Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 9 - The brother

Chapter 9 - The brother

Vans PoV

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos akong palayasin ng kinilala kong ina sa bahay na iyon.

Ilang linggo na rin akong nandito sa lumang bahay tuloy pa rin ang pagaaral ko sa tulong ni kuya Jorel hinati niya ang allowance niya sa buwang ito na bigay sa kanya ng daddy niya (o ang abogadong nagampon sa kanya) sa aming dalawa.At siyempre ginamit ko na rin ang ipon ko na dapat pangrenta ko ng boarding house na dati kong plano noon ng hindi pa nangyari ang insidente sa bahay na iyon.

Ayaw rin kasi ni Alex na magbayad ako ng renta sa bahay ayos na daw sa kanya na may nagbabantay ng bahay.

Madalas din siyang nasistay dito hanggang ngayon wala parin akong masyadong alam tungkol sa buhay niya ang alam ko lang ulila na siya at nakatira sa lola niya.

"Vans halika na malilate na tayo!!Sigaw ni Alex na nasa labas na.Dito kasi siya nagstay kagabi.

"Andiyan na!!"Sagot ko at agad kinuha ang bag ko at lumabas na habang nagsusuklay sa basa kong buhok.

"Tagal mo."Inis sabi niya pagkalabas ko.

"Bakit ang sama yata gising natin?."Sabi ko sabay pabiro kong binangga ng balikat ko ang balikat niya.

Hindi siya sumagot at naglakad papunta sa gate at lumabas.

Sumunod ako at pagkalabas ko sinara at nilock ko ang gate..oo may gate dito sa likod kasi ako dumaan don sa may harap ng dagat tabi kasi ng dagat ang bahay na ito.

Di yata maganda gising nito.

Hinayaan ko lang hanggang makasakay kami ng pedicab.

Tahamik lang ako sa tabi niya parang ang lalim ng iniisip niya.

Ano kaya problema nito kagabi lang ganda ng kwentuhan namin

ang saya lang namin.

Tapos ngayon parang ayaw akong kausap.

Haizt ang moody talaga ng babaeng ito kong minsan.

Alex's PoV

Hindi ko na gusto ang nangyayari sakin mula ng makilala ko siya ang daming ng nangyayaring kakaiba sa kin.

Pero iyong kagabi kailanman diko maiisip na magagawa ko iyon.

Haizt

Hindi ito pwede ayoko ng ganito diko alam bakit nakakaramdam ako ng ganito.

Diko mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.

Flashback

Nakaupo kami sa kama habang nakayakap sa mga tuhod namin nanunod ng movie sa laptop ko.

Madalas kaming ganito wala naman kasi kaming ibang pwedeng gawin dito wala naman kahit anong appliances dito ang tanging gamit lang dito ay ang mga lumang upuan at kama na ito.

Mula kasi ng lumipat kami sa mansyon eh napabayaan na ang bahay na ito buti nga lang at nakita ko sa dating stockroom namin ang kamang ito na sa tingin ko ay di pa nagagamit kasi may plastic pang nakabalot at mga unan at kumot na gamit namin ngayon ako na bumili ng tumira ako dito.

Tawang tawa ang taong katabi ko habang nanonuod ng Tom and Jerry.

Parang bata mahilig sa cartoons at anime tuloy nakahiligan ko na rin magdownload ng mga anime gaya ng One piece,Bleach,Dragon Ball Z ..at marami pang iba pero ang paborito ko ay ang Tora Dora kasi nakakakilig sina Taiga at Riyuji.

"Bakit ?"takang tanong niya ng mapansin niyang tahimik lang akong nakamasid sa kanya.

"Wala."tipid kong sagot.

"Hmmm.." Siya.

"Bakit?"Ako

"Wala."Sagot niya at sumandal sa headboard ng kama pumikit siya at nag-yawn

"Matutulog kana ba?"tanong ko.

Kinusot niya ang mga mata niya

Ang Cute niya

"Ano iyon?"parang narinig niya ang sinabi ko sa isip ko.

"W-wala."Sagot ko at binalik ko ang paningin ko sa laptop ko.

Biglang may lumanding na unan sa likod ng ulo ko.

"Anong-"sabi ko pero may lumanding na unan sakin at sa mukha ko naman tumama

Tinitigan ko siya ng masama habang tawa siya ng tawa at binato ko pabalik sa kanya ang unan.

Nagulat siya sa ginawa ko at na-outbalance kaya nauntog ang ulo niya sa headboard.

Sa akin parin ang huling halakhak hahahaha

Lumingon siya sakin at nakangiti nang nakakaloka hudyat na hindi ko magugustuhan ang balak niya gawin

Kaya bago siya makalapit sa kin tumayo na ko para makalayo sa kanya pero biglang bumagsak ang katawan ko sa kama dahil hinila niya ang paa ko.

"Aray ."walang emosyong sambit ko at malamig na tingin ang binigay ko sa kanya.

Laking gulat ko ng ngumiti ito ulit at lumapit at umupo sa tiyan ko.

"Huwag !! Ahh..hahaha..tama na"Agaw hiningang sigaw ko ng walang tigil niya kinilita ang tiyan ko.

"T-tama na..."Sigaw ko ulit.

Tumigil siya bigla at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko

Anong balak niyang gawin?

tsug tsug tsug

tsug tsug tsug

tsug tsug tsug

Shit ! Anong nangyayari sakin?

Siguro dahil lang ito sa kakatawa ko

Sobrang lapit na ng mukha niya sakin

Ang init ng hininga niya

Ang mata niya nalulunod na naman ako sa mga mata niya.

Bumaba ang paningin ko sa labi niya

Ano kaya pakiramdam ng hinahalikan?

Biglang naginit ang pakiramdam ko

Walang Aircon kaya mainit

Hmmmm...di nga?

Shut up !! Inner self hindi ka nakakatulong

Ngumiti siya at ng hahalikan niya na ako ay dumeretso siya sa tenga ko

Ang hininga niya ramdam ko mula tenga hanggang leeg.

Shit Init talaga

nanghihina ang buong katawan ko sa ginagawa niya

"Say please.."Bulong niya at bumalik ako sa katinuan at inignore nalang kung ano man nangyari ilang segundo palang nakaraan.

"No."Sabi ko ng nakingiti then i roll us over and this time ako naman ang nasa ibabaw niya..

"Teka sandali...ahhh..ahhh.."Sigaw niya nang siya naman ang kinilito ko.

"Please..tama na.."Naluluhang pagsusumamo niya .

"Ano ka ngayon ha?Tawang tawa sabi ko sa kanya ng biglang

Prooot..proot...proot..

"Shit ! ano iyon ?ang baho tumae kaba?"Nanderdering sigaw ko at nagmamadaling lumayo sa kanya.

"S-sabi naman sayong tama na."nahihiyang sabi niya at tumaligilid at tumingin sakin.

Bigla kami nagtawanan

"Utotera." Bansag ko sa kanya dahil sa nangyari kanina.

"Ewan ko sa'yo matulog na tayo."Inis na sabi niya habang inaayos ang higaan namin.

"Utotera.."Pang-aasar ko ulit sa kanya at lumingon siya sakin at nagpout.

Cute 😍

"Dika cute di bagay."Irap ko sa ginagawa niya.

Para itigal niya na ang papout niya

Baka halikan ko siya

Este sipain ko siya..sisipain ko siya.

Hmmm ... denial queen.

Shut up Inner self!!

Nahiga na siya sa puwesto niya at tumabi ako sa kanya .

Pareho kaming nakatingin sa ceiling habang nakahiga nagtatama ang mga kamay namin.

Ang tiyan ko parang may nagkakagulo sa loob ko natatae ata ako.

Lumingon ako sa kanya at siya rin sakin.

"Bakit?"Tanong niya.

"Wala." Ako.

"Hmm.."Siya.

"Ahm,puide magtanong?"Sabi ko.

"Nagtatanong kana."Pilosopong sagot niya.

"Baliw.seryoso ako."Sabi ko.

"Sorry pero di kita type."Walang emosyong sagot niya sakin.

"Baliw hindi ako tomboy no!"Ganti ko.

Lagi kaming ganito mag-usap nakalimutan ko na tuloy ang itatanong ko.😑😑😑😑

Biglang tumahimik kaya lumingon ako sa katabi ko.

Tulog na ang gago ngumiti ako at pinagmasdan ko ang mukha niya ang ganda niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na akong lumapit sa mukha niya.

at ang labi niya

😳

"Shit."hinalikan ko siya.

Nanlamig ang buong katawan ko bigla siyang nagmulat ng mata agad akong lumayo sa kanya pero laking pasalamat ko ng agad siyang pumikit para bang hindi mawari ang nangyari na para bang nanaginip siya.

bumuntong hininga ako ng tuluyan na itong natulog ulit.

hinwakan ko ang labi ko

tsug tsug tsug

tsug tsug tsug

tsug tsug tsug

Hindi pwedo ito.

End of flashback

"Hoy,Alex!!"Sumakit ang tenga ko sa pagsigaw ni princess sa tenga ko.

"Ano ba ?! ba't ka sumisigaw?!Ganting sigaw ko sa kanya.

Nagpeace sign siya ng tinitigan ko siya ng masama.

"Eh,kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman nakikinig."Paliwanag niya.

"Ewan ko sayo..ano ba kasi sinabi mo kanina?"tanong ko.

"Sabi ko ano bang mayroon sa inyo ng weirdong si Vanessa at palagi kayong magkasama?"Mahabang litanya niya.

"Eh,ano naman kung magkasama kami?"Sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Hindi mo ba alam?"tanong niya.

"Ang alin ?"Walang ganang sagot ko habang nakasalumbaba.

"Pinaguusapan na kayo ng kaklase natin at schoolmates natin kumo katapusan na ng mundo kasi nagsanib pwersa na yung bitch at ang monster."Pagkukuwento ni princess.

"May ganoon?"Walang gana parin sagot ko.

"Oo hindi lang yan may rumors din dito na may relasyon kayo at ginayuma mo daw yung weirdong si Vanessa kaya bumait at palangiti na at palaging nakabuntot sayo."

Nanliit ang mata ko sa mga sinabi niya gayuma ? lang hiya ..mga tao talaga may mapagusapan lang kung ano ano nang kwento ang ginagawa.

"Mayroon nagsasabi na tinakot ka nang weirdong yon kaya sumama ka sa kanya." pagpatuloy niya.

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ni princess.

"Oh..ba't ka tumatawa ?"Takang tanong ni priness sa reaksyon ko sa mga sinabi niya.

"Wala lang..."Tanging sagot ko.

"Bakit?"Sabi niya pa.

"Anong bakit?"Sagot ko.

"Di ka galit na pinagtsitsismisa ka ng buong school natin?"sabi pa niya.

"Bakit na man ako magagalit?"sabi ko.

"Wala dati kasi ayaw na ayaw mo ni marinig man lang ang pangalan mo na pinaguusapan ngayon ba't parang wala lang sayo?dati naman ni tingin ayaw mong tinitingnan ka."Buong pagtatakang litanya ni Princess.

Natawa ulit ako

"Ewan ko sayo pasok na tayo tapos na ang lunch break."Sabi ko nalang at tumayo sa kinauupuan namin.

Habang naglalakad papunta sa susunod naming klase ay nakita namin si Vanessa na may kausap na lalaki sa may play ground ng school sa may damuhan.

Nakaupo sila sa damuhan indian sit silang dalawa at may hawak na guitara ang lalaki masaya silang naguusap.

Diko maiintindihan ang sarili ko pero parang naiinis ako sa nakikita ko kaya lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Saan ka pupunta? Teka Alex hintayin mo ako."Si Princess na agad sumunod sa kin.

"Hi"Sarcastic na bati ko sa lalaki para itong natulala ng makita ako at namula.

Lumingon naman si Vans sakin

"Oh Alex bakit?"Takang tanong ni Vans sakin.

"Wala lang bakit di ba ako pwede dito ?nakakaistorbo ba ako?"Sabi ko with a bitchy Attitude.

"Taray ! di ba pwedeng magtanong?"Inis na sagot niya.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan namin sinundan ni Vans ang mata ko.

"Ah siyanga pala si Jorel kuya ko.. kuya Si Alex kaibigan ko." Pormal na pagpapakilala ni Vans sa amin.

"oh."tanging nasabi ko.

Nilahad niya ang kamay niya sakin to shake hands tinitigan ko muna ito bago abutin.

"N-nice meeting you ." nahihiyang sambit niya.

"Same here"Sabi ko ng nakangiti na biglang lumamig ang kamay niya at namula ang pisngi nakatingin siya saking mga mata.

pinagmasdan ko ang mukha niya guwapo siya moreno mukhang matalino pero diko makitang may pagkakahawig sila ni Vans kasi si Vans maputi iba ang kutis niya parang may dugong kano pati itsura niya ang ganda ng mata ni Vans her Almond eyes na malulunod ka sa lalim at ganda para siyang foriegner pero kuya niya pinoy na pinoy pero may itsura.

"Princess kaibigan ako ni Alex na kaibigan ni Vans."Pagsingit ni Princess at kinuha ang kamay ni Jorel sa pagkakahawak sa kin nagshake hand sila habang sagad sa pagpapacute si Princess.Haizt.

Parang tanga natawa tuloy ako.