Alex's PoV
Nagkagulo ang mga tao ng biglang may mga lasing na nagwala at pinaggigiba ang mesa at upuan ng di nakapanood ng maayos sapagkat yung ibang mga kalalakihan ay nagsitayuan sa ibabaw ng kani-kanilang mga upuan upang mapanood ang bandang siakol habang kinakanta ang Lakas Tama.
Lakas nga ng tama ng mga tao dito hahahaha..
Nakisiksik kami ni Vans sa mga taong naguumpukan sa may exit para makalabas dito dahil sa gulong nangyayari pero parang walang pag. asa na makakalabas kami agad dito.
Dahil kahit mga pulis na in charge sa lugar ay di makontrol ang gulong nangyayari.
"Halika dito tayo."Bulong ni Vans sa tenga ko at seninyasan ako na sumunod sa kanya.
Bumalik kami sa loob nagpunta sa may dagat patuloy siyang naglakad papunta sa parang makipot na sementadong tulay sa dagat .
Madilim dito kaya diko napansin kanina na may mga tao rin pala dito may mga nagiinuman din sa dulo medyo malapad ang sahig doon na para bang sinadya para sa mga taong ayaw makita ng iba.
Hinubad niya ang tsenelas niya at naupo sa gilid ng tulay.
Yun na rin ang ginawa ko at naupo sa tabi niya.
Nakatingin lang kami sa dagat nakikinig sa mahinang tugtog na nanggagaling sa magz at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Tumingin ako sa relo ko 12 am na pala.
Siguradong hinahanap na ako ng Mamita ko ngayon.
"Alex nga pala. "Pagbasag ko sa katahimikan .
"Huh? "Takang tanong niya.
"Pangalan ko. "Yumuko siya sa dagat.
"Vanessa ." Sagot niya.
"Alam ko ." Sabi ko.
Kunot noo siyang tumingin sakin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tingin ko na namissinterpret niya uli ako.
Judgemental kasi ito.
"It's not what you think.. Ahm, medyo popular kalang sa school natin.. at reminder lang classmates tayo. "Kamot ulong paliwanag ko.
"Ah, so alam mo na pala. "Sarcastic na sabi niya.
"Ang alin? "Pagkukunwari ko.
"Wala. "Sabi niya at muling tumingin sa dagat.
Pinagmasdan ko lang siya.
"Di naman importante kung ano ang sinasabi ng tao sayo. " pasimula ko.
Takang tumingin siya sa kin.
Ngumiti ako
"Di ka naman nila kilala. ikaw lang naman nakakakilala sa sarili mo at ikaw lang nakakaalam sa mga reason sa mga kilos mo. "Dugtong ko.
Tahimik lang siyang nakinig.
Bigla siyang natawa nailing na para bang di makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Ang alam ko lang naman manyak ka na naninilip sa CR ng mga babae yuck!!. "Pagiiba ko ng topic na kunwari nandideri.
"Aray, Malala ka pa pala sa kanila.. Excuse me, di ako naninilip ikaw ang hindi naglalock ng pinto tsaka ba't ka ba naghuhubad ng palda habang umiihi.? " pagtatanggol niya sa sarili.
Natawa ako sa kanya napakadefensive
"Haizt,, bulok kasi CR ng school niyo at iisang kubeta na nga lang ang gumagana sira pa ang pinto at may tapak pang yero sa butas alam mo bang pagpasok ko nasagi ng palda ko ang yero at tuluyang napunit at nasira. "Pagpaliwanag ko sa nangyari.
Natawa siya sa sinabi ko
"Eh, sino ba yung tanga? Ikaw o yung yero sa CR?. Natatawang kantiyaw niya sakin.
Nainis ako at tinitigan siya ng masama.
"Kaya pala tagal mong lumabas. "Pagpapatuloy niya habang pinupunasan ng mga daliri niya yung luha sa mga mata niya sa kakatawa.
"Kita mo natawa ka. "Nakangiting sambit ko sa kanya.
"Ewan ko sayo."siya.
"Sabihin mo type mo ako." Pangiinis ko sa kanya.
"Kapal no? "Kunwari inis na sagot niya.
"Hindi no! maganda talaga ako. "May nakakalokang ngiting sabi ko sa kanya.
"Bahala ka nga. "Sabi niya.
"Hmmm.. Di nga crush mo ko no?."Sabi ko habang nagpapacute at nakatantalizing eyes.. Hahaha kaiinis lang ako. 😁😁😁😁
"Yuck!! Kilabutan ka nga! "Nandedering sabi niya.
"Kapal mo ha.. Dami kaya naghahabol sa mukhang to. "Kunwari pagtatampo ko habang tinuturo ang mukha ko.
"Eh.. Pakialam ko. "Sagot niya.
At bigla kaming natawa sa pinaggagawa namin.
Tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko tumayo ako
at kinuha ko ang phone ko na Samsung Instinct .
AN : para sa hindi nakaabot sa cellphone na ito. Year 2008 po kasi ito.
Mamita calling....
Sinagot ko ang tawag
Mamita : Nasaan ka bang bata ka hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Kung ano man problema alam mong wala kang solusyon na makukuha diyan .Running away from everything is never a solution it doesn't solve anything,baby.Just please go home.''
Mahinahon na litanya ni Mamita iyan ang gusto ko sa mamita ko kahit na galit na ay nagagawa niya parin magin mahinahon.At unawin ako.
Hindi ako sumagot
Mamita:Kanina pa nandito ang tatay mo-"
Pinatay ko ang phone ko. Ayokong umuwi seguradong kokombinsihin na naman ako ng Tatay ko na doon na tumira sa kanya kasama ng kirida niya para daw mas makilala ko ang bruhang iyon.
Para anu pa ? Gago siya anu naman pakialam ko sa kirida niya.
"Ahm, saan ka ba umuuwi? " tanong ko sa kanya.
Nakatayo na rin siya
"Bakit? "Sagot niya.
"Puide bang makitulog? "Nahihiyang tanong ko bahala na ayoko umuwi ayoko makita ang tatay ko.
"Ah.. Ano kasi eh.. "Parang kinakabahang sagot niya.
"Kung ayaw mo okay lang tawagan ko nalang kaibigan ko. "Pagsisinungaling ko pero ang totoo wala talaga akong mapupuntahan dito wala naman akong kakilala dito.
"Pasensya ka na maliit lang kasi bahay namin baka di mo magustahan."Biglang pagpaliwanag niya.
"Gaga diko naman bibilhin bahay niyo. "Sarcastic na sagot ko.
Tumingin siya sa kin na para bang may gustong sabihin.
"Bakit? "Takang tanong ko.
"Wala... "Sagot niya.
"Bakit nga.? "Pangungulit ko.
"Ayoko rin umuwi ."bulong niya pero rinig ko parin.
Di na ako nagtanong
"Tara samahan mo ako."Sabi ko at nagsimula ng maglakad papuntang exit wala na kasi masyadong tao maliban sa mga nagiinuman sa mga tent na nagtitinda ng barbecue at inumin.
"Saan tayo pupunta. "Tanong niya habang nakasunod sa likod ko.
"Sumunod ka nalang."Tanging sagot ko.
Vans PoV
Nakasunod lang ako sa kanya maya-maya pa ay pumara siya ng jeep papuntang San Jose.
Mukhang alam ko na kung saan kami pupunta di naman siya pupunta sa bahay namin kasi nga hindi niya naman alam kung saan ako nakatira.
Naalala ko tuloy ang gabing nagkainuman kami doon nakatulog siya pagkatapos maubos ang dalawang bote ng San Mig halatang di siya palainom.
Hindi muna ako umalis nagbantay lang ako sa kanya habang natutulog siya ng biglang may napansin ako na parang may taong nagmamasid sa amin.
Linapitan ko yung tao pero bigla itong nawala.
Ayon tuloy hindi ako natulog hanggang umaga pero kinailangan ko siyang iwan ng di pa siya gumigising kasi may importante akong lakad sa araw na iyon pupuntahan ko ang kuya Jorel ko dahil may ipapabigay kay almira.
Hindi ko alam kung ano ang trip nila at di na lang silang dalawa ang magusap.
Sumakay kami ng jeep sa front kmi pumuwesto sa tabi ng driver.
"Bayad kuya.. Baybay kami dalawa."Rinig kong sabi niya sa diver pagkabigay ng bayad.
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya sa may pinto ng front ng jeep. Inienjoy ang hangin habang nakatingin sa mga bahay at establishment dinadaanan namin.
Pagkababa namin sa kanto ng baybay ay sumakay kami ng pedicab papuntang payapay.
"Sigurado ka bang safe dito? "Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa lumang bahay.
"Bakit?.takot ka?"Nangiinis na sagot niya.
Hindi na ako sumagot
"Dito ako nagstay for one week last week. "Pagsigurado niya sa kin na safe dito.
"Seryoso ka? "Kunot noong tanong ko.Naisip ko na naman yung taong nakita ko noong last time na nagstay kami dito.
"Oo bakit? "Takang tanong niya.Hindi nalang ako nagsalita.
"Wala ka bang bahay? "Tanong ko para naman kasing hindi halata na pulubi siya..mahal nga cp niya..anong trip niya?
"Ulilang lubos na kasi ako at ito nalang ang naiwan na pag. Aari ng mga magulang ko." Pagkukwento niya.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka seryoso ba siya?Akala ko ba may tatay pa siya?
Hindi na ako nagtanong bigla akong naawa sa kanya.
Mahirap mag-isa sa mundong ito na puno ng hinagpis at walang sino man ang tunay mapagkakatiwalaan.
Alex's PoV
Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko ba't ko sinabi iyon.
Bakit ako nagsinungaling?
Takot na kasi akong magtiwala ayoko nang maulit ang nangyari sakin noon.