Chapter 4 - TP: 2

Now playing: Bad guy - Billie Eilish

Skyler POV

Dahil sa nangyaring iyon, dalawang buwan ko nang pilit na iniiwasan at tinataguan si Dada Billy. Ingat na ingat akong hindi kami magkita at magkasalubong sa aming bahay. At nagpapasalamat na lang ako dahil masyadong malawak ang masyon para sa aming dalawa.

Ngunit sa dalawang buwan na iyon ay napapadalas din ang pagtawag nito sa akin na dati-rati ay hindi naman niya ginagawa. Ngunit kahit na isang beses ay hindi ko sinagot ang mga tawag niya o ni-reply ang ang mga messages nito para sa akin.

Hays! Hanggang kailan ba niya ako kukulitin? Hanggang kailan kakabog itong dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang nangyari noong araw na iyon?

Ano ba kasing kailangan niya sakin?

Kasalanan 'to ng matandang lalaki na 'yun eh. Kung hindi siya pumunta nung araw na 'yun, edi sana tahimik ang buhay ko ngayon. Because who knows what Dada Billy will make me do. And I'm not ready for anything she will asks me to do because it will require a lot of sacrifices. At kasama na doon ang hindi na ako makakapunta sa anumang party at hindi na rin makakapambabae.

'Yun na nga lang ang libangan ko mawawala pa. Tsk!

"Skyler!" Sigaw at pagtawag sa akin ni Tabitha habang nagkukuwanri akong tulog dito sa bench mula sa labas ng classroom namin.

Nagkunwari na lamang din ako na hindi ko siya narinig.

"Skyler, alam kong hindi ka naman talaga natutulog. Tumayo ka nga riyan." Dagdag pa niya noong maramdaman ko na tuluyang nakalapit na siya.

Napahinga ako ng malalim bago nakabusangot na tinignan siya.

"What? What do you want?" Masungit na tanong ko sa kanya bago muling pumikit.

"Pinatatawag ka sa Deans Office."

"WHAT?!" Mabilis na napabalikwas ako sa pagbangon at nanlalaki ang mga mata.

Habang may pigil na pagtawa naman ito sa kanyang labi.

"Ano na naman kasing ginawa mo?" Tanong nito. "Pumunta ka na roon bago pa nila tawagan si Tita Billy." Dagdag pa niya.

"Hayst!" Inis na sambit ko at mabigat ang mga paa na humakbang patungo sa direksyon ng Deans Office. Ngunit agad ding napangisi at nag-inat dahil naging successful na naman ang gusto kong mangyari.

Pagdating doon ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Noong marinig ko na ang kanyang boses na nagsasabing pumasok na ako ay tsaka ko naman binuksan ang pintuan, bago tuluyang pumasok sa loob.

Agad na bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Dean na halatang bubugahan na naman ako ng apoy. Daig pa niya ang dragon kung minsan na bigla ka na lang bubugahan ng apoy kapag nagagalit. Kaya mas lalo ko rin siyang iniinis, kasi lalo siyang gumaganda.

I think she is only in her thirties pero kahit na ganun she is still beautiful and hot to look at. It's a pity because she is already married. Hindi ko na s'ya magawang madiskatehan pa kaya dinadaan ko na lang sa pang-aasar sa kanya.

Kahit naman pasaway ako good impression naman ako pagdating sa grades 'no? Hindi lang si Nicole ang beauty and brain sa aming magkakaibigan.

Isa pa, talented din 'to! Pagmamayabang ko.

Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. May hawak siyang stick sa kanyang kamay at sa dulo nito ay mayroong nakalagay na isang kulay light blue na tela. Iwinagayway niya pa ito sa aking harapan kaya hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi upang pigilan ang nagbabadya kong pagtawa.

"And what's this? Maari mo bang ipaliwanag 'to? Ikaw at ang kasama mong babae ang huling pumasok sa Janitor's closet." Medyo kalmado ang pagtanong nito sa akin na parang bago sa kanya ngayon. Usually kasi kapag ganito nagsisigaw na siya sa inis sa akin.

Kaya naman napa-cross arms lamang ako bago prenting isinandal ang aking sarili sa may door frame ng kanyang opisina, na para bang barkada ko lamang ang kausap ko ngayon.

"Hmmmm..." Kunwaring nag-isip naman ako para lalong mabwisit pa siya. "Underwear? Pffft!" Pagsagot ko sa kanyang katanungan bago pinigilan muli ang matawa. Kaya naman this time, hindi na napigilan ng kanyang mukha ang mamula.

"Sa Janitor's closet talaga, Skyler? Again?" Unbelievable na tanong nito sa akin habang napapailing pagkatapos ay pabagsak na inilapag niya sa ibabaw ng kanyang lamesa ang stick na hawak, bago istriktong tinignan ako sa aking mga mata.

Ngunit kahit na konti ay hindi man lamang ako natinag sa mga pamatay na tingin niya. Mas lalo kaya siyang nagiging hot at maganda. Now, I know bakit siya pinakasalan agad ng asawa niya eh.

"Eh ma'am, saan po ba dapat namin gawin? Sa loob ng klase? Hindi ba mas hindi katanggap-tanggap 'yun?" Pamimilosopo na tanong ko sa kanya. "Oh baka naman may maisa-suggest kang mas better na place kesa sa Janitor's clo---"

"Have some manners and respect, Ross!" Putol nito sa akin. "Wala ka talagang kadala-dala, 'no?Palagi ka na lang sakit sa ulo!" Galit na bulyaw pa niya. "I will no longer tolerate your unpleasant behavior in this college. You need a lesson and for that, I will suspend you for a week!" Mariin, matigas at very clear na dagdag pa niya na ikinatameme ko.

"W-W-Wait. What? No. No. No. Hindi mo pwedeng gawin---"

"At bakit hindi pwede? I am the Dean of this college so I can suspend you because you can't respect me, especially the simple rules of this University." Diretsahang pahayag niya.

"But---" Napahinga ako ng malalim. Shit! Hindi ako pwedeng masuspende. Malalagot ako kay Dada Billy.

"Ma'am." Malambing ang boses na pagtawag ko sa kanya. Bago napa 'Hehe' sa dulo. "Baka naman pwede nating pag-usapan---"

"No buts, no ifs. We have nothing to discuss and this is non-negotiable, Ms. Ross! You will be suspended for a week and that is why I have also informed your parents about this matter---"

"WHAAAAT?!" Gulat na gulat na muling reaksyon ko. At this time, si Dean na naman ang napangisi sa akin.

Gosh! Masyado ko na yata siyang ginalit kaya nasagad na. Mas okay sana kung ibang sagad ang ginawa ko sa kanya, pero sinagad ko siya sa galit. Wika ko sa aking sarili habang napapa-face palm.

Maya-maya lamang din ay bigla na lang pumasok si Tabitha sa loob ng office ni Dean. Hinihingal ito na halatang galing sa pagtakbo.

"Thank God! You're still here!" Para bang nabunutan ng tinik na sabi nito noong makita ako.

"Why? What's the matter?"

Napalingon ito kay Dean habang nakahawak siya sa aking braso.

"I'm sorry, Dean. Pero kailangan ko nang ilabas si Skyler." Napatango lang naman si Dean sa kanya. Habang ako ay nagtataka pa rin na nakatingin sa mukha niya hanggang sa kaladkarin ako nito palabas sa opisina ni Dean.

"Ano ba naman---"

"Aunt Billy is here looking for you." Dahil sa sinabi nito ay doon na nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. "What did you do this time at bakit mukhang galit na galit siya?" Dagdag pa nito.

Napapikit ako ng mariin. Patay na! I think I have no reason now not to talk to her. Kasi kung iiwasan ko pa rin siya, mas lalo lang akong malalagot sa kanya.

Si Dean naman kasi eh. Hayst! Napakamot ako sa aking batok.

"N-Nasan siya?"

Ngunit napatango lamang si Tabitha sa may unahan kaya mabilis na nagbaling din ako ng tingin dito. Noon naman nakita ko ang galit na mukha ng aking ina na lumalakad papalapit sa amin.

"Skyler, you will come with me!" Hindi iyon isang utos o pakiusap. Kundi isang bagay na dapat kong gawin sa ayaw ko at sa gusto.

Napayuko na lamang ako habang naririnig naman ang mahihinang hagikgik na pang-aasar ni Tabitha. Pero hindi ko na lamang ito pinansin dahil mas nangingibabaw sa aking dibdib ang takot sa aking ina.

"Y-Yes, Da." Utal na pagpayag ko at hindi na nagprotesta pa na sumama sa kanya.

---

Sandamakmak na sermon ang natanggap ko mula kay Dada Billy noong makarating at makauwi kami sa masyon. Mabuti nga at sermon lang at hindi niya ako ipinabugbog.

Habang nagsesermon ito sa akin ay tahimik lamang din na nakikinig sa amin si Mimi Aerin habang prenting nakaupo sa kanyang table at nagkakape.

Para siyang nanonood ng isang drama at kami ni Dada Billy ang pinapanood niya.

Noong kumalma na si Dada Billy ay naupo na ito sa kanyang upuan. Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang office. I mean, office nilang dalawa ni Mimi Aerin.

"Since you are suspended for one week, I have a mission for you to do." Napapikit ako.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya iniiwasan ko siyang maka-encounter eh.

"This is the first mission I will give you so if you fail here you know what will happen next." Pagpapatuloy niya. Habang ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanya na parang maamong tuta.

"You will be the bodyguard of a---"

BODYGUARD?! No way!

"Mi, hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol kay Dada?" Nagpapaawa na tanong ko kay Mimi Aerin dahilan para maputol ang sinasabi ni Dada. Kasi dati-rati naman siya ang kakampi ko kapag ganito. Pero bakit ngayon hindi siya kumikibo?

Ngunit binigyan lamang ako ni Mimi ng isang matamis na ngiti.

"Oh, sweetie. You need a lesson." Sagot nito sa akin. "I'm sorry, I'm with your Dada now. Also, you're not getting any younger, Sky. You need to take life more seriously or else you will be left behind." Dagdag pa niya.

Muli akong nagbaling ng tingin sa seryosong mukha ni Dada Billy.

"Da, please wag mo naman akong gawing badygurad ng taong---"

"We will not be going to argue, Skyler. You are going to Manlac Island tomorrow to pick her up." Sabay hagis ng itim na folder sa aking harapan.

"Manlac Island? And where the hell is that place?" Tanong ko. Hindi ko pa rin kinukuha ang folder na inihagis nito na ngayon ay nasa aking paanan.

"That is Felicia Dizon, her father is the fisherman who came here to ask for help and protection for her daughter. Not her real father anyways." Paliwanag niya na alam ko naman ang kwento dahil narinig ko ang buong usapan nila noong araw na iyon.

"Her biological father is a member of the mafia in Belgium. But sadly namatay." Dagdag pa niya.

"You mean, pinapatay ang buong family at ngayon may posibilidad na ipapahanap din siya, si Felicia." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ng aking ina.

Impressed naman na tinignan ako nito habang napapatango. Hindi 'yun kasama sa narinig ko noong araw na iyon, guess ko lang.

"Exactly."

Dala na naman ng curiosity ko, ay walang alinlangan na dinampot ko na ang folder na nasa aking harapan. Pagkatapos ay dahan-dahan na kinuha ang folder na naglalaman ng information tungkol sa babaeng sinasabi ng aking ina. Hanggang sa bumungad sa akin ang mukha ng babaeng hinding-hindi ko malilimutan.

"Are you okay? What's wrong?" Tanong ni Mimi Aerin.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin.

"Siya ba 'yung babaeng sinasabi mo, Da?" Pagkatapos ay dahan-dahan na muling nagbaling ako ng tingin sa aking ina.

"Mhhmmm..." Sagot nito. "Why? Pamilyar ba siya sa'yo?" Kunot noo na tanong niya. Ngunit hindi ko ito sinagot.

"Okay, I'm in!" Biglang na-excite na sabi ko sa kanya.

Ngunit para bang hindi kumbinsido si Dada.

"You what?"

"I'm in, Da. Pupunta ako tomorrow to pick her up---"

"Skyler, she's special. Okay? Don't treat her like your puppet or sex toy. I'm warning you." Maawtoridad at mariin na pagbibigay nito ng warning sa akin.

Ngunit napatawa lamang ako ng malutong.

"Da---"

"Kilala kita, Skyler." Putol nito sa akin. "Kung ayaw mong ako mismo ang puputol sa dila mo at tatahi riyan sa hiwa mo. Mamili ka!" Sabay cross arms na dagdag pa niya.

"Fine. Ang harsh naman. Tss!" Sabay kamot ko sa aking batok at muling ibinalik ang aking mga mata sa litrato ng babae.

Nahanap din kita, Buko Juice girl!

Felicia pala, huh? Nangingiti na wika ko sa aking sarili.