuffed toy. Kundi isa itong baboy at kulay pink ang kulay.
Iyon lamang ang nabubukod tanging bagay na naiiba sa kulay na meron sa loob ng kanyang kwarto. Kaya hindi pupwedeng hindi ko mapansin.
Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang matawa. Dahilan para pabirong tignan niya ako ng masama.
"What are you? A 7 year old kid?" Natatawa na tanong ko sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa aking tinitignan.
"Tss! Huwag mo nang pansinin 'yan." Sagot nito.
Lalapitan ko na sana ang stuffed toy para hawakan nang mabilis niya akong harangin at agad na nahawakan sa aking beywang.
Hindi inaasahan na nagdikit ang aming katawan. Dahil doon ay muli na naman akong napalunok ng mariin dahil sa ang bango-bango niya talaga lalo na ngayong ganito sa malapitan.
Mula sa mga magaganda niyang mga mata ay bumaba ang paningin ko sa kanyang perfect shape na ilong, patungo sa kanyang nakaawang na labi.
At kagaya ko, hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang mariin na paglunok habang nakatitig rin ito sa labi ko. Nararamdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.
"Please, do not touch it." Halos pabulong nang pakiusap nito sa akin.
"Why?" Nagtatanong ang mga mata na sinalubong ko ang mga tingin niya. And again, out of curiosity kaya ko iyon naitanong.
"Because I don't want anyone else to touch my things." Paliwanag nito bago muling napalunok ng mariin noong bumaba na naman ang kanyang mga mata sa aking labi.
Naramdaman ko rin ang mas mahigpit na paghawak nito sa beywang ko. At sa totoo lang, na-a-out of focus ako dahil 'yung isipan ko lumilipad sa loob ng kanyang bath robe. Alam ko kasing wala siyang saplot na kahit na ano bukod sa telang nakikita kong bumabalot sa kanyang katawan ngayon.
Tapos ang bango-bango pa niya. Haaayyy!
"And what if I refuse? What if I still touch your stuff?" I teased her.
Because I can see in her eyes what temptation she is holding back. So I pressed my body more against her. She couldn't help but take a deep breath, a sign that she was more controlling.
At kailan ka pa naging mapanukso, Elena? Tuyo ng aking isipan.
Tigilan mo na 'yan hangga't may kontrol pa si Kassandra. Paalala ko sa aking sarili.
Ngunit walang sabi na hinawakan ako ni Kassandra sa aking baba at iniangat iyon. Pagkatapos ay mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Sa sobrang lapit halos maduling na ako sa pagtingin sa kanya. 'Yung tipong konting galaw ko lang, pwede nang maglapat ang mga labi namin.
Awtomatikong bumilis sa pagtibok ang aking puso dahil baka nga bigla ko nalang mahalikan si Kassandra ng wala sa oras.
"I will punish you, in a way na hahanap-hanapin mo." Wika nito.
Awtomatikong napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Lalo na rin dahil sa sinabi niyang iyon. Para bang kinikiliti ako ng binitiwan niyang salita.
Nakakapanghina ng tuhod ang bango niya.
Napatango ako bilang sagot sa kanyang sinabi. Ako na rin mismo ang naglayo ng aking katawan mula sa kanya habang nakayuko.
"H-Hindi ka pa ba magsusuot ng damit?" Sabay pag-iiba ko ng topic.
Nakaka-temp na kasi. Tuyo ng aking isipan.
Hmp!
Ang sexy at ang hot niya kaya.
Pero hindi naman ako katulad ng iba na nangsusunggab agad 'no? Ano na lang ang iisipin ni Kassandra kapag ginawa ko iyon? Baka isipan pa niya na katulad din ako ng ibang fans niya. Iisa lang ang habol sa kanya.
"Mmhhmmm!" Para itong naging tagumpay sa kanyang ginawa dahil taas noo at may nakakalokong ngiti itong ibinato sa akin.
"Why? Will you dress me or undress me?" Dahil sa tanong niyang iyon ay mabilis na nangamatis ang buong itsura ko.
Bakit ko alam? Kasi pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa katawan ko pataas sa mukha ko.
"Ay hala! Ang halay!" Bulong ko sa aking sarili bago tinalikuran na siya at naupo sa pahabang sofa na nakaharap sa kanyang napakalaking flatscreen TV.
Narinig ko naman itong natawa ng mahina bago inihakbang ang kanyang mga paa patungo sa kanyang walk in closet.
Napapailing na lamang ako habang sumusulyap sa kanya ng palihim.
Hindi ko rin mapigilan ang namumuong selos sa aking dibdib nang sumagi sa aking isipan ang mga katagang...
Ilan na kaya ang nakatalik niya?
Or ilan na ang nakasiping niya?
Meron na kaya?
Sa halay niyang tumingin at manalita kanina, imposibleng wala pa siyang experience.
Isa pa sa mga mature scene niya pa lang sa mga teleserye at pelikula niya, mukhang eksperto na siya sa ganoong bagay, sa tunay na buhay pa kaya?
Hayst! Hindi ko mapigilan ang mapasimangot habang iniisip ang mga bagay na iyon.
Ba't ba kasi pinasok pasok pa niya ang showbiz? Ang dami ko na tuloy karibal sa kanya. Hmp!
Pero teka nga, ano bang pinuputok ng butchi ko? Eh 'di ba nga wala naman akong balak na magpakilala sa kanya bilang Piggy niya noon?
Kaya kalma ka lang, self. Paalala ko sa aking sarili.
Oo nga! Atsaka never naman siyang naging iyo. Dagdag pa ni inner self na parang sinampal ako ng katotohanan.
---
Kassandra/Zoe's POV
A smile automatically formed on my lips when I saw Chef Elena sleeping.
"Akala ko pa naman may karamay na akong manonood." Bulong ko sa aking sarili habang kumukuha ng blanket para sa kanya.
Maingat na inilapat ko iyon sa kanyang katawan pagkatapos.
Dahil siguro maaga siyang nagising kanina kaya antok na antok.
Pagkaraan ng ilang sandali ay maingat akong naupo sa lapag kung saan nakasandal ang likod ko sa sofa na hinihigaan niya.
"Fine. I will just watch by myself." Muling bulong ko sa aking sarili bago binuksan ang TV at dumiretso sa netflix app.
Agad na sinimulan ko na ang panonood. Ngunit ilang minuto pa lamang ang tinatagal ng mata ko sa TV nang muli akong mapasulyap sa mahimbing na natutulog na si Chef.
Wala akong masabi sa kanya kundi ang ganda niya.
Muli akong napangiti sa aking sarili.
Hindi talaga lahat ng magaganda nag-aartista, ano? Dahil 'yung iba, pinipiling mamuhay ng tahimik at simple. Kagaya na lang nitong si Chef Elena.
Sa totoo lang bagay 'yung mukha niya para mag-artista. I mean, ang perfect ng shape, ang pointed ng ilong, ang kinis ng mukha, ang kinis ng balat at isa pa, the way she acted earlier kahit na alam kong tine-teased niya lang ako, alam kong she can play very well dahil sa acting niya.
I mean, meron siyang talent.
Mula sa maamo niyang mukha, bumaba na naman ang aking mga mata sa kanyang medyo nakaawang na labi at muling napatitig na naman roon bago napalunok ng mariin.
I was so tempted to stare at her lips earlier. I don't know how many times I've taken a deep breath just don't lose my self-control.
God! I have been in showbiz for five years but I was never tempted by any of the people I worked with until I met Chef Elena.
Her charm and beauty are so irresistible.
Hanggang sa hindi ko namalayan na magkadikit na pala ang mga labi naming dalawa. Mabilis na inilayo ko ang aking mukha sa kanya at parang tangang napahawak sa aking sariling labi.
My heart is pounding so hard.
Agad na tinignan ko rin kung nagising ko ba siya. At noong masiguradong mahimbing pa rin itong natutulog ay agad na tumayo na ako. Mabilis na itinurn off ang TV at lumabas ng kwarto.
Pumaparoon at parito ako dahil hindi talaga ako mapakali. Lihim na sinasaway at minumura ko ang aking sarili dahil sa nangyari.
Napapa-face palm ako. My conscience immediately attacked me.
This is the first time this has happened to me. It was as if Chef Elena's beautiful face had hypnotizing me earlier so I didn't realize what happened.
I feel like now, I'm cheating on Piggy because of what I did. And because of those thoughts, I cursed myself again and again.
Fuck!
This should never happen again.
Never.