Sebastian's POV
"Bas, na-trace na namin ang location ni Aira" agad akong napa-tayo sa narinig at patakbong lumapit sa laptop ni Kieffer
"Asan? Nasaan siya?" Natataranta kong tanong kay Kieffer
"Bro, anlayo ng pinag-dalhan Nila kay Aira" sabi ni Kieffer
"Wala akong pake kung malayo yan! Basta mailigtas ko ang babaeng mahal ko! Basta ba mapuntahan ko siya! Okay na ako, hindi yan malayo!" Sabi ko at agad na lumabas ng silid na iyon na nag sisilbing hacking room at tinungo ang garahe. Gamit ang ducati ko mabilis ko itong pina-harorot at tinungo ang lokasyon sa lumabas sa computer ni Kieffer, halos lahat ng nadadaanan ko ay kagubatan paminsan-minsan Naman ay kabahayan ngunit mangilan-ngilan lang din ang nakatira, ang Ibang bahay ay parang wala pang nakatira. Nang malapit na ako sa lugar na tinutukoy ni Kieffer ipinarada ko na ang ducati sa isang pwesto na hindi masyadong kita ng mga dumadaan saka ako nag lakad papunta sa kinaroroonan ni Aira
Baby please, wag kang mapapahamak! Hintayin mo ako
Lakad-takbo ang ginawa ko para umabot sa nag-iisang dalawang palapag na gusali dito.
Namataan ko kaagad ang dalawang bantay na palakad-lakad sa labas ng gusali, inilabas ko ang baril ko at inihanda ang sarili na mapasabak sa madugong labanan. I will save Aira no matter what!
Malapit na ako sa isang lalaking bantay habang ang isa ay malayo sa kaniya, sinamantala ko ang pagkakataon para mapatumba ang isa sa kanila
"Psst, pre" agaw ko sa atensyon nito
"Ano? Ika--" hindi Niya na natapos ang sasabihin dahil agad kong binali ang leeg niya, dahan-dahan ko siyang hinila at itinago.
Matapos masigurong hindi siya makikita, ang kasama Niya Naman ang sinunod ko, gamit ang dala-dalang dagger at sinunggaban ang lalaki saka itinarak sa kaniyang leeg ang dagger, nang hugutin ko ang dagger bumagsak Ito sa lupa at agad kong itinago ang katawan Niya
Hindi Naman naka-lock ang pintoan kaya madali akong naka-pasok, agad kong tinignan ang bawat sulok ng unang palapag at Wala namang tao room, kaya umakyat na ako sa pangalawang palapag at may isang silid lang akong nakita doon.
Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto at narinig ko na ang pag-uusap ng dalawang tao
"Pakawalan mo na lang ako dito" nag mamaka-awang Saad ng boses babae
That's Aira's voice
"NO!" biglang sigaw ng lalaki "hindi kita pakawalan hanggat hindi ka pumapayag sa gusto kong mangyari" dagdag nito
"Wala kang mapapala sakin! Hindi ko kaylan man gagawin ang gusto mo!" Sagot ni Aira
"Bakit? Ha! Dahil ba sa lalaking yun! Dahil mahal mo siga!? Dahil ako.....ganito lang ako, walang kwenta at masamang tao!" May bahid ng sakit ang tono ng pananalita ng lalaking kausap ni Aira "masamang tao din Naman siya Aira! Hindi mo siya lubos na kilala, pero bakit? Bakit ang unfair mo sakin" humina ang boses Niya sa huling sinabi at pareho silang natahimik
"Because I love him" sabi ni Aira matapos ang mahabang katahimikan "Wala akong pake kung hindi ko pa siya lubos na kilala, sasabihin Niya Naman sakin kung gusto Niya, kung handa na siya. I'm welling to wait" hikbi ni Aira "Wala akong pake kung masama siya! Kung iba ang ugali Niya, ang importanti mahal ko siya, mahal namin ang isat-isa" dagdag pa ni Aira
Kung iisipin napaka swerte ko, napaka swerte ko dahil sa kanila ng kademonyohan ko, may nag mamahal sakin! May nakakaintindi sakin, may taong handang yakapin ang kasamahan ko, may taong handa akong samahan sa dilim, and that made me think that I'm not worthy, I'm not worthy for her love.
"Papatayin ko siya!" Galit na Saad ng lalaki
"NO! hindi mo pwedeng gawin yan! Hindi mo siya pwedeng saktan!" Mas lalong umiyak si Aira dahil sa sinabi ng lalaki "please"
Walang pwedeng mag paiyak sa babaeng mahal ko! Walang pwedeng manakit sa kaniya, nag dilim ang paningin ko at nanginginig ang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa baril
WALANG PWEDENG KUMALABAN SAKIN!
Malakas na sinipa ko ang pintoan kaya bumukas Ito at tumambad sa akin ang nakataling si Aira at nakatayong lalaki sa harapan Niya, tinignan ko ang mga binti at kamay niyang nakatali at kitang-kita ko ang pamumula ng mga Ito dahil sa tali
"Sebastian...." malumanay ang pag banggit niya sa pangalan ko habang may munting ngiti sa labi, ngumiti rin ako sa kaniya ngunit agad nag laho ang ngiti na iyon ng mapabaling ako sa lalaking nasa harap Niya at nakatingin sa akin ng masama
"Sa tingin ko, kinalaban mo ang maling tao" sabi ko
"Tsk....dami mong sat-sat!" Inis nitong saad
Inihagis Niya sa sahig ang baril na hawak at hinubad ang suot na coat, ganon din ang ginawa ko, inihagis ko ang baril sa sahig at inihanda ang sarili na makipag-laban
"Sisiguradohin kong mamamatay ka sa mga kamay ko!" Sinugod Niya ako at nag paulan ng malakas na suntok na mabilis ko namang naiilagan
"Sumusobra ka na, ako Naman" sabi ko at agad sinuntok ang tigiliran Niya at bahagya pang natamaan ang rib cage Niya kaya napaigik siya sa sakit, sinamantala ko ang pagkakataon na nang hihina siya at binigyan siya ng malakas na suntok sa dib-dib
"Hindi ko hahayaang makuha mo sa akin si Aira! At lalong hindi ko hahayaang mamatay ako sa kamay mo!" Sabi ko saka sinuntok ang panga Niya, natumba siya dahil sa panghihina kaya itinigil ko na muna ang pakikipag-away at nilapitan si Aira para kalagan
"Kaylangan nating maka-alis dito, Baste. Papunta ang iba Niyang tauhan" sabi ni Aira
"Sige, pangako hindi ka na mapapahamak, poprotektahan kita!" Sabi ko saka hinalikan ang noo Niya
"BASTE!!!!" sigaw ni Aira habang nakatingin sa likod ko kasabay ng malakas na putok ay ang pag baun ng kung ano sa likod ko at ang sakit na dukot nito
"A-ai...ra..."
Aira's POV
"Baste, please lumaban ka! Please, alam ko papunta sina Kieffer at Chester dito hmm...ililigtas Nila tayo" natataranta kong Saad habang yakap-yakap siya
"U-um-malis k-ka na..." Nahihirapan siya habang binibigkas ang mga iyon
"Hindi! Hindi kita iiwan dito! Sabay tayong aalis dito" sabi ko "please, kumapit ka ha! Wag mo akong iiwan, wag mong ipipikit ang maya mo! Magagalit talaga ako sayo, hindi kita mapapatawad, please" nanlalabo na ang maya ko dahil sa luha na patuloy sa pag agos mula sa aking mga mata
Hindi Niya ako pwedeng iwan, sasagotin ko pa siya eh! May mga pangarap pa kaming dapat tuparin
Binalingan ko ang lalaking bumaril sa kaniya, after so many years, ngayon lang ulit kami nag-kita, pero bakit? Bakit ganito ang pag kikita namin? Bat ansakit?
"ANSAMA MO!!!" sigaw ko dahil sa galit at sakit, galit dahil sinaktan Niya ang lalaking mahal ko, sakit dahil hindi ko lubos-maisip na magawa Niya akong saktan ng ganito
"Aira! Sakin ka lang, sakin ka lang dapat! Hindi sa kaniya" sabi Niya "ako ang una mong nakilala! Ako ang mas nakakakilala sayo! Kahit sa malayo sinusubaybayan kita! Pero ikaw, siya" tinuro Niya si Baste gamit ang baril "siya lang ang nakikita mo! Siya lang ang mahalaga sayo! Pano Naman ako? Pano Naman akong lagi kang iniintindi" napa-iyak na rin siya
"Iniwan mo rin ako Steve, iniwan mo rin ako!" Sabi ko
We we're childhood friends, he's my best buddy, partner in crime, boy bestfriend, kuya and all, he's always there for me pero bigla na lang siyang nawala nang hindi nag papaalam
"I'm your boy bestfriend, Aira! Ako lang ang boy bestfriend mo! And I will be your boyfriend too, kung hindi umeksena ang lalaking yan!" Sabi Niya pa
"Boy bestfriend!? Bestfriend, sarap pakinggan ng salitang yan Steve!" Sabi ko "pero sinira mo ang pagkakaibigan natin" dagdag ko
"A-aira" si Sebastian
"Baste, Baste kayanin mo please. Wag mo along uwan ha" niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge
"AHHHHHH! TATAPUSIN NA KITANG HAY*P KA!" sigaw ni Steve at itinapat kay Baste ang baril
"WAG!!!" Niyakap ko si Sebastian at tinakpan siya ng katawan ko, ginawa kong panangga ang katawan ko para maprotektahan siya kaya ako ang natamaan ng bala, ako ang baril
"Aira" nanghihinang banggit ni Baste sa pangalan ko
Ngumiti lang ako sa kaniya, kasabay ng pag patak nang aking luha "mahal kita, at sinasagot na kita. You are my boyfriend now Sebastian Rei" at sa huling pagkakataon, hinalikan ko ang kaniyang labi na puno ng pagmamahal bago nag dilim ang paningin ko at pareho kaning bumagsak sa sahig
"On my next life, I would still love and choose you. You are the only man I want to spend the rest of my life with..."