Alex's PoV
Boysit sana hindi nalang ako sumama sa princess sa dami ng tao dito sa magz nagkahiwalay kami ng bumili ako ng chichiria.
Iniwan na ata ako ng taong iyon naglakad lakad ako sa may mga nagtitinda ng barbeque sa may gilid ng dagat baka sakali na makita ko siya rito.
"Simpleng bagay lang di mo magawa?"
"Bakit nabasag yan ha pulutin mo iyan.!"
"Ibabawas ko sa sahud mo iyan !!"
"Dalawang kahon ng Red Horse yan wala kang sahud ng dalawang buwan.!!"
Sunod sunod na pagsigaw ng babae habang hinahampas ang kausap nito sa ulo nakayauko lang habang pinagtitinginan ng mga tao peri iyong tipong usyoso lang pero patuloy parin gingawa nila.
"Sobra naman ho yata yan tita.Dalawang kahon ng red horse katumbas ng 2000 pesos na sahud ko sa dalawang buwan?"
Pak
Pak
Sinampal niya ito parang nabali ang mukha ng babae sa lakas ng sampal sa kanya.
"Kapal ng mukha mo pagkatapos ko tulungan ang pamilya mo ako pa pinapalabas mong masama.!"
Nakayuko lang yung babae hindi na Ito sumagot.
Naawa ako sa tao kaya dahan dahan akong lumapit.
"Teka sandali ma'am anong nangyayari dito?"lumapit ang isang pulis na nagbabantay dito sa lugar.
Napanatag na ang loob dahil mayroon ng pulis doon tsaka ano bang pakialam ko don..haizt..
"Hulihin niyo ang batang Ito nanggugulo."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig .
"Tingnan mo binasag niya ang mga paninda ko-"
"Mawalang galang ho ma'am puide po bang makialam parang di po ganon ang nasaksihan ko kanina?"Sabat ko sa kanya sa babaeng walang puso.
Tumingin silang tatlo sa akin at nagulat ako ng makitang si Vans pala ang babaeng dapat tutulungan ko lumiliit yata mundo namin ba't palagi kaming nagkikita?
Nagulat din siya ng makita ako.
"Sino ka ba't nangingialam ka dito ha? Bata ka." Nanlilisik ang matang sabi nito sakin.
Natawa ako at lumapit sa kanya
"Usap po tayo ng maayos manang puide po ba? Puide po ba iyon officer? Paghingi ko ng permiso sa balak kong gawin.
Nagtaka ito pero tumango simbolo ng pagsangayon.
Medyo lumayo kami at pinakita ko sa babae ang 5,000 pesos sa kamay ko na kinuha ko sa wallet ko.
"Binabayaran ko na po ang napinsala sayo manang."bulong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa tuwa.
Ngumita din ako.
"Pero di na po siya magtatarabaho sa inyo."maawturidad na sabi ko sa babae.
"Anong.."
"Kung hindi po kayo papayag sasabihin ko sa pulis ang totoong nangyari at makukulong kayo sa kasong child abuse manang."nakangiti kong pagpaliwanag sa kanya ng sitwasyo.
Natulala siya sa sinabi ko at sinamahan ko siyang bumalik sa pulis at kay Vans nanghihintay sa min.
"Okay na po kuya."pahayag ko sa pulis.
"Di ba po manang?" Tiningnan ko siya ng may pagbabanta.
"O-oo ." Tanging lumabas sa bibig niya.
"Ganon ba okay sige kung ganoon eh aalis na ako huwag na kayong magulo nakakagulo kayo sa mga toristang nandito" Sabi ng pulis bago umalis.
Lumapit ako kay Vans at hinawakan ang kamay niya hinila ko siya palayo doon .
"Lika samahan mo ako punta tayo doon." Sabi ko habang tinuturo ang mga sky lanterns na nasa Rizal Park lumabas kami sa balyuan o magz at tumawid sa kabilang kalsada papuntang Rizal Park.
Tahimik lang siyang nakasunod sa kin habang hawak ko ang kamay niya hinayaan ko lang.
I dunno I just felt that she needs it and I don't wanna push her.
Hahayaan kong siyang unang magopen up sa kin.
Ipaparamdam ko nalang sa kanya na di siya nag-iisa at okay lang ang lahat.
"Miss gusto niyo po magpalipad ng latern ? Sa inyo na lang po Ito."Sabi ng batang lalaki sabay abot ng lantern.
"Gan'on ba salamat pogi ha." Tinanggap ko ang latern at ginulo ang buhok niya.Nagpout Ito linabas ang dila sabay takbo.
Natawa ako sa kacutan ng bata.
Teka sandali paano ko to sisindihan wala akong lighter.
Pinagmamasdan niya lang ako habang kinkalikot ang lantern nakita ko sa may stage na may nagsisindi ng lantern.
"Ahm..teka sandali lang ha manghihiram lang ako ng pansindi."
Sabi ko ng at pupunta na sana doon ng hawakan niya ang kamay ko lumingon ako sa kanya.
"Oh.bakit?"tanong ko.
"May lighter ako."Sabi niya at inabot sa kin ang lighter sa kaliwang niyang kamay.
Ngumiti ako at kinuha ang lighter.
"Teka paano ba to? "Pagkausap ko sa sarili ko habang kinakilikot ang
lantern.
"Ako na. "Seryosong sabi niya bago lumapit sa kin at kinuha ang lighter sa kamay ko ng nagtama daliri namin parang may naramdaman akong kakaiba.
Hindi ko alam pero siguro naramdaman niya din yun pero pareho kami nagkibit balikat lang sa nangyari sa kung ano man yun.
"H-hawakan mo..ako na magsisindi."medyo naiilang na sabi niya.
Sinindihan niya ito at hinawakan naming dalawa ang lantern at maya-maya pa ay unti-unti na itong lumipad.
Tahimik naming pinagmasdan ang pagtaas ng lantern sa langit ng nakangiti.
Makalipas ang ilang segundo ay narinig kong parang may umiiyak.
Lumingon ako at nakita ko ang katabi ko na umiiyak habang nakapikit at nakatingala sa langit.
Para bang hiniling niya na sana dalhin na lahat ng pinalipad naming lantern ang lahat ng sakit at paghihirap niya.
Hinawakan ko siya sa kamay tumingin sa langit bago pumikit.
Pinisil ko ang kamay niya
at taimtim na nagdasal na kung sino man ang diwatang nakakarinig o kung totoo man na may diyos sana huwag na nilang pahirapan pa ang taong nasa tabi ko.
Nang buksan ko ang aking mga at nakita kong nakatingin siya sakin habang nakangiti.
Ang ngiting yan.. Nakita ko ulit ang ngiti nya.
AN : Bring me to life by Evanescence
Kindly play nalang po para mafeel niyo din yong moment. 😁
Vans PoV
How can you see into my eyes like open doors
Kantang naririnig namin mula sa may kabilang kalsada..
Hudyat na nagsisimula na ang palabas .
Leading you down into my core where I've become so numb
Parang binibigkas ng kantang ito ang nararamdaman ko.
Pinagmamasdan ko lang siya habang hinihila ako pabalik sa magz para manuod ng palabas.
Without a soul my spirit's sleeping somewhere cold
Until you find it there and lead it back home
Huminto na siya ibig sabihin nasa loob na kmi maraming tao marami din akong pasa sa dami ng bumundol sakin kanina.
(Wake me up inside)
Wake me up inside
Nagtatalon ang mga tao kasabay ng puso ko.
(I can't wake up)
Wake me up inside
(Save me)
Call my name and save from the dark
Pinagmamasdan ko lang siyang tumatalon at kasabay ng mga taong nagsasaya ..
Tsug tsug tsug
Tsug tsug tsug
Tsug tsug tsug
Ang puso ko
Before I come undone
(Save me)
Save from the nothing i'v become
At sumabay na din akong tumalon ang saya pala ng ganito.
Yung hinayaan mo lang ang sarili mo .
Bahala na mamaya Kong ano ang magiging resulta ng sayang dulot ng sandali
Bahala na.
Alex's POV
The world came silent and the only thing I see is this person beside me.I never thought I 'd feel this joy in my heart in a very weird situation and with this stranger.I am not fond of bands but I kinda feel alive and wanna take whatever it is to see heaven in her eyes while jumping with my heart beating fast. I can't stop this anymore the feeling of floating and falling.Oh god, how could this be like a horror but at the same way thrilled me with joy.It's like being pulled into an energy that is beyond my control it is so overwhelming I don't know how to face this after this night.
I'm somehow afraid ..no am so afraid to face this new things I am feeling right now its too deep , pure and scary.
No,this isn't right. I am not gay.
Maybe, I am just longing for a friend.
YES,that what was it!! We both need a friend.