Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 17 - Hidden Paradise

Chapter 17 - Hidden Paradise

Alex's PoV

Matagal na din ako hindi nagpupunta sa taas ng bahay na ito nakalimutan ko nga siguro na may second floor ang bahay tsaka maliit pa ako ng sinara nila ang bahaging ito ng bahay di ko rin alam kung anu ang rason.

Hindi ko rin na matandaan ang mga ala-ala dito siguro masyado pa akong bata kaya ganoon wala akong matandaan tungkol dito.

Pero sa diko maintindihan na rason para bang ang sakit sa dibdib tingnan ang bawat sulok nito.

"Ahm,pasensya na ha..pinakialaman ko dito..nung wala ka kasi dito wala akong magawa tapos nakita ko itong bahagi ng bahay niyo kaya lininis ko na."Paliwanag ni Vanessa.

"Okay lang."Tipid kong sagot.

"Paano mo nga pala nalaman na may bahay dito?"Tanong ko kasi maliit pa ako parang tago na talaga ang bahay na ito parang sinadya ang pagsira nito sa hallway na nagdudugtong papunta sa lumang bahay namin at may pader dito pero parang nasira na ata.Tanging mga talahib na tumobo ang nandito na kanina pansin kong wala na.

"Ahm,. noong wala ka dito naglibot kasi ako dahil wala akong magawa ng makita ko ito na natatakpan ng mga talahib. Tapos nilinis ko na kasi parang okay pa naman sayang kasi kong mapapabayaan.Paliwanag niya pa.

"Nilinis mo ito ng ikaw lang mag-isa?"

Namangha ako sa tapang niya.Takot kaya akong magpunta dito kasi parang may laging nakatingin sakin na diko nakikita.

"Ahmm..Oo naman pero nung una natakot ako pero nasanay na din ako."Sabi niya.

Hindi ako sumagot tiningnan ko nalang ang paligid.Nakakatakot tlaga.

"Aaah."

Nagulat ako ng bilang may humawak sa kamay ko.

"Hahaha..psshh..sorry ako lang to..wag maingay tara ."Sabi ni Vans sabay dala sakin sa may hagdan.

"Saan tayo pupunta ?"bulong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot dinala niya ako sa taas at nagpunta sa pinaka roof top ng gusali.

Nagulat ako ng makita ang maliit na parang higaan sa gitna na parang kubo ang ng halaman at bulalak na naliliwanagan ng buwan ang ganda dito.

"Paanong-"

"Hahaha..nakita ko lang din yan nung pumunta ako di para maglinis..mukhang tinatago silang santuary dito."Sabi pa niya ng may ngiti sa labi at paghanga din sa paligid.

"Wow,.honesty ,first time ko nagpunta dito..wow,.ganda grabe."Sabi ko habang halos mapatalon sa tuwa nang libutin ang bawat sulok ng roof sa paligid ng kubo dahil mayroon itong mga halaman at bulaklak sa paligid.

"Talaga ni minsan di ka pa nakapunta dito sa taas?"Takang tanong niya.

"Oo maliit pa kasi ako ganito na ito sarado na ito ."Sabi ko pa ng tumigil ako kakatakbo.

"Oh bakit ang tahimik mo diyan halika "sabi ko kay Vanessa na nakatingin lang sakin.

Para bang ang lalim ng iniisip niya pero imbis bulabugin ko siya nagsaya nalang ako habang sumasayaw sa himig ng hangin dito sa taas.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko parang may bahagi ng buhay ko na ibinalik sa kin.

Nagulat si Vanessa ng hilahin ko siya at isayaw kahit walang tugtug.

Tumawa nalang din siya sa ginagawa ko.

"Saya natin ah..para kang nanalo sa lotto."Sabi niya nang naupo kami dito sa maliit na papag sa kubo.

"Hindi ko rin alam pero para bang..basta ang saya ko lang.."Sabi ko nalang.

"Haha...adik ka ba?"Pangaasar niya pa.

Pero diko siya pinansin minsan lang ako sumaya no.

Bigla kami tumahimik na dalawa at ng lumingon ako sa gawi niya nakatingala na siya sa langit.

"Ang ganda.."Sabi niya.

"Oo nga .."Sagot ko na siya na ang tinitingnan ko.

Sana laging ganito..

At tumingin nadin ako sa langit habang nakaunat ang aking mga paa at mga kamay ko lang ang sumusuporta sa aking katawan kagaya ng posisyon ni Vans.

Vanessa PoV

Tahimik lang kaming dalawa habang minamasdan ang paligid.

Tanaw ko ang mga bahay sa baba kalsada na ngayon ay tahimik na dahil na din siguro sa lalim ng gabi.

Anu kayang mga buhay din ang mga pinagdadaan ng mga tao sa mga bahay na yan?

May mga katulad ko din kaya na tinitis ang buhay ng mag.isa?

O hinaharap nila ang mga problema kasama ng mga pamilya nila?

Naisip ko tuloy ang mga kapatid ko kumusta na kaya sila?

Sana nasa maayos sila.

Bigla tuloy akong nalungkot.

Hindi kita anak!!

Muli ko na naman naalala ang sinabi ni mama sa kin.

Kong totoo man iyon sino naman kaya ang mga magulang ko?

Buhay pa kaya sila? Nasaan kaya sila ngayon kung gaanoon.

Haizt.

"Lalim ah.."Si alex .

Lumingon ako sa kanya.

"Wala may naalala lang ako."Sabi ko nalang.

"Tara tulog na tayo."Sabi ko sabay hikab.

"Okay."Sagot niya lang.

At Inayos na namin ang mga kumot at unan na dala namin hindi na namin ginamit ang kulambo kasi mainit daw sabi niya.

Habang nakahiga hindi ko mapigilang mag-isip sa sinabi ni Alex kanina.

Bakit parang itinago nila ang bahaging ito ng bahay?

Bigla akong kinabahan kanina pero hindi na ako nagsalita dahil nakita ko kung gaano siya kasaya habang sumasayaw.

Medyo nagulat ako ng isinayaw niya ako para kaming mga bata kanina habang sumasayaw ng walang tugtug at walang kaderderiksyon na sayaw.

Sobrang saya ngayon pero takot din ako.

Sa tuwing may masaya kasing nangyayari sa buhay ko may dumadating din na lungkot.

Nakakatakot isipin na magwawakas din ang lahat ng saya na nararamdaman ko ngayon.

Pero sa ngayon ay nanamnamin ko muna ang sayang dulot ng sandali.

"Vans,."Narinig kong bulong ni Alex.

Hindi ako sumagot inaantok na kasi talaga ako.

"Thank you." Dagdag niya pa.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko.

Napamulat ako at mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng malaman kong nasa ibabaw ko siya at sobrang lapit ng mukha niya sa kin.

Hindi muna ako nakagalaw hindi ko alam ang gagawin kaya agad kong pinikit ang mga mata ko at nagkunwaring panaginip lang ang lahat.

"Hmmm.."Kunwaring ungol ko para makombinsi siyang tulog ako.Pero ang tutoo mamabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Naramdaman kong bumalik na siya sa paghiga sa side niya.

Pinakiramdaman ko ang lahat pero feeling ko nadisappoint siya kasi parang dami niyang binubulong na hindi ko marinig at maintindihan.

Hindi ako gumulaw hanggang sa tumahimik na ang lahat at sa tingin ko tulog na siya.

Dadahan akong gumalaw at tumingin sa kanya.

Napangiti ako sa nangyari hindi ko mapigilang matuwa sa nangyari at bigla ding nalungkot.

"Hindi ito pwede"Bulong ko habang pinagmamasdan siya.

Diko napansin na tumulo na ang mga luha ko.

Pinunasan ko ito ng kamay ko tapos lumapit sa mukha niya at hinalikan ang noo niya.

"Sorry pero di tayo pwede."Bulong ko pa bago bumalik sa side ko at natulog na.