Princess
"Hello"Sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Traydor ka, ba't naglihim ka sakin?"Sigaw ni Princess sa kausap niya sa kabilang linya.
"Alam mo na pala."Bakas sa boses ng lalaki ang lungkot.
"Gago , parang nalugi ka ah? kaw pagnalaman kong niloloko mo kapatid ko humanda ka sa kin."Pagbabanta ni Princess.
Tumawa ang lalaking kausap niya sa phone at parang may kumurot sa puso ni Princess.
"Uy,anong nakakatawa?"Pinilit ni Princess maging normal ang boses.
"Bakit ? bawal na rin ba tumawa ngayon?"Pabirong sagot ng lalaki.
"Lang ya ka , may atraso ka pa sakin gago ka sakin ka nagpaturo manligaw tas kapatid ko pala liligawan mo.Kapal din ng mukha mo pag talaga niloko mo kapatid ko bubugin kita kahit saan ka pa magtago hahanapin kita!!"Inis na sabi ni Princess sa kausap.
Hindi sumagot ang lalaki.
"Oh natahimik ka diyan?"Tanong ni princess sa kausap.
"Hoy,jorel."Tawag pa niya sa lalaki.
"Hindi ko naman alam na kapatid mo si Almira ngayon ko lang din nalaman ng nakita ko ang photos niyo sa phone niya."Mahabang paliwanag ni Jorel.
"Haizt..sige na move on na tayo..teka sandali kapatid ko ba yong babaeng palagi mo kinukwento sakin? Yung lage mong binibigyan ng sulat at tula? lang ya ka ako pa gumawa ng iba doon."Curious na tanong ni Princess kay Jorel.
"Oo siya yon."Tipid na sagot ni Jorel.
"Grabe pala tama mo sa kapatid ko." Si Princess.
"Oo." Sagot ni Jorel.
"Oh, ba't malungkot ka?"Si Princess.
"Masaya naman ako ah."Pilit na sabi ni Jorel.
"Alam mo kaya tagal mo nagkagirlfriend kasi ganyan ka..dami mong arte.."Pangaasar ni Princess kay Jorel.
"Alam mo kaw kung magsalita ka parang di mo ako crush."Ganting kantiyaw ni Jorel.
"Alam mo nagaguwapuhan naman ako sayo no ? kaya lang alam mo na aral muna bago landi."Nangiinis na sabi ni Princess.
Si Princess at Jorel ay nagkakilala ng third year palang si Princess at fourth year si Jorel.
Nagkakilala sila ng March 2008 nang tumambay si princess sa may gym ng school upang magpahinga at siyempre pagtaguan ang makulit niyang kapatid na si Almira gusto nitong samahan niya ito sa room ng Crush nito sa 4A.
Walang panahon si Princess sa mga ganyan kasi mas gusto niya mag-aral matapos kasi ang ginawa niyang eskandalo last year sa school nila dati ay takot na siya na madisappoint ulit ang mga magulang nila at buti nalang tinanggap siya sa school na ito.
At habang nagpapahinga ay nakarinig siya ng tunog ng gitara at isang lalaking kumakanta.
Hinanap ito ng mga mata niya at nakita niya ang isang lalaki na kumakanta sa gilid na bahagi ng gym sa may ibaba.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at tumayo sa tabi ng lalaking kumakanta nang nakapikit.
I don't think that you even realize
The joy you make me feel when i'm inside your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can always thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one
I'll always be the lucky one
Jorel
Nang matapos kumanta ni Jorel ay iminulat nito ang mga mata at nasilayan ang isang anghel na nakangiti sa harapan niya.
Bigla itong pumalakpak na parang tuwang-tuwa na para bang batang binigyan ng candy.
At doon naramdaman ni Jorel ang pagtigil ng kanyang mundo habang nagsasalita ito sa harapan niya.
Parang nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya .
Hindi maipaliwanag ni Jorel ang nararamdaman sa mga oras na ito.
Princess
"Hoy!"Sigaw ni Princess sa Lalaking kumakanta kanina na ngayon ay parang nawala sa sarili.
"Ah..ano y-yon?"Sagot ng lalaki sa kanya parang nahihiya ang laki sa itsura nito.
"Sabi ko ang galing mo..singer ka ba?"Si Princess.
"Ah.eh ..h-hindi kumakanta lang ako pagwalang tao."Sabi nito na di makatingin sa mata niya.
Natuwa si Princess sa lalaki ang cute lang tingnan ng lalaki parang lampa at takot sa babae.😁
"Para sa girlfriend mo yon no?"Pabirong tanong ni Princess.
"Wala akong girlfriend."Sabi nito at biglang tumayo tas nagmamadaling umalis.
"Natakot yata."bulong ni princess sa sarili.
"Teka sandali.."Tawag ni Princess dito.
Huminto ito at lumingon sa kanya.Lumapit si Princess dito.
"B-bakit?"Di ito makatingin sa kanya.
"Takot kaba sakin?Di naman ako nangangagat ah."Pagbibiro ulit ni Princess.
Hindi ito kumibo yumuko ulit ito.
"S-sorry may k-klase pa kasi ako eh."kamot sa ulo na sagot nito.
"Ganon ba? Sayang naman."Dismayadong sabi ni Princess.
"S-sige alis na ako."Pagpapaalam ni Jorel.
"Okay."Si princess.
Kinabukasan habang papasok si Princess sa Chemistry nila ay nahagip ng paningin niya si Jorel para itong nagtatago sa pader ng room nila kaya nilapitan niya ito.
Natawa siya ng makita niya nagmamadali itong lumayo sa kanya.
"Sino yon?"Tanong ni Gleen na nasa tabi na pala niya.
"Ah,wala lika na.' Si Princess na nagkibit balikat nalang.
At natapos na ang klase ng school year 2007-2008 grumaduate na si Jorel.
April 2008
Nagkitang muli si Jorel at Princess sa Jollibee.
Sa araw na yon sumama si Princess sa mama niya na magpacheck-up dahil sa laging pagsakit ng ulo nito.
Dahil malayo ang biyahe papunta sa kanila ay nagdecide na silang doon nalang kumain paborito kasi ni princess ang spaghetti doon.
Pagkapasok nila sa establishment ay nakita ni Princess si Jorel na nakapila sa may counter kaya sinabi nalang din ni Princess sa mama niya na siya nalang ang oorder at maupo nalang ito.
"Psst" Pagtawag nang pansin ni Princess kay Jorel.
Tumingin ito sa kanya bakas ang pagtataka.
"Ouch..di mo nako matandaan ? Dali mo makalimut sa ganda kong ito?."Nakahawak sa dibdib na sambit ni Princess na kunwari ay nasasaktan.
Pero di parin siya nito kinausap tiningnan lang siya na parang di siya matandaan.
"Gym?..Ako yung Audience mo habang kumakanta ka.?"Pagpapaalala niya dito.
Tumigil ng paghinga si Princess ng hindi ito kumibo.
"Natatandaan ko." Sabi nito na agad binaling ulit ang tingin sa unahan.
Ngumita ng pilit si Princess sa sagot nito.
Nainis siya kasi nagmukha siyang tanga sa ginawa nito.
"Kainis kala mo naman guwapo."Bulong ni Princess at hindi na siya nagsalita muli hanggang sa nakabalik siya sa table nila.
Maya-maya pa ay bumaba si Princess upang umihi.
Pagkalabas niya ng comfort room ay nagulat siya ng nasa labas si Jorel.
Hindi niya ito pinansin at aakyat na sana ng parang may humawak sa damit niya kaya lumingon siya.
"S-sorry kanina akala mo kasi..este akala ko..ano kasi.."
"pssssstt..!"Pagpatigil ni Princess kay Jorel.
"Sorry."Si Jorel.
"Ano ka ba okay lang kung ano man iyon."Natatawang sabi ni Princess.
"Sorry talaga..i just ddn't expect na magkikita tayo dito."Si Jorel na kumalma na.
"Uy,english mayaman."Pagbibiro ni Princess .
"Sorry."Sabi ulit ni Jorel.
"Parang tanga sorry ng sorry."Pang aasar ni Princess.
"Sorry."Sabi ulit ni Jorel.
At nagtawanan sila.
Simula noon ay naging magkaibigan si Princess at Jorel.Lage silang nagkikita sa Rizal Park tuwing nagsisimba sa sto. niño church.At lage rin nagpapaturo si Princess kay Jorel maggitara at si Jorel na man ay laging nagpapagawa ng tula sa kanya.
Princess PoV
Nakasanayan ko nang binibiro si Jorel na Crush ko siya kasi ang cute pagnabablush pero kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya
that was until the day na sinabi niya sakin nagpoprose siya sa babaeng kinababaliwan niya habang dinedemo niya sakin ang plano niyang gawin sa araw na iyon.
Nasanay na kasi ako na kasama ko siya lage.At pag nagirlfriend siya siguradong di na niya ako mapapansin.
Ba't ganon? parang iba iyong feeling ng pinaguusapan palang namin na magkakagirlfriend siya kaysa sa totoo na talaga.
Ako pa nga ang kasama niya ng nagpunta kami sa stock room nila para maghanap ng Christmas lights pero di ko na siya natulungan sa pagset-up noon kasi may klase pa ako.
Tapos noong nakita namin siyang kausap si Vanessa sa damuhan tas nakita ko ang reaksyon niya nang pinakilala siya ni Vanessa kay Alex akala ko si Alex ang sinasabi ni Jorel na kaibigan ni Vanessa .
At ng sinundan namin sila ng hapon na iyon ay kinabahan ako sa nakita ko.
Pero gumaan ang loob ko ng makita na si Vanessa ang nakita namin na nagpropose.
Pero kagabi ng sinabi ni Vanessa ang totoo sobrang nasaktan ako lalo na at naglihim si Almira sa kin at Jorel.
Tapos sinabi pa ni Almira sakin na si Vanessa at siya ay may relasyon.
Kaya andito ako ngayon sa kuwarto ni Almira upang komprontahin siya.
"Oh,bakit ate?"takang tanong ni Almira.
"Ewan ko sayo ang daya mo."May pagtatampong sabi ko sa kanya may halong biro ganyan kami kung makipagusap ayaw ko kasi ng masyadong madrama.
"Sorry ate naglihim ako sayo."Sabi sakin ni Almira na nagsmile ng abot tenga.
Ganito talaga kami dito sa bahay magaan magusap yan kasi turo ni Mama samin.
Puide naman daw magusap ng maayos bakit maghihistirical pa.
Huwag madaming arte pahihirapan mo lang daw buhay mo.😁
Astig lang talaga ni mama.😁😁
Hindi na ako sumagot at nagsmile nalang din at naupo sa kama katabi niya.
Si Vanessa sarap ng tulog iniwanan ko kasi sila kagabi kaya di ako dito natulog kasi tumawag ako kay Jorel.
Hinawakan ko ang kamay niya at humarap sa kanya.
Wala akong hindi kayang ibigay sa bunso namin mahal ko ito eh.
"Ano kaba ? di mo na man kailangan maglihim sakin diba nga sabi ni mama walang lihiman dahil yan ang magbibigay sa tin ng pader to reach out with each other?"Pagpapaalala ko sa kanya at upang siguruhin din sa kanya na okay lang masaktan ako basta hindi lang maglihim sakin.
"Sorry ate."Sabi niya at ipanatong ang ulo niya sa balikat ko.
Ganon ang posisyon namin ni Almira ng ilang minuto bago siya nagsalita muli.
"Kinuwento sakin ni Jorel ang nanyari sa inyo ng summer ng makita niya ang picture mo sa phone ko kaya natakot ako ate."Paliwanag ni Almira sa nangyari.
"hssss...tama na yan move on na tayo"hinalikan ko siya sa buhok at sinabing.
"What happen last summer stays in that time."
"And i'm happy for you and Jorel."Sabi ko pa.
"Thank you ate."bulong niya.