Chereads / My Boy Bestfriend Is A Mafia Boss / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Aira's POV

Nasa sakayan na ako ng bangka wearing my black crop top and a high waisted short paired with my black leather boots.

"Hi miss" pag bati ng isang lalaki sa akin na bigla na lang tumabi sa kina-uupoan ko

Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa not to judge his style or his status in life, but to know if he's a good man or not, hindi ko siya sinagot at ibinaling na lamang ang tingin sa dagat.

"Ang sungit mo Naman" sabi nito

Hindi parin ako umimik at napansin Niya siguro na wala akong balak na kausapin siya kaya nanahimik na lamang siya, hanggang sa makasakay kami ng bangka ay naka-buntot lang siya sa akin, pero hindi Naman siya nag sasalita kaya hinayaan ko na lamang na manaig ang katahimikan sa pagitan namin, mas mabuti nga yun eh walang istorbo hanggang sa umandar ang bangka at hindi na magkarinigan ang mga taong nag-uusap, dinama ko ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko at ang amoy ng dagat hanggang sa marating namin ang isla

"Miss hanggang ilang araw ka pala rito?" Tanong ng lalaking nakasunod salin

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya

"Bakit mo tinatanong? Bakit ka sunod ng sunod sakin ha? Kung andito ka para mag relax at mag bakasyon pwes pareho Tayo ng gusto at kapag sinabing relax, walang istorbo gets mo ba yun!? Kaya pwede tantanan mo ako" mahabang Saad ko at agad siyang tinalikuran

Lumapit ako sa receptionist at sinabi ang pangalan ko since naka pag-pabook na ako ng cottage dito, nang makuha ko na ang susi ng cottage agad kong tinungo ang mga cottage at hinanap ang sakin.

The place is so relaxing, tamang-tama ang lugar na Ito para mag heal, actually may hotel Naman dito sa isla pero pinili ko ang cottage na nasa dagat mismo, naka hilira ang mga cottage sa gitna ng mababaw na dagat may maliit ang na sementadong tulay kaya may nadadaanan ang mga taong pupunta sa kaniya-kaniyang cottage. Sa tabi ng hotel ay may open mini bar gabi-gabi ay may bandang tumutugtug doon pagkatapos ay may party until 3:00 in the morning, sa umaga Naman ay ibat-ibang activity ang pwedeng gawin sa island.

Ipinalibot ko ang tingin sa kabuoan ng cottage at namangha sa ganda nito. A king size bed on the middle, may veranda sa unahan ng kama on the other side there's a door which is the bathroom, inside is a shower with glass wall and door a toilet and a sink and lastly the bathtub, okay balik Tayo sa labas sa banyo sa tabi ng kama may maliit na mesa, sofa at pang-isahang upuan na kapareho ang desenyo ng sofa sa likod naman ng mga upuang Ito ay isang malaking bintana, sa tapat Naman ng banyo ay mini dressing room. May maliit din na mesa sa tabi ng kama at naroon ang lampshade sa sulok din ng ding-ding ay may nakalagay na led lights na kulay asul, plain lang ang lahat ng desenyo kung iisipin parang nasa bahay ka lang at Wala sa isang cottage, yung tipong hindi ka makakaramdam ng pagka-ilang at hindi ka ma ho-homesick.

Matapos sambahin ang ganda ng paligid napag-isipan kong maligo muna kaya pumasok na ako sa banyo since free towel, soap and shampoo Naman dito. Actually for VIP lang ang mga cottage dito especially couples, mga bagong kasal, nag ce-celebrate ng anniversary or nag de-date. Pagkatapos maligo kumuha ako ng maong short at sports bra sa bag ko saka sinuot iyon, pinatongan ko na rin ng manipis at makulay na jacket bago lumabas ng cottage, pero wrong timing dahil nakita ko na Naman ang lalaking nambubwesit sakin kanina, plano ko na sanang bumalik sa loob ng patakbo siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso

"Ano ba! Bitaw!" Pag babanta ko dito

"Miss teka lang Naman"

"Isa! Bitawan mo ako sabi!" Pag pupumiglas ko pero malakas siya

"Sandali lang Kasi"

"Arghhh! Bakit ba ha?" Pasigaw kong tanong dito

"Kasi, gusto ko lang itanong kung busy ka ba ngayon"

"Mag tatanong ka lang pala, eh bakit kaylangan mo pa akong pwersahin na manatili ha! And yes I'm busy kaya pwede bitawan mo na ako" sagot ko sa lalaki para matigil na siya

"Kung busy ka bat ka lumabas tapos nung makita mo ako nag mamadali kang bumalik sa loob?" Napamaang ako sa sinabi Niya at nag hahanap ng maisasagot

"Eh may nakalimutan ako, wag ka ngang assuming" pag papalusot ko

"Asusss, iniiwasan mo lang ako eh"

Inirapan ko lang siya at nag patuloy na sa pag lalakad, iwan ko ba at kumukulo ang dugo ko sa lalaking yun, nakasunod parin siya sakin at Wala na akong nagagawa dun dahil baka nag a-assume lang ako na sinusundan Niya ako, baka Kasi pareha kami ng gustong puntahan

"Haistt, gutom na ako" rinig kong Saad ng lalaki

So pupunta siya sa restu. Hindi Niya ako sundance. Napangiti ako sa na-isip at nag tungo ako sa dalampasigan, malayo yun sa restu kaya paniguradong hindi na ako sundance ng lalaki

"Hayyy, sa wakas" sabi ko at umikot, pero laking gulat ko na lang na nasa likod ko ang lalaki at may hawak na camera at nakatutuk yun sa akin

"What the hell!" Inis kong baling dito

Akala ko pa Naman, peaceful na ang paligid ko at umalis na siya eh sinusundan pala ako! Akala ko ba gutom siya?

"Are you stalking me?" Inis kong tanong dito

"Nope"

"Then why are you following me?"

"Wala, gusto ko eh Kasi feeling ko kaylangan kitang sundan at bantayan hindi ko alam pero yun ang nararamdaman ko kaylangan kitang sundan at bantayan kahit anong mangyari" sagot nito

"you're so annoying, arghh!!!" Padabog akong nag lakad paalis sa pwestong iyon hanggang sa makakita ako ng bangka

"Kuya, pwede ba akong sumakay gusto ko po kasing mag punta dun sa medyo may kalimtan na parte ng dagat, babayaran ko na lang pi kayo, basta po pumayag kayo please po" mangungumbinsi ko sa may-ari ata ng bangka

Mahinang natawa si manong "sige² pag may-ari ng resort ang bangka at bilang tour guide pwedeng-pwede kitang dalhin dun sa parteng iyon ng dagat" sabi ni manong na ikinatuwa ko kaya dali-dali akong sumakay habang naka-alalay sakin si manong

"Thank you po"

Ngumiti lang si manong at pina-andar na ang bangka

"Matagal na ho ba kayong nag tatrabaho dito?" Tanong ko kay manong

"Oo, mahigit limang taon na rin"

"May pamilya na po kayo?"

"Oo, dito din nag tatrabaho ang Asawa ko at yung isang anak"

"Ilan po ba ang anak ninyo?" Hindi ko alam pero curious ako sa buhat ng Ibang tao ngayon, dala na rin siguro na napaka refreshing at chill ng paligid

"May tatlo akong anak, naka pag tapos silang lahat ng pag-aaral dahil lang sa trabaho ko, yung receptionist siya ang panganay at ko yung pangalawa Naman nasa maynila isang accountant manager yung pangatlo, abogado" pagkukwento Niya napangiti Naman ako

"Dito lang po manong, ang hands dito" sabi ko huminto pinahinto Niya Naman ang bangka

"Eh bakit hindi pa ho kayo tumigil sa pag-tatrabaho? Gayong lahat Naman ng anak niyo ay naka-tapos na at may magaganda ng trabaho?"

"Kasi Ito yung kinalakihan ko, at ikinabubuhay ko hindi ko maiwan-iwan ang trabaho ko at isa pa dahil dito sumasaya akoat ayaw ko ring umasa sa mga anak ko mag kakaroon din sila ng sarili nilang pamilya at gagastos, kaya dapat lang na makapag-ipon sila. Kumikita Naman kaming mag-asawa sa trabaho namin" napangiti ako sa sagot ni manong kahit na simple lang ang buhay Nila sobrang Saya nilang pamilya at kontento sa kung ano ang meron sila, hindi sila tulad ng Ibang mahihirap na nakapag-tapos lang ang mga anak at may maayos nang trabaho aasa na sa kanila hindi sa jina-judge ko sila pero Kasi dapat inisip din muna nila na hindi agad mag-kakapera ang mga anak nila na kaylangan din nilang mag-ipon at isa pa may mga expenses din ang mga Ito.

"Ansaya Naman ng pamilya niyo" sabi ko napabuntong hininga ako at tumingin sa malayo, sa malawak na karagatan napaka ganda ng tanawin, sobrang ganda dito hindi nakakasawa ang tanawin

"Hi!!! MISS!!"

Sinong tumatawag? Saan yun? Nag palinga-linga ako at nakita ko ang isa pang bangka at may sakay itong isang lalaki

"MISS, TINGIN KA DITO" sigaw ng lalaki na may hawak na camera

"WHAT THE HELL! KAYLAN MO BA AKO TITIGILAN HA!" kunti na lang talaga at ipapa-assassinate ko na itong tao na Ito

"Ganda Naman" sabi nito pero hindi ko na pinansin pa

"Manong balik na po Tayo, sumama Kasi yung Amoy ng hangin" pinasadahan ko ng tingin ang lalaki at inirapan Ito

Agad Naman tumalima si manong at mabilis kaming nakarating sa dalampasigan kung saan may mga nakadaong rin na bangka at may mga tour guide din na nakatambay, makita Nila akong pababa ng bangka kaayo inalalayan Nila ako.

"Salamat ho" sabi ko saka kumuha ng pera sa bulsa ko at binigyan sila ng tig iisang-libo. Umalis ako agad at nag hanap ng lugar na may kapayapaan at walang susunod sa aking asungot pero wala eh, lahat ng lugar DITO pwede Niya akong sundan, liban na lang sa banyo ng mga babae pero ano Naman ang gagawin ko dun? Eh hindi Naman ako naiihi o natatae. Sa huli ay pinili kong mag tungo sa bar.

"Five shots of Vodka please" sabi ko sa bartender at agad itong tumalima at kinuha ang order ko

"Here's your Vodka ma'am" magalang nitong saad, hindi bagay sa bad boy Niyang mukha at aura, he's handsome pero makikita mo yung pagiging bad boy Niya

Tinungga ko isa-isa ang Vodka na nasa shot glass at tinignan ang bartender

"Another five shot"

Tinignan muna ako nito bago sumunod ang inutos ko

"Why don't you try our new drink paradise"

"Nah, I'm good with this" sagot ko

"So your alone?" Tanong nito makalipas ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin

"Yeah"

"I see"

"How many months or years have you been working here?" Tanong ko chismosa ako ngayon eh

"Ahm....more than a year, actually this is not my job it's just a part-time or pag bored ako" bored? What those he mean?

"What is your work then?"

"Secret" nakangisi Niyang sagot

"Tsk, ano nga?"

"I'm a serial killer" sagot Niya

Napa-irap Naman ako at napabuntong-hininga siya Naman ay panay ang tawa

"Hey Josh, ikaw na dito" tawag Niya sa isang lalaki at siya Naman ay lumabas at pumasok sa isang pinto, pagkalabas Niya ay iba na ang kaniyang suot. Ang kaninang formal at pang bartender na suot ngayon ay naka plane black  t-shirt na lang at black pants

"Mind if I join you?"

"Nah"

"Beer Josh" kumuha Naman ng beer ang bartender at ibinigay sa kaniya

"Hanggang kaylan ka dito?"

"Mga 2 days pa" sagot ko

"Mamaya nga pala, may bandang tutugtog punta ka ha" aya nito sakin

Napa-isip Naman ako kung may gagawin ako mamaya at Wala Naman kaya sige

"Sure"

"That's great, aasahan ko yan" masayang Saad nito, habang umiinom siya ng beer napatingin siya sa likod ko at may tinawag doon

"Hey, bro come here" sabi nito hindi na ako nag abalang tumingin sa likod ko at nag patuloy na lang sa pag-inom

"Woah!!! Miss ikaw pala yan" muntik na akong mabilaukan sa iniinom ng marinig ang boses ng lalaking sumusunod sakin kanina

"WHAT THE H*LL" sigaw ko bigla at hinarap ang lalaking nakatayo sa likod ko handa na akong sapakin siya, pero pinigilan ako nung lalaking nasa tabi ko

"Miss, chill muna" away nito sakin

"Arghh!!! You're so annoying" inis kong Saad at kumalas sa pag kakahawak ng lalaki sa akin

"Teka, mag kakilala kayo?" Tanong nito

"Nope, but he keeps on following me" sagot ko

"I just feel like it, what's the matter of following you? Wala ka namang kasama di ba? At Wala namang magagalit" sabi nito

"That's it! Wala akong kasama, and it's more dangerous for me" tumayo ako at tinitigan siya "stop pestering and following me!" Kung hindi pa ako umalis dun ay baka hindi na ako makapag pigil at may magawa pa akong mali sa taong yun

Bumalik na lang ako sa loob ng cottage at nahiga sa kama. Nakatingala ako sa kisame at iniisip ang mga pwedeng mangyari habang narito ako sa Pilipinas hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nilalamon ng antok.

FAST FORWARD

Iminulat ko ang aking mata dahil sa lakas ng alon na naririnig ko sinamahan pa Ito ng kulog at malakas na ulan

"May bagyo ba?" Tanong ko sa sarili at dali-daling kinalkal ang bag para mag hanap ng jacket na maisusuot, nakakapag-taka Kasi maganda Naman ang panahon kanina.

Tumingin ako sa labas ng bintana at may nakita akong Isang lalaki na nakasuot ng itim na raincoat at nakatayo sa tabing dagat, tinitigan ko siyang mabuti ngunit nasa dagat ang tingin Niya kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong palutang-lutang ang isang maliit na bangka sa may kalalimang parte ng dagat at sumasabay sa galaw ng malalaking alon.

Nag tungo ako sa balkonahe at tinawag ang lalaking nakatayo sa dalampasigan

"HOY!!! IKAW ANONG GINAWA MO? MR. LUMAYO KA SA DAGAT MAPANGANIB DYAN" sigaw ko ngunit parang wala siyang naririnig, actually mas mapanganib ang kinalalagyan ng mga cottage, pero hindi ko na yun pinansin, muli kong sinulyapan ang palutang-lutang na bangka at nakita ko ang Isang tao na palinga-linga at mahigpit na nakahawak sa bangka upang hindi siya mahulog. Napalingon siya sa gawi ko ngunit hindi ko maaninag ang mukha Niya

"TULONG!!N TULONGAN MO AKO! PAPATAYIN AKO NG LALAKING YUN" sigaw ng boses babae na lulan ng bangka

"MISS, KUMAPIT KA NG MABUTI TUTULONGAN KITA" hindi Naman masyadong malayo ang bangka sa cottage kaya alam kong matutulongan ko siya. Pumasok ako sa cottage at nag hanap ng pwedeng gamitin upang matulongan ang babae, tulad ng lubid o life jacket mn lang ngunit tanging dalawang life jacket lang ang nakita ko

Kaylangan kong iligtas ang babae, hindi kakayanin ng konsensya ko na hayaan na lamang siyang malunod doon.

Buo na ang desisyon ko, sinuot ko ang ang life jacket at nag tungo sa balkonahe, tumingin ako sa tubig at huminga ng malalim, naroon parin ang lalaking nakatayo sa dalampasigan  at nakatanaw sa kaawa-awang babae

Humawak ako sa railings at lumusong sa dagat, sinikap kong lumangoy at wag matangay ng alon hanggang sa marating ko ang bangka

"MISS MAG-IINGAT KA" sigaw ng babae

Malapit na, kunti na lang mararating ko na ang bangka, naramdaman ko ang titig ng lalaki kaya napatingin ako sa lalaki na unti-unting nag tanggal ng hood at nakangising tumitig sa akin.

Hindi....

Paanong? Hindi pwede, hindi to maaari!!!

Hindi ko namalayang tumigil na ako sa pag-langoy at nanatiling nakatitig sa lalaki

"MISS MAY MALAKING ALON!!!" huling sigaw na narinig ko mula sa babae bago ako lunurin ng malaking alon, nag paikot-ikot ako sa ilalom ng karagatan tinatangay ng alon ang aking katawan hanggang sa mawalan ako ng hangin, tanging ang mukha lang ng lalaki ang nasa asking isipan.