Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 5 - No time for love

Chapter 5 - No time for love

Vans PoV

Pumasok na kami ng classroom ni almira pagkatapos kumain sa canteen buti nalang talaga nandon siya kanina kung hindi baka gutom na naman ako wala kasi akong pera ngayon kinuha kasi ni mama ang sahud ko pambayad daw sa mga bayarin sa bahay kaya hito ako ngayon pulubi.

Sabagay lage naman ganoon eh

Diko alam saan niya ginagamit ang pera kasi bihira din naman siya bumuli ng pagkain sa bahay dahil sa tuwing umuuwi nagdadala ako ng mga tira- tira sa karenderya ng tita ko oo nga di lang grocery meron sila pati karenderya.

Maski nga mga uniform ko hinihingi lang niya sa mga pinsan ko.Pati mga damit namin mula bata donation lang.

Pero bakit di yumayaman ang Mama ko..?Wala lang naisip ko lang kung ako kasi yan malamang marami na akong ipon.

Isang taon nalang makakaalis na ako sa bahay na iyon..huling year ko na to sa high school na sa fourth year na ako ngayon kunti nalang makakahanap na rin ako ng mas matinong trabaho..magiipon ako para mapaaral ko ng high school ang mga kapatid ko.May konting ipon na rin ako para makabayad ako sa renta sa kong saan man ako magboboard. Tagal ko rin pinagipunan ang araw na aalis ako sa bahay na iyon.

"Hoy,Iwan mo na iyan ..kung masakit na iwanan mo na."pagkuha ng atensyon ni almira sa kin.

"Sira.."tugon ko na natatawang na lang sa kanya.

"Kung bakit ba di mo nalang ako sagutin ?"Sabat naman ng likuran na upuan na si Rayver.Matagal na akong kinukulit ng taong ito pero dindedma ko kasi kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.At dahil na rin sa sitwasyon ko.

"Tigilan mo ako."irap ko sa kanya.

"Ba't ba ayaw mo sakin? pogi naman ako ah!"Dugtong pa niya.

Oo nga naman guwapo siya moreno pantay na ngipin, mabait ,matalino..marami naghahabol sa kanya dito pero di uubra sakin yon dahil imposible yon.

Tiyak pag nalaman niya ang tunay na sitwasyon ko ay mandidire siya.

Hindi lang siya kahit sino man ay mandidire sa kin.

Kaya wala akong karapatan na magrelasyon.tanggap ko na kahit kailan hindi ko mararanasan maging normal.

Hindi ako magpapatalo sa emosiyon ko kailangan focus lang ako sa goal ko.Ang makalayo sa impiyerno at mapagaral ang mga kapatid ko.

"Nandito na yung bitch kala mo naman maganda."Inis na bulong ni Almira.

Tumingin ako sa tinutukoy niya nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Tumingin siya sa sa deriksiyon ko

ang at naramadaman ko uli yong naramdaman ko ng unang ko siyang makita.

Shit ! Anu ba Vans tumigil ka hindi ka puide makaramdam ng ganyan

pigilan mo yan.

Ano bang nararamdaman ko?

Problema yan

Bakit naman.

Ngumiti siya sa kin umiwas ako ng tingin kunwari iba tinitingnan ko at sakto naman papasok na ang teacher mula sa likod niya.

Hindi ako puideng magkamali magkasabwat sila ng baliw niyang pinsan kahapon pareho silang baliw.

Akala ko iba siya mali ako mayayaman talaga akala nila dahil may pera sila ay puide na nila paglaruan kahit sino matapos ang insidente kahapon nagdesisyon akong maligo nlang at magbihis sa tulong parin ni Almira.

Hindi naman ako nahirapan tanggalin ang paint dahil water base namna yun siguro yun ang dapat gagamitan nila sa darating na festival.

"Gusto ni Almira ireport yung nangyari pero pinigilan ko siya sa kadahilan alam kong apo sila ng principal at ayaw ko rin ng palakihin ang gulo.

Iiwas nalang ako at magpofocus sa pagaaral kailangan ko makapagtapos na walang anumang masang record kung maaari dahil gusto ko rin magkolehiyo .

"Miss Alexandra Raye Villarreal maari na ba akong pumasok?."Sabi ng teacher.

Lumingon siya at nagulat sa nakita yumuko siya at dadaling umupo sa kanyang upuan sa second row katabi ng dalawang niyang kasama.

"Ano ba nangyari sayo ba't naisipan mo tumambay doon sa pinto!?"natatawang tanong ng kasama niya at nagtawanan ang mga kaklase namin.

Pare-pareho silang baliw .

"Tumigil ka nga princess."saway ng lalaking kasama nila

Alex's PoV

Kainis nakakahiya ano ba kasi problema niya.Sigurado ako sakin siya nakitingin kanina eh..haizt..Anu bang nangyayari sayo Alex.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaklase ko at tumahimik nga sila.

Natapos ang klase ng sobrang sama ng loob ko.Kainis di pa ako napapahiya ng ganito ngayon lang.

"Uy,sama ka mamaya may bandang tutogtog mamaya gabi sa magz." Si princess.alam ko bumabawi lang Ito sa ginawa niya kanina pagpahiya sakin kanina.

"Ayaw ko kayo nalang."Malamig na sagot ko.

"Huist..sorry na."Paghingi niya ng tawad sakin sabay yakap sa kin.

"Ayoko nga..umalis ka nga kaderi ka."Inis sabi ko at tinaggal ang pagkakayakap niya sa kin.

Ayoko kasi sa mga taong clingy basta ayoko lang.Nandediri ako tuwing may gumagawa sakin ng tulad ng yakap hawak sa kamay ayoko kaderi..eww.

"Hmmmp..Sige na wala kasi akong kasama gustong gusto ko kasi ang mga kanta ng parokya ni edgar at siakol."pagpaawa niya.

Sino yun ?diko kilala yun iba baka local band wala akong kilalang band dito bukod sa hindi ako sa pinas lumaki di rin ako mahilig sa band..sorry I can't relate.

"Ayoko balita ko may parade mamaya yung pintados..ayoko kaderi. Ayoko mapintahan."Sagot ko ayoko talaga ng nagpupunta sa downtown o sa pinakacenter ng siyudad nato sa tuwing fiesta kasi maraming tao ayoko lang ng maraming tao at mahirap ang sakayan.

"Tangik tapos na iyong pintados kahapon..Sangyaw ngayon." Sabi niya.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Ah,bxta gan'on yun gulo kasi ng mayor natin at governor dito di magkasundo..hahaha.."natatawang paliwanag niya.

"So anu sama ka?." Tanong niya.

"Hmmm.."kunwari nagisip ako.

"Haizt..sige na nga wala rin naman akong gagawin sa bahay."Sabi ko ng nakangiti.

"Halika ka nga late na tayo sa sumunod na klase."Sabi niya ng bigla niyang naalalang may klase pa pala kmi.

"Sige na mauna kana naiihi ako."Sabi ko at naglakad na papuntang Cr.

Habang naglalakad papuntang cr may narining akong parang sumisitsit.

"Psst"

"Psst"

Dahan-dahan akong lumingon damn it what am I a dog?

"Shit ! Putang ina diyos ko po."Nagulat ako sa lapit ng mukha niya sa kin.

"What??"Inis na sambit ko dahil naiihi na talaga ako tas mukhang sira mga comfort room dito kainis.

Vans PoV

"what?? Iritableng sabi niya.hindi ako nililingon.

Nagulat ako ng lumapit ako sa likod niya bigla siyang lumingon muntik niya nang mahalikan ang labi ko naramdaman ko ang init ng hininga niya sa lapit ng mukha niya sakin.Inakyat ko kasi ang mataas na sahig na kinatatayuan niya para makalapit sa kanya at yun nga bigla siya lumingon ng sakto nakaakyat ako.

"Ano?"Inis na tanong niya.

"Ah..eh..ano kasi." Hinaplos ko ang leeg ko .

"Sandali lang..d-dyan ka lang b-babalik a-ako."Namimilipit na sabi niya bago pumasok ng CR.

Isusuli ko lang sana sa kanya itong jacket niya na pinhiram niya nung nagawi ako sa bahay niya sa tabing dagat .

Medyo punit kasi ang damit ko noon kasi nga muntik na naman ako reypen ng kuya kong demonyo may sugat din ako sa likod kasi umakyat ako noon nga pader nila at nasagi sa isang steel bar ang damit ko kaya napunit.

Napansin niya ata yun pero di siya nagsalita o nagtanong bagkos ay sinuot niya nalang bigla ang maong na jacket niya

"Miss Areglado anong ginagawa mo dito wala ka bang klase?" Sabi ni teacher Gaceta isa siya sa mga gusto kong teacher dito sa school namin Biology teacher ko siya nung second year.

"Ahm,meron po magsi.Cr lang po ako." Sagot ko.

"Oh,siya sige kung gan'un."Sabi niya at naglakad na palayo.

Naiihi tuloy ako kaya pumasok na din ako sa ng Cr.

"Pucha..sarado mga to."Inis na bulong ko habang hawak ko ang pantog ko hanggan sa

"Hay,salamat bukas ito-"medyo bukas ng ang pinto kaya pumasok na ako.

"Ah...!!"

"Ah..!!"

Sabay naming sigaw ng babaeng nasa loob bigla siyang tumayo at hinampas ako.

"Ano ginagawa mo dito naninilip ka ba?!" Sigaw niya sakin.

Pero diko na naalis ang paningin ko sa makinis niyang hita sa gitna nito..haizt..may panty huwag kayo malisyoso😁😁

Teka sandali ba't wala siyang palda?

"Ah..ano ba?!manyak !!" Sumigaw siya ulit ng makita kung saan ako nakatingin.

Tuluyan akong tinulak sa labas.

Ilang Segundo akong di nakapagsalita.

"Kainis ba't ba kasi sira ang pinto paano ako lalabas ngayon napunit palda ko.!!!Rinig kong sigaw niya sa loob.

Natawa ako sa sarili ko . Bigla kong naalala ang extrang damit na lage kong dala sa tuwing papasok sa trabaho.At para na rin sa pambubully ng grupo ni Jasper sakin

Kinuha ko sa bag ko ang isang skinny jeans na black at plain white t-shirt.

Kumatok ako.

"Ano?!" inis na sagot niya sa loob.

"Oh..subukan mo lang baka magkasya."Sabi ko sabay abot ng damit sa kanya.

Ilang Segundo muna ang lumipas bago niya ito kinuha sa kamay ko.

"Salamat." Pabulong niyang tugon.

Ilang minuto ang lumipas at linuwa na siya ng pinto.

Para siyang anghel na bumaba sa langit.bakit ganon ang unfair ng langit kahit siguro magsuot ng trash bag to o kaya sako magnada pa rin.

Kaso baliw wala talagang perfect no?

"Salamat ulit."Sabi niya habang nakatingin sakin.Marunong pala magpasalamat to kung hindi ito kalahi ni Jasper iisipin kong mabait to.

"Wala iyon." Sagot ko at yumoko na ako dahil sa hiya.

"Pasensiya ka na rin sabi niya."Sabi niya.

"Ahm,salamat din dito isusuli ko na baka isipin niyo pati yan namumulubi ako"diko pa rin makalimutan na tinawag niya akong low life bitch kahapon.

Ngumiti siya..shit wag kang ngingiti gago hindi ka maganda sabi ko sa isip ko.

Haizt.

''About that-''

''Alis na ako wala na akong utang sayo.Huli na to itago mo na rin damit ko di man ako ganon kahirap makakabili pako niyan.BITCH''Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya ayoko makarinig na kahit anong insulto pa galing sa kanila o mainvolve man lang sa kanilang magpinsa

''What the -''

''Vans kanina pa kita hinahanap tara late na tayo sa klase.'' Saktong dating ni Almira at kumapit sa braso ko.

'' You-''

"So..Tara?"Sabi ni Almira sabay hila ng braso ko.

Tiningnan ko lang Ito .Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

Tsug tsug

Tsug tsug

Tsug tsug

Hinawakan ko ang dibdib ko.

Ang puso ko.

Hindi pwede ito.