Chapter 18 - Gone

*End Summer Year 2011*

Alex's PoV

"Shit." Sambit ko ng maalala ko ulit ang nangyari ng gabing iyon.

Naiinis ako sa tuwing nagpiplay sa isip ko ang mga memories namin ni Vanessa.

"Oh, bakit anung problema?" Tanong ng katabi ko.

"Wala, Dave may naalala lang ako." Tanging sagot ko.

"Pipila lang ako sandali babe para umorder ng makakain na tayo maupo lang muna kayo diyan." Sabi pa nito bago tuluyan ng magpunta sa may counter.

"Hoy, anung nangyari sayo kanina ba't parang layo ng iniisip mo?" Si Princess na kasama namin sa pagkain ngayon.

Magiisang taon na kami ni Dave hindi parin ako komportableng kasama siya ng walang chaperon.

Oo na hindi na ako bata pero hindi lang talaga ako sanay.

Kung hindi lang ako kinukulit nina Princess na magmove on na at maawa daw sa sarili ko. At anim na buwan din akong kinulit ni dave kaya naaawa na din daw sila.

Haizt.

"Huist.." Pagtawag ni Princess ulit sakin.

"Bakit ba?" Walang ganang tugon ko sa kanya habang nakatingin sa labas.

"Alam mo tigilan mo na.. pagod na iyon pagpahingahin mo na." Sabi pa niya. Alam ko kung anu ang tinutukoy niya pero diko talaga mapigilang isipin siya.

"Alam mo Lex, paano kaya kung may nangyari palang masama kay Vans kaya hanggang ngayon di natin siya makita." Si Princess.

"Naniniwala akong buhay siya at mayroon siyang malalim na rason kaya siya umalis." Sagot ko.

Oo bigla nalang nawala si Vanessa na parang bola sa buhay naming lahat.

More than two years na din ang nagdaan mula nang bigla siyang nawala matapos ang high school graduation namin.

Ni hindi manlang nagiwan ng sulat o kung anuman.

Biglaan na lang siyang naglaho tulad ng biglaan lang siyang dumating sa buhay ko.

Naiinis ako dahil hindi ko alam kung may nagawa ba ako o nagagalit ba siya sa aming lahat para ganon ganon nlang siyang umalis at mang iwan.

Hindi ko alam kung magagalit ako magiguilty, magaalala o kakalimutan nalang ang lahat kagaya ng gusto nilang gawin ang magmove on.

"Tingin mo wala talagang alam si Jorel?" Tanong ko ulit kay Princess nalaman ko kasi na magkapatid sila noong time kinausap si Princess tungkol sa tatay ko doon sa beach ng maabutan sila doon.

"Kilala ko si Jo di marunong magsingaling iyon.. katunayan pati siya hindi niya alam kung anu ang nangyari sa kapatid niya at hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Vans." Pagtatanggol pa ni Princess.

Natahimik kaming dalawa.

"Matagal na din pala kayo ni David no?..So,anu may nangyari na ba?"Pangbabasag ni Princess sa katahimikan.

Nagtaas ako ng kilay dahil di ko nakuha ang sinasabi niya.

Ngumiti siya ng nakakaloka at nagtaas baba ng kilay .

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa mga iniisip niya.

"What?! no!!..Yuck..Princess pinagsasabi mo?Kaderi ka!"Asar na bulyaw ko sa kanya.

Tawa lang siya ng tawa.

"Binibiro lang kita...seryoso mo kasi..dami mong iniisip."Pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Ewan ko sayo."Inis pang hirit ko.

"Anyways,mageenroll ka ba talaga sa university namin?"Pag-iiba niya ng topic.

"Oo. sasabay pala ako sa inyo ni Almira sa lunes samahan niyo ako sa Caad para maginquire at makapagenroll na din."Sagot ko.

"Caad ? di ba dapat sa Cobe ka ? Don't tell me magsishift ka ulit?"Gulat na tanong ni Princess.

"Bakit ba?Eh,sa hindi pala yun ang gusto ko nakakabagot walang pumapasok sa utak ko."Reklamo ko pa.

"Yan din ang sinabi mo nung nag.enroll ka ng Entrep..Tas nung nasecond sem lumipat ka sa Bsba kasi maganda mas exciting ang mga prof."Walang ganang pagbabalik tanaw ni Princess.

"Accounting ang kinuha ko sa saint paul hin Bsba.."pagtatanggol ko pa sa king sarili.

"Puchang ina Alex..pangatlong School mo na ang school namin sa loob lang ng dalawang taon anu bang gusto mong gawin sa buhay mo ?!Magtithird year college na kami nina Almira pag ikaw nasa first year parin pagnakagraduate kami di na kita papansinin talaga."Panghahamon ni Princess.

Tawa ako ng tawa sa pinagsasabi ni Princess.

Alam ko naman di niya kaya yun dahil sa dami ng nangyari sa mahigit dalawang taon na dumaan di niya ako iniwan siya lage na sa tabi ko.

Ang totoo niyan iniinis ko lang ang tatay ko kaya lagi akong nagsishift.

Pero sa mga narinig ko ngayon kay Princess mukhang tama siya napagiiwanan na nila ako.

Sarili ko lang din ako pahihirapan ko sa gingawa ko.

"Alam mo tama ka..kaya I promise na ito na ang huli at napipfeel ko na may pagood luck sa kin ang university niyo

kaya kukunin ko talaga ang pangarap kong Course."Seryosong litanya ko.

"At anu naman iyon?"May pagdududang tanong niya.

"Arki."Tanging sagot ko.

Natahimik siya.Bata palang alam na niyang pangarap kong maging arkitekto o di kaya enhenyero.

"Okay."Tanging sagot niya.

"At talagang kailangan mo nang magseryoso dahil hindi basta basta ang reputasyon ng school namin sa engineering at archetecture ayokong ikaw pa ang sumira sa reputasyon ng school namin."Seryoso niya pang banta.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya nababalitaan ko ang reputasyosn ng Uni nila pero diko naman akalain na seryoso talaga iyon .

Kinabahan tuloy ako.

"Uy,ang seryoso niyo ata anu meron?"Tanong ni Dave na bitbit na ang tray ng mga Order namin.

"Wala naguusap lang tungkol sa future."Si Princess.

"Ah,ganoon ba."Sabi niya lang at naupo na sa tabi ko.

"Ba't pala ang tagal mo ?Konti lang naman ang nakapila."May pagdududang tanong ko.

"Bakit miss mo ako?"Mapangsar na tanong niyang balik sa kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Chill.."Sabi niya na nakataas ang dalawang kamay senyales ng pagsuko.

"Kilala ko kasi iyong Cashier medyo nagkamustahan lang total wala namang ibang nakapila sa linya ko.

"Ganoon..okay sige."Matipid kong sagot at nagsimula ng kumain ng fries.

Maya-maya ay pasimple akong tumingin sa counter area.

Nanigas ang buo kong katawan ng maaninag ko ang mukha ng Cashier sa may gilid.

"Babe?Okay kalang?"Tanong ni Dave habang winawagayway ang kanyang kamay sa mukaha ko.

Tumingin ako sa gawi niya.

Unti-unti akong huminga na tila nakalimutan ko ata kanina.

Tumingin uli ako sa counter area pero laking gulat ko ng ibang mukha na ang nakikita ko.

"Babe..?"Nagaalala ng tanog ni Dave.

"E-excuse m-me."Tanging sagot ko at agad na nagpuntang restroom.

Pagkapasok ng restroom ay nilock ko ang pinto at doon ay diko na napigilang ang luha kanina pa gusto kumawala.

Tang ina Vans anu ba kasing ginagawa mo sakin ?

Ba't dika mawala sa isip ko.

Nasaan kana ba kasi ?

Anu bang nagyari?

Pumikit ako at muli kong narinig mga boses sa isip ko.

"..gusto kita."Madamdamin kong pagtatapat kahit na alam kong hindi niya maririnig.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Huwag kang umalis."Sambit niya ng nakapikit ang mata.

Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo sa tabi niya dito sa kama.

Tahimik lang kaming dalawa.

"Pwede bang wag na muna nating pagusapan yan..sulitin na muna natin tong sandali.."Hindi ako sumagot.

"Ga-graduate na tayo bukas ."Sabi niya pa.

Nakinig lang ako.

"Promise bukas sasagutin ko ang mga tanong mo..ngayon gusto ko sana eenjoy na muna natin ito."

kinabahan ako sa mga sinabi niya.

Ganon niya ba ako ka hindi gusto para bigla nalang siyang nawala na parang bola matapos ang graduation namin.

Kahit anino niya hindi na namin nakita matapos ang graduation.