Chereads / The Chances That We've Missed / Chapter 3 - Small World

Chapter 3 - Small World

Vans PoV

"Kainis.!!Ang tapang-tapang ko sa school pero diko magawang lumaban sa demonyong yon." Nagtatakbo ako ngayon mula sa bahay namin gusto ko lang ngayon makalayo sa manyak na demonyong yong.Inulit na naman nya diko na kaya ang pangbabastos nya sakin..Hindi ko na kaya takbo ako ng takbo hanggang makarating sa isang lumang bahay medyo nakakatakot Ito pero diko ito pansin dahil sa sakit at poot na nararamdaman ko ngayon.

Napasandal ako sa sementong dingding at para mabawasan ang sakit pinaghahampas ko ang ding ding ng nakita kong upuan sa loob at ng madurog na Ito ay sinuntok ko ang pader dumudugo na ang kamao ko pero di ako nasasaktan.Mas masakit ang nararamdaman ko sa kalooban ko ngayon bakit ganito kasaklap ang buhay ko.

"Aray ko naman ..kawawa naman yong ding ding walang kasalan yan."

Napalingon ako sa narinig.

Nanlaki ang mata ko sa nakita sinusundan nya ba ako?

"Kapal mo ha." Sabi pa nito

"Ano?" Takang tanong ko.

"Wala sabi ko di kita sinusundan no !" Nagulat ako sa sinabi nya nababasa nya ba ang isip ko?

"Hindi halata lang sa ekpresyon mo."nakangiti nyang litanya habang nakasandal sa gilid ng pinto.

Nainis ako don daming alam.

"Umalis ka." Sabi ko.

"Ano?"Inis na sagot nya.

"Ba't ka ba kasi nandito?''Irap ko sa kanya.

"Ano?"Gulat na sabi nito gago bingi lang pauli-ulit.

"Wala di bali na nga--" Sabi ko na akmang aalis nalang.

"Sandali-" Sabi nya.

"Ano ?!" Inis na ako.

"Samahan mo ako natatakot ako."Sabi niya.teka nagpapacute ba sya.?''naginit ang mukha ko sa ginagawa niya nagpapuppy eyes lang naman ang diyosa sa harap ko..ang pangit na nilalang na ito.

"Dika cute." Pabulong na sabi ko.kinagat ko ang dila ko.

Nagulat ako sa sinabi ko.

"Ano?"takang sabi niya..may cute bang nakakainis..aist..Anu nangyayari sakin tomboy na ba ako bat kasi kung saan-saan sumusulpot tong babaeng to?feeling close pa diko naman kilala 'to.

"Wala." Sabi ko.

"Ano?" Tanong niya ulit ..o sinasadya na niya..nakakainis to wala akong panahon sa kanya.

"Sabi ko wala--"

" Shit ! ang kamay mo dumudugo!!!" Sigaw niya habang naghahand fan sya sa mukha niya na para bang nahihirapan siyang huminga.

"T-tatakot ako s-sa d-dugo."Agaw hininga nyang Sabi.

Naalerto ako sa narinig kaya agad kong kinuha sa bulsa ang panyo ko at tinakpan ang sugat sa kamay ko.

"Hoy,miss sayad tumingin ka sakin"Pagkuha ko ng atensyon nya.

At kahit hirap nga ay ginawa nga niya.

"Sabayan mo ako huminga." Sabi ko at tumango siya.

"Inhale.." at yung nga ang ginawa niya.wala akong alam sa mga phobia pero susubukan ko ikalma siya sa paarang alam ko.

"Exhale.." pagpatuloy at sumusunod lang siya hanggang sa bumalik sa normal ang paghinga niya.Hawak ko ang dalawang pisngi niya.Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin nagawa niya akong yakapan ng ilang minuto ng hindi ako nagwawala at nandidire o nababalisa o nagagalit sa halip ay nagugustuhan ko ang yakap niya ang init ng kanyang katawan sa kin.

Ganito pala ang pakiramdam ng may yumayakap sa'yo simula bata ako wala pang yumayakap sakin.

Diko na malayan ang pag.agos na ng luha sa aking mga mata.

"Uy,.ayos kalang?" Nabalik ako sa aking ulirat ng yinugyog niya ang balikat ko na lalong nagpagulat sa kin.

Anong ginagawa sakin ng babaeng Ito?

"Ay,hala siya ...natuloyan na ata." Takang sabi niya sa kin.Hindi ko namalayang humiwalay na siya sakin.

Tulala pa rin ako.

"Haizt..oo na maganda ako tama na yan ang creepy mo na tapos creepy pa 'tong bahay...haizt.."Dugtong pa niya.

"Ingay daming sinabi.kala mo naman maganda."Ganti ko sa mga sinabi niyan ng akabawi na din ang utak ko sa nangyari.

"Ano?!..ano Sabi mo uli?."Inis na Sabi niya.

"Wala sabi ko umuwi ka na.Gabi na baka kong ano pang manyari sayo."Pag-iiba ko ng topic.

"Ba't ako uuwi eh..nandito na ako sa bahay ko.Kaw kaya umuwi pumapasok ka nang bahay na may bahay..Sige na umuwi kana!" Litanya niya bago pumasok sa isang kuwarto at binuksan ang ilaw.

"Buwesit."Nang Hindi ito umilaw at inis na hinampas niya ang switch saka umilaw ang bulb.

Natawa ako sa ginawa niya.

"Tapos naninira pa ng gamit..." Patuloy niya sa litanya niya kanina na parang nagpaparinig.

"Sandali bahay mo 'to?" Takang tanongko ulit sa kanya.Ang ganda para tumira sa bulok na bahay na Ito.

"Oo bakit ? May angal ka umalis ka at tsaka ba't ka ba kasi nandito naninira kapa ng gamit.."Inis sagot niya.

''seryoso?'' di parin makapaniwalang tanong ko.

Sumilip saiya sa pinto ng kuwarto at tiningnan ako ng masama.

"Wala hindi lang bagay sayo ganda mo kasi."Bulong ko na alam kong narinig niya tumingin siya sa deriksyon ko umiwas ako ng tingin at pati siya.

Haizt..nakakahiya bakit ko ba kasi sinabi yon.

"U-umiinom ka ba?" Biglang niyang pagbasag sa kong anu man ang nanyayari samin kanina sa kabila ng biglang katahimikan ay para bang..haizt ewan diko alam.

"Oo bakit meron ka ba diyan."Casual kong tanong.

"A'right tara sa likod." Sabay bitbit niya ng bag niya ang cute ng accent di talaga ako naniniwala sa dito siya nakatira pero sasabayan ko siya para atleast may kasabay ako maglasing free drink narin 'to sabay ngisi ko habang nakasunod sa kanya papuntang likod ng bahay.

Sa likod ng bahay...

Alex's PoV

Dito kami ngayon sa likod ng bahay namin dati walang ilaw dito kaya sinindihan namin ang mga kahoy nilagay muna namin sa lumang trash bin na aluminum para di kmi makasunog para kaming nasa beach with bon fire.Ang Romantic..este ang saya lang.

"Bakit."Tanong niya nang napansin niyang tahimik ako.

"Wala." Sagot ko.

"Hmmm.." Siya.

Katahimikan..

"Pano ka nga pala--"

"Paano naging sayo-"

Sabay naming tanong sa isa't-isa..

"Ikaw na muna."Sabi ko.

"Di ikaw na." Sabi niya naman.

"Okay..ahm,paano ka napunta dito?tsaka anu ba problema mo bakit kinakawawa mo ding ding ko." Parang ang sama pakinggan ng huli kong sinabi..namula na siguro ako ngayon..Ang bastos ng isip ko.🤭🤭

"Dika cute."bulong niya pero narining ko pa rin.

"Ano yon ?" Kunwari diko narinig.

"Wala problema lang sa bahay."tipid niyang sagot pero alam kong mas malalim pa don ang dahilan pero di na ako nagtanong pa.

"Hmmm.."tugon ko na lamang.

Tumingin siya sa kin na para bang may gusto siya sabihin bumukas at sumara ang bibig niya pero tumingin siya ulit sa apoy sa harap namin at ininom ang beer sa bote na hawak niya.

"Bakit ?" Tanong niya ng mapansin niyang pinagmamasdan ko siya.

"Wala."Sagot ko.

"Hmmm."siya.

At tahimik kaming naupo ng ilang minuto habang umiinom.

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"Dito kami dati nakatera."Panimula ko.

Hindi siya nagsalita pero alam kong

nakikinig lang siya.

"Pero sinira niya lahat."tumulo na ang luha ko.

"Sinira niyang lahat."Sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa deriksyon ko habang ako nakayuko at pilit pinipigilan ang paglabas ng boses ng aking paghagulgol.

Tahimik lang siyang nagmamasid habang nakikinig.

"Namatay ang nanay ko sa sama ng loob dahil iniwan niya kmi."Pagpatuloy ko.

Tumingin ako sa gawi niya

nakatitig lang siya tela hindi mawari kung ano ang gagawin.

Ngumiti ako sa kanya na nagpapahiwatig na okay lang ako at pinahid ko ang luha ko ng likod ng aking kamay at palad at daliri.

"Sorry ha..lasing eh.."Sabi ko sabay ngiti.

"Okay lang."tugon niya na may ngiti sa mukha na parang nagsasabing okay lang yan habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga maliliit na kahoy sa paanan niya at gumuguhit ng kung anu sa buhangin.

At humurap siya wearing that smile saying it's "okay I'm here."

"Okay lang yan..malawak pa ang mundo." Sabi niya.

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

Tumawa siya sabay sabing

"Ibig kong sabihin masyadong yang maliit problema mo para sirain mo buhay mo hindi sa minamaliit ko ang problema mo ibing ko lang sabihin may mga bagay sa mundong ito na hindi natin kontrolado pero may kakayahan tayong kontrolin ang mga sarali natin."mahaba niyang litanya.

Tumingin lang ako sa kanya.Naconfused ako sa mga sinabi niya i'm starting to think that she's talking herself but i just listened sometimes we all just need a listener to our dramas i think.

"Pinapahina tayo nang ating emosyon at pinapakitid nito ang ating pagiisip at doon tayo na tatrap.."huminto siya at nagpatuloy.

"Dahil..mararamdaman natin na wala na hanggang doon na lang tayo..but truth is it's our mind and emotions that's makes our world small..tumingala siya sa langit.

"Ako hindi ako magpapatalo sa emosyon ko..hindi ako susuko makakaalis ako sa empeyernong buhay na ito."

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan na lamang siya.

Ayoko rin lumiit ang mundo ko.