Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 16 - You, me and coffee

Chapter 16 - You, me and coffee

Alex's Pov

Andito ako ngayon sa veranda ng lumang bahay namin habang yung ibang asungot sa bahay ko ay nasaloob na nanood ng anime na Tora dora.

Ginabi na rin kasi kami hindi na namin namalayan oras.

Hindi na ako nanuod ilang beses na namin pinanood ni Vans ang anime na iyon at alam ko siya rin may gusto manood don kaya walang magawa yung iba.😏

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman kay princess kanina.

Iba rin talaga ang tatay ko magisip.I can't believe ginamit niya ang sitwasyon ni Princess para bantayan ako sa mga kilos ko.

He even tried to investigate about Vanessa's background kung hindi lang inako nina Princess ang pagbabantay sa kanya dahil siya ang lage kong kasama.

Grabe.,hindi ako makapaniwala buti nalang nakumbinsi ko kanina sina princess na itago nalang muna ang lahat.

Kailangan nila magpretend sa tatay na hindi ko pa alam ang lahat pero sa pagkakataong ito kailangan na din nilang i-filter ang mga sasabihin nila sa tatay ko.😏

Pero naiisip ko si Vans ayaw kong madamay siya sa kong anu man ang mga kalokuhan ng tatay.Di naman siya nagkukwento sakin alam ko mabigat din ang pinagdadaanan niya at ayaw kong dumagdag pa sa mga problema niya.

"Haizt."Nabuntong nalang ako sa mga iniisip ko ngayon.

"Lalim ah..hehehe..hinay-hinay lang baka malunod ka niyan."

Lumingon ako sa nagsalita at ngumiti ito sakin sabay lahad ng mug sa kamay niya.

"Kape?"alok niya sakin.

Inabot ko ang kape sa kamay niya at hinawakan ko ng dalawa kong kamay at uminom mula dito.

Nilasap ko ang masarap na amoy at lasa ng kape.Napakasap pakiramdaman ng init na dumaloy sa lalamunan ko pababa.

"Ahm,,Vans. "Panimula ko,gusto ko kasi magexplain tungkol sa tanong niya kanina.

"Shh..sinira mo yung moment ganda ng tanawin bilog ang buwan sarap ng simoy ng hangin kape, dagat.-"

Napangiti ako sa mga sinsabi niya.

"Kita mo nakangiti kana"Sabi niya pa ng nakangiti.

Haizt..

Anu bang ginagawa mo sakin?bakit ganoon lang kadali sayo na ipalimot sakin ang lahat.

"Ahm..ito na ba yung moment na nahahalikan mo ako kasi ang sagwa Alex..hahaha..."Biglang naginit ang ulo ko sa ginawa niya.Siguradong pulang pula na ako ngayon sa hiya.

Naman kasi diko namalayan na nakatitig na ako sa kanya ng matagal.😠😠😠

Sinamaan ko siya ng tingin na kung kaya ko lang siyang patayin sa tingin.. eh ginawa ko na.

"Relax,,peace..pinakalma lang kita para kasing ang seryoso mo."Paliwanag niya.

Napangiti ulit ako sa sinabi niya.

Oo na para akong tanga pucha.😏

"Ewan ko sayo."Sabi ko nalang at umalis na sa kinauupuan ko.

Way ko nalang din ito para di niya makita ang pamumula ko kainis kasi siya kung anu-anu ang sinasabi.

"Hoy,sandali okay na.. di na ako mangingialam sayo balik kana dito titigan na tayo.hahaha.."Pang aasar niya pa.

Kainis talaga.😤😤😤

Vanessa's PoV

Tawang tawa ako sa itsura ni Alex kaya para tuloy akong tanga dito ngayon.

"Hoy!Okay ka lang? Ba't tumutawa ka ng mag-isa?"Saway ni Almira sakin andito nadin kasi siya sa veranda.

"Wala..may naalala lang ako."Paliwanag ko.

"Huwag na kasi magdrugs tigilan mo na yan."Sabi pa niya.

"Gago di ako addik!"Inis kong bulyaw sa kanya.

"Hahaha...di daw..hmm.."Sabi niya na iba na ang ibig sabihin.

"Tigilan mo nga ako?"Saway ko sa kanya alam ko kasi na yung feelings ko na naman kay Alex ang tinutukoy niya.

"Anyways,nakita ko kayo kanina anu pinagusapan niyo? Kayo na ba? nagtapat kana no.."tanong ng pakialamira kong kaibigan.

"Pssh..gago di ko gagawin yun no..tsaka anu pagtatapat ko gago ?" Irap ko sa mga pinagsasabi niya.

"Haizt..iwan ko sa inyo ang obvious na man na dalawa gusto niyo isa't isa pinahihirapan niyo sarili niy-."Naputol ang sinasabi niya ng batuhin ko siya ng tsenelas ko.

"Aray naman !" Sigaw niya sa sobrang sakit.

"Wag ka kasi maingay isa pa anu pinagsasabi mong obvious walang ganoon straight siya no..tsaka tanggap ko nang hanggang dito lang ako sa kanya isang kaibaigan at masaya na ako doon."Malungkot na litanya ko.

Tumahimik siya sa sinabi ko.

"Isa pa ayaw kong gumawa ng bagay na baka pagsisihan ko sa huli hindi ko rin naman alam kong gusto ko nga siya o humahanga lang ako o nadala lang ako ng pangyayari sa paligid namin ganon."Mahabang paliwanag ko.

"Sabagay..mga bata pa tayo anu nga ba malay natin diyan no.?hahaha." Sagot niya na napaisip din sa sinabi ko.

"Matanong kita paano niyo nalaman ni kuya na gusto niyo talaga ang isa't isa?"Curios kong tanong.

"Hmmm..ewan pagnaramdaman mo kasing parang..ewan ko din..basta ang alam ko sa tuwing nakikita ko siya at kasama parang gumaganda ang lahat kahit pangit..hahaha..tapos para bang bigla akong nagkakaroon ng lakas harapin ang lahat kahit anu pa yan kaya ko yan makasama ko lang siya..hehehe.."Namumungay ang mata na sabi niya.

"Yung makita mo lang siya okay na.."Sabi niya pa.

"Kahit na hindi ikaw magpapasaya sa kanya makita mo lang siyang masaya okay na."

Hindi ko na narinig yung mga huli niya sinabi.

Pero dinedma ko na lang.

"Wow,mahal mo talaga si kuya no kaya butong buto ako sayo."Sabi ko pa sa kanya na puno puno ng pagsuporta sa kanila ni kuya.

"Salamat."Matipid na sagot niya nakita ko ang isang emosyong hindi ko maintindihan sa mga mata niya pero diko nalang din pinansin.

"Ahm,tara na antok na ako."Sabi niya sabay tayo sa pagkakaupo.

"Ahm,sige tara antok narin ako ..hihi."Sabi ko at tumayo na rin.

Habang papasok kami sa bahay biglang tumigil sa paglalakad si Almira.

Tumingin siya sa akin na para bang may gustong sabihin.

"Anu ba yon?"Tanong ko ng diko napigilan magtanong.

"Ahm,tungkol sa kanina..ahm,..di bali na nga."Sabi niya at pumasok at dumaretso sa kabilang kuwarto.

Hindi ko nalang pinansin naglibot nalang ako ng bahay upang ilock ang mga pinto at bintana nakita ko naman si kuya na nakahiga sa mesa at ginawang kumot ang jacket niya.

Ang kuya ko talaga mahina din tolerance sa mga physical activities akalain mo siya ang lalaki dito pero siya yung unang nakatulog.

Haizt.

Pumasok na din ako ng kuwarto at nakita ko tulog na din si tisay katabi ni Alex .

kumuha ako ng damit sa bag ko at pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan at pagkatapos ko magbihis lumabas na ako ng banyo.

Nagulat ako ng makita ko si Alex na nagtatakip ng unan sa tenga natawa ako sa dahil siguro sa lakas ng hilik ni tisay..hahaha..

May naiisip tuloy akong paraan para matulungan ko siya at masolo na rin siya..hehehe..

Kumuha ako ng mga kumot sa drawer niya at kulambo at siyempre pamapay.

Lumapit ako kay Alex tinapik siya .

Nagulat siya sa ginawa ko pero kumalma din matapos makitang ako ang may gawa noon.

"Bakit?."Iritadong tanong niya.

Napangiti ako nagdaramdam pasiguro siya sa paninira ko ng mood niya kanina..hahaha..

"Tara."Matipid na sagot ko at pinakita ang dala kong kumot tumingala ako nagpapahiwatig na aakyat kami.

At dahil nakuha niya siguro ang sign ko ngumiti at agad na tumayo.

At nauna nang naglakad palabas na kuwarto.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya napako ako saglit sa kinanalagyan ko.

"Anu na ?tara?."Sabi niya pa.

Haizt..nailing nalang ako napangiti at tahimik na sumunod sa kanya.

Mukhang kompleto na ang araw ko.😁

Nagulat ako kanina ng isa-isa silang bumalik sa lumang bahay parang mga gago.

Si tisay naman bumalik kasama ni kuya tinawagan daw siya ni Alex na hintayin sa bahay dito daw sila lahat magiistay.

Nagkatingin nalang kami ni kuya tama nga siguro siya dapat magtiwala lang ako.

Hindi naman siguro ako sasaktan ng mga taon pinagkakatiwalaan ko.