Chereads / ESCAPE FROM MY ESTRANGED HUSBAND / Chapter 8 - Nagpatuloy Ang Buhay

Chapter 8 - Nagpatuloy Ang Buhay

"Waitress, ang order namin! Kanina pa kami naghihintay, ah," angal ng customer.

"Sandali po," sagot ni Cory. Kinukuha niya ang order ng isa pang customer sa ibang lamesa.

"Cory, halika nga dito!" sigaw ng may ari sa kanya. Natataranta na si Cory. Kung sino ang uunahin. Mag isa lang kasi siyang serbedora sa isang kainan.

"Ah, Ma'am ano po iyon?" magalang na tsnign niya.

"Kanina ka pa sa lamesang iyon. Nagrereklamo na yung nasa kabilang lamesa. Hala! Kunin muna ang order nun sa loob ng kusina!" galit na utos ni Meding.

"Pasensiya na po. Kukunin ko na po," nagmamadali naman ito na pumunta ng kusina para kunin ang order nung customer na nagrereklamo.

Nagpatuloy ang buhay ng magkapatid na sina Carvie at Cory. Nawala man ang isa ay kailangan nilang bumangon at tumayo muli. Si Carvie ay muling nagpatuloy ng pag aaral. High school nga lang. Pero ang sabi ng guro niya ay puwedeng mag exam si Carvie para sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya. Ang bilis ng panahon. Kaya ito nagtitiyaga si Cory na magtrabaho sa isang maliit na kainan para lamang may ipangtustos sa pag aaral ng kapatid niya. Lumipat na din sila ng tirahan para makalimutan ang mapait na pagkawala ng kanilang bunsong kapatid.

Malaki na din ang anak niya na Calli Elaine Luna o Calli kung kanila'y tawagin. Si Calli ang kaniyang naging inspirasyon at nagbigay ng lakas para bumangon. Blessing na dumating sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagkawala ni Cathleen. Dalawang taon na din na wala sa kanila ang bunsong kapatid na si Cathleen. Nagkabati din sila ni Carvie nuong nalaman nilang buntis siya. Tuwang tuwa pa nga si Carvie na ang ama ng dinadala niya ay ang Kuya Ely niya.

"Ay, ano ba yan!" malakas na sigaw ng customer. Nahulog kasi ang tray na dala niya. Kaya nabasag ang mga pinggan at mga pagkain sa lapag.

"Sorry po. Papalitan ko na lang po," paumanhin ni Cory. At pinupulot isa isa ang mga pira piraso ng mga nabasag na pinggan.

"Cory! Ano na naman iyan?! Nakabasag ka na naman!" malakas na sigaw ni Aling Meding sa kanya. Gusto nang maiyak ni Cory. Kung sana ay lamunin na lamang siya ng kanya kinatatayuan. Sa sobrang pagkapahiya.

Nilapitan siya ni Aling Medi at pipingutin sa tenga. Awa naman ang nararamdaman ng iba. Samantalang ang ibang naroon ay sinasabu na tama lamang iyon kay Cory.

"Hey! Bawal yan ah!" sigaw ng isang lalaki. Nahinto si Aling Medi sa gagawin ng may sumigaw sa kanya.

Napaangat naman ng ulo si Cory nang may narinig na boses ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang boses na yun.

"Carvie?"

Nakatayo ang kapatid niya sa may pintuan habang hawak sa isang kamay ang pamangkin. Tumakbo naman si Len sa ina at niyakap ito.

"Nay," sabi ni Calli. Lumapit naman si Carvie sa kapatid. At hinila ito palabas. Hawak naman ni Cory ang anak sa isang kamay.

"Carvie, may trabaho pa ako," angal ni Cory sa kapatid ng makalabas sila.

"Ate, sinasaktan ka na. Babalik ka pa doon sa loob."

"Sayang din naman kasi ang kikitain ko doon. Pangdagdag ko iyon sa ipon ko para sa pag aaral mo sa kolehiyo."

"Doon na lamang tayo sa bahay. May ibabalita ako sayo na tiyak matutuwa ka. Huwag ka ng pumasok sa kainan na yan. Ginagawa ka lamang alila ng amo mo," aya ni Carvie sa Ate niya. Napilitan na tumango na lamang ng ulo si Cory at sumang ayon sa kaoatid. At kinarga ang anak at hinalikan sa pisngi.

"Nay, kiliti po ako," hagikgik ng batang si Calli. Biglang napahinto si Cory nang may maalala. Ibinaba niya ang anak at muling pumasok sa loob ng kainan. Napailing na lamang ng ulo si Carvie.

Lumabas si Cory na may inilalagay sa bulsa niya.

"Tayo na. Umuwi na tayo. Hindi na ako babalik sa bulok na kainan na 'yan," aya ni Cory sa kapatid at hinawakan si Calli sa isang kamay.

"Anong ginawa mo sa loob?"

"E di, ano pa? Kinuha ko lang naman ang sahod ko ng dalawang buwan. Ang kunat magpasahod ni Aling Medi. Tapos ako lang mag isa," sagot ni Cory. Pagkatapos ay naglakad na sila pauwi sa bahay nila. Malapit lang naman ang bahay nila sa pinapasukang kainan ni Cory.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay dinala kaagad ni Cory ang anak sa loob ng kuwarto nila para bihisan. Iniwan niya muna sandali si Calli na naglalaro sa higaan nila. Pagkatapos ay siya naman ay naligo at nagbihis.

Nasa sala na silang mag ina nang lumabas si Carvie na may bitbit na folder. Saka nilapitan siya at kinuha ang isang papel. Inabot niya ito sa Ate niya. Kinuha naman ni Cory iyon at binasa. Nanlaki ang mga mata ni Cory.

"Totoo ba ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cory.

"Totoo yan, Ate" proud na sagot ni Carvie. Masayang masaya na niyakap ni Cory ang kapatid. Naiiyak na kumalas si Cory. Saka humarap dito.

"Masaya ako na unti unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo. Magkokolehiyo kana. Pag igihin mo pa ang pag aaral, ha," payo ni Cory.

"Ate, para sa atin itong pagsisikap ko. Saka nakakuha na din ako ng scholarship. Pero sa Manila ako mag aaral, ate."

"Oh e, ano naman? Mas maganda nga ang mga eskwelahan doon sa Manila. Saka huwag mo kaming alalahanin ni Calli. Okay lang kami dito sa probinsiya."

"Hindi ko puwedeng pabayaan na kayo lamang ni Calli sa bahay. Ibinilin ka ate ni Kuya Ely sa akin. Kaya susundin ko 'yon."

"Carvie, matagal nang wala ang Kuya Ely mo. Bakit ka ba ganyan pagdating sa Ely na yan?"

"Dahil mahal ka niya. Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo. Ang bait ni kuya sa atin. Pagkatapos ikaw, masyado kang mapride. Tingnan mo nawalan ng ama si Calli. Kung sana andito si Kuya Ely, sana may tatay ang pamangkin ko. Sa sama kayong dalawa sa Manila sa akin. At iyon ang desisyon ko, ate." saka tumalikod si Carvie kay Cory.

Huminga ng malalim si Cory. Dinalhan ang anak na naglalaro lamang sa tabi niya. Niyakap niya ito. Two years ago, noong huling nakita niya si Ely. Palaging ipinamumukha ng kapatid niya na pinakawalan niya si Ely. Na binalewala niya ang mga ibinigay na tulong ni Ely sa kanila. Halos wala silang binayaran sa ospital. Pati ang punerarya ay bayad ni Ely lahat. Napaiyak na lamang si Cory ng maalala si Ely.