Chapter 13 - Babawi

Nagising si Cory na katabi si Ely. Nasa sahig sila natulog na dalawa habang ang anak nila ay sa higaan. At tulog pa din ito. Nakangiti na pinagmamasdan ni Cory si Ely. Naulit na naman ang mga nangyari sa kanila. Ibinigay naman niya ang sarili ng buong puso dahil mahal niya si Ely.

Kinintalan ng halik ni Cory si Ely sa pisngi saka tumayo. Diretso siyang pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na siya ng kusina para magluto ng almusal ng mag ama niya.

Masayang inaayos niya ang lamesa nang may marinig siyang boses.

"Gemma, I'm not at home. Okay. I have important thing to do today so I cant be with you," ang sabi ni Ely habang nasa tenga niya ang telepono niya.

"Just wait when I come to the office. Bye!" saka pinatay ni Ely ang tawag ni Gemma.

Dali daling umalis si Cory sa may pinto at bumalik sa kusina. Nagkunwaring inaayos ang mga pinggan at baso. Nang may yumakap sa kanya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Ely iyon.

"Good morning, baby," sabay halik sa pisngi niya. At iniharap siya nito sa kanya.

"Ang aga mo namang nagising. Hindi kaba napagod kagabi?" may dagdag na tanong ito habang yakap si Cory sa bewang nito. Namula naman ang pisngi ni Cory nang maalala ang mga nangyari sa kanila kagabi ni Ely.

"Ikaw talaga. Marinig ka ng anak mo," iwas na sagot ni Cory at bumaling ng tingin sa ibang direksiyon. Dahil sa nahihiya siyang makita ni Ely kung gaano kapula ang pisngi niya.

"Eh, bakit ayaw mong humarap sa akin? Pangit ba ako at ganyan ka sa akin ngayon?"

Cory rolled her eyes. Then faced Ely. Ely cant control his laugh. While looking to Cory.

"Anong nakakatawa?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Cory. Ngumisi lang si Ely at hinalikan sa pisngi si Cory.

"I love you, baby. I would loved to see you blush b'coz of me," malambing na sabi ni Ely saka niyakap si Cory. Hindi napigilan ni Cory ang hindi mangiti. Kinikilig siya. Ang sweet talaga ni Ely. Mabait din ito at wala na siyang makikitang lalaking kagaya ni Ely.

Nagising na din si Calli at hinanap ang ina. Nagulat pa ito nang makita ang ama.

"Good morning, baby ko. Namiss mo si Tatay?" tanong ni Ely habang kalong si Calli. Yakap naman ang naging sagot ni Calli sa kanya.

"I love you, tatay," sabi ni Calli.

"Ang sarap naman pakinggan, anak ko," sabi naman ni Ely. Habang si Cory ay pinagmamasdan at dinig na dinig niya ang sinabi ng anak niya kay Ely.

"Kumain na tayo, anak, baba ka na kay tatay," aya ni Cory sa kanyang mag ama. Pero ayaw bumaba ni Calli sa pagkakandong sa ama.

"Hayaan mo na. Minsan lang naman maglambing ang anak ko sa akin. Pagbigyan mo na. Mamaya, baby ipakita ko sayo ang mga laruan na binili ko para sayo," sabi ni Ely.

"Yehey! Nanay may bago po akong laruan! Yehey!" masayang sigaw ni Calli.

"Huwag mong ispoilin ang anak natin, Ely. Nasanay siya na ibinibigay ko ang gusto niya pero hindi lahat. Kaya huwag mong ibigay ang gusto niya. Baka mamihasa," sita naman ni Cory kay Ely.

"I will everything for my daughter, Cory. Please let me. Gusto kong makabawi sa dalawang taon na hindi niyo ako kasama. Mahal ko kayong dalawa, tandaan mo yan, Cory," tugon ni Ely. Hinawakan niya ang kamay ni Cory. Tumango na lang ng ulo si Cory at ngumiti.

"Later, mamastal tayo. Gusto mo ba 'yon, anak?" tanong ni Ely. He want to spend his quality time to his daughter and of course to Cory. Tumango tangi naman ng ulo si Calli.

"Sige na kumain ka ng marami, Calli. At ikaw, baby ihanda mo si Calli. Ipapasyal ko kayong dalawa," baling na sabi naman niya kay Cory.

"Sigurado ka ba? Baka may makakita sa amin. At magtaka sila kung bakit ka kasama namin," saad ba sambit ni Cory.

"Of course it's okay. Mag ina ko kayo. Siyempre kayo muna ang iisipin ko. At kahti sinong nagtanong ay sasabihin ko ang totoo," sagot ni Ely.

Nakabihis na ang mag ina. At excited na si Calli sa unang pamamasyal kasama ang ama.

Inalalayan ni Ely na makasakay ang anak sa passenger seat habang si Cory ay katabi niya na nasa shotgun seat.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Cory.

"Basta relax lang, baby diyan," sagot ni Ely at dumukwang para halikan si Cory sa labi. Umiwas naman si Cory.

"Nasa likod lang ang anak mo, Ely," saway ni Cory kay Ely. Napakaclingy ni Ely sa kanya. Lumingon naman si Ely sa likod.

"Anak, close your eyes," utos ni Ely sa anak. Ipinikit naman ni Calli ang kanyang mga mata at mabilis na hinalikan si Cory sa labi. Nagulat naman si Cory sa ginawa ng kanyang mag ama.

Hinampas ni Cory si Ely sa balikat.

"Ikaw talaga," naiinis na sabi ni Cory.

"Love you," ani Ely. Natunaw naman ang puso ni Cory at ngumiti na lamang. Habang si Calli ay pumapalakpak.

Masayang masaya sila na parang isang buong pamilya. Pero paano kapag nalaman ang inililihim ni Ely na isa pang ka relasyon? Ano ang mangyayari sa mag ina?

Nagpunta sila sa Zoo. Aliw na aliw si Calli habang pinapanood ang mga, hayop na nasa kulungan. Panay din ang pagkuha ng picture ni Ely. This is the best day ever! Para sa kanya. Ang makasama at makitang masaya ang kanyang mag ina.

Pagsapit ng alas onse ay nagyaya na si Calli a kumain. Nagugutom na ito. Kaya naisipan ni Ely sa nasa labas na restaurant sa Zoo sila kumain. Balak pa niyang dalhin ang kanyang mag ina sa mall para ipamili sila ng mga bagong damit.

Pagkatapos sa Zoo ay dumiretso sila sa mall. Una nilang pinuntahan ang kid's wear section. Panay ang lagay ng damit ni Ely sa kanilang cart. Ibinili din niya ito ng bagong bago na bike. Tuwang tuwa si Calli na nagtatalon sa saya.

Ang huli nilang pinuntahan ay ang woman's botique. Lahat ng makita ni Ely na damit na maganda ay inilalagay niya sa dalang shopping bag. Walang nagawa ang mga protesta niya at si Ely pa din ang nasunod.

Umuwi sila na pagod na pagod. Maraming paper bags silang iniuwi sa bahay nina Cory.

"Ang dami naman niyan. Nabili niyo ba ang buong mall?" tanong ni Carvie na tinitingnan ang mga paper bags.

"Itong kuya mo eh. Ang kulit sinabi nang hindi ko kailangan ng bagong damit at sapatos. Ayaw papigil," si Cory na ang sumagot. Natatawang nilapitan ni Ely si Cory. Saka niyakap.

"Siyempre para ito sa inyo ni Calli. Gusto kong ibigay ang lahat sa inyong dalawa," ani Ely.

"May kasama kaya kayo dito. Makapasok na nga sa loob ng kuwarto ko. Alam na single ang kasama nila kung maglambingan parang walang kasama," maktol na sabi ni Carvie at diretsong pumasok sa loob ng kuwarto niya. Natatawa naman na inalis ni Cory ang pagkakayakap sa kanya ni Ely.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama at gusto mo na akong umuwi," tanong ni Ely na kunwari ay nagtatampo.

"Hindi sa ganoon. Gusto ka naming makasama ni Calli. Pero may trabaho ka at saka babalik ka naman di ba sa amin? Dadalawin mo pa din kami," sagot ni Cory.

Napangiti si Ely. Hindi makasarili si Cory na ang gusto ay sa maging kanya lamang si Ely. Kahit pa may anak sila ay hindi niya inoobliga ito para sa obligasyon nito at responsibilidad dahil sa may anak na silang dalawa. Ngayon na may nangyari ulit sa kanila. Natatakot man si Cory pero hindi niya ulit iyon pinagsisisihan. Bagkus ay masaya siya na nakasama nilang mag ina si Ely.