Chapter 14 - Takot

Pagkapark ng kotse ni Ely ay diretso na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. At pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa sala at kausap si Gemma. Parehong napalingon silang dalawa. At malawak na ngumiti si Gemma ng makita si Nickson.

Tumayo at sinalubong ni Gemma si Ely ng yakap. Pero hahalikan na niya sa labi si Ely nang umiwas ito. Nagtatakang tumingin si Gemma kay Ely.

"What's wrong?" tanong ni Gemma. Umiling lang ng ulo si Ely.

"Kanina pa naghihintay si Gemma sayo, Ely. Saan kaba galing?" singit na tanong ni Eladia sa anak.

"May pinuntahan lang pong importante, mom," sagot ni Ely. Makahulugang tiningnan ni Gemma si Ely.

"Oh siya. Maiwan ko na kayo diyan. Mag usap kayo," sabi ni Eladia sa dalawang magkasintahan. At umalis na ito para pumunta ng kusina.

Hinahawakan ni Gemma sa braso si Ely. Pero umiiwas ito.

"Can you sit down?" pakiusap ni Ely kay Gemma.

"Sa akin kapa ngayon nakikiusap para makipag usap sa akin. Why Ely? What happening to you?"

"Nothing, Gemma. Wala namang nangyayari sa aking iba. Maliban sa pagiging busy ko sa opisina," hindi naman naniniwala si Gemma sa rason ni Ely.

"Busy?! Saan? Pumunta ako sa opisina mo

Ang sabi ng sekretarya mo. You take an off today. Para saan? At ni hindi mo man lang ipinaalam sa akin. Ely, I'm your girlfriend. Pero pakiramdam ko iniiwasan mo na ako. Sabihin mo nga sa akin. Are you become unfaithful to me this past few days? May itinatago kaba sa akin?"

"No! Wala akong itinatago sayo. At hindi kita iniiwasan. I'm sorry if you fell this way. Busy lang talaga ako, Gemma," pagsisinungaling na sagot ni Ely.

Paano ba niya, sasabihin kay Gemma ang lahat? Pati na din sa parents niya. Ang tungkol sa kanyang mag ina. Ayaw niya muling umalis si Cory sa kanya. Pero tiyak na mawawala ang kanyang mag ina kapag nalaman ni Cory ang tungkol kay Gemma. He knows Cory. Ayaw nitong may nasasaktan na iba. Hindi nga niya na ipaglaban na aminin na mahal siya ni Cory.

"I mss you, Ely. Gusto kong makasama ka. Mahal kita."

"I missed you too, Gemma. Kumain ka na ba?" tugon ni Ely. Pero iniba ang usapan.

"Hindi pa nga. Kasi hinintay kita."

"Alright. Let's eat," aya na lamang ni Ely kay Gemma. Kahit na busog pa naman siya. Hindi na din siya pumalag nang hawakan ni Gemma ang kamay niya. At hinila siya papunta sa kusina.

Natapos ang hapunan. Pero hindi nagalaw ni Ely ang kanyang pagkain sa plato niya. Pagkatapos ng hapunan nila ay inihatid ni Ely si Gemma sa sasakyan nito.

"Babe, can we go out tomorrow?" tanong ni Gemma sa kanya.

"Pero mayroon akong hindi na tapos na trabaho sa opisina," sagot ni Ely. Napasimangot si Gemma.

"Iyan ka na naman. Sige, puntahan na lang kita bukas sa opisina mo," napilitan na ding tumango ng ulo si Ely. Wala naman siyang magagawa dahil ipipilit pa din ni Gemma ang gusto niya.

Hinalikan siya ni Gemma sa pisngi at pinagbuksan ni Ely ng pinto ng kotse ito. Nakangiting pumasok na din si Gemma sa loob ng sasakyan niya. Kumaway pa ito kay Ely bago pinaandar ang sasakyan.

Hindi dalawin ng antok si Ely. Binabagab si Ely sa isipin tungkol kay Gemma at sa mag ina niya. Mahal niya si Cory pati na ang anak nila.

Napabuntong hininga si Ely. At tumayo mula sa kanyang kama. Bumaba siya papunta sa kusina. Lumapit siya sa friged at kumuha ng can ng beer.

Binuksan niya iyon at straight na ininom. Saka naglakad palabas ng bahay. Pumunta siya sa hardin. At doon siya nagpasya na maglagi sandali. Napalislot siya nang maramdamang may lumapit sa kanya.

"Gabing gabi na. Hindi ka ba makatulog, Ely?" tanong ng Daddy niya. Si Mr. Lester Andrew.

"Nagpapahangin lang po dito sa labas."

"Bakit sira ba ang aircon sa kuwarto mo at naiinitan ka?

"Hindi po. Gusto ko lang pong makapag isip isip," seryosong sagot ni Ely. Saka tumunga ng alak sa bote.

"Ano ba iyang nagpapabigat sayo? Let it out, Ely. Baka makatulong ako."

"Dad, what if I have a child on wedlock? Matatanggap niyo po ba ni Mommy ang anak ko?"

Napalingon si Lester sa anak.

"Sinasabi mo bang may anak ka na?" mariing tanong ni Lester kay Ely. Tumango ng ulo si Ely.

"Lately ko lang po nalaman. Inilihim po kasi ni Cory sa akin ang tungkol sa anak ko. And I'm willing to take the responsility to my child."

"Then, why don't you ask the mother for marriage?"

"Isa po iyan sa ikinakatakot ko. Baka hindi niyo matanggap ang babaeng mahal na mahal ko."

"Bakit naman?"

"Dahil mahirap lang po siya."

"Oh. Just bring your child here. And let see kung ano ang sasabihin ng mommy mo. For me wala namang kaso kung mahirap o mayaman ang ina ng anak mo. As long as, there is love. Between you and the mother of your child," saka marahang tinapik si Ely sa balikat. Humarap si Ely sa kanyang ama.

"Thank you Dad. Sa pagtanggap niyo po sa kanila. I will do my best para matanggap ni Mommy si Cory."

"Make it fast, Ely. And what you gonna do to Gemma? Mahirap mamangka sa dalawang ilog."

Ely heaved a heavy sighed.

"Iyan pa po ang isa sa nagpapagulo ng utak ko ngayon. Ang tungkol kay Gemma. Hindi ko po alam kung paano ko ipapaliwanag kay Gemma. That I dont love her. Alam ko po na masasaktan ko."

"Better to say it. Kesa paasahin mo si Gemma. Sa nakikita ko mahal ka ni Gemma," komento ni Lester.

"Hindi ko nga po alam kung anong pumasok sa isipan ko at pinatulan ko si Gemma."

********

"Ate, sana naman hindi mo na iwanan si Kuya Ely. Mahal na mahal ka talaga ni kuya. Tingnan mo may trabaho iyon. Pero naipasyal kayong mag ina kanina," ani Carvie. Napangiti si Cory.

"Mahal ko din naman ang kuya mo, ah. Sa totoo lang hindi pa din nawawala ang takot ko. Mayaman sila. Mahirap tayo. Wala akong maipagmamalaki kay Ely. Kundi ang maging mabuting ina ng anak naming dalawa."

"Kaya nga, ate. Sana mas mahalin mo pa si Kuya Ely. Handa niyang gawin ang lahat sa inyong mag ina. Tingnan mo si Calli. Ang saya niya kapag kasama ang Tatay niya. Lumalaki na din si Calli. Sana lang ay maging maayos na talaga kayo ni Kuya Ely."

"Isa lang ang maipapangako ko Carvie. Iyon ay ang mahalin si Ely. At siya lang ang lalaking mamahalin ko higit sa kanino man. Ibang level nga lang ang pagmamahal ko sa anak namin. At pareho silang nasa puso ko."

Wala naman ibang lalaki ang pumuno sa puso niya. Kundi si Ely lamang. Umabot na ng dalawang taon ang pagtitiis niya. Pero kung hindi man sila talaga sa hinaharap. Handa siyang magpaubaya. At idadalangin na maging masaya si Ely sa anoman ang kanyang tatahakin na buhay.