Chereads / ESCAPE FROM MY ESTRANGED HUSBAND / Chapter 12 - Mag-Ina Ko

Chapter 12 - Mag-Ina Ko

Kung wala pang tumawag kay Ely ay hindi ito uuwi at doon na muna sa bahay nina Cory matutulog. Sobrang ayaw nang malayo ni Ely sa anak. Dalawang taon niya itong hindi nakasama. Siyempre nangungulila pa siya sa anak niya na itinago ni Cory.

"Carvie, ikaw na muna ang bahala sa mag ina ko. Uuwi lang ako. Bukas ay babalik ako para makasama silang muli," bilin nitong kay Carvie.

"Oo naman Kuya Ely. Ako naman talaga ang laging tumitingin sa mag ina mo," sagot ni Carvie.

Hinalikan ni Ely sa noo ang anak. Pagkatapos ay hinalikan niya sa labi si Cory.

"I will be back. And get ready, Cory when I'm back. Dahil isasama ko na kayo sa bahay ko," paalam ni Ely kay Cory.

"Baby, uwi muna si tatay. Babalik si tatay, ha. Hintayin mo ang tatay," paalam din nitong sabi sa anak. Yumakap naman si Calli sa ama na nakasampay ang mga kamay sa leeg ni Ely.

Tumalikod na si Ely sa kanyang mag ina. At sumakay ng kanyang kotse. Muling sinulyapan si Ely ang kanyang mag ina. Bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kumaway pa si Cory at Calli ng kamay kay Ely. Tumulo na naman ang luha ni Cory habang nakikitang papalayong ang sasakyan ni Ely.

"Ate, babalik si Kuya. Huwag kang mag alala. Mahal ka nun. Nuon pa. At sinabi niya iyon sa akin," alo ni Carvie sa mag ina ni Ely na umiiyak. Tumango na lamang ng ulo si Cory at pumasok na sila sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay maaga pa na pumasok si Cory sa trabaho. Iniwan na naman niya uli si Calli kay Aling Tinay. Malungkot na pinupunasan ni Cory ang lamesa. Nang dumating si Glenda.

"Cory, may delivery para sayo. Mukhang galing sa boyfriend mong mayaman," imporma ni Glenda. Napatigil at tumingin si Cory kay Glenda.

"Ikaw na ang magtapos. Pupuntahan ko lang," paalam na sabi ni Cory. Tumango na lamang ng ulo si Glenda sa kaibigan.

Napansin ni Cory ang isang bouqet of red roses na hawak pa ng isang kasamahan niya. Nilapitan niya iyon at kinuha mula dito ang mga bulaklak. Kinuha ang note at binasa.

For my Baby

I miss you. You're the reason why I wake up. Kayo ni Calli. I love you both. And cant wait to see you both.

Take care

Love,

Ely

Inilagay ni Cory sa dibdib niya ang isang maliit na papel at inamoy ang bulaklak.

"Iba talaga kapag mayaman ang boyfriend. May pabulaklak pa. Cory, saan mo nakuha si Sir Andrew. Puwede mo bang bigyan mo din kami?" nakakainsulto na sabi ng isa sa kasamahan niya. Hindi iyon pinansin ni Cory at pumunta ng locker room nila para ilagay ang bulaklak. Saka parang walang nangyari na bumalik sa trabaho.

Buong maghapon na pagod si Ely. Hinihilot ang kanyang sentido. Saka binuksan ang kanyang phone. He press the gallery at tiningnan ang picture ng kaniyang mag ina.

"I miss you both. My Cory and my daughter," usal ni Ely. Nakakawala ng pagod na makita ang mukha ng kanyang mag ina. Kahit sa picture lamang. Nahinto siya sa pagmumuni nang tumawag ang kanyang sekretarya.

"Sir, andito po si Ma'am Gemma. Papasukin ko na lamang po," imporma nito sa kanya.

"Okay," saka ibinaba ang phone.

Siyang bukas ng pinto ay iniluwa niyon si Gemma. Hapit ang suot at may makapal na make up. Napaisip tuloy siya kung paano niya nagustuhan si Gemma. Samantalang si Cory ay napakasimpleng babae na walang arte sa katawan.

"Hi, babe," bati nito sa kanya at kumandong pa sa kanyang lap.

"Busy ka ata. Ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa akin. I missed you, babe," sabi pa ni Gemma at isinampay ang mga kamay sa leeg ni Ely. Hahalikan na si Ely sa labi nang umiwas siya.

"What's the problem, babe? Hindi mo ba ako namiss?"

"I'm just tired, Gemma."

Napakunot ng noo si Gemma nang tinawag siya sa pangalan niya si Ely. Tumayo siya at nameywang.

"Gemma? Tama ba ang dinig ko? Tinawag mo akong Gemma."

"I told you I'm just tired. Wala akong time to argue this time."

"Babe, hindi ako nakikipagtalo sayo. Halos isang araw tayong hindi nagkita. Pagkatapos ganyan ka sa akin."

"It's just one day. Okay! It's not a month na hindi tayo nagkita. Can you give me time for myself? Nakakasakal ka na!"

Nagpanting ang tenga ni Gemma nang marinig iyon mula sa bibig ni Ely.

"How dare you! Sinasakal na kita ngayon. At ang one day na 'yon sa akin ay parang a month na! Dahil mahal kita at gusto kitang makita at makasama! Why Ely? Ayaw mo na ba akong makita? Answer me."

"It's not like that. I told you I'm tired but you dont listen. Ayaw ko ng ganito sa relasyon nating dalawa. You're too clingy na halos gusto mo na sayo ang buong oras ko. I have company to manage. May mga empleyado akong umaasa sa akin. At sina Daddy at Mommy obligasyon kong gawing ang duties ko bilang kanilang anak. But you're not giving me space. To do all what I want to do."

"Nagrereklamo kana ba ngayon, Ely?"

"Yes! Dahil napupuno na ako sayo! So can you please go and leave for some time."

Ngunit matigas si Gemma. Hindi ito umalis at nag stay sa loob ng opisina ni Ely. Kahit na hindi siya pinapansin ng binata. After an hour ay umalis na din si Gemma at walang paalam na lumabas ng opisina ni Ely.

Napasabunot si Ely sa kanyang buhok.

"Paano kapag nalaman ni Cory ang tungkol kay Gemma? Baka layuan na naman ako ng mahal ko. At hindi ko na makikita ang anak ko," sabi ni Ely sa isip.

Gabi na ng pumunta si Ely sa bahay nina Cory. Tulog na daw ang anak nila. Kaya hindi niya naibigay ang mga laruan na para sa anak.

"Kumain ka na ba?" nag aalalang tanong ni Cory kay Ely. Mukhang pagod si Ely na halos hindi siya kinakausap.

"Hindi ako nagugutom. Can i sleep here?" sagot at tanong ni Ely.

"Huh? Saan ka naman matutulog dito? Wala kang malambot na lamang hihigaan dito," sagot ni Cory.

"Hindi naman importante iyon. Kahit sa sahig. Okay na ako doon. Basta kasama ko lang kayo na mag ina ko."

Napangiti si Cory.

"Sandali lang. Ikukuha kita ng damit kay Carvie. Hindi uuwi iyon dahil may tinatapos pa daw na project," sabi ni Cory. Tumango lamang ng ulo si Ely at umalis na si Cory para pumunta ng kuwarto ng kapatid.

Pagkabalik niya sa sala ay bitbit niya ang isang t-shirt at short ni Carvie. Inabot niya ito kay Ely.

"Sige na maligo ka na. Ihahanda ko ang pagkain natin," ani Cory.

"Thank you," tugon ni Ely at nilapitan si Cory para yakapin.

"Sige na," udyok na sabi ni Cory.

"Payakap pa. Namiss kaya kita."

"Mamaya na. Sige na maligo ka na. May inilagay na akong tuwalya para sayo na nasa banyo," iwas na sagot ni Cory. Napilitan na tumango ng ulo si Ely at pumunta na ng banyo.

Lumabas si Ely na pinupunasan ang buhok. Hindi nito suot ang t-shirt na binigay niya. At ang short naman ay hanggang hita niya. Masyadong matangkad si Ely na hindi nakasukat ang size ni Carvie.

"Halika na kumain na tayo. Para pagkatapos makapag pahinga ka na," aya ni Cory kay Ely. Nakangiti naman na lumalapit si Ely kay Cory. Imbes na umupo ay yumakap pa muna ito kay Cory at hinalikan sa pisngi.

"Ang bago naman ng misis ko," sabi ni Ely na halos sininghutin na si Cory.

"Ano ka ba! Tumigil ka nga diyan," kunwari'y naiinis na saway ni Cory. Pero kinikilig ito.

Umupo na si Ely at sumunod naman si Cory. Nilagyan nito ng pagkain ang plato ni Ely. Saka tubig at inumpisahan na nilang kumain. Nang matapos silang kumain ay inaayos ni Cory ang higaan ni Ely sa baba. Sa kama ang mag ina. Samantalang si Ely ay sa ibaba.

Pinagmamasdan ni Ely si Cory. Saka nilapitan ito. At niyakap niya ito ng mahigpit. At pilit hinuhuli ang labi ni Cory.

"Natutulog na ang anak mo," saway ni Cory kay Ely na hinahalikan na siya sa leeg.

"Hindi 'yan. Please, baby naman," pakiusap na sabi ni Ely. Nagpaubaya naman si Cory nang ihiga siya ni Ely sa higaan nito.

"I love you," malambing na sabi ni Ely.

"I love you too," tugon ni Cory at sinimulan na siyang halikan sa labi.