Chereads / My Boy Bestfriend Is A Mafia Boss / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

Aira's POV

Hinihingal akong iwinasiwas ang espadang hawak sa mga nakakasalubong kong kaaway, bawat pag-ikot ng espada ko ay may katumbas na pag tilamsik ng dugo, dugo ng mga taong tatapusin ko sa gabing ito, sa loob ng dalawang taon, Ito ang pinag-kakaabalahan ko. Nung una nag dadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ang alok o oportunidad na Ito, pero naisip ko siya, naisip ko na sa pamamagitan nito ay mbabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil naipag-higanti ko siya sa masasamang tao, kahit hindi sila kasapi ng grupong iyon. Mula noon namatay si Baste gusto ko lang na mag higanti, makakita ng dugo! Kaya ginawa ko lahat para matutung lumaban, at sumali sa mga pribadong organisasyon

"Yan lang ba ang kaya nito?" Tanong ko sa mga nang-hihinang kaaway na naka-handusay sa harap ko dahil sa mga iniindang sakit sa katawan dahil sa mga suntok at sipang pinapakawalan ko at sa sugat na gawa ng katana ko

"Ang yabang mo! Ahhh" sigaw ng isa sa kanila "senuwerte ka lang! Kayang-kaya kitang patumbahin" dag-dag pa nito napa-irap Naman ako sa sinabi nito sama tinignan siya nang bored kong mukha

"Talaga?" Bored kong tanong "eh bakit kayo yung nakahiga ngayon? At ako nakatayo? Kulang pa nga lahat ng yun eh, hindi pa ako kontento" sagot ko

"Tanggalin mo ang maskara mo!" Sigaw ng isa pang lalaki na nanghihina na rin at halos ubos na ang dugo

"Tsk, inuutosan mo ba ako? Eh paano kung ayoko?"

"AHHHHH! DEMONYO KA!!!" galit nitong sigaw pero bigla na lang itong nangisay at nawalan ng buhay

Yan ang mapapala ng mga taong kumakalaban sakin! Napa-irap na lamang ako at saka tinignan ang Ibang kaaway na naka-handusay na ngunit may buhat parin at matalas ang mga tinging ipinupukol sa akin

"Gusto niyo rin bang sumunod sa kaniya?" Tanong ko

"Isa kang duwag" sabi ng lalaki

"At bakit Naman ako duwag?" Nakangisi kong Saad kahit hindi Nila nakikita ang mukha ko

"Kasi natatakot kang ipakita sa amin ang mukha mo!" Sagot nito

"Talaga lang ha! Dahil sa pag kaka-alam ko lahat ng taong nakakakita ng mukha ko at namamatay! Gusto niyong subokan?" Sabi ko

"Sinungaling!" Sigaw nito, nag bago agad ang ekspresyon sa mukha ko, or should I say nawala ang ekspresyon sa mukha ko, walang kahit na ano

"Sa lahat ng ayaw ko, ay yung tumatawag along sinungaling" malamig kong Saad sa kanila at isa-isa silang tinapunan ng nakamamatay na tingin, nakita ko Naman ang pag lunok Nilang lahat ngunit may tapang parin na salubongin ang mga nakamamatay kong tingin

"Ipakita mo samin ang mukha mo!" Sabi nito

"Para ano? Makita sa CCTV at may ma-i record tapos ano? Mahuhuli ako?" Sagot ko saka isa-isang tinignan ang mga naka-kabit na CCTV sa bawat sulok ng palapag na Ito

Inilabas ko ang baril ko at itinutuk sa unang CCTV na nakita ko

"Bang"

"Bang"

"Bang"

"Bang"

"Bang"

"Bang"

Pag sabay ko sa tunog ng baril. Napanganga silang lahat sa nasaksihan.

"Ngayon pwede niyo ng makita ang mukha ko" tinanggal ko ang suot na mask saka walang emosyong tumingin sa kanila, malalaki ang mga matang nakatitig sila sa mukha ko at ilang segundo pa lang ay meron ng inatake sa puso, ang isa Naman ay kinapos ng hininga habang ang iba ay nanigas hanggang sa bawian ng buhay

Alam ko namang maganda ako pero bakit ganon? Parang takot sila sa ganda ko?

Isinuot kong muli ang mask ko at nag lakad papunta sa last floor dala² ang isang galon ng gas hinanap ko ang safe ng doon at ng matagpuan kinuha ko lahat ng nasa loob saka binuhusan ng gas ang paligid pagkatapos saka sa Ibang silid pababa sa sunod na palapag hanggang sa pinaka huling palapag ng mansyon.

Nakatayo ako sa labas ng pinto habang nakatanaw sa malaki at malawak na mansyon naisip ko na sayang ang mga ari-arian ng may-ari dahil susunogin ko lang ang bahay, pero ang ari-arian na iyon ay galing sa kasamaan maya hindi na rin sayang.

Sinindihan ko ang posporo at binitawan Ito, sa oras na ito'y nahulog agad na nabuo ang spot dahil sa gas at mabilis iyong kumalat sa loob ng malaking bahay, hanggang sa carpet ng hagdanan at umakyat ang apoy sa taas

"Sayang talaga" bulong ko

Tumalikod na ako at kinuha ang cellphone saka idinial ang numero ng pinuno ng organisasyong sinalihan ko

"Done" sabi ko ng sumagot Ito

"Great job Ira, you can have your one month vacation now" sabi ng boss ko sa kabilang linya

"Thank you boss" sagot ko saka nag patuloy na sa paglalakad paalis ng mansyon

Nasa malayo na ako ng marinig ko ang pagsabog mula room marahil ay dahil iyon sa mga circuit or tank ng gas o kung ano pa man ang mayroon sa loob ng mansyon na maaaring maging sanhi ng pag sabog sa loob.

Pumasok na ako sa kotse ko at mabilis iyong pinatakbo paalis sa naturang lugar

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nag tungo sa banyo para ma ligo at mag babad sa malamig na tubig at makapag isip-isip na rin siguro kung saan ako mag babakasyon ngayong Wala naman akong gagawin dito sa US kaya naman kasing lumago ng kumapanya namin dito kahit Wala ako o sino sa pamilya namin

I miss philippines

"Yeah right philippines" tagal ko na ring hindi naka-apak sa lupa ng Pilipinas, sa lupa at sa lugar kung san ako lumaki at natutu ng mga bagay-bagay

As I finish my bath I put on my underwear only and a loose t-shirt, then I prepare my luggage, I put my clothes and important documents inside since it's just a vacation I don't have to bring lot of things, after arranging my bag I lay down on my bed and open download social media apps, I thought of opening my social media accounts since I haven't open them for 2 years.

Mag kahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko habang binubuksan ang facebook ko na sabog ang friend request, messages and notification tuloy ay dumami ang followers ko. Isa-isa kong tinignan ang messages na naroon at halos lahat ay sa mga kaklase at kaibigan ko may Iba Naman na hindi kakilala, yung iba gustong makipag-kaibigan at marami pang iba. Maingay din ang notification ko, maraming tags, mention at nag popost sa timeline ko.

Hinanap ko ang account Niya, at sa wakas nakita ko rin pero wala akong nakitang mga post about his death, his last post is our picture it was took before the incident we look so happy and in love, lots of reacts and comment about how great full they are and how much other people support our relationship. Masaya na ako, kahit Ito lang ang nakikita ko, kahit nakaraan lang okay na ako.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, hindi ko iyon pinunasan hinayaan ko lang, sanay na ako eh. Umiiyak dahil sa kaniya, dahil sa pagkawala Niya, dahil namimiss ko siya, dahil kahit anong pilit nilang ipaintindi sakin na wala na siya hindi ko parin matanggap.

"Bat ka ba Kasi sumuko?" Hikbi ko

" Bakit hindi ka lumaban? Para sakin? O kahit para sa sarili mo lang" hindi ko na napigilan na humagulhol at yumakap sa unan kahit basang-basa na ang unan ko hindi ko Ito inalintana at patuloy parin sa pag-iyak hanggang sa nakatulog ako