Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 11 - Friendzone?

Chapter 11 - Friendzone?

Vans PoV

Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast gusto ko siyang sorpresahin para sa pamamagitan man lang dito ay mapasaya ko siya.

Tsaka nauumay na ako sa mga luto niya na kung hindi sunog ay hindi ko maintindihan kung anong putahi.πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜…πŸ˜…

Oo mahilig kasi siyang magluto kaso yung pagluluto hindi mahilig sa kanya parang onesided love siya lang ang nagmamahal.πŸ˜”

Parang ikaw? ikaw lang ang nagmamahal?

Shut up inner self hindi ikaw ang kausap ko.

eh sino? baliw wala namang tao dito?πŸ™„

Anyways..

Kahit naman ganoon ang luto niya kinakain ko parin..siya lang naman kasi ang taong nagluluto sakin.

haizt..kaya naman diko maiwasan magustuhan siya.πŸ˜”

Pero bahala na isasantabi ko muna ang damdamin ko kasi mas kailangan niya ng kaibigan ngayon.πŸ˜”

Hindi na ako umaasang darating ang panahon na magugustuhan niya ako sapat na sakin ang naaalagaan at naproprotekhan siya bilang kaibagan niya.πŸ˜”

Pagkatapos maluto ng pritong itlog at bacon ay nilagay ko ito sa plato kasama ng kanin at siyempre sinamahan ko ng advil para sa hang over na nilagay ko sa gilid ng tray katabi ng tubig at nilagay na lahat sa tray at dinala sa kuwarto namin.

Ang sarap pakinggan ng huli kong sinabi parang magasawa lang kami.😊😊

Pagkapasok sa kuwarto ay ipinatong ko sa bedside table ang tray at ginising na siya.

"hmmm.."ungol niya habang ginigising ko siya

"ahhh..Vans pls.."ungol pa niya.

😳😳😳😳

Anong nangyayari sa kanya nanaginip ba siya????🀨🀨

"hmmm..shit."ungol niya ulit.

πŸ€”πŸ€”πŸ€”

Sagwa pakinggan ano kaya panaginip niya?

"Aaah..shit shit..yes!!"ungol niya ulit.

😱😱😱😱😱

"Aaaaahhh...ayoko na!! hoy gumising ka nga binabangongot ka ba ha?!!"Sigaw ko sa kanya habang walang tigil ko siyang pinaghahampasan ng unan dahil di ko kayang pakinggan ak mga lumalabas sa bibig niya.

"Aray!!aray!!..ano ba?!!Sigaw niya ng magising siya at dahil sa gulat niya nanlaban siya sakin sa kama at pagulong-gulong kami sa kama hanggang sa nahulog siya sa kama kasama ako dahil sa kumot na nakapulopot na samin.

At pumaibabaw ako sa kanya nagkalapit ang mukha namin kaya naman diko maiwasang

maginit ang mukha ko at dahil sa hiya ay para bang may spring na mabilis akong nakabalik sa kama.

Para naman siyang nailabadbaran sa nangyari tela malalim ang iniisip tiningnan ang damit niya at bigla nanlaki ang mga mata niya.

"Waaaah...anong ginawa mo sakin bakit iba na suot ko?"Sigaw niya na parang nadederi.

πŸ™„

Ang OA parang di siya yong nanaginip ng kung anu-ano.😏

"Ewan ko sayo wala akong ginagawa sayo.Kumain ka na nga lang dinalhan kita ng breakfast para bumalik ka na sa katinuan ."Cold na sagot ko sa tanong niya.

Namula ang pisngi niya sa sinabi ko at bumalik na sa kama.

"Talaga?pinagluto mo ako?"Nakangiting sabi niya na nawawala ang mata.

Haizt..ang ngiting iyan.

Yan ang laging gusto kong makita sa mukha niya ayokong umiiyak siya.

Kailanman hindi ko siya sasaktan at paiiyakin kagaya ng ginawa sa kanya ng kung sino man na nagpaiyak sa kanya kagabi.

Gago iyon.😠

"Thank you."Sabi niya pa at nagsimula ng kumain.

Pinagmasdan ko lang siya habang tahimik na kumain.

"Bakit?."Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Wala lang bawal tumingin?."Pilosopong sagot ko.

"Sabi ko na crush mo ako."Mapangasar na sambit niya ng nakangiti.

"Bakit bawal? Maganda ka naman kaya pwede na tsaka kong yan ang magpapangiti sayo araw-araw..eh di ikacrush nalang kita."Pangaasar ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya at ngitian ko siya ng mapangasar.

Totoo yon..kung pwede lang.πŸ˜”

"Tse..diko kailangan ng awa mo tsaka may iba na akong nagugustuhan no !! straight ako..and lastly di kita type pangit mo kaya"Sagot niya.

Ouch sakit non.πŸ˜‘πŸ˜‘

"Alam ko na yan pangit ako pero mas pangit kang umiyak..kawawa ka naman binasted kaba?..hahahaha..."pangaasar ko pa.

"Aray! Sakit ha !ano problema mo?!!"Sigaw ko ng binato niya ako ng kutsara at masama ang tingin sakin.

Sakit ng noo ko πŸ˜–

"Daldal mo kasi manahamik ka kong ayaw mong tamaan ulit sakin at huwag ka magkakamali magsabi kahit kanino tungkol kagabi papatatayin kita."Pagbabanta niya habang dinuduro ako.

Haizt..kakatakot.πŸ˜“

Alex's PoV

Lumabas ako ng kuwarto dahil diko mapigilang mapangiti sa hitsura niya ngayon ang cute niya pagtakot.😍😍

Tapos nagluto pa siya ng breakfast para sakin ang sweet niya.☺️☺️☺️

Haizt

Sayang nga lang hindi kami pwede.Ang swerte ng taong mahal niya at hindi ako iyon kasi kaibigan lang ang tingin niya sakin.πŸ˜”

At kagabi...

Tumakbo ako ng banyo at agad sinara ang pinto umupo ako sa bowl at nagsisigaw doon dahil bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

Flashback

Nang lumabas na ng kuwarto sina Vanessa at Princess ay agad kong minulat ang mga mata ko at nagsisigaw habang nakasub-sub sa unan.

Pucha sobrang nakakahiya ng na-outbalance ako ng tumayo ako para sana ihatid si Princess kaya para makalusot sa nangyari ay nagtulog-tulogan ako at ng binuhat nila ako sa bahay ay medyo nasusub-sub pa ang mukha ko sa dibdib ni Vans kasi mas mataas siya kay Princess at ang lampa ni Princess parang di naman nagbubuhat amoy na amoy ko tuloy ang scent ng dibdib ni Vans na sobrang bango na lalong nagpapainit sa katawan.

Sobrang manyak ko .😬😬

Ng bumalik si Vans ay mabilis akong nahiga ulit at pumikit.

Ramdam kong pinagmamasdan niya ako at lumabas ulit.

Haist ang dumi ko paano ako ngayon magsashower kong ganito sitwasyon ko?

Di bale hintayin ko na lang makatulog siya tsaka ako babangon at maliligo.

Narinig kong pabalik na si Vans sa kuwarto parang may nilagay siyang palanggana sa Bedside table.

At nagulat ako ng naramdaman ko pinupunasan niya ako ng maligamgam na tubig sa mukha.

Haizt..grabe diko akalain na ang thoughtful niya para maisip na linisan ang katawan ko.

Pero naginig ako ng dahan-dahan niyang hinubad ang polo at palda ko.

Shit nanghihina na naman ako sa gingawa niya

Bakit hindi ako nagpoprotesta?

Hinayaan ko siyang pagmasdan ang hubad kong katawan at marahang pinunasan ng maligamgam na tubig gamit ang towel.

Shit ang sarap damhin ng bawat pagpunas niya sa katawan ko dahil na rin siguro sa alcohol kaya nakakaramdam ako ng ganito bago ito sa kin.

At ng matapos siya ay binihisan niya na ako

ang gaan ng pakiramdam ko kaya nakatulog na ako.

Maya-maya pa ay bigla kong naramdaman na may humahaplos sa kin nagulat ako ng makitang si Vans ito bigla kaming naghalikan ng napakapusok bumaba ang halik niya sa leeg ko sa dibdib ko at ng malapit na namin maabot ang sukdulan ay napasigaw ako sa sakit at nagpumiglas at nahulog sa sahig at namulat ako sa katotohan na ako ay nananiginip lamang .😬😬😬😬

Kaya sa sobrang hiya ko ay..

"Ano'ng ginawa mo sakin at bakit iba na suot ko?!Sigaw sa ko sa kanya.

haizt nakakahiya.πŸ˜”

End of flashback

Haizt..

Narinig niya kaya ako ? para kasing..

Di bale na..panaginip lang yon imposible namang nagsasalita ako habang natutulog ako.

Ang pervert mo kasi.πŸ˜‘

"Alex? ok kalang diyan?Si Vans habang kinakatok ang pinto dito sa banyo.

"O-ok lang ako umalis ka na!!"Pagpapaalis ko sa kanya ayokong makita siya mababaliw ako.

"Gagamit sana ako ng CR natatae ako eh.."Sigaw niya sa likod ng pinto.

Binuksan ko ang pinto at lumabas na at linagpasan ko lang siya at hindi siya pinansin.

"Thank you...lumabas ka rin."Sabi niya.

Tinitigan ko siya ng masama di ako makapaniwalang niloko niya ako.

"Sorry."Nakangiting sabi niya habang nakapeace sign.

Haizt..

"Ano ba problema mo?"Inis na tanong ko sa kanya.

"Ahm..s-sorry ak-akala ko kung ano na ang ginagawa mo sa loob..nagsisigaw ka kasi at ang tagal mo sa loob."Nagaalangang paliwanag niya.

Hindi ako umimik sa mga sinabi niya parang nakonsensya ako.

"Ah..sorry hindi ko dapat..ginawa iyon."Nahihiyang sabi niya pa at tumalikod na.

Haizt...mababaliw ako sa kanya.

"Ahm..sorry din."Mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya.

Bigla siyang lumingon at ngumiti

"ok lang." Sabi niya at pumasok na ng banyo.

Haizt..

Vans PoV

Andito na kami ngayon sa school walang klase kasi biyernes ganyan dito tuwing

biyernes ng hapon biglang nagkakasakit ang mga teacher ang iba naman missing in action.

Naka upo ako sa upuan ko ng nakasalumbaba habang pinagmamasdan si Alex at Princess na seryosong naguusap sa may dulo ng classroom.

Malamang pinaguusapan na naman nila ang lalaki na nagpaiyak kay Alex.

Haizt.

"Lakas ng buntong hininga natin ah.?nabasted kaba?"natatawang sabi ng katabi ko walang iba kundi si Almira.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay,oo nga closeta ka..hihihi.."Dagdag pa niya.

"Gago!!.Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray naman bakit nambabatok?"Reklamo niya.

"Kumusta nga pala kayo ng kuya?"Pagiiba ko ng usapan.

"Asus,change topic..makatanong ito eh kahapon lang naman kami nagin magjowa..."Mapangasar na sagot nito

Kainis talagaπŸ˜‘

"Eh, ikaw?nagtapat kana ba?"Ngiting-ngiting tanong niya sakin.

"Magkaibigan lang kami no..tsaka may iba nang gusto iyan."Wala sa sariling sabi ko nalang.

"Ah kaya pala..may nauna na.."Mapangasar na sabi niya.

"Kaibigan lamang..haizt,sakit noon."naiiling na sabi niya.

Tumingin ako kay Almira.

"Oh..bakit?"Tanong niya.

"Wala lang..naisip ko lang mas okay na iyon atleast di kami magbibreak."Nakangiting sabi ko na itinatago ang sakit.

"So inaamin mo ng may gusto ka sa kanya?" tanong niya.

Malungkot na tumango lang ako.

"Hmmm...mapanindigan mo kaya iyan kung nakikita mong may kasama siyang iba habang kinukwento niya sayo kung gaano sila kasaya ng jowa niya?."Mahabang litanya.

"Oo naman magiging masaya na lang ako sa kanya atleast sakin niya ikukwento ang mga masasayang moments niya sa buhay niya."Deritsong sagot ko.

"Hmmm..sigurado ka hindi mo gugustuhin na sana ikaw dapat ang nagpapasaya sa kanya ng ganoon?"Tanong niya ulit.

Parang may kumirot sa puso ko sa tanong niya.

"Oo naman."Tipid kong sagot sa kanya.

"Eh,paano kung saktan siya ng taong napili niya? Di ka ba magsisi na hinayaan mong masaktan siya dahil maling tao napili niya na kung ikaw iyon di mo siya papaiyakan.?"Tanong niya ulit.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Hindi mo rin ba naiisip na kung ako ang jowa niya sino pa ang taong tatakbuhan niya sa tuwing nasasaktan siya kung wala ang bestfriend niya na tanging nakakaintindi sa tupak niya."Sagot ko ng may ngiting tagumpay.

Nailing siya sa sagot ko.

"Martir." Bulong niya pa na bakas ang inis sa mukha.

At natawa ako sa reaksyon niya.