Chereads / My Boy Bestfriend Is A Mafia Boss / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

Aira's POV

"Dad, tumawag sakin si kuya Ashton uuwi daw siya dito sa Pilipinas kasama si Lucas yung naging kaibigan ko dun sa US"

"Owh, Lucas that man yeah I remember him kaylan daw flight nila?" Tanong ni dad

"One week from now sabi ni kuya Kasi may tinatapos pang project si Lucas" sagot ko

Naramdaman ko ang pananahimik ni Baste kaya pasimple ko siyang tinapik

"Are you okay?" Tanong ko

"Yeah"

"Bat antahimik mo?" Tanong ko

"Hindi ba pwedeng manahimik?" Tanong din ni Baste

Hindi na lang ako sumagot at tinapos ang pagkain, nag tatampu ako kay Baste Kasi para siyang galit eh Wala Naman akong ginagawang masama, hanggang sa matapos kaming kumain hindi ko na siya pinansin

"Aira, kaylangan ko munang umalis may emergency meeting Kasi kami sa kompanya" paalam Ni Sebastian

"Ah, ganon ba? Sige-sige walang problema" sagot ko

"Okay, bye I love you" sabi Niya at madalian akong hinalikan sa labi at nag mamadaling umalis

Tinanaw ko ang papalayong sasakyan ni Baste at naramdaman ko ang presensya ni dad sa tabi ko

"Ngayon lang kayo ulit nag kasama, pero hindi Niya mabigay ng buo ang oras at atensyon niya sayo? Tsk....I doubt his still the same Sebastian you know" desmayadong Saad ni dad

"What do you mean dad?" Tanong ko

"You'll know princess, you'll know" pagkasabi nun ni daddy ay umalis siya at nag tungo sa office Niya dito sa bahay

"What does he mean?" Tanong ko sa sarili at muling tumingin sa daan na tinahak ng sasakyan ni Baste na ngayon ay hindi ko na natanaw

Okay Aira, you're gonna be okay may dinner date kayo ni Baste mamaya so makikita mo din siya at nakaka-usap.

Pilit kong pinakalma ang sarili, pero ayaw talaga kaya tumawag ako sa boss ko

"Boss"

"Yes? What do you need?"

"I need work, I'm bored and I need to calm myself" sagot ko

"But I told you to take a leave and have a vacation, I can't just give you a project"

"It's fine boss, please I just really need to calm my system"

"Okay fine, I'll send you an email" pagkasabi nun ni boss ay binabaan niya ako ng tawag at ilang segundo pa lang ay tumunog ang cellphone ko means I receive a message. Pumasok ako sa kwarto ko  at sumandal sa ding-ding at binasa ang information na e-senend Niya sa akin.

Agad akong nag palit ng damit, sinuot ko ang usual attire ko pag nasa ganitong trabaho plane black jeans ack fitted sando and black leather jacket saka yung boots at gloves ko. Ipinusod ko din ang buhok ko para hindi sagabal mamaya pag nakipag-laban na ako pagkatapos ay kinuha sa closet ko ang pahabang box na nag lalaman ng katana ko sakay kumuha rin ng dalawang dagger at dalawang baril, inilagay ko sa loob ng boots ko ang dagger at sa likod at gilid ng katawan ko Naman ang baril saka bumaba at sumakay sa sariling motor ngunit agad din akong napahinto nang maalala na isuot ang mask at cap ko bago muling nag drive.

Mga 40 minutes lang ang byahe mula sa bahay hanggang sa hide out ng tatrabahuhin ko napag-aralan ko ng mabuti ang lay out ng hide out Nila kaya alam ko na kung saan papasok para hindi maalarma ang nag babantay sa harap sa likod ako dumaan at pinag pahinga ng pang habam-buhay ang nag babantay roon saka umakyat sa fire exit patungo sa last floor ng hide out sinigurado kong maingat ako sa mga kilos ko since Wala namang CCTV ang hide out Nila madali lang para sakin na makapasok inisa-isa ko ang bawat kalaban at itinago sila ng maayos,  hanggang tatlong palapag lang ang hide out ng kalaban kaya kaunti lang ang bantay inubos ko ang lahat ng tauhan na nasa pangatlong palapag sama bumaba sa pangalawang palapag at inisa-isa ang mga pintoan roon at bawat kalaban na nakikita ko at nahahati ang mukha sa tuwing sinusubukan nilang sumigaw at huminga ng tulong. Ayoko ng maingay!

Huling pinto na lang ang bubuksan ko at nakahanda na akong umatake ng makita ang dalawang babae na pinupwersa ng dalawang lalaki

"Mga ma-ma, hindi Naman yata tama na pinilit niyo ang sarili sa magagandang babae katulad Nila! I mean look at yourselves, you look like sh*ts" sabi ko

"Aba ang tapang nito ah! Sino ka? At paano ka nakapasok dito ha?" Tanong ng isa sa mga lalaki

"It's not important at all and it's non of your business!" Sagot ko saka mabilis na iwinasiwas ang espada at tinamaan ang leeg ng isa sa mga lalaki habang ang isa ay todo Iwas sa mga pag atake ko

"Tumigil ka!" Sigaw nito, buti na lang walang bintana and buong floor at hindi siya maririnig ng kahit na sino man

"Oh, sorry darling but I won't stop till I see you blood flowing out from your head" nakangisi kong Saad kahit hindi Niya nakikita sama muling sumugod at sa pagkakataong iyon tuna rin sa leeg Niya ngunit kaibahan ng kanina dahil hindi naputol pero ngayon, humiwalay ang ulo Niya sa kaniyang leeg at nag pagulong-gulong Ito

"Opss, sorry my bad" sabi ko saka binalingan ang dalawang babae nang titigan ko silang mabuti ay doon ko lang napag tanto kung sino sila

"Zerrie? Chantelle?" Gulat kong tanong

"S-sino ka?" Takot na tanong ni Chantelle sa akin habang yakap si Zerrie

Tinanggal ko ang mask ko at ganon na lang gulat nila, yeah I'm used to this kind of reaction

"Hi?" Sabi ko

"H-how?

"It's not important well, let's get out of here cause it's smells like dead fish inside" sabi ko saka naunang lumabas at agad Naman sumunod ang dalawa

"Dahan-dahan lang, may mga kalaban pa sa baba" sabi ko saka sila pinayuhang manatili sa likod ko at binigyan ko rin sa kanila ang dagger ko para kahit papaano ay may protection sila pag wala ako

Pagdating namin sa last floor agad na sumugod ako sa unang kaaway na nakita ko

Pati sina Zerrie at Chantelle nakipag Laban na rin hanggang sa maubos namin ang lahat ng nasa first floor

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa dalawang babae na hinihingal

"Ayos lang, tara na umalis na tayo" sabi ni Chantelle

"Mag-iingat parin Tayo dahil may mga kaaway pa sa labas" tumango ang dalawa kaya nag lakad na kami palabas ng hide out na iyon saka pinagsasaksak ang mga kaaway na walang alam kung ano na ang nangyayari sa loob kanina

"Pumasok kayo sa kotse na yan at umalis na kayo rito" turo ko sa kotseng kulay gray agad Naman silang tumalima at umalis

Hinihingal kong kinuha ang cellphone sa secret pocket ng jeans ko at idinial ang number ni boss

"What happened?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot "mission accomplished, boss" sagot ko

"As always, Princess" sabi nito at ibinaba na ang tawag

Ako Naman ay tinungo ang motor na nakaparada di kalayuan sa hide out saka matiwasay na umalis sa lugar na iyon, mabilis kong naabutan ang sasakyang ginamit nina Zerrie at Chantelle kaya tumapat ako sa bintana ng driver's seat at senenyasan siyang ibaba ang bintana

"Dumiritso kayo sa bahay nakasunod lang ako sa inyo" sabi ko at binagalan ng kaunti ang motor para mauna sila

Ipinarada ko ang motor katabi nang kotseng gamit Nila Zerrie na nag hihintay lang na makababa ako sa motor

"Let's go" sabi ko at hinawakan ang kamay nilang pareho at masuyong hinila papasok sa bahay

"Yaya, si daddy?" Tanong ko

"Nasa kompanya niyo po, Lady Aira" tinanguan ko lang Ito saka nag patuloy sa pag-akyat ng hagdanan at tinungo ang kwarto ko

Hindi ko pa man naisasarado ang pinto ngunit niyakap na ako ng dalawa

"We missed you" iyak ni Zerrie

Niyakap ko rin sila pabalik at naiyak

"Sorry kung hindi ka namin pinuntahan, sorry kung wala kaming nagawa---" pinutol ko na ang sasabihin ni Chantelle

"Shhh, it's fine hmm ang importanti ngayon ay magkakasama na tayo" sabi ko

"Now tell me paano kayo napunta sa lugar na yun?" Tanong ko

"Ah, nag lalakad lang kami ni Chantelle nun sa Isang park gabi na nun at Wala na masyadong tao uuwi na Sana kami nang makarinig kami ng usapan kaya pinuntahan namin at nakita yung mga lalaking dumakip samin na may dalang mga bag at ang laman nun ay pera at drugs" sabi ni Zerrie

"Nakita kami nung Isang tauhan kaya tumakbo kami, pero hindi namin alam na sa entrance ng park may nakabantay rin kaya nahuli kami at dinala sa building na yun, pinag-bantaan Nila kami at sabi pa nung isa lalaki na pumwersa kay Zerrie manghihingi daw sila ng ransom money sa mga magulang namin saka kami papatayin" pag tutuloy ni Chantelle sa kwento

"Okay, wag kayong mag-alala safe na kayo" sabi ko

"Eh ikaw Aira? Paano ka napunta dun at may dala ka pang katana, dagger at baril" tanong ni Chantelle

"Ah, kaylangan ko lang wakasan ang kasamaan Nila at mabuti na rin yun dahil nakita ko kayo at nailigtas" sabi ko

"Pero paano nga? I mean how can you kill them? Paanong ang inosenteng Aira noon ay brutal ng pumatay ngayon?" Nalilitong tanong ni Chantelle

"It's a long story elle" sagot ko "ang mabuti pa maligo muna kayo, kukuha lang ako ng damit sa closet" sabi ko saka tumayo at nag tungo sa walk in closet para ikuha ng damit ang dalawa at.... Maka-iwas na rin na tanongin pa Nila ako kung ano ang mga nangyari sakin sa loob ng dalawang taon sa amerika