Araw ng operasyon ni Cathleen at nasa loob na ng operating room na ito. Mataman na naghihintay sina Cory at Carvie sa labas ng operating room.
Dumating si Ely at nilapitan si Cory.
"Puwede ba tayong mag usap, Cory? Gusto ko lamang na magpaalam. Babalik na ako ng Manila," sobrang lungkot na pakiusap ni Ely.
"Kuya Ely, aalis ka na?" sabat na tanong ni Corvie.
Tumango ng ulo si Ely. Malungkot naman na tumingin si Carvie sa itinuring niyang Kuya.
"Ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko, Carvie. Ikaw ang lalaki kaya protektahan mo sila. Pati ang ate mo," bilin ni Ely dito.
Tumango si Carvie bilang sagot. Saka bumaling sa ate niya.
"Dito ka lang muna, Carvie. Babalik ako," paalam ni Cory sa kapatid.
Naunang lumakad si Cory at sinundan naman ito ni Ely. Nasa labas sila ng ospital para mag usap.
"Cory, I'm sorry kung masyado akong naging makulit. Kung ginugulo kita. I'm really sorry. It's just I think I have a responsibility sayo dahil sa nangyari sa atin. Hindi ka lang talaga maalis sa isipan ko simula ng mangyari ang isang gabi na kasama kita. Pakiramdam ko mahal na kita. Pero sumusuko na ako. Hindi na kita guguluhin. I'm praying for a speed recovery of Cathleen. Mamaya na ang flight ko kaya hindi ko na mahihintay pa na matapos ang operasyon ni Cathleen. I'm happy na dumating ka sa buhay ko. Kahit na ayaw mo akong tanggapin, " mahabang litanya ni Ely. Saka hinawakan ang kamay ni Cory. Para naman itong nafreeze dahil sa pag amin ni Ely.
"I love you. And I'm sorry kung dumating ako sa buhay mo. Goodbye, Cory," paalam na sabi ni Ely at binitawan na ang kamay ni Cory. At tumalikod na ito. Saka umalis.
Natulala si Cory. Biglang tumulo ang luha niya. Nakatingin lang siya sa likod ni Ely na paalis papunta sa sasakyan nito. Sumakay na si Ely at hindi na muling sumulyap pa sa kanya.
"Ely, mahal din kita! Ely! Ely!" mga sigaw ni Cory habang tumatakbo. Hinabol niya ang sasakyan ni Ely. Pero hindi na niya naabutan. Umalis na ito. Kaya napahagulgol ng iyak na lamang si Cory.
"Ely, bumalik ka. Mahal kita," nasabi pa ni Cory habang lumuluha. Saka nakatayo at nakatingin sa malayo.
"Calling the passengers of Fligh 340, going to Manila. Please proceed to the gate 15. Last call to all the passengers of Flight 340, going to Manila. Please proceed to gate 15," naririnig na announcement sa buong airport.
Tiningnan ni Ely ang kanyang relo. Oras na para umalis. Kaya nagmamadali na siyang pumunta ng gate no 15. Pagkadating ay diretso na siya sa loob ng eroplano. Malungkot na nakatingin lamang siya sa bintana.
Samantala habang sa ospital ay ilang oras pa ang hinintay nina Cory at Carvie para matapos ang operasyon ng kanilang kapatid. Pagkabalik niya sa loob ng ospital ay hinang hina siya. Iniwan na siya ni Ely.
Habang nakaupo at nakasandal si Carvie sa kanya ay biglang umilaw ang operating room. Lumabas ang doktor at napatayo si Cory.
Tinanggal ni Doc. Marasigan ang kanyang mask. At malungkot na tumingin kay Cory.
"I'm sorry, Miss Luna. Hindi na nakayanan ng katawan ni Cathleen ang operasyon. Ginawa namin ang lahat. Pero ikinalulungkot ko," nakayukong inporma ng doktor.
Biglang gumuho ang mundo ni Cory nang marinig iyon mula sa doktor ng kapatid. At napaiyak. Habang si Carvie ay iyak na ng iyak na din.
"I'm really, really sorry. And condolence," sabi pa ng nakayukong si Doc. Marasigan.
Napayakap si Carvie sa ate niya at umiyak ng umiyak.
"Ate, wala na si Cathleen!" bulyaw ni Carvie. Napatakip ng kanyang mukha si Cory at umiyak doon.
"Kapatid ko. Cathleen!" iyak na sigaw ni Cory.
Dahan dahan silang naglalakad papasok sa operating room. Habang nakayakap si Carvie sa ate niya. Nang makapasok ay nakita ang kapatid na nasa may dibdib pa ang kumot.
Tatakpan na sana ito nang pigilan ni Cory.
"Sandali lang po," bawat hakbang ay halos walang kasing bigat habang papalapit sa ang bunso nilang kapatid na wala ng buhay.
Niyakap kaagad ni Carvie si Cathleen.
"Cathleen! Cathleen! Tumayo ka diyan, Cathleen. Maglalaro pa tayo sa labas, di ba? Nangako si Kuya ipapasyal kita. Kaya tumayo ka na diyan please!" mga hinagpis ni Carvie. Saka bumaling sa Ate niya.
"Ate, sabi mo hindi mawawala si Carvie sa atin! Iniwan din niya tayo katulad nina nanay at tatay," sabi pa ng umiiyak na si Carvie.
Napaiyak na lamang si Cory at nilapitan si Carvie. Saka niyakap ng mahigpit.
"Sorry, Carvie. Sorry," saad ng umiiyak na si Cory habang mahigpit na yakap si Carvie. Dalawang mahalagang tao ang nawala sa kanya sa loob lamang ng ilang oras. Una si Ely pati na ang pinakamamahal na bunsong kapatid. Kumalas sa yakap si Carvie at nagtatakbo sa palabas ng operating room.
"Carvie!" malakas na tawag ni Cory sa kapatid. Hindi siya tingin ng kapatid. Mabilis itong tumatakbo.
Binalingan niya si Cathleen. At niyakap. Doon siya ulit umiyak ng umiyak.
"Kapatid ko, mahal na mahal ka ni ate. Patawarin mo si ate kasi hindi kita nailigtas. Kasama mo na sina nanay at tatay. Malaya na ang katawan mo sa sakit kapatid ko," usal ni Cory habang yakap ang kapatid na parang natutulog.
"Miss, kailangan ng dalhin ang katawan ng kapatid mo sa morgue. Paki ayos na lamang po ang mga papel niya para maayos na po namin ang pagpapadala sa punerarya," sabi ng isang babae na andoon sa operating room. Bumangon si Cory mula sa pagkakayakao sa kapatid at pinunasan ang mga luha niya saka tumango ng ulo. Pagkatapos ay kinuha na nila ang katawan ng kapatid niya para dalhin sa morgue.
**************
Kinabukasan, pakiramdam ni Ely ay pagod na pagod ang buong katawan niya. Tinatamad siyang pumasok sa opisina. Nang may narinig siyang kumatok sa pinto.
"Ely, bumangon ka na!" malakas na tawag ng Mommy niya habang kumakatok.
"Mommy, gising na po ako," sagot niya. Saka tumayo at dumiretso sa banyo. Isang buwan na din ang nakalipas nang siya ay nakabalik ng Manila. Namimiss na niya ang magkakapatid na sina Carvie at Cathleen.
"Kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya si Cory ko?" nagpapangiti siya nang maisip si Cory. Napalitan ng lungkot nang maalala niya ang ginagawang pagtaboy sa kanya ni Cory. Pati na ang pagkawala ni Cathleen. Kahit ilang araw lamang niyang nakasama ang dalawang nakababatang kapatid ni Cory ay mapalapit na siya sa kanila. Kaya sobrang nalungkot siya nuong ibalita ni Doc. Marasigan na wala na ang bata.
Nakalagay ang kanyang coat sa braso na pababa ng hagdan si Ely. Palabas na sana siya ng bahay nang tinawag pa siya ng Mommy niya.
"Hindi ka ba mag aalmusal? Bago pumasok sa trabaho," tanong ng Mommy niya sa kanya.
"Sa opisina na po. Baka masermunan po ako ni daddy. Late na naman po ako," sagot niya.
"Tanghali ka na kasi gumising. Ano bang ginagawa mo sa gabi?"
"Mom, I have to go. Bye," iwas na sagot ni Ely. Nanlaki naman ang mga mata ni Eladia dahil sa ginawi ng anak. Saka nameywang.
"Talagang bata ito. Umiiwas na naman," ani ng naiinis na si Eladia.