Chapter 11 - Tatay

Hinihintay ni Ely si Cory na matapos sa trabaho nito. Nasa opisina ito ng manager ng restaurant naghihintay.

Nagbubulungan naman ang mga kasamahan niya dahil sa nalaman na magkakilala pala sina Cory at Mr. Andrew. Ang iba ay kinikilig habang ang iba ay inggit. Mayroon ding galit sa kanya. Si Eliseo Andrew kaya iyon. Ang may ari ng El Enterprise Corporation. At iba pang mga negosyo na pagmamay ari ng pamilya niya. Siyempre siya ang nag iisang anak na magmamana ng lahat ng iyon.

"Sir Andrew, baka po may kailangan po kayo? Juice or coffee?" baling na tanong ng Manager kay Ely. Napapansin niya ang mga malalagkit na tingin sa kanya. Umiling ng ulo si Ely. Siyang pasok naman ni Cory. Nakangiti itong sinalubong ni Ely.

"Tapos ka na?" tanong ni Ely.

"Oo, tapos na ako. Out na nga ako," sagot ni Cory. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cory.

"Let's go," aya ni Ely. Muling sumulyap ni Cory ang Manager nila.

"Ma'am, alis na po kami. Salamat po," paalam ni Cory. Hindi naman nag abalang ngumiti ang Manager at tumango lang ito ng ulo. Hawak kamay na lumabas ang dalawa ng opisina ng Manager nila Cory.

Habang nasa biyahe ay panay ang tingin ni Cory kay Ely. Nagtaka siya nang inihinto ni Ely ang kotse niya sa gilid. At walang paalam na bumaba. Sinusundan naman ni Cory ng tingin si Ely.

"Hi po. Bouqet of red roses po," sabi ni Ely. Kinuha naman ng tindera ang isang bouqet at ibinigay iyon kay Ely. Sabay abot ng bayad ni Ely dito.

"Keep the change," masayang kuha ni Ely sa bulaklak.

Nakangiting naglalakad si Ely papalapit sa kotse niya.

Tinititigan ni Cory si Ely. Para itong prince charming sa mga mata ni Cory. Ang tikas ng katawan. Lalong nakapagpa dagdag ng appeal nito ang suot nitong business suit. Nakasunod pa din ang mga mata ni Cory kay Ely habang umuupo ito sa drivers seat.

"For you" abot ni Ely ng bouqet kay Ely. Kinuha naman ito ni Cory.

"Thank you."

"You dont have to say thank you. It's my duty afterall to give you all," sabi pa ni Ely. Saka pinaandar na ang makina ng sasakyan. At umalis. Ihahatid siya nito pauwi sa kanila.

Buong biyahe na tahimik si Cory. Sasabihin ba niya ang tungkol kay Calli? Karapatan din naman na malaman ni Ely ang tungkol sa anak niya. Pero paano siya kapag naisipan ni Calli na makasama ang ama niya? Baka kalimutan siya ng anak niya. Siya ang nagluwal at nagdala ng siyam na buwan. Nagpalaki at nag aruga hanggang sa lumaki. Pagkatapos ay mababalewala ang lahat ng kanyang isinakripisyo sa anak niya.

"Puwede mo bang ihatid ako sa may kanto na lang?" basag sa katahimikan na tanong ni Cory.

"Ihahatid kita hanggang sa bahay niyo. Para kapag dinalaw kita ulit. Alam ko na ang bahay niyo ni Carvie. Gusto ko ding makita si Carvie," sagot ni Ely. Napaayos naman ng upo si Cory at kinakabahan.

"Bahala na nga," nasabi ni Olive sa sarili.

Tumahimik muli si Cory at hinayaan na lamang ang mga mangyayari sa oras na makilala ni Ely ang anak nila.

"Dito ka muna. Hintayin mo lang ako dito," sabi ni Cory kay Ely. Nakarating na sila ng bahay nila Cory. Kailangan niya pang kunin ang anak niya sa landlady nila. Tumango na lang ng ulo si Ely. At umalis na si Cory at pumunta sa bahay ni Aling Tina.

Pagbalik ni Cory ay nagtataka na nakatingin si Ely sa batang akay ni Cory. Tinititigan niya ito. At tumingin kay Cory.

"Nay, sino po siya?" tanong ni Calli. Nakatingin lang si Ely kay Cory. Naghihintay siya sa sagot nito sa tabi ng batang babae na hawak ni Cory.

"Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay," aya ni Cory at hindi na muna sinagot ang tanong ng anak. Naunang pumasok ang mag ina habang si Ely ay nakasunod lamang na halos ayaw magsalita.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay dinala na muna ni Cory ang anak sa loob ng kuwarto. Habang si Ely ay naiwan sa sala. Tinitingnan ni Ely ang lahat ng picture na nakasabit sa dingding. Ang picture nuong buntis si Cory. Hanggang sa nakapanganak ito

Andoon din ang picture ni Cathleen. At ang kompleto nilang picture na tatlong magkakapatid. Napadako ang tingin niya sa picture doon kung saan buhat ni Cory ang bagong silang na sanggol. Nilapitan niya ito at hinawakan ang mukha ng baby at ang mukha ni Cory. Hindi niya napigilan na tumulo ang luha niya.

"Ely, ano—" hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita si Ely na nagpunas ng kanyang mga luha sa mata.

"When you will tell me, Cory?"

"Calli, doon ka muna sa kuwarto. Maglaro ka muna," utos ni Cory sa anak. Sumunod naman si Calli sa sinabi ng kanyang ina. Sinusundan ng tingin ni Ely ang batang babae na muling pumasok sa loob ng kuwarto.

"Kailan mo sasabihin sa akin ang lahat?! When will you introduced me to her?! Ano, Cory? Kaya ba ayaw mong malaman ko ang bahay mo?" puno ng mga tanong si Ely kay Cory.

"Sasabihin ko naman talaga sayo, Ely. Pero natatakot ako. Baka kunin mo ang anak ko."

"Cory, two years mong itinago ang tungkol sa anak natin. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko ngayon? You can ask me, she is our daughter. And I will never take her from you because you are her mother!"

Napaiyak na si Cory.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin at sasabihin sayo. Mahal ko ang anak ko, Ely."

"Mahal ko din siya. Nag expect ako na magkakaroon ng ugnayan ang lahat sa atin sa isang gabi na iyon. Nag expect ako at naghintay, Cory. Mahal kita. Mahal ko kayo ng anak natin. Pero hindi mo man lang inisip, ako!"

"Ilang beses mo ba akong sasaktan, Cory. Simula nuon hanggang ngayon sinasaktan mo pa din ako!" dagdag na sabi ni Ely na umiiyak.

"Patawarin mo ako, Ely," 'yon lang ang nasabi ni Cory habang pilit na hinahawakan ni Cory sa braso si Ely.

"Can you please introduced me to our daughter?" pakiusap ni Ely. Tumango ng ulo si Cory. Saka pinuntahan ang anak sa loob ng kuwarto.

Buhat na ni Cory ang anak na si Calli. Nang lumapit sila kay Ely. Umiiyak pa din ito.

"Baby, diba gusto mong makilala ang Tatay mo?" tanong ni Cory na nakatingin ng diretso sa mata ng anak. Tumango ng ulo naman si Calli.

"Anak, siya ang tatay mo," diretsong pakilala ni Cory kay Ely. Humarap naman si Calli kay Ely.

"Tatay," umiiyak na sabi ni Calli at inilahad ang dalawang kamay para magpakarga sa ama. Kinuha naman iyon ni Ely at niyakap ng mahigpit.

"Yes, baby. I'm your Tatay. I love you, baby," sabi ni Ely habang umiiyak ito pati na din si Calli. Panay naman ang tulo ng luha ni Cory sa nakikita sa mag ama.