Chereads / My Boy Bestfriend Is A Mafia Boss / Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 21 - Chapter 20

Aira's POV

Tinanghali na ako nang gising dahil sa puyat ko kaiiyak kagabi pero yung sakit andito parin hindi nawawala, kahit ano Naman yata ang gawin ko hindi na mawawala ang sakit na Ito

Bumangon na ako mula sa pag kakahiga at agad nag tungo sa banyo para maligo at maihanda ang sarili sa pag-alis ng bansa, yeah I've decided to go today, ano pa ba ang gagawin ko dito eh Wala na? Kaya namang tumayo at lumago ng kompanya namin kahit Wala kami.

Nang matapos sa pag hahanda, lumabas na ako ng kwarto at kinontak and kakilala ko sa airline para ihanda ang lahat ng kakailanganin ko. Hindi na rin ako nag paalam kina kuya at daddy na uuwi ako ng Pilipinas I want to surprise them kay kuya Aeros na lang siguro ako mag papaalam at sasabihin ko na rin na wag sabihan sina daddy, mabait Naman yun eh kaya paniguradong hidni Niya ako isusumbong.

"Hello kuya" sabi ko ng sagotin Niya nag tawag ko

"Yes princess?"

"Ahmm..Kasi uuwi ako ng Pilipinas" sabi ko

"What? Alam ba ni dad?"

"Nope, at Wala akong bakak sabihin sa kaniya Kasi gusto ko siyang surprisahin"

"Aira!!! Ano na Naman bang pumapasok sa isip mong bata ka ha!" Panenermon nito sakin na para bang 10 years old lang ako

"Kuya, I miss philippines and I can't wait to go back"

"But princess, I'm worried I don't think kakayanin mo! Eh ngayon ngamg nasa US ka hindi mo kaya eh paano pa kaya kung nasa Pilipinas ka na!"

"Kuya, susubokan ko lang Naman paano kung andun lahat ng sagot at paraan para mag heal ako para maging okay na ako?" Hindi ko maiwasan maging malungkot ang boses sa huling sinabi ko at alam kong napansin yun ni kuya

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Hindi na kuya, I'm fine kaya ko Naman na mag-isa promise tatawagan kita pag kaylangan ko ng kausap"

"Basta, pag hindi mo na kaya tawagan mo lang ako okay I hindi kaya ay kausapin mo lang si kuya Ashton mo, hmm..."

"Yes kuya, o siya sige na male-late na ako sa flight ko" sabi ko

"Sige, mag-iigat ka dun I love you princess"

"Ingat ka din dyan, love you too kuya Ros"

Pagkatapos mag paalam sa isat-isa agad ko ng pinatay ang tawag at hinala na ang maleta palabas ng bahay at dumiritso sa kotse ko at minaneho iyon papunta sa airport.

Edinial ko ang numero ng isa sa mga guard ng bahay "Guilbert pick up my car" sabi ko

"I'll trace your car Lady Aira"

"Okay, and by the way you can do what ever you want for one month just don't make a mess at my house!" May pag babanta sa boses ko kaya alam ko na agad na takot na ang kausap lalo na at hindi Ito naka sagot agad

"Yes Lady Aira, thank you"

Hindi na ako sumagot at agad pinatay ang tawag bumaba na ako ng kotse dala ang maleta saka pumasok sa airport.

Kalahating oras lang ang hinintay ko bago inanounce ang flight ko.

An hours later....

"Philippines...." Bulong ko saka nilanghap ang hangin ng Pilipinas na medyo nanibago ako lalo na ang panahon dahil sobrang init dito.

May lumapit na taxi sa pwesto ko, but I refuse the ride cause I don't trust this people now baka san pa ako dalhin ng driver.

"Menard, pick me up" i sigh while wearing my sunglass "I'm at the airport and don't tell dad or kuya that I'm here! Or else!" Pag babanta ko sa kaniya.

Menard is my ally here in Philippines and I trust him not fully though

"Yes Lady Aira of course"  sagot nito

Nag hintay lang ako ng ilang minuto at dumating na siya

"Where to, Milady?" Magalang nitong tanong sa akin

"On my penthouse" sagot ko

Tumango lang si Menard at nag drive lang hanggang sa narating namin ang matalas na building kung saan naroroon ang penthouse ko sa ikalawang palapag ng pinakahuling floor ng building, cause the last floor was occupied already by some influential man and I don't know him and I don't give a f*ck knowing him.

"Do you need anything else Lady Aira?" Tanong ni Menard

"No more, I just want to rest" sagot ko

"Then I'll take my leave now Lady Aira" tumango lang ako saka siya umalis ng penthouse ko.

Tinignan ko ang kabuoan nito at hanggang ngayon mangha parin ako sa kung anong natamo ko sa buhay, kung anong meron ako ngayon dahil sa pag sisikap ko sa trabaho ko at sa ginagawa ko sa organisasyon namin

Inayos ko ang mga gamit ko sa walk in closet ko saka nag tungo sa banyo at nag babad sa bathtub. Habang naka babad sa bathtub nag-iisip na ako ng magagandang lugar na pwede kong puntahan, susulitin ko na ngayong isang buwan ang ibinigay na bakasyon sa akin kaylangan kong sulitin at baka sa susunod isang linggo o tatlong araw lang ang ibigay tulad ng dati.

FAST FORWARD

Nag hahanda na ako sa pag-alis papunta sa mansyon namin, para surpresahin sina daddy at kuya Ashton sa pag kaka-alam ko day off ng lahat nang nag tatrabaho sa kompanya ngayon utos ni dad Kasi whole week silang busy.

Habang nag mamaneho biglang tumawag si kuya kaya agad ko itong sinagot baka Kasi mag tampu yun o mag-alala OA pa Naman ang isang yun pag dating salin

"Yes kuya?"

"San ka ngayon?"

"Sa bahay lang, Ahm...bakit?"

"Sinong kasama mo?"

"As usual, Wala"

"I miss you princess" may pag-lalambing ang boses nito at halata din ang pagod, so amo ginawa lang ako nitong stress reliever? Galing Naman ng kapatid ko sarap batokan

"Well I'm sorry, Kasi hindi kita na miss" sarkastiko kong saad at sinamahan iyon ng pag-tawa

"Sama mo! Hintay ka lang pag ako naka-balik diyan nakuh!"

"Kung makakabalik ka pa!" Nang-hahamong Saad ko

"At bakit Naman hindi? Eh andyan ka na dapat kong alagaan at bantayan"

"Kuya, anong alagaan? Hindi na ako bata noh at isa pa mukhang ikaw ang mas nangangailangan ng pag-aalala Kasi gurang ka na!"

"Princess ha! Pasalamat ka at namimiss na kita saka mahal ka ni kuya! Kung hindi nakuh baka nabatokan na kita"

"Paano mo Naman ako babatokan abir? Eh nasa Pilipinas ka"

"Pag balik ko dyan"

"Asus! Mag tigil ka kuya hindi mo ako mababatokan lab mo ko eh"

Natanaw ko na ang gate ng mansyon at ang mga bantay nito na nakaharang sa loob ng malaking gate, lumabas ang isa sa kanila at pinahinto ako

"Sino k---Lady Aira?" Gulat nitong tanong

Ibinaba ko muna ang phone at siniguradong hindi maririnig ni kuya ang pinag-uusapan namin ng bantay

"Ako nga, Wala bang welcome back dyan?" Ngumiti ako sa kaniya at agad itong yumukod para mag bigay galang

"Buksan ang gate" utos nito sa mga kasamahan na agad Naman tumalima

"Salamat" sabi ko at nag maneho na papasok saka ibinalik sa tenga ko ang phone

"Kuya, san ka pala ngayon?" Tanong ko

"Nasa billiard room nag lalaro kami ni dad"

"Hnmm, galingan mo ha dapat manalo ka talonin mo si dad"

"Wag, lagot ako dun"

Bumaba na ako ng kotse at nakita ko ang gulat sa mga mukha ng mga maid at guards sa bahay

"Shhhh" sinyas ko sa kanila, ngumiti lang sila at yumukod para mag bigay galang sa akin, diri-diritso lang akong pumasok sa loob at nag tungo sa billiard room

"Kuya, pwede ka bang lumingon sa may pinto" sabi ko

"Huh? Bakit? Teka parang may pamilyar na tunog ah, Asan ka ba talaga?"

"Basta, lumingon ka muna"

"Sige teka" nakita ko Naman ang pag lingon niya pati si daddy na abala sa pag tira ng bola ay napahinto at napalingon sa pwesto ko

"Holy h*ll!!! Aira!" Gulat na Saad ni kuya at patakbong nag tungo sa akin at agad yumakap ng mahigpit sa akin

"Kaya Naman pala napahaba ang usapan natin eh, hindi ka Naman pala hinayaan ni daddy na maka tira" panunukso ko dito pero siya ay walang imik na naka-sobsob lang ang mukha sa leeg ko saka ko narinig ang pag hikbi Niya

"Tatawagin na ba kitang bakla" natatawa kong Saad

"Aira..." Si daddy na naluluha

"Oh dad, pati ba Naman ikaw iiyak? Haisttt ang aarte niyo Naman eh" nakasimangot kong saad habang nakatingin kay dad

"Princess bat hindi ka nag paalam samin na uuwi ka pala! Bakit hindi ka nag pasundog sa airport, ni Wala ka pang kasamang bodyguard paano kung may nangyaring masama Sayo ha!" Humihikbing Saad ni kuya

"Dad, Wala ba akong welcome hug? At ikaw kuya alis ka nga hindi ko mayakap si dad eh"

Sumimangot ang mukha ni kuya ngunit agad din Naman sinunod ang gusto ko kaya mabilis akong lumapit kay daddy at niyakap siya ng mahigpit

"My princess" sabi ni dad

"I miss you dad" bulong ko

"I miss you too princess, siya nga pala kumain ka na ba ha? Ipagluluto kita ng paborito mo"

"Weh? Ikaw ang mag-luluto? Bakit marunong ka ba?" Pag bibiro

"Aba! Kung hindi dahil sa cooking skills ko hindi ma-iinlove ang mommy mo sa akin" pag mamayabang nito

"Tsk...sige na nga tara na sa kusina dad gutom na ako eh"

Mag kasama kaming tatlo na nag tungo sa kusina,  habang nag luluto si dad nag kukwento Naman kami ni kuya at minsan sumasabay si dad sa mga kwento namin

And for the first time in a while I felt contented, I felt happy

"Wow! Ansarap naman ng afritada na yan" pag puri ko sa luto ni dad totoo Naman Kasi amoy pa lang masarap na

"Eh di ba, edi nag laway ka ngayon tapos sasabihin mong hindi ako marunong mag luto" sabi nito

"Wala Naman akong sinabi ah" pag papa-cute ko

"Soss, nag papalambing ang prinsesa namin" niyakap ako ni dad at sinalinan ng afritada ang plato ko

"Mag seselos na ba ako dad? Ako din pag lagyan mo ng ulam sa plato" pag papa-cute din ni kuya Ashton

"Manahimik ka, hindi ka na baby" sabi ni dad kaya napa simangot si kuya Ashton at nag lagay ng sarili Niyang pagkain sa plato Niya

"So anong gagawin mo dito sa Pilipinas?" Tanong ni kuya

"Mag babakasyon" tipid kong sagot

"Sama, hindi" ngingiti-ngiting sabi ni kuya

Inirapan ko lang siya at inilabas ang dila sa harap Niya

"Sama nito!"

"By the way dad, don't command your men's to follow me okay" sabi ko "I can protect myself and I want some alone time, I want to relax"

"Okay fine, but whatever happened call me or your brother okay" tumango lang ako sa sinabi ni dad at nag patuloy na sa pagkain

"Princess, do you want me to tour you?" Tanong ni kuya

"Brother, I grow up here i know this place" sagot ko

"Marami nang nag bago sa bansa natin, at hindi mo kilala ang mga taong nakapaligid Sayo"  paalala ni kuya

"I know, but I'm pretty sure that no one can touch me without being injured" I smiled sweetly and give him a wink

"Well you're not pretty so you're not sure" he smiled sweetly too and give me a wink

"Bastos ng bibig nito!" Inirapan ko si kuya at nag mamaka-awang tumingin kay daddy

"Tingin-tingin mo sakin?" Inosenteng tanong ni dad

"Pareho lang kayo" napa-irap na lang ako at nag patuloy na lang sa pagkain baka ano na namang sabihin ng dalawang yan at san pa mapunta ang usapan namin, ayoko mina ng stress ngayon kaya nga ako nag punta dito eh para maka pag relax sayang ang one month kung mag papaka-stress lang ako dito, pati pamasahe ko sayang nakuh!