Chereads / ESCAPE FROM MY ESTRANGED HUSBAND / Chapter 10 - Second Chance

Chapter 10 - Second Chance

"Mr. Andrew, sana na mafinal na natin ang resolusyon sa napipinting project sa Tagaytay. Kailangan na nating maayos kung kailan natin sisimulan ang project na ito," sabi ni Siegfrid Baltazar. Isa sa mga shareholder ng Andrew Industrial Corporation. Ito ay pag aari ng pamilya nina Ely. Sina Ely ay shareholder din sa HMG na pag aari ng ama ni Cindy.

"Yes, Fred. I will ask Dad kung ano ang gusto niya. Mas maganda na alam niya ang tungkol sa napakalaking project sa Tagaytay Sunrise." Sila ang mamahala sa construction sa napakalaking subdivision sa Tagaytay.

"Okay, Ely. Pero we need it as soon as possible. Alam namin na si Mr. Allen ang isa sa pioneer ng kompanya. But we trust you Ely that can decide better than your father," ani Mr. Bert Sinas. Tumango at ngumiti si Ely.

"Salamat sa inyong tiwala sa akin. Pero mas gusto ko pa rin na si Daddy ang magdedesisyon para sa Tagaytay Sunrise," saad ni Ely.

Nang matapos ang kanilang meeting ay isa isang nakipagkamay si Ely sa kanyang mga, empleyado at opisyales at mga shareholder. Ginanap ang kanilang meeting sa isang restaurant na pag aari ng kaibigan ni Seigfrid.

"Oh ano, Ely? Do you want to stay here for a while o sasabay ka na sa amin pauwi?" tanong ni Seigfrid. Tumungga muna ng alak si Ely sa baso bago sumagot.

"Mauna ka na. Ang ganda kasi ng venue ng meeting natin. Parang gusto ko pang magtagal ng konti dito," sagot ni Ely. Tinapik naman siya ni Seigfrid sa balikat.

"Okay, pare. Alis na kami," paalam ni Seigfrid sa kanya. Tumango lamang ng ulo si Ely. Saka tumalikod na sa kanya si Seigfrid. Kasunod ang iba pa niyang kasama.

Mag isa na lamang si Ely sa Excutive lounge na nirentahan ni Seigfrid para sa kanilang meeting. Nang bumukas ang pinto niyon at pumasok ang dalawang babaeng waiter. May dala silang panlinis at tray. Nasa cellphone ang kanyang mga mata ng mag angat siya ng tingin. Napadako ang tingin niya sa isang babae na mahaba ang buhok. Tinititigan niya iyon.

Napatulala siya at mas tinititigan ang mukha nito habang abala sa ginagawa.

"Cory?" tawag ni Ely sa pangalan ng isang babae. Sabay pa na lumingon ang dalawang babae na waiter.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Cory nang marinig ang pamilyar na boses. Two years na simula nuong huling makita niya ang may ari ng boses na iyon. Sa laki ng Maynila ay hindi niya akalain na maririnig ulit iyon. Dahan dahang nag angat siya ng tingin at tiningnan ang taong tumawag sa kanya.

Nagtama ang mga tingin nilang dalawa. Halos walang lumabas sa bibig ni Cory at nakatitig lang sa mga mata ni Ely. The same feeling nuong nagkausap sila ni Ely doon sa bar ng among si Vitto. Parang flashback na muling sinariwa ang lahat.

"Cory, kanina ka pa tinatanong ni sir," siko ni Glenda sa kanya. Nagbalik siya sa diwa niya at napatingin sa kasama.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Cory.

"Cory, can we talk?" tanong ni Ely. Muling napatingin si Cory sa mukha ni Ely. Ang mga mata nitong parang hinihigup siya papalapit.

"Huh? Ah eh.. May trabaho pa po ako," nauutal na sagot niya. At muling bumalik sa ginagawa. Nakatingin lang si Ely sa kanya.

"Cory, hanggang ngayon ba naman. Iiwasan mo pa din ako. Puwede mo bang bigyan ako ng kahit na katiting na oras mo?" pakiusap ni Ely. Napatingin si Glenda kay Cory.

"Mukhang kailangan ninyong mag usap ni Sir Andrew, Cory. Maiwan na muna kita. Tawagin mo na lang ako kapag tapos na kayo mag usap. Ako nang bahala kay Manager sa labas," sabi ni Glenda at hindi na hinintay pa na sumagot si Cory at umalis na ito ng Excutivr Lounge.

Pagkaalis ni Glenda ay inilagay na ni Cory ang mga pinggan sa tray na dala niya. Saka pinunasan ang mesa.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, Cory?" tanong ni Ely at hinawakan na si Cory sa braso.

"Hindi kita iniiwasan. Inilalagay ko lang ang sarili ko sa kung ano ang dapat."

"Kung ano ang dapat? Bakit? Ano bang mali sa lahat ng tungkol sa atin? Bakit kaba ganyan sa akin, Cory?"

"Sir, hindi mo po ba napapansin. Sa tuwing magkikita tayo palagi ay na lamang ganito. Ikaw ang customer at ako ay dakilang serbedora mo."

"Hanggang ngayon na iyan pa din ang isinasaksak mo sa utak mo. Ang pagiging mayaman ko at isang hamak na waitress ka lang. Cory, I didnt see you like that. I see you as mine," sabi ni Ely habang papalapit ito kay Cory.

"Mahal pa din kita. Hindi naman iyon nawaglit sa akin ang nararamdaman ko para sayo" dagdag nitong amin kay Cory. Saka hinawakan sa kamay si Cory. "Pero, hindi ako bagay sayo." Mga alinlangan ni Cory.

"Kahit sino ka pa. Kahit ano ka pa. Sa puso ko ikaw lang. Kaya huwag mo ng isipin na hindi tayo bagay," doon na niyakap ni Ely si Cory nang mahigpit. Saka kumakas at iniharap ni Ely ito sa kanya.

"Will you give me a chance to prove it to you, Cory? Subukan mo lang ako mahalin. Papatunayan ko sayo na totoong mahal kita." tanong ni Ely.

"Ligawan mo muna ako, sir," nahihiyang sagot ni Cory.

"Gusto mo ngayon palang ligawan na kita. Puwede ba kitang dalawin sa bahay niyo?"

Nagulat si Cory sa tinanong ni Ely. Naisip niya ang anak niya. Mukhang napasubo siya sa binitawan niyang salita. Mas nagulat si Cory nang ipulupot ni Ely ang mga kamay nito sa beywang niya. Saka kinintalan ng halik sa labi.

" Ano kaba? Baka biglang may pumasok. Nakakahiya." saway ni Cory kay Ely. Napangiti si Ely.

"Walang papasok dito. Executive lounge ito, baka nakakalimutan mo."

"Kahit pa, Excutive lounge ito na para sa mayayaman." may patuyang sabi ni Cory.

"Iyan ka na naman, Baby. Alisin mo na sa isip mo ang pagiging mayaman ko. Puwede?"

Nanlaki ang mga mata ni Cory. At pinakatitigan ang mukha ni Ely. Si Ely ang tipo ng lalaki na gusto ng mga kababaihan. Matangkad, gwapo, at mayaman. Ang lalaking pinapangarap ng karamihan ng mga babae. Katulad niya. Pero hinding hindi puwedeng maging kanya.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

"Ang lalim naman 'non," natatawang sabi ni Ely sa kanya. Saka kinuha ang kamay ni Cory at isinampay sa leeg niya. Habang ang kamay niya ay inilagay sa beywang ni Cory.

"I miss you, Baby. Alam mo ba kung paano ko pinapanaginipan na ganito ka kalapit sa akin. Kapag naging akin ka na. Hindi na kita pakakawalan. Kaya humanda ka na."

"Sa ginagawa mo ngayon. Paano pa ako makakatakas sayo?" sambit ni Cory.

"Sa tingin ko pakakawalan pa kita. Siyempre hindi, noh."

Napairap si Cory dahil dito. At nag iwas ng tingin kay Ely.

"Baby, galit ka ba? Sayo lang ako ganito. Dahil ikaw lang naman ang hinihintay ko, Cory. Huwag ka naman magalit sa akin. Hindi ko kaya. Yung dalawang taon na hindi ka kasama. Grabe ang hirap ko ka iisip lang sayo." pagkasabi nun ay hinawakan ni Ely ang panga ni Cory at iniharap sa kanya.

"Huwag mo na akong patayin ulit, Cory. Ngayon na nagbalik kana. Bumalik ako muli sa sarili ko." inilapat ni Ely ang labi sa labi ni Cory. Tinugon iyon ni Cory. Napangiti si Ely at kinagat ang labi ni Cory.

"Aray! Nakakainis ka!" daing ni Cory. Niyakap naman ni Ely si Cory.

Masayang masaya si Ely na binigyan siya ng second chance ni Cory. At para sa kanya hindi niya babaliin ang chance na iyon.