Alex's POV
Ang mga mata niya ay hindi mawala sa aking isipan ilang beses na akong pagulong-gulong dito sa aking kama.
Jade Arevalo.
Vanessa, ano ang nangyari sa iyo?
Dahil sa hindi ako makataulog ay napagdesisyunan ko nalang na lumabas upang magpahangin ang tahimik ng kapaligiran.
Wala na ngang katao-tao sa kalsada well, anu ba iniisip ko nasa loob ako ng isang akong eksklusibong subdivision at 1 am na. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at bumaba ng hagdan. Napansin ko na may isang babae na naglalakad papalapit sa akin.
'' Alexandra hija? Ikaw ba yan? '' Si mama lang pala nakahinga ako ng malalim.
''Opo, ma.'' Sagot ko.
'' Makaen ka? tabis naman ade.''
(Saan ka pupunta? Malalim na ang gabi.) Takang tanong ni Mama.
''Astro la ma. Bibisitahon ko la it bar.''
(Sa Astro lang ma. Bibisitahin ko lang ang bar)
Sa tagal ko na dito sa tacloban ay natuto na din ako magsalita ng Waray-waray na fluent iyon kasi ang mother tongue ng side ni mama.
''Kaya na ni Melissa iyon, isa pa magsasara na sila mag 2 am na, huwag kana pumunta ababalahin mo lang sila.''
''Hindi ma, wala naman akong balak abalahin sila. Bibisita lang talaga ako saglit.'' Sagot ko. Hindi ko naman talaga ababalahin; gusto ko lang tumambay malapit sa dagat.
''Hala sige, paghinay ikaw.''
''Kung ganoon, sige, ingat ka.' ''Sige ma, hindi naman ako magtatagal doon. Baka umuwi rin ako agad.'' Sagot ko. Hindi ko talaga balak mag-stay ng matagal; gusto ko lang tumambay saglit. ''Okay, basta mag-ingat ka. Tawagan mo kami pagdating mo rito.'' Sabi niya.
Lumabas na ako tinulangan ako ni mama na buksan ang gate at sinara niya rin ito pagkalabas ko ng sasakyan .
Tumango ito sa akin bago tuluyan niyang naisara ang gate na ginantihan ko rin ng pag tango.
Ganito lang relasyon namin since hindi pa naman din gaano ka tagal mula ng natanggap ko siya bilang aking tunay na ina. Pero kahit ganun, nararamdaman ko na ang pagmamahal niya sa akin. Kahit na hindi pa kami gaano katagal na magkasama bilang ina at anak, nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin.
''Oh , naligaw ka ata? '' Bungad sa akin ni Melissa nang madatnan niya ako sa may labas ng Bar ko. Hindi na ako pumasok kasi nagsasara na sila ng dumating ako, kaya tumambay muna ako saglit sa may labas at naupo sa may gilid. Nakita ko pa nga ang isang babaeng sobrang lasing at nahiga na ito sa tapat ng building sa kabilang kalsada yan yata iyong dating office nang isang cable network dati na ngayon ay bakante na.
"Good eve po ma'am, Alex. Uwi na po kami ma'am." Sabi ng isa sa mga empleyado matapos nilang ma-lock ang saradora ng Bar.
"Sige Cristel, ingat kayo."pagpaalam ko na lang sa lahat. Alam kong mahiyain ang iba kaya si Cristel ang nagsalita.
'' Bakit hindi ka pumasok? Tanong ni Melissa sa akin, na may halong pag-aalala sa kanyang boses.
''Hindi na. maabala pa kita.'' Sagot ko nalang.
''Wow. Para namang hindi ikaw may ari nito no? Natawa nalang ako sa sinabi niya.'' ''Hindi nga. Pero may mga bagay na mas importante kaysa sa trabaho,'' sabi ko habang tinitingnan ang lasing na tao sa kabilang building. ''Kailangan din natin ng pahinga at oras para sa sarili natin.''
''Wow ang lalim.'' Sabi niya ng hindi makapaniwala at natawa nalang kaming dalawa sa sinabi ko.
Sabay kaming napatingin sa kabilang kalsada; pareho kaming nagulat sa nakita.
''Hoy mga gago!! '' Sigaw ni Melissa sa tatlong batang humubad sa sapatos ng babaeng lasing at nakahandusay sa sahig . nagsitakbuhan ang mga bata dala ang pares ng sapatos na kanilang ninakaw.
" Huwag na. Baka ikaw pa mapahamak." hahabulin kasi sana niya ang mga ito.
Buti nalang at napigilan ko.
"Tumawag nalang tayo ng pulis-Sandali Melissa.-hay nako ang tigas ng ulo niya." Haizt kainis talaga itong babaeng ito!
Tumawid nalang din ako upang sundan siya.
"Melissa!" may pagdidiin na saway ko sa kanya ng simulan niyang buhatin ang babae mula sa sahig.
''Melissa anu ba ? Huwag na natin pakialaman yan, tumawag nalang tayo ng pulis..'' "Melissa, let's just leave it alone. Let's just call the police." I said, trying to reason with her as she continued to lift the woman from the floor.
''Wow, nagiingles kana. '' Nagawa pang magbiro ng gaga . Binigyan ko siya ng poker face '' Mas hindi ko kakayanin na baliwalain na may taong puideng mapahamak, kung pwede naman akong makatulong. Dadalhin lang natin siya sa mas safe na lugar tsaka matagal pa kapag tumawag tayo ng pulis gisingin nalang natin ang tao at tulungan umuwi.'' Paliwanag niya. Naiintindihan ko siya, pero diba dapat di nalang kami makialam?
'' Maybe you're right," I replied, still unsure. "But what if we get into trouble or make the situation worse? It might be better to just let the professionals handle it."
''Mukhang kilala mo ito hehehe.'' May pang aasar na tingin siya sa akin habang hinahawakan ang babae.
''Ano'ng ibig mong sabihin? '' Takang tanong ko hindi ko makita ang babae sapagkat nakaharang dito ang likod ni Melissa .
''Urgh , halika tulungan mo ako.'' Daing ni Melissa
''Oh my god.'' Sambit ko ng maaninag ang mukhang ng babae.
''Vans? '' Ungol lang ang sagot ng babaeng ito na sobrang lasing.
''Mabuti naman at nagigising na siya.'' Ani Melissa
''Ah, Mabigat po siya.'' Reklamo ni Melissa habang buhat si Vans.
''No. Put her back down and wait here; I'll take my car. Babalik ako bantayan mo siya. '' Tarantang sambit ko na sinunod naman niya. ''Sige, ingat ka.'' Sabi ni Melissa habang pinapababa ang babae. ''Huwag kang mag-alala, babalik ako agad.'' Pangako ko sa kanya bago umalis.
Patakbo akong tumuwid pabalik sa astrodome upang kuning ang sasakyan sa parking lot nito. Pagkarating ko doon agad ko itong pinaandar ang sasakay umikot palabas ng astrodome at tumawid kung saan naroron ang dalawa. Huminto ako sa tapat nila agad akong bumaba binuksan ang pinto sa backseat para doon siya pahigain. Tinulungan ko si Melissa sa pagbubuhat kay Vans papunta sa backseat ng sasakyan ko. Nang matapos ang pagtulong ko kay Melissa, sinara ko ang pinto ng sasakyan at nagpunta sa drivers seat .
'' Oh hindi ka sasama? Sumabay kana , Melissa.'' Pagaalok ko sa kanya.
''Huwag mo na ako isipin. May pupuntahan pa ako eh. Kaya mo naman siya diba? Huwag masyado magpagod may pasok kapa bukas sa klase. " Nakangising sambit pa niya bago tumakbo palayo.
" Baliw, anong akala mo manyak ako? "Nanggigil na sigaw sa kanya pero nasa kabilang kalsada na siya at mapanukso na nakangisi sa aking direksyon habang pumapara ng jeep na paparating agad siyang sumakay sa jeep at nakangisi pa rin ito sa kin sa loob ng jeep.
Gago talaga yon. Iniling ko nalang amg ulo ko bago tiningnan ang taong nasa backseat ko. .
"Now what should I do to you? ''
Mahimbing pa rin itong natutulog.
Bumuntong hininga ako bago pinaandar ang makina ng sasakyan.