Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 1 - FREEDOM IN YOU

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

🇵🇭mxxaise
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - FREEDOM IN YOU

PROLOUGE

"makikita ko kaya uli yung lalaki na yun dito?, sana hindi" saad ko habang dahan dahan sa paglalakad.

pumasok ako sa bilog na 'to sa playground ng park kung saan ako nag tatago palagi, di ko alam tawag dito basta dito ako nagtatago.

tinanggal ko na sa balikat ko ang bag na bitbitbitbit ko at kinuha sa loob ang librong di ko pa natatapos.

"Bwisit kasi yung lalaking yun" bulong ko sa sarili ko

"Ako ba?" pagkarinig ko sa boses na yun bigla ako napatayo at nauntog, pucha sinong matino ang tatayo dito. arghhhh sya na naman!

napahawak ako sa ulo ko at di ko 'to sinasagot

"bakit nandito ka na naman, cuttingerang babae" saad nito sa malamig nyang boses aba siraulo 'tong lalaking 'to ah. tinawag ba naman akong nag cucutting

pero totoo naman na nagcutting na naman ako pero di nya dapat tinawag sakin yon!

may rason naman ako kaya ako nandirito

"wala kang pakialam don, pwede bang layuan mo nga ako" kunot noong saad ko

"bago ka pa nakarating nandito na ako" saad nito at napaurong ako dahil umupo sya sa tabi ko

"mukhang di ako kakasya rito" dagdag nito at natawa ako ng mahina

"bakit ka nga rin pala nandito minsan?" tanong ko rito.

"bakit? sobrang boring sa school" saad nito at napa ngiwi na lang ako rito, napaka simple ng sagot nya.

"ahh ganun ba?" patanong kong saad

"..."

"..."

MOMENT OF SILENCE

"hindi ka pa ba magbabasa?" tanong nya sakin

"pano ako makakapagbasa e guguluhin mo lang ako" saad ko habang nakangiwi, lagi nya akong ginugulo sa oras na nagbabasa ako. kaya bahala sya sa buhay nya dyan

"Pftt"

"promise hindi, uupo lang ako rito" ngiting saad nito, at iniwasan ko sya ng tingin

"he's too bright *crying*"

"hmm?"

"wala, magbabasa na ako. basta wag kang mag iingay" saad ko

pabuklat pa lang ako ng libro

bigla na naman sya nagsasalita

"seryoso ba 'tong lalaking 'to" bulong ko sa sarili ko at sinamaan sya ng tingin

"HAHAHHAHAHA, makita ko lang reaksiyon ng mukha mo tuwang tuwa na ako. HAHAHAHHA" natatawang saad nito pero natawa na lang ako

lagi akong naaasar sa kanya, and i even pretend that i don't want him around . pero i can't deny the truth that i wanted to be with him.

Chapter 1

Aiserize's POV

kailan ba 'to matatapos, ayoko na. ano ba ginawa ko para matrato ng ganito?

naghilamos ako dito sa cr ng school, para mawala 'tong lagkit na 'to.

kahit anong gawin ko, alam ko di ako tatantanan ni Lucy. siraulo talaga yung babaeng 'yon, wala na syang ibang matarget kaya ako ang tinatarget ngayon.

napahinto ako sa paghuhugas ko sa sarili ko ng bumukas ang pinto ng cr at nakita mukha nya

"Ri-" magsasalita palang ito ay umalis na ako

i dont want to hear a word from her, im tired of her excuses. but what i am really tired is for being a loser.

di ko na alam kung napipilitan lang sya kaya nya ginagawa yon, pero pag nakikita ko yung mukha nya alam kong nag eenjoy sya sa pang bu-bully sakin

pagkabalik ko sa classroom, nakita ko na lang yung mga gamit ko sa lapag. ang laman ng bag ko ay ibinuhos.

sa pagkakataong 'to di ko alam ang nasa isip ko, naka tayo lang ako rito habang nakayuko. gusto kong sumabog sa galit.

kaya ko gawin 'to kung gugustuhin ko.

pero malaki ang utang na loob namin sa pamilya nya.

nakita ko na lang na dinadampot ni daniella ang gamit ko, at inagaw ko sakanya ito. dinampot ko ito ng mag isa at tumakbo papaalis sa classroom

"saan ka pupunta ngayon?, mag susumbong?" natatawang saad ni Lucy

"umalis ka muna ngayon sa harap ko, i am so done with you" saad ko

binangga ko sya upang umalis sa dinadaanan ko at tumakbo

tumakbo lang ako papaalis sa school, at di ko na alam kung saan ako pupunta ngayon.

at bigla na lang pumasok sa isip ko ang park

naglakad ako habang inaayos ko ang sarili ko, kailan ba kasi matatapos 'to.

kung pwede lang talaga mag transfer sa ibang school ginawa ko na, pero di ito ang dapat kong isipin ngayon.

pero yung sinabi kong palusot kanina kaya di ako makakalaban, pero ang totoo kaya ko. kaso masyado silang marami

sya at yung dalawang kuto na yon.

nakarating na ako sa park at di na talaga 'to katulad ng dati, dati maraming bata ang nagpupunta rito. pero ngayon wala ka na makikitang bata, luma na rin kasi 'tong park.

naglakad ako sa tunnel na malapit sa slide, dahil sa gilid na 'to may bilog. at dito ako mag tatago

"pang ilang beses na ba ako nag cucutting" natatawa kong saad, dati takot na takot ako lumabag sa rules ng school pero di rin pala masama kahit isang beses mo lang subukan (maraming beses na) - wag tutularan

bakit di ko agad naisip na mas ok pumunta sa park kesa sa arcades at computeran

*aiserize at arcade*

"YANNNNNN NA ANG NARARAPAT SAYO, MWOHAHAHAH LUHOD"

"hoy bata, wag ka maingay dyan. dapat nasa eskwelahan ka hindi naglalaro sa ganitong oras"

*at computershop*

"uy, diba ikaw si aise? nag cutting ka rin? tara laro"

puchaaa may naka recognize sakin

--------

hinding hindi na talaga mauulit.

bigla na lang pumasok na isip ko na may dala akong libro sa bag ko, kaya agad agaran ko itong kinuha

pinagpagpag ko ito, at inistraight ang nalukot na pahina.

bwisit talaga yung babaeng 'yon

"Yo!" napatalon ako ng may marinig akong nagsalita, pucha sana di ko na naman 'to kakilala

papalapit na sya, siguro di ito ang tamang lugar na pag taguan.

dahan dahan akong naglakad, at natigilan ako nang hawakan nito ang damit ko sa likod

--------

"so, anong ginagawa mo rito" tanong nito sa malamig nyang boses, ano bang pakialam mo ha!

"a-ah.. wala, wala. nagpapalipas lang ako ng oras" awkward na ngiti ko habang sinasabi ito

"kababae mong tao nagcucutting ka" saad nito at lumapit sakin, ibang iba sya sa kumpara sa ineexpect ko

"tignan mo kung sino 'tong nagsasalita, obvious din naman na nag cutting ka!" saad ko at parang ngayon nya lang na realize na nagcutting nga sya

"nagpapalipas lang din ako ng oras" saad nito at tumingin sa kung saan saan

"sige aalis na ako" naiirita kong saad, at di ko rin alam ba't ako nagpaalam

"bakit?, kakarating mo lang. hindi naman sa akin 'tong parke, pwede mo gawin kung ano gusto mo. babalik na lang ako sa kabilang bahay" saad nito at napuno ang utak ko ng question mark

anong bahay?

"bahay?" tanong ko

"ah basta yun ang tawag ko don, mas malaki kasi yon kumpara dito kaya dun ako" saad nito at tumawa ako ng palihim, nakakatawa syang mag isip.

"ah sige, kung ganon. babalik na ako sa bahay ko" natatawa kong saad at napataas ang balahibo ko na marinig ko rin syang tumawa,

ang first impression ko sakanya ay kalmado na medyo nakakatakot, kapag di sya naglagay ng expression sa mukha nya aakalain mo talagang nakakatakot sya.

anyways, makapagbasa na nga lang

nagbabasa lang ako ng tahimik, at di ko mapigilan kiligin sa binabasa ko.

sana ganto rin ka perpekto ang buhay ko, sa lahat pa naman ba kase ng tao sa akin pa nangyari yon.

bigla na naman nag iba ang mood ko dahil sa naisip kong 'yon pero hahayaan ko na lang uli, wala naman kasi akong choice.

nagbasa ako ulit, at di ko mapigilang mapasigaw ng mahina. di ko na rin namalayan na pumunta uli sya rito

"mukhang nagsasaya ka dyan, anong ginagawa mo?" tanong nito

"nagbabasa lang ako" saad ko

at nagpatuloy sa pagbabasa.

sobrang nakakatawa yung scene na 'to, ramdam ko yung secondhand embarassment.

nagulat na lang ako ng biglang nagsasalita 'tong lalaking nasa tabi ko, napangiwi na lang ako

"pwede bang bumalik ka sa bahay mo, at wag kang mangapitbahay. nagbabasa yung tao e" kunot noo kong saad

"kung pinansin mo sana ako kanina edi, di ako nag iingay" saad nito

"ano bang kailangan mo?" tanong ko

"kwentuhan mo ako" saad nito, at nagulat ako. ano naman ikkwento ko sa kanya?

"tungkol saan?" tanong ko rito

"kahit ano, naboboring na ako rito. nagsasawa na ako kakalaro" saad nito, ah so responsibilidad ko yon? char

"wala akong maisip na maikwento, basta kapag tinatanong ako wala akong naiisip" saad ko

"boring mo naman" saad nito, at binatukan ko ito

"bakit mo ginawa yon?!" tanong nito at binatukan ako pabalik, puchangala

"aray, di naman masakit yung pag hampas ko sayo ah!" sigaw ko rito

"..."

"..."

"WAHAHAHHA" pag tawa nito bigla ng malakas, at naiba ang mood sa paligid namin. di ko matukoy kung ano ang nasa isip nya

siguro naboboring lang sya kaya pinagttripan nya ako.

"lakas mo rin mang trip noh?" naka ngisi kong saad

"di ka naman pala boring kasama e, starting today lets hang out more" ngiting saad nito

you're too bright, i cant look straight to you

"hindi naman ako araw araw nag cucutting noh, iba na lang ayain mo or maghanap ka ng bagong paglilibangan" saad ko

"edi pag nagkita na lang tayo ulit" saad nito

"sige, ikaw bahala" saad ko

di ko alam kung gaano sya kabored, at wala syang ma trip pero okay din ito kesa naman sa nangyayari sakin sa school.