Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 8 - Safe haven

Chapter 8 - Safe haven

Vans PoV

Kinabuksan ay umuwi ako sa bahay namin upang maligo at magbihis maaga ding umalis si Alex hinahanap na daw siya ng lola niya.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang kapatid ko na paalis na din ng bahay upang pumasok sa eskwela.

"Ate buti po dumating na kayo hihingi po sana ako nang pera pambili po ng project namin sa school."si Jeremy.

"Kumain na ba kayo? Sina mama?" Sunod-sunod na tanong ko nang mapansing wala ang mga magulang ko.

"Umalis kasama nina tita Josefina galit na galit kasi tinakasan mo daw siya kagab-i sumama ka daw sa kaibigan mo at naglakwatsa. At kumain na po kami ate may dala pong pagkain sina tita."kuwento ng nakakabata kong kapatid .

"Ganoon ba mabuti naman at kumain na kayo. Si Marcos asan? Tanong ko.

"Sinama po nila mama." Si Jeremy.

"Bakit daw? "Takang tanong ko.

"Diko po alam ate. " tanging naisagot niya.

"Oh siya sige hito ang baon mo at pambili mo ng project mo pumasok kana baka malate kapa." Pagkabigay ko ng pera ay agad na itong umalis matapos magpasalamat.

Bigla akong kinabahan sa kong ano ang balak nila gawin sa kapatid ko.

Naghanda na ako ng damit na susuotin ko maghahanap ako ng trabaho ngayon dahil paano ako magaaral at mga kapatid ko kung wala akong trabaho.

Pupunta na sana ako ng banyo ng humarang sa pinto ng kuwarto ang demonyo kong kapatid.

Nanlilisik ang mga mata nito at bakas ang pagnanasa.

Nagsitayuan ang balihibo ko sa leeg sabay ng panghihina ng mga tuhod ko hindi ko gusto kung anu man ang binabalak niya.

Ngumisi ito at lumapit sakin hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hinawakan niya ang baba ko at pinisil ang pisngi ko at tinulak niya ako sa papag at ng bumagsak ako ay gumapang siya sa ibabaw ko at nagumpisa nang paghahalikan ang leeg at balikat ko na para bang kakainin niya ako ng buhay sumigaw ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.

Walang tigil ang pagtulo ng luha ko sa bawat paghawak niya sa katawan ko kasabay into ang unti-unting pagkaupos ng pagkatao ko.

Nandederi ako sa ginagawa niya sakin sa bawat segundong nadarama ko ang nakakasuka niyang laway ay para na rin akong namamatay.

Puwersahan niya sinira ang botones ng polo ko at unti-unting binaba ang pantalon ko.

Dalawang beses

Dalawang beses niya ako sinuntok ng nagmapumiglas ako sa pagkakadagan niya sakin.

Masakit ang panga at sikmura ko sa pagkakasuntok niya sakin.

Ayoko na

Hindi ko na kaya ito

Nanghihina na ang katawan ko

Pumikit ako at hinayaang babuyin ng demonyong nasa ibabaw ko.

Ngunit pagpikit ko ay nakita ko ang ngiti ng tao na nagpadama sakin na puide akong maging masaya at mabuhay ng hindi iniisip ang sinasabi ng tao sakin.

Ang taong nagpakita sa kin na hindi kasalanan ang lumaban para sa sarili mo.

Hindi masamang piliin ang sarili at maging masaya.

Iminulat ko ang aking mga mata inipon ko ang natitira kong lakas upang itulak siya palayo sakin.

"Anong-"pagprotesta niya ng matulak ko siya at nahulog sa sahig at ng tumayo siya at lumapit sakin tinadyakan ko ang ari niya namilipit siya sa sakit at napaupo sa sahig.

Agad akong tumayo at lumayio sa kanya lumingon sa kanya

Natuwa ako sa nakikita ko tumingin ako sa paligid at nakita ko ang silya sa gilid .

Kinuha ko ang silya at pinaghahampas ko siya nito

Ang sarap sa pakiramdam na nakikitang naghihirap ang taong dahilan ng pagkasira ng buhay mo.

Patuloy lang ang paghampas ko kahit dumudugo na ang ulo niya at nanghihina

Kulang pa yan sa ilang taong pangbababoy niya sakin

"Hindi mo na ako muling mabababoy hayop ka!! Sigaw ko habang patuloy lang ako sa pagkastigo sa kanya.

"Anong nangyayari dito?! Sigaw ni mama ng madatnan kami sa ganoon sitwasyon.

"Anon ginagawa mo boysit kang bata ka wala kang utang na loob wala kanang ginawa kundi magdala ng problema! "Sigaw ni mama sa kin

Huminto ako at tumingin sa kanya

"Binababoy ako ng taong yan ma!! "Ganting sigaw ko dahil sa poot na nararamdaman ko.

"Anong pinagsasabi mo? "Buong pagtataka niyang tanong sakin.

"Pinagsasamantalahan niya ako Ma-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ba't gan'on anong nangyayari?

Pak

Pak

Pak

"Ang kapal ng mukha mong pagbintangan ang anak ko ng ganyan!! "Sigaw niya pagkatapos akong sampalin.

"Pero anak niyo rin ako ma-"

"Hindi kita anak !! Kaya lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din.!! "

Pagkasabi noon ni mama ay para bang gumuho ang mundo ko .

Hindi ko alam kong anong iisipin ko

Nanghihina ako

pabalik-balik sa utak ko ang sinabi niya

Hindi kita anak

Hindi kita anak

Hindi kita anak

Nageecho saking isipan ang panunukso sakin ng mga pinsan ko ng bata pa ako na ampon lang ako

Hindi ako naniniwala

Hindi ako naniniwala

Hindi..

Hindi ko namalayan ang pagkaladkad niya sakin palabas ng bahay na kailanman ay hindi ko naging tahanan .

"Ayan dalhin mo ang mga gamit mo ayokong nakikita yan dito basura ka!!Sigaw pa ng kinilala kong ina ng labing anim na taon.

Kinuha ko ang bag ko at mga damit at walang lingong umalis sa lugar na yon

Pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay pero hindi ko ito pinansin patuloy akong naglakad

ng naglakad hanggang makarating ako sa lumang bahay.

Pagkapasok ko sa lumang bahay ay naupo ako sa gilid ng pinto at yinakap ang tuhod ko.

Iyak lang ako ng iyak hindi gaya dati na pag nagagalit ako ay nagwawala ako ngayon wala akong magawa kundi umiyak.

"Huist, anong ginagawa mo diyan? iiyak-iyak ka diyan iwanan mo yan kong masakit na." Tumingala ako at nakita ang ngiting nagbigay sakin ng lakas.

Nakaupo siya sa harapan ko habang nakangiti at nawawala ang mata.

Hindi ko alam kong ano sumanib sakin at bigla ko siyang niyakap.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko dahil medyo nanginig ang katawan niya.

Ang bango niya para siyang baby sa scent niya parang amoy mayaman

Naramdaman kong niyakap niya din ako habang hinahagod ng kamay niya ang likod ko.

Kailan man hindi ko inakalang magugustuhan ko ang paghaplos ng tao sakin nang hindi ako natatakot na may mangyayaring masama sakin.

Pagiging malaya at ligtas ang naramdaman ko ng hinahagod niya ang likod ko na para bang nagsasabing maayos na ang lahat at wala ng mananakit sakin

Ilang minuto kaming nasa ganoon posisyon ang sarap sa pakiramdam para bang kaya kong harapin lahat sa tuwing nasa tabi

ko siya.

Alex's PoV

Nagulat ako ng niyakap niya ako pinaka ayaw ko sa lahat ay ang taong clingy ayaw ko ng niyayakap ako kahit hawak sa kamay ayaw ko.

Pero hito ako ngayon kayakap ang isang taong kailan ko lang nakasama at di ko pa lubusang kilala

Isang tao lang ang nakakagawa sakin nito pero wala na siya.

Yakap

Ang pakiramdam ng may yumayakap

Ang huling yakap na natanggap ko ay ang yakap ni nanay bago siya bawian ng buhay.

Natatandaan ko pa ang sandaling iyon .

Pinatawag niya ako sa kuwarto niya.

Flashback

"Anak halika dito lumapit ka sakin. "Mahinang pagtawag niya sakin.

"Ano po iyon nay ?may nararamdaman po kayo? tatawagin ko po si doc."Sunod-sunod na tanong ko.

"Huwag na may sasabihin ako sayo. "Sabi niya.

"Ano po yon nay may iuutos po kayo? "Tanong ko ulit.

Tumulo ang luha niya at niyakap ako nang mahigpit

"Gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari anak kita at mahal na mahal kita."Naluluhang sambit niya at hinawak ang dalawang pisngi ko.

"Kung ano man ang mga nangyari sa min ng tatay mo ay huwag kang magagalit sa kanya anak. "Aniya na parang nagbibilin.

"Pero nay iniwan niya tayo at pinagpalit niya tayo sa bruhang babaeng iyon."

Inis kong sagot sa kanya kailanman diko matatanggap ang babaeng iyon.

"Anak makinig ka sakin "pilit niya akong pinatingin sa kanyang mata.

"Ayoko nay. "Ayokong marinig sasabihin niya dahil ayoko tanggapin at kailanman ay hindi mangyayari iyon.

"Siya ang iyong ina alam mo iyan."pagpapaalala na naman niya sakin.

"Hindi Nay!! Ikaw ang nanay ko!! Pasigaw kong sagot.

Niyakap niya ako ng mahigpit sobrang higpit na para bang diko na ulit mararanasan ang yakap niya.

"Patawarin mo ako anak kong nilayo kita sa tunay mong ina noong Una gusto ko lang gumanti sa ginawa nilang pagtataksil sakin pero ng lumalaki ka na sa piling ko sobrang napamahal ka sakin at itinuring na tunay na anak."Pagsasalaysay ulit ni nanay sa tunay na nangyari.

"Ikaw lang ang nanay ko.. I don't have any relationship with that bitch and I don't wanna get involve to anything relating to that bitch she ruin our family!"Sigaw ko ulit.

Yun kasi ang pinaniwalaan at kinalakihan ko ang kamuhian ang babaeng iyon kaya kailanman diko ito matatanggap at sa totoo lang hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

Umalis ako sa pagkakayakap niya sa akin at lumabas ng kuwarto niya at ng palabas ng ako ng hospital ay siya naman pagkakagulo ng mga doctor at nurse.

"Doc. Si Mrs. Villarreal!! Sabi ng isang nurse sa isang may edad na doctor.

Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buong katawan ko

Sinundan ko ang kumosyong nangyayari papunta sa kuwarto ng Nanay ko

At sa sandaling iyon ay parang unti-unti akong pinapatay habang maraming apparatus ang ginagamit nila para lang mabuhay ang Nanay ko.

Hanggang sa tinawag nila ang Tatay ko at mga nakatatandang kapatid.

"Ikanalulungkot namin Vice Mayor pero ginawa na namin lahat pero katawan niya na ang sumuko.."Pahayag ng doctor.

Gumuho ang mundo ko ng marinig ang mga katagang iyon.

End of flashback

"Awkward na.. "Pagbibiro ko at dahan dahan umalis sa pagkakayakap niya at pasimple kong inalis ang luha sa mata ko para di niya mapansin ang nararamdaman kong lungkot ngayon.

"Sorry ."paghingi niya ng paumanhin.

"Okay lang alam ko naman na crush mo'ko sumisimple ka lang. "Pangiinis ko sa kanya.

"Tumigil ka nga puro ka kalukuhan! Pero lika isa pa nga!! Ganti niya at akmang yayakipin na niya ako ulit pero umiwas ako at linabas ang dila ko at tumakbo palayo.

"Sige na.. Halika na. "Pagngungulit niya.

Takbo lang ako ng takbo

Ang saya lang nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Van's PoV

Para kaming mga batang naghahabulan sa loob ng lumang bahay na ito.

Hindi ko alam kong paano niya ginagawa yon

Na kahit ano pa pinagdadaanan ko ay gumagaan basta kasama ko siya

Haist

Di ko akalain na aabot kami sa ganito naalala ko pa noong hinila niya ako palayo kay Almira nang isuli ko ang jacket niya hindi ko rin naintindihan pinagsasabi niya eh lalo pang gumulo isip ko sa kabaliwan niya pati ako nabaliw.

FLASHBACK

''Saan mo ba ako dadalhin ha may binabalak na naman ba kayong kalokuhan ng pinsan mo sakin ha?!!'Sigaw ko sa kanya habang pilit na hinihila ang kamayko sa pagkakahawak niya.

''I'm trying t-''

''Ano ha?tama ako tsaka bitiwan mo nga ako -''

''Will you please shut up and let me finish what I was trying to say to you.I am so fed up with you and your girlfriend .''

''I don't even know why I'm doing this I'm trying to explain myself to you but That girlfriend of yours is always annoyingly blocking my way to you or even doesn't even let me talk to you.''

''I have nothing to do with what Jasper is doing to you I can't do that I am not able to. I dunno What you did to me but I just can't do that. If there is one thing I wanted to do with you...is I always wanted to be close to you but you're always with that ugly girlfriend of yours I don' t even know what she have in her that you can't even notice me. I'm so damn tired of this feeing being ignored.No one has ever made me feel this way its so, annoying its like I'm on your spell..SHIT,why did I say that.?!''

''HUH?'Sagot ko nlang dahil wala akong naiintindihan para siyang nagrarap habang sinasabi niya ang mga yun.

''I like you stupid!!'' Sigaw na naman niya.

Pero nanlaki ang mata ko sa sinabi niya anu daw?!

Tapos bigla rin nanlaki ang mata niya narealize na niya siguro ang pinagsasabi niya

''..as a friend..I like you as a friend..''Sinabunutan niya ang sarili niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Habang ako sobrang naguguluhan sa mga pinaggagawa at sinabi niya ngayon.

''Nababaliw kana ba?hindi rin kita type no, ganda ka?tsaka anung girlfriend anung akala mo sakin tomboy?baliw ka ba?''Sambit ko dahil sa inis ko hindi ko siya maintindihan nakakainis siya hindi ko rin alam ba't ako naiinis nahahawa na yata ako sa kabaliwan niya.

Nagsasalita parin siya pero sa tingin ko kinakausap niya na sarili niya.

Ang gulo niya pucha.

''Kung wala karin naman palang sasabihing matino aalis na ako may klase pa tayo kung ayaw mong pumasok bahala ka.''

Hindi ko alam saan ako na nadisappoint sa sinabi niya diko maintindihan pero ayoko ng sinabi niya.

May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig pa.

End of flashback

Yun ang huli naming paguusap hanggang sa nagkita nga kami nung gabi ng fiesta.

Pero kung sakali man hinggil pinagsasabi niyang kabaliwansasa araw na iyon anu naman kaya ang isasagot ko? kung hindi niya binawi yun.

Mas okay na rin yun.

Sa ngayon masaya akong mayroon akong nakikilalang katulad niya na puide kung kapitan bilang kaibigan.

Tama nga siguro siya kailangan nga siguro namin nang kaibigan.